EMbabebyyy
Hello mga bebe! Hindi pa tapos ang pakulo ng RomancePH because we got you covered! Kilalanin natin ang writer ng Si Ice Tsing ng Cupcake ko at Rosa Magica na walang iba kundi si EMbabebyyy! Put your hands together as we discover more about her goals and dreams.
1. How did you discover Wattpad?
-I discovered Wattpad because of eBooks. No'ng 2012, may kumakalat na eBook. Nagpapasa ako sa kaklase ko at no'n ko nabasa ang She's Dating The Gangster by SGwannaB. Then I craved for more eBook so I searched kung sa'n nakakahanap ng gano'n. Until I discovered Wattpad.
2. What's the secret behind your success?
-The secret behind my success is, I'm willing to accept failures and learned from it.
I started joining writing contests way back 2014 to 2017, at talaga namang mamaw (halimaw) ang mga judge sa mga wricon noon. May mga judge na nilait nang bongga 'yong mga entry ko. And to be honest, dinamdam ko 'yong mga 'yon. Iniyakan ko pa nga, lalo na no'ng unang beses akong nakatanggap ng panlalait. Hahaha. But then I realized, kung iiyakan at dadamdamin ko lang 'yon, walang mangyayari sa pagsusulat ko. 'Di ako huhusay, walang magbabago. The next time na sasali 'ko sa wricon, lalaitin lang uli ang entry ko.
After kong umiyak, I started to think and study kung bakit nilait 'yong entry ko. Kung ano-ano 'yong mga mali at kung ano-ano 'yong mga dapat kong ayusin. I started to accept their advice and suggestions to improve my writing.
3. Sa lahat ng sinulat mo, alin sa mga iyon ang pinaka-paborito mo at bakit?
-All of my stories are my favorites. They are my babies e. Huhu. ❤ Lahat 'yon may part ng pagkatao ko. Pero kung kailangang-kailangan ko talagang mamili, pipiliin ko 'yong Rosa Magica.
Why Rosa Magica?
Ito kasi 'yong kuwentong puno ng rants ko sa buhay (buhay ko no'ng 2016). Lahat ng gusto kong sabihin noon sa Diyos at sa mga taong nakapaligid sa akin, nasa loob ng kuwentong 'to. 2016 din 'yong time na nagkaro'n ako ng bashers. 'Di ako ga'nong lumaban no'n, pero idinaan ko sa pagsusulat (ng Rosa Magica) 'yong mga gusto kong sabihin sa kanila.
Rosa Magica kasi . . . ito 'yong kuwentong masasabi kong malaking part ng buhay ko ang nakalagay. Na sinamahan ko lang ng konting fantasy. Hihi.
4. Kung maiiwan ka sa isang deserted island na isa lang ang pwedeng maksama, sino ang pipiliin mo?
-Pipiliin kong makasama 'yong taong kapareho ko ng interes, mahilig sa libro, mahilig sa Korean drama, sa pagsusulat, at sa deep conversations. Tapos magkukuwentuhan lang kami sa deserted island na 'yon. Chill lang. Para kaming wala sa deserted island kasi magkasama kami na pareho ang interes sa buhay.
5. Saan ang iyong dream destination at bakit?
-My dream destination are Palawan (Philippines) and Japan (outside of the country).
Palawan kasi gusto kong makarating do'n sa beach na may pink sand. Hahahaha! Saka feeling ko kasi ang refreshing ng mga tanawin sa Palawan, tipong makakapag-isip ako ng mga plot o 'di kaya'y makakapagmuni-muni.
And Japan kasi cherry blossom is life. Char. Hahaha. But seriously, I really want to see the cherry blossoms there. Anime feels ganern. And I also want to buy manga and eat Japanese food na niluluto sa mga anime na napapanood ko (especially Shokugeki No Soma).
6. Tell us about your first celebrity crush.
-My first celebrity crush is Enchong Dee. Ano ba masasabi ko kay Enchong? Hahaha. De, ang guwapo kasi niya. Ang hunk pa, hahahaha. Naging crush ko siya dati dahil sa palabas nilang Katorse ni Erich Gonzales.
7. Ano ang iyong mga goals para sa taong ito?
-Ang mga goal ko para sa taong ito ay . . . una, makapagtrabaho na. Two years na akong nakatambay sa bahay, charet. Not totally tambay kasi freelance editor naman ako at saka nagtu-tutor minsan, pero ayon, sana makapasok na ako sa private o public school. Pangalawa, matapos 'yong first series na isinusulat ko. At pangatlo, ma-enjoy ang buhay, lagi ko namang goal 'yon. Hahaha. May iba pa akong goals for this year pero ito na lang ang ishe-share ko rito. Baka kasi makagawa na ako ng nobela kapag inisa-isa ko pa. Hahahahaha!
8. Ikwento sa amin ang pinaka nakaka kilig na Wattpad experience mo. Ito ba ay with the first ever vote you received?
-Ang pinakanakakakilig na Wattpad experience ko ay no'ng nagkaroon ng maraming comments 'yong mga story ko. Kahit alin sa mga story ko. Actually, 'yon pa rin talaga 'yong pinakanakakakilig until now, tuwing makakabasa ako ng maraming comments na related talaga sa story ko. Not a simple "UD po, please."
9. Ibahagi sa amin at iyong mga fans ang iyong pinaka paboritong sariling akda and tell us why we should read it.
-Nahirapan ako rito kasi ang dami kong favorite Wattpad stories. Kaya 'yong madalas na lang pumasok sa isip ko ang isasagot ko.
"Sana" by Alyloony. Crush na crush ko kasi si Jaspor Yu. Charet! Hahaha. Seriously speaking, ang ganda naman talaga ng kuwento ni Jasper Yu. 'Di lang 'to dahil sa romance, pero ang pinakanagustuhan ko rito ay 'yong tungkol sa pangarap. Mare-relate kasi 'yong pangarap ni Jasper sa pagsusulat, na ang tingin ng iba ay mababaw na pangarap lang. Idagdag pa 'yong tungkol sa romance na para matanggap siya ng taong mahal niya ay babaguhin niya ang pangarap niya. Ang daming realizations na mababasa sa kuwentong 'to. Ang daming aral. Na kahit loko-loko si Jasper Yu, ang lalim pala ng pinanghuhugutan niya.
Itong "Sana" rin ang isa sa mga Wattpad story na gustong-gusto kong basahin nang paulit-ulit pero kapag nando'n na sa part na nasasaktan na si Jasper, bigla akong humihinto kasi alam kong iiyak na naman ako. Ang lakas talaga ng epekto sa akin ng kuwentong 'to.
10. Meron ka bang mensahe para sa iyong mga readers?
-Para sa mga bebe ko, hindi kayo marami, mabibilang kayo sa daliri ko sa kamay at paa pero maraming salamat! Maraming salamat sa patuloy na pagsuporta sa mga kuwento at kalokohan ko sa Wattpad. Maraming salamat kasi kahit na ilang beses na akong muntikang sumuko sa pagsusulat, kahit na ga'no katagal akong inactive sa pagsusulat, once na nag-post ako ng panibago, binabasa n'yo pa rin. Thank you. And as always, thank you for waiting! Love you, mga bebe! ❤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top