AuraRued
Let's take a seat and kick our feet up as we let AuraRued's aura radiate all over us.
1. Ano ang naging inspirasyon mo sa pagsulat ng iyong winning entry para sa Ang Lagim na Pagsinta?
- First, fan po talaga ako ng horror genre, be it books, audiodramas or movies and I love writing romantic stories. Nung nabasa ko ang invitation ng contest, I was like "Whoa! My dream genre plus romance! This is definitely worth trying!" Kaya nagsulat agad ako the moment nagkaroon ako ng free time. May fetish din ako sa 'beastiality' kaya go ako sa sigbin! Kilig much! xD
2. Ano ang iyong naging reaction nang malaman mo na nanalo ang iyong akda?
- Honestly, my lips curved a little for a smile and bit my lower lip. Iyon lang? Oo, kasi nasa harap ako ng doctor ko at may nakahigang pasyente sa harap ko! Nagpipigil lang talaga akong lumabas ng kwarto at i-announce sa dalawa kong bestfriends na nanalo ako sa unang contest na sinalihan ko! Shocks! What a reward sa pagbubukas ng 2020! Parang nawala lahat ng insecurities(sa pagsusulat) sa dibdib ko. Sumama sa kwitis ng new year! God is good!
3. Mayroon ka bang wattpad story na gusto kong ibahagi sa amin? Tell us about it!
- Yes, definitely. May story ako, malapit ko na po iyon matapos. JUDA, The Rebel Warrior ang title. It's a romance, fantasy, adventure with beastiality subgenre (sabi ko sainyo may fetish ako xD) May mature content din po. Iyon ang una kong ginawang fantasy story kaya I am wishing na sana mabigyan ako ng chance na ipromote si Juda para mas magkaroon siya ng mas maraming readers and para naman po maevaluate ko din ang pagsusulat ko sa ganoong klase. I so love his character kaya sana ma-love din siya ng mga readers. :)
4. Mayroon ka bang maibibigay na tips o kaya naman advice sa mga batang writers?
- "Quit", burahin na natin 'yan sa vocabulary. Palitan natin ng "Rest" and "Change." Hindi maiwasang makaramdam tayo ng insecurities, frustrations and disappointments lalo kapag nameet natin si "rejection". As a writer, napagdaanan ko na lahat nang 'yan, lahat yata ng writers. Kung naubusan ng maisusulat, magpahinga then magbasa para makakalap ulit ng bagong approach, then subukang iapply sa susunod mong story. Let's strive harder kasi alam ko nagsikap tayo. Push pa more and at the same time, explore. Huwag maduwag sumali ng contests o magpasa sa mga publishers, well never know, baka ang story n'yo pala ang hinahanap din nila.
5. Ano ang ibig sabihin ng "magaling na writer".
- Aside sa pagsusulat, ang isa sa kinahihibangan ko ay magbasa. Kaya masasabi ko na marami na akong na-encounter na approach in writing. Para sa akin, masasabi kong magaling ang isang writer kapag kaya niyang abutin ang puso ng reader. Elaborate? Okay.. Kapag nagawa ng isang manunulat na iparamdam sa nagbabasa ang emotions sa likod ng mga salita o eksena, kapag naramdaman ni reader na tila naging parte siya ng kwentong binabasa o naging isa sa mga karakter doon, for sure, hands down, "magaling siyang writer".
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top