acheloisly

Nagagalak ang RomancePH na ibahagi sa inyo ang aming interview kasama ang isa sa winners ng Pag-iiibigan sa Dekada 80 na si acheloisly! Mas kilalanin pa siya at malaman ang kanyang proseso sa pagsusulat sa interview na ito.

1. Ano ang iyong inspirasyon para sa iyong winning entry na "Isinulat ng Tadhana?" 

"Noong panahon na isinusulat ko ang "Isinulat ng Tadhana" sa totoo pang ay wala akong inspirasyon. Nagandahan lang talaga ako sa prompts ng Pag-iibigan sa Dekada 80s lalo na at mahilig ako sa mga kwentong nasa 19th at 20th century ang timeline, ginamit ko lang ang pagkahilig ko sa mga kwentong nasa ganoong timeline hanggang sa nabuo na nga ang kwento ni Nina!"


2. Nais mo pa ba na ulit sumali sa mga susunod na contests? 

"Syempre naman po! Hangga't kaya ng schedule ko sulat!"


3. Ano ang iyong maipapayo para sa mga baguhang manunulat? 

"Tuloy lang sa pagsulat mga bes! Kahit na may mga taong tumututol sa ginagawa mo... ituloy mo lang! Kung alam mong tama ang ginagawa mo at may magandang idudulot ito, tuloy sa pagsulat!"


4. Ano pa ang iyong goal sa pagsusulat? 

"Ang isulat lahat ng gusto kong sabihin, dahil na rin sa pagsusulat ko nang kwento nagkaroon ako ng bagong pamilya, nakahanap rin ako ng maraming kaibigan sa lahat ng karakter na binuo ko."


5. Ano ang depinisyon mo ng Pag-ibig? 

"Para sa akin ang pag-ibig ay mataas na antas ng pagpapahalaga na walang anuman o sinoman ang makakatumbas."


6. Mayroon ka bang rules sa pagsusulat? 

"Wala naman po. Basta may tagpong nabuo sa isip ko kaagad ko itong isinusulat sa aking kwaderno."


7. Mayroon bang kilalang tao na naging insipirasyon para sa isa sa iyong mga karakter? Sino ito at bakit? 

"Wala po. Sapagkat halos lahat ng karakter na nabuo ko ay nakabase sa daloy ng kwentong isinusulat ko at nakabatay din sa sarili kong pananaw. Kung ano ang gusto kong gawin iyon ang ginagawa ng tauhan ko. Kung ano ang gusto kong sabihin, iyon ang sasabihin nila, samakatuwid, sila ang nagiging boses ko."


8. Ano ang iyong greatest fear bilang writer? 

"Ang dumating sa punto na hindi ko na kayang pakawalan ang mga tauhang binuo ko dahil napalapit na ako ng sobra sa kanila na para bang totoong tao sila na nabubuhay sa totoong mundo."


9. Ano ang iyong akda na nais mong ibahagi sa amin? 

"Marami akong akda na hindi ko pa nasisimulang isulat at may mga akda pa akong hindi tapos, kaya naman, sa ngayon aking ibinabahagi sa inyo ang kwento ni Nina. "Isinulat ng Tadhana"


10. May mensahe ka ba para sa iyong mga mambabasa?

"Maraming salamat sa pagbabasa ng aking mga akda, labis kong ikatutuwa kung kayo ay may napulot na aral sa lahat ng isinulat ko."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top