Chapter 9
Destine's P.O.V
Nagising nalang akong masakit ang noo kaya agad akong napangiwi. Ano bang nangyari? Bakit masakit ang noo ko? Nakatulog pala ako. Nilibot ko ang paningin at di ako sigurado kung akin ba ang kwartong ito. Siguro akin nga kasi natulugan ko na eh. Agad akong napatingin sa pinto nang bumukas iyun at iniluwa doon ang taong hindi ko inaasahan.
"Hala uy! Uy! Bakit ka nandito sa kwarto ko? Ay mali__why are you here? This is not your room. What are you doing here?" Angal ko sa kanya at bigla namang tumaas ang kilay niya. Aba, mataray.
"You speak tagalog" Napatigil ako sa sinabi niya ngunit agad ko rin siyang tinaasan ng kilay.
"Tapos? Bawal ba? Ikaw nga marunong kaya__" Agad akong napatakip sa bibig gamit ang mga kamay. Naku patay. Napalunok ako dahil sa hitsura niyang mapanuri. Jusko, dumulas na naman ang bibig ko. Ang tanga ko talaga.
"How did you know?" He asked with curiosity. Muli akong napalunok.
"What?" Maang kong sabi.
"That I speak tagalog" Agad akong nag iwas ng tingin. Jusko, pakiusap kunin niyo na ako now na. Pero teka, wala pa pala akong first kiss. Wala pa akong anak.
"May sinabi ba ako nun?"
"You're suspicious. Who are you?" Kalmado ngunit ramdam ko ang maawtoridad niyang presensiya.
"Destine Danehills" Agad kong tugon. Naramdaman ko ang pag-uga ng kama kaya agad akong napatingin sa kanya. Jusko, nakaupo na siya sa harapan ko. Muli akong nag iwas ng tingin.
"No, not that. What I mean is, who are you? What do you want from me? Are you my stalker?" Nagulat naman ako sa sinabi niya kaya binalingan ko siya ng tingin.
"Luh! Hindi ah! Sa ganda kong 'to stalker? Huh! Mahiya ka naman" Atungal ko. Naumid ang dila ko nang tumaas ang sulok ng labi niya. Jusko, mahabanging langit. Bakit ang sexy niyang tingnan?
"Really? I don't remember that I already encountered you" He certainly said.
"Aba, malay ko. Ulyanin ka lang siguro" Depensa ko. Napatangu-tango naman siya.
"Here, take this" May inabot naman siyang Ice pack sa akin kaya nangunot ang noo ko.
"Anong gagawin ko d'yan?" Taray kong tanong.
"You got a lump on your head after bumping into the doorway" He calmly said. Napatanga ako at sandaling natigilan. Nag-flash back naman sa akin ang lahat na nangyari kanina. Ang lahat ng katangahan ko. Just what the hell? Di ko akalain kung gaano ako katanga kanina.
Uminit ng husto ang mukha ko nang naalala ko kung paano nag-request ako ng halik. Naalala ko rin ang mga kamay niya sa dibdib ko kaya uminit na rin ang buo kong katawan.
"Oh God!" I uttered and I covered my face using my hands because of embarrassment.
"What are you doing?" He asked. Pinukulan ko siya ng masamang tingin. Agad kong inagaw ang Ice pack sa kanya at dali-daling bumaba ng kama. Naglibot ako ng tingin at nakita ko naman ang sapatos ko sa gilid ng pintuan. Dali-dali ko naman iyung kinuha. Akmang lalabas na sana ako nang nagsalita siya.
"Wait a minute. Why are you here earlier?" Para akong nabuhusan ng malamig na tubig dahil doon.
"Ah-eh" Dahan-dahan ko siyang nilingon habang nag-iisip ng palusot.
"A-akala ko kasi ito ang silid ko. Oo, tama. Nakalimutan ko kasi ang number ng room ko pero ngayon naalala ko na" Pagsisinungaling ko. Matiim naman niya akong tiningnan.
"And you directly went to the bathroom's door with your shoes?" He asked in wonder. Para namang umatras ang matres ko__este, dila pala.
"Eh kasi may narinig akong ingay ng tubig kaya ayun. Gusto ko lang naman makasigurado kung may tao ba" Palusot ko pa. Gusto ko namang ngumiti sa mga palusot ko. Ang galing ko talaga. Reyna na yata ako ng mga sinungaling.
Napatangu-tango naman siya.
"Okay" Usal niya at walang paalam naman akong lumabas. Napasandal ako sa pinto. God, nakakahiya. Napasabunot ako sa buhok at tumitiling tumakbo palayo.
