archivesniayeng


Nagagalak ang RomancePH na ibahagi sa inyo ang aming interview kasama ang isa sa mga winners ng Quest for Love na si archivesniayeng  ! Basahin ang kanyang interview at mas kilalanin pa siya bilang isang manunulat sa interview na ito.

1. Ilang taon ka nang magsimula sa pagsusulat ng mga kwento? 

I was 9 years old when I started writing. Siguro dahil sa kakabasa ko ng Wattpad ('yung browser version) tapos dito na ako nagsimulang magsulat sa notespad ko po. 

2. Ano ang unang pumasok sa isip mo ng mabasa ang tema ng patimpalak na ito? Ano ang naging inspirasyon mo sa pagsusulat ng Hi, Buddy!? 

Unang pumasok sa isipan ko? When I first read the theme all I felt was excitement. Syempre, huling sali ko sa mga WattpadPH related contests noong December tapos after 6 months, nagkaroon ako ng pagkakataon na ibigay ang best shot ko para rito. 

 Actually, meron akong inspiration sa Hi, Buddy!, kaya lang hindi ko pwedeng sabihin kasi po 'yung inspiration ko po out of nowhere yan po ung plot ko sa story na po iyon.

3. Paano ang iyong naging writing process para sa kwento at patimpalak na ito? 

Writing process? Simple — iniisip ko po 'yung mga names pati po 'yung styles ng bawat pagte-text nila. Tsaka po doon sa mga dating app scenes, nag-research po ako para po maging applicable po siya sa plot, and also taking down some fillers in final draft before hitting the "Published" button.

4. Mayroon ka bang kilalang tao na naging insipirasyon para sa isa sa iyong mga karakter? Sino ito at bakit? 

Ako po? *laughs* 

 Kasi po one of my favorite characters that I made, so far... si Alexa. Syempre, matalino po siyang tao tsaka po friendly po siya sa mga kaibigan niya, pero pagdating po sa love? Well...

5. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na mabuhay sa isa sa mga kuwentong naisulat mo, alin ito at bakit?

Marami na akong naisulat na mga stories ko, so far, but out of twenty-something stories (including my upcoming works), I think ito 'yung "His Ultimate Fan." Paying tribute to my fangirl self, ito talaga ang masasabi kong tumatak na epistolary para sa'kin kasi isipin niyo, paano kung ang fanboy tsaka gamer nagtagpo ang landas, at sa Twitter pa?

Also, this story tackles about behind the scenes of being a public figure and how she addresses those issues, and this is the first time I made a Nintendo fanfic featuring those characters from various games. Even those usernames, too! 

6. Kung may nais kang lugar na puntahan, saan ito at bakit? 

Cebu! Huling punta ko sa lugar na iyon was 2017, and I enjoyed it, so far. Sana sa susunod, makabalik ako roon at makapunta ako sa mga lugar na gusto kong puntahan.

7. Coffee or tea? 

Coffee!

8. Sino ang iyong current celebrity crush? 

Sung Si Kyung! <333

9. Ano ang iyong greatest pet-peeve?

In writing? Lots of sensual scenes sa mga stories, also mga abusive characters.

10. Ano pa ang iyong goal sa pagsusulat?

Makapagsulat pa lalo at iintindihin ang schedule ko, and also, one more thing.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top