AugustArcher
Nagagalak ang RomancePH (2023 version) na ibahagi sa inyo ang aming interview kasama ang isa sa mga winners ng Remembering November Love na si AugustArcher! Basahin ang kanyang interview at mas kilalanin pa siya bilang isang manunulat sa interview na ito.
1. Ano ang naging proseso mo upang makabuo ng maikling kwento sa prompt or tema na iyong napili?
Ang una kong ginawa ay gumawa ng Spotify playlist na naglalaman ng mga kantang nakapaloob sa prompt na aking napili.
Bilang fan ni Taylor Swift, pamilyar na ako sa lyrics ng mga ito at doon ako nagsimulang sumulat ng isang pangungusap na naglalaman ng summary ng kuwentong nais kong mabuo.
Pumili ako ng mga lyrics na magiging relatable at ginamit iyong inspirasyon. Habang isinusulat ang kuwento ay pinakikinggan ko ang playlist upang ma-set ang mood.
2. Ano ang paborito mong genre na isulat?
Sa kasalukuyan, ang mga kuwentong aking isinusulat ay umiikot sa Action-Romance at Romance.
3. Ano ang iyong greatest fear bilang writer?
The fear of being unable to clearly express what you want to express through your writing.
4. Ilang beses ka magsulat sa isang buwan?
Sinisikap kong magsulat araw-araw upang mahasa pa lalo ang aking kakayanan sa pagsusulat.
5. Kung may sikat na writer kang gustong makita sa personal, sino ito at bakit?
Si Bianca Sparacino, ang sumulat ng The Strength In Our Scars, dahil minsan na akong nainspire ng kaniyang mga gawa. Muli nabuhay ang aking kagustuhang magsulat dahil sa kaniya, at magaganda ang mensahe ng kaniyang akda.
6. Ano ang pinaka-challenging sa'yo bilang isang writer?
Ang pag-maintain ng consistency sa pagsusulat. May mga araw na hindi sapat ang aking lakas at enerhiya upang magsulat.
Sa mga ganitong pagkakataon ay hindi ko pinipilit ang aking sarili dahil maaaring hindi ko rin magustuhan ang kalalabasan. Mas mainam na damhin ang bawat sandali para makakonekta sa bida ng kuwentong isinusulat.
7. Paano mo bini-build ang mga character ng bawat kwentong isinusulat mo?
Ang una kong ginagawa ay sumusulat ng summary ng kuwentong nais kong mabuo at pagkatapos ay saka ko ina-identify ang mga tauhang nararapat mapabilang sa kwento. Kadalasan ay gumagawa ako ng isang google sheet na may column na naglalaman ng pangalan, palayaw, edad, physical attributes, attitude and behavior, motivation, purpose sa kuwento, at koneksyon sa iba ng bawat isang tauhan.
8. Sino ang iyong first celebrity crush?
I cannot remember who's the first since I am not really into celebrities, but I remember fancying Ryan Reynolds after watching Deadpool.
9. Coffee or tea?
Coffee.
10. Ano pa ang iyong akda na nais mong ibahagi sa amin?
Ang mga akdang nais kong ibahagi ay ang mga sumusunod.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top