Nang nahanap ko ang kwartong nakalaan sa akin agad akong pumasok. Bumungad naman sa akin ang maaliwalas at eleganteng desenyo. Lumapit ako sa queen size bed at binagsak ang sarili. Wow! Ang lambot. Nawala sa isip ko ang kahihiyan dahil sa mangha. Napatuon ako sa kisame habang ginagamot ang bukol ko gamit ang Ice pack at bigla namang nagsink sa isip ko ang mukha ni Lucas. Uminit naman ang mukha ko. Noong umulan siguro ng kagwapuhan, isang drum siguro ang nasalo niya.
Agad kong iwinaksi ang mga inisip ko at hinagis ang sapatos sa baba. Pinikit ko ang mga mata ngunit agad ding napadilat nang biglang kumulo ang tiyan ko. Napatingin ako sa telepono sa ibabaw ng drawer. Bumangon ako at lumapit doon. Nilapag ko naman ang ice pack. May nakita naman akong may kaliitang papel na may mga numero. May nakasulat naman doon na Hotel's number kaya agad ko rin iyung tinawagan.
"Bonjour bon soir C'est l'un des membres du personnel de l'hôtel. Comment puis-je vous aider?" Tanong naman ng babae sa kabilang linya gamit ang French na lenguwahe. (Hello good evening this is one of the staff of the hotel. How can I help you?) Buti nakaintindi ako ng kaunti.
"Hi good evening. Can you deliver some food for room 850? I'm hungry. Can you send me a foods for dinner?" I asked while biting my nails.
"I got it madame. Just wait for a moment. Thank you for calling" She answered and I ended the call. Ngumiti ako at muling tumihaya sa kama.
Lumipas ang ilang minuto dumating rin ang pagkain ko dala ng isang lalaki. Sabi nito maaantay lang daw siya sa labas kaya binilisan ko ang pagkain at pagkatapos tinawag ko siya para makuha niya ang pinagkainan ko.
Paglabas niya pumunta ako sa bathroom at naligo. Ginamit ko naman ang bathrobe para tuyuin ang katawan. Pagkatapos sinuot ko muli ang underwear at bra ko. Well, I don't have a choice but to wear it back. Bukas nalang ako bibili ng maisusuot ko.
PAGKABUKAS maaga akong nagising at muling isinuot ang damit ko kahapon. Nanghilamos lang ako pagkatapos lumabas. Naabutan ko naman si Lucas na kakalayo lang sa room niya.
"Lucas! Sandali!" Sigaw ko at hinabol siya. Huminto naman siya at agad nagtaas ng kilay. Hingal-hingal akong huminto sa harapan niya.
"What do you want?" He asked in disgust. Aba, may regla yata.
"Saan ka pupunta?" Tanong ko nalang at di pinansin ang pagiging suplado niya.
"None of your concern Miss" Diin niyang sabi. Naku, tingnan mo 'tong lalaking 'to. Lumabas din ang tunay na kulay.
"Sabihin mo na kasi, wag ng suplado d'yan. Daig mo pang may regla atsaka wag mo akong matawag-tawag na Miss may pangalan ako, sinabi ko na 'yun sayo kagabi kaya sige na. Sabihin mo na kung saan ka pupunta" Pangungulit ko. Tumiim ang bagang niya.
"Look. I don't know you. Let me clear you that you're out of my life, so Miss stay away from me. You're just a stranger" He seriously said and he glared at me. Napamaang naman ako.
"Destine ang pangalan ko, Destine. At grabe, ang sakit mo namang magsalita! Gusto ko lang namang sumama" Singhal ko sa kanya. Nag init ng husto ang dugo ko dahil sa kawalan ng pasensiya.
"See, that's why I don't want to tell you where I'm going" Diin niyang sabi at tinalikuran ako. Nagpalinga-linga ako at may ibang tao naman ang kakalabas lang sa mga room nila. Agad kong binalik ang atensyon kay Lucas.
"How dare you! For many years! I spent my life on you and I gave you all that I have! My soul, my heart but why you ended up like this? Why you still want a break up? How could you be so selfish!" Pagdadrama ko at naramdaman kong tumulo na ang mga luha ko. Wala sa oras naman siyang napalingon sa akin. Narinig ko naman ang mga bulung-bulungan ng iba.
Agad umarko ang kilay niya at binigyan ako ng nakamamatay na tingin. May nakita naman akong lalaking dumaan at napailing-iling pa. Mas pinag igihan ko pa ang pag arte hanggang sa nawalan siya ng pasensiya at nilapitan ako. Marahas niyang hinawakan ang siko kaya napangiwi ako.
