esoterikos


And finally let's learn more about esoterikos

1. Ano ang naging inspirasyon mo sa pagsulat ng iyong winning entry para sa Ang Lagim ng Unang Pagsinta? 

 -Ang naging inspirasyon ko sa pagsulat ay base sa aking personal na karanasan noong nasa high school pa ako. Nang bumisita ako sa isang liblib na lugar sa bayan ng Ilokos Sur dahil isinama ako ng aking kamag-aral sa kanila. Pag-uwi ko sa amin ay inaapoy na ako ng lagnat tuwing sasapit ang alas-sais ng hapon na mawawala naman kinaumagahan. Ito ay nagtagal ng higit isang linggo kaya minabuting Ipinatingin na ako sa Doktor ngunit hindi nila masabi ang dahilan ng aking lagnat. Minabuti ng tiyahin ko na ipatingin ako sa kilalang manghihilot at albularyo sa barangay naming at pinatawas. Sinasabing may nagkagustong engkato daw sa akin. Dinasalan ako ng albularyo at binigyan ng langis na aking ipapahid sa aking katawan pagsapit ng alas-sais ng hapon. Ganun din ang karanasan ng pamangkin kong lalaki noong tatlong taong gulang lang ito. Sa tapat ng bahay nila ay may isang puno ng balete na tumubo sa tabi ng poste ng kuryente. At parati rin itong nilalagnat at nagdidiliryo gabi-gabi sa di maipaliwanag na kadahilanan. Dinala sa albularyo ang pamangkin ko at binigyan siya ng "habak" na kailangan niyang isuot araw-araw at mula noon ay natigil ang kanyang lagnat. 

2. Ano ang iyong naging reaction nang malaman mo na nanalo ang iyong akda? 

 - Labis ang aking kasiyahan nang malaman kong isa ako sa mga nanalo dahil isang malaking karanalan ang mabigyan ng pagkilala ang aking akda. Gagawin ko itong inspirasyon sa pagsusulat.

3. Mayroon ka bang Wattpad Story na gusto mong ibahagi sa amin? Tell us about it! 

- Gusto kong ibahagi ang isa sa aking akda na may titulong "Interconnected". Ito ay tungkol sa pagkaka-ugnay ng bawat isa sa atin. Na ang isang taong hindi mo kilala ay maaari pa ring maka-apekto sa iyo at ang bawat desisyon o kilos mo ay maaring makaapekto sa ibang tao na hindi lubusang konektado sa iyo. Ito ay inilathala ko sa wikang ingles at ito ang kauna-unahang akda na inilathala ko sa wattpad.  https://www.wattpad.com/story/191952819-interconnected

4. Mayroon ka bang maibibigay na tips o kaya naman advice sa mga batang writers? 

- Ang maibabahagi kong tips sa mga nais magsulat ng kanilang sariling akda ay magsulat lang ng magsulat. Makakatulong ang pagkakaroon ng sariling notebook at lapis saan ka man mapadpad at mapunta. Dahil ang inspirasyon ay kadalasang manggagaling din sa paligid na iyong ginagalawan. At dito mo rin malilinang ang iyong kakayahan sa pagsulat. Bago ko nabuo ang una kong akda ay hindi ako tumigil ng pagsusulat lalo na kung may mga pangyayaring nagaganap sa kasalukuyan na sa tingin ko ay makakapagbigay inspirasyon sa iba. Ang mabigyan mo ng sarili mong tinig ang mga personal mong karanasan at maibahagi mo sa iba.

5. Ikwento mo sa amin kung gaano ka-importante ang pagsusulat sa iyo. 

- Ito ay napaka-importante sa akin dahil mula sa pagsusulat ay mabibigyan ko ng buhay ang mga pangyayaring nagaganap sa aking kapaligiran. Bawat isa sa atin ang may kanya-kanyang pamamaraan upang mag-pahayag ng ating saloobin. Sa pagsasayaw, pag-awit, pagtula, pagsulat ng kanta, pagpipinta, 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top