"What the fuck are you saying woman? Stop making a scene here" Mahina ngunit may talim ang boses niya. Mas napaluha ako dahil humigpit ang pagkahawak niya.
"Ouch! You're hurting me!" Angal ko naman at piniksi ang kamay niya sa siko ko. Napakurap naman siya na parang natauhan.
"I'm sorry but please stop crying" He said. Lumambot naman ang mukha niya at bumuntong hininga. Tumango ako at pinahid ang mga luha.
"Saan ka kasi pupunta?" Sumisinghot kong tanong. Napasuklay naman siya sa buhok gamit ang mga kamay saka muli akong tiningnan.
"I'm going to Cf Toronto Eaton Centre" Sagot niya at halatang napipilitan lamang. Umaliwalas naman ang mukha ko.
"Ano 'yun? Pwede bang makabili ng mga damit doon?" Excited kong tanong.
"Yes" Tipid niyang sagot. Yes! Makakabili na rin ako ng mga damit.
"Kung ganun, tayo na!" Apura ko at hinila ko siya papuntang elevator.
"Hey brat! Let me go!" Angal niya pero hindi ko siya pinansin. Manigas siya.
We went inside the elevator and I'm still holding his arm. As if I let him go. Pinagtitinginan kami ng ibang tao sa loob at nginitian ko lang sila ng malapad.
"Stop smiling. You're like an idiot" Napatingin naman ako sa usangot na katabi ko. Nakaarko ang isa niyang kilay habang nakatingin sa akin. I just leered at him. Panira talaga ng moment.
Nakarating kami sa ibaba at agaw pansin naman kaming dalawa. Pangiti-ngiti lang ako habang hila-hila si Lucas. Napatingin ako sa counter at nakita ko ang babaeng nakausap ko kahapon. I winked at her and she giggled. Napahagikhik na rin ako.
Nakarating kami sa labas ng hotel at sumakay kami ng train. Pagkatapos sumakay kami ng taxi. Habang nasa byahe, tumitingin ako sa labas at namangha nalang ako sa ganda ng tanawin. Grabe, first time kong makakita ng maple tree. Ang ganda. Bumaba naman kami sa Two hundred twenty Yonge Street. Pumasok kami sa napakalaking gusali at umawang ang bibig ko dahil sa mangha. Wow, ang ganda dito. Maraming tao ngunit hindi pa rin sila hadlang para hindi makita kung gaano ka-elegante ang gusaling ito.
Nabalik ako sa kasalukuyan nang hinila ako ni Lucas papunta sa gumagalaw na hagdan. Teka, calculator yata ang tawag nun pero parang hindi. Ulyanin din kasi ako.
"Ano nga tawag niyan Lucas? Calculator?" Inosenteng tanong ko. Nagulat nalang ako nang napaubo siya at agad tinakpan ang bibig gamit ang likod ng palad niya. Nangunot ang noo ko.
"Oh? Napano ka?" Takang tanong ko. Tumingala siya at tumikhim. Pinigilan ba niyang matawa? Ano naman ang nakakatawa?
"Natatawa ka ba?" Naiirita kong tanong muli. Tiningnan naman niya ako.
"Me? No. I'm not" Maang niyang sabi at nag iwas ng tingin. Napatangu-tango nalang ako. Sumakay kami sa gumagalaw na hagdan at namangha nalang ako. Pakiramdam ko nakasakay ako ngayon sa tren.
"By the way. This is not calculator, it's escalator" Napatanga nalang ako sa sinabi niya. E-escalator? Hindi calculator? Sabi ko na nga ba, mali ako. Naramdaman ko ang paginit ng pisngi ko. God, nakakahiya. Wala naman kasing escalator sa mundo namin.
"Ah hehehe ganun pala 'yun. Naku, ulyanin ko talaga" Napatawa ako ng pagak at napatampal sa noo para takpan ang kahihiyan. Napailing-iling naman siya at di na nagsalita.
Namangha naman ako sa mga kalapati na lumilipad. Di ko akalain na meron palang ibon dito sa loob. Nakarating naman kami sa pamimilihan ng mga damit. Agad akong bumili kasama na mga panty at bra. Bumili rin ako ng mga bikini, dalawang sapatos, isang tsinelas at isang boots. Bumili na rin ako ng maleta para naman may masidlan ako. Si Lucas naman, suit ang binili niya palibhasa may dala siyang mga damit. Nakita ko kasing may dala siyang maleta kahapon. And I'm pretty sure na may damit ang laman nun.
Pagkatapos ng pamimili namin nagpatulong akong kargahin ang mga nabili ko. Unang-una ayaw niya sana ngunit sadyang makulit ako kaya sa huli napapayag ko rin. Nakabalik kami ng hotel at ang driver na ng taxi ang inutusan kong kumarga sa dala ko papunta sa room ko. Baka kasi bugahan na ako ng apoy sa dragon kong kasama.
Muli akong nagpahatid ng foods for breakfast nang natapos kong ayusin ang mga nabili ko. Naligo na rin ako at nagsuot ng puting V-neck shirt at ripped jeans. Nagtsinelas lang ako, total hindi naman ako lalabas. Maganda sanang gumala kaso baka mawala ako.
Naisip kong magmumukmok nalang ngunit di ko yata kakayanin 'yun. Sana'y na kasi akong may ginagawa. So I decided to go out. Napangisi ako nang nakita ko muli si Lucas na kalalabas lang pero agad ding napalunok dahil wala pala siyang damit pang-itaas. May puting tuwalya lang nakasampay sa balikat niya. Samantalang sa baba naman short. Maliligo ba siya? Saan? Palihim ko siyang sinundan at nang nakarating kami sa elevator hindi ko lang pinahalata na sinundan ko siya.
Nakasisik ako sa gilid at siya naman sa kabilang gilid. To be honest, his presence is enough to intimidate me. Kami lang kasing dalawa dito sa loob. Pasimple ko siyang sinulyapan at nahuli ko namang nakatitig ito. Agad din nag iwas nang nakatingin na ako sa kanya. Napangisi nalang ako. Well, no one could ignore my beauty. No one.
Nang bumukas ang elevator agad din siyang lumabas at pasimple rin akong sumunod. Nakarating kami sa dulo ng hotel at namangha nalang ako dahil may dalawang pool pala rito. Hindi pala, hot tub pala 'yung isa sa gilid. Kaunti lang ang taong nakikita ko at halos lahat pa lalaki. Nakita ko namang nagdive si Lucas. God, the water seems like inviting me to swim. Swim? Why not? I'm pretty sure all people here are free to enjoy the pool.
Pasimple kong iginala ang paningin. May nakita naman akong bakanteng upuan kaya agad rin akong lumapit doon. Naghubad ako at tanging pulang damit panloob lang ang naiwan. Napangisi ako sa isipan dahil lahat ng lalaki napatingin sa akin. I glanced Lucas and I saw him staring at me intensely. I gulped. Damn, he seemed like he want to eat me alive. He's like a beast ready to ravish his prey. I closed my eyes as I felt shudder to my spine. His stare aroused my dirty side for pete's sake.
Nagmulat ako ng mga mata at nagdive sa tubig. Lumangoy ako hanggang sa may nabangga ako. Napatigil ako at agad tumingin sa harapan. Nagulat nalang ako dahil ilang dangkal nalang ang layo ng mukha ko sa mukha ni Lucas. I hardly gulped. Holy molly dolly! Pakiramdam ko tinakasan ako ng kaluluwa.
Akmang lalayo ako sa kanya ngunit napasinghap ako dahil agad din niya akong niyapos at idinikit sa kanya. My eyes widened.
"W-what do you think you're doing?" I asked nervously. Nagpumilit akong lumayo ngunit sadyang malakas siya kaysa sa akin.
"Are you trying to seduce all men here?" He huskly asked. I was shocked. Trying what? The heck? Seducing is not my thing. I don't need it. Kahit simpleng galaw lang alam kong malakas na ang epekto ko sa iba. I don't need to act like a flirt.
"Me? Of course not! Can you please let me go?!" Atungal ko at nagpumilit pa ring makalayo sa kanya. Napaigtad ako nang may tumusok sa hinaharap ko. Nanlaking mga mata akong napatingin sa kanya. I gulped several times. Ang mga mata niya parang dagat na handa kang lunurin. I could see the lust and desire to his eyes.
"Did you feel it? That's the proof that you are really seducing us" Akusa niya. Agad nagkasalubong ang kilay ko. So kasali pala siyang naaakit. Wow naman, napaka honest pala ng kulukoy na 'to.
"Huy lalaki! Stop accusing me. As far as I know, I didn't do anything such unpleasant thing. We're here in pool and I'm free to wear two-piece if that what you mean. Iyang tumubo sa ano mo, wala na akong kasalanan d'yan. Aba, malay ko bang naaakit ko kayo" Taray kong sabi at inirapan siya. Umigting naman ang panga niya. Pinakawalan niya ako kaya nakahinga ako ng maluwag.
"Next time, don't wear two-piece in public even you're in pool or beach. It may harm you woman" Malamig niyang sabi at agad lumangoy palayo sa akin. Umalis siya sa tubig at kinuha niya ang tuwalya na nasa upuan saka umalis.
Naiwan naman akong nakatulala at gulong-gulo. God, he seemed like a possessive boyfriend. Baliw ba siya? Anong gusto niya iyung balut na balut kapag nagswimming? Is he nuts? Or peanut? My God, pakiramdam ko tumaas lahat ang dugo ko. Gusto ko siyang sakalin at sampalin ang katotohanan sa kanya na lahat ng tao may karapatan na suutin ang isang kasuutan sa naaayon na lugar.
Namumuro akong umalis sa pool at marahas ang mga galaw habang nagsusuot ng damit. Panira talaga ang lalaking 'yun. Nakakagigil.
Nakabalik ako sa room ko at natulog nalang dahil wala naman akong magagawa.
Nagising ako lampas sais ng hapon. Maaga akong nagdinner dahil may gusto akong gawin ngayon. Medyo hindi ako sanay sa oras ng kainan dito. Breakfast and dinner lang meron. Pero okay lang dahil masarap naman ang mga pagkain dito. Pagkatapos kong naligo nagsuot ako ng sleeveless black dress. Hapit ang katawan ko at litaw na litaw ang maputi kong balat. Sinuot ko naman ang sapatos kong itim na may three inches heels. Pinusod ko ang aking buhok at naglagay ng kunting pulbo. Naglagay rin ako ng kunting lipstick sa labi.
I stood up properly and I examined my whole body. I smirked. Dang, I'm so gorgeous. I went outside to my room with a playful smile. Wala akong nakitang ibang tao kaya tahimik ang paligid. Nakarating ako sa bar ng hotel na ito at marami-rami ring nagkakasayahang tao ang bumungad sa akin. May narinig din akong mahinang tutog. Nananabik akong maranasan ang ganito. Lumapit ako sa counter at hinarap ang bartender sabay upo sa high stool chair.
"What would you like to drink gorgeous?" He asked in french accent. I bit my lip. I don't have any idea when it comes to drink.
"Ahm I want hard" I said biting my lips. He smiled and nodded.
"I think Martini is enough to you madame" He uttered. I just nodded and I roamed my eyes. Tumigil ang paningin ko sa matipunong lalaking piloto na may kausap na tatlong lalaki. Oh men, this night will be hot as hell.
"Here's your drink madame" Napalingon ako sa barterner at kinuha ko ang inabot niyang inumin. I sat properly. I sniffed my drink. The smell of martini is spicy and kinda sweet but a little bit gross at the same time. So alcoholic. I shaked it and sipped for once. I winced.
This drink is fucking hard for me especially that I'm not into this kind of stuff. Maybe I have a low tolerance of drinks. Naramdaman kong uminit ang tiyan ko. I felt energetic. I shook my head and I sipped again. Nagsimulang nasisiyahan ako sa iniinum ko. Wow, it seemed like my blood is alive. I felt so hot. Naubos ko ang isang glass ng martini at naramdaman kong nahihilo na ako. Grabe, ang dali namang umepekto sa akin.
"Another martini please" Sabi ko sa bartender.
"You sure madame? I think you can't take it anymore" He said while looking at me observably. Ngumiti naman ako sa kanya. This guy is so cute and sweet. I love this guy already.
"You're so sweet lover boy. I like it but please give me another martini. Don't worry I can handle myself" Wala sa sarili kong sabi. Napailing-iling naman siya. He's so adorable. Napahagikgik ako. Tiningnan ko muli si Lucas sa table niya. Damn, he's so fucking good-looking. His body is really captivating and perfect. Bumaba ang tingin ko sa pants niya. I bit my lip. There's a huge cobra behind that zipper of his pants. I gulped for several times. Agad akong nag iwas ng tingin nang biglang naging invisible ang pants niya at nakita ko ang alaga niya doon. Crap! Lasing na ba ako? This is insane.
"Here's your another drink madame" Agad akong ngumiti sa bartender at mabilis kong kinuha ang pangalawang order ko. Walang pag-alinlangan akong lumagok ng alak. Napangiwi ako dahil bahagyang sumakit ang lalamunan ko. I glanced Lucas and I screwed up when his gaze diverted to me. Umarko ang kilay niya at pagkatapos pinanliitan niya ako ng mga mata. God, he was really hot to that gesture.
Sumandal siya sa upuan at pinagkrus ang mga braso niya sa dibdib. Mas lalong bumakat ang mga muscle niya sa katawan. He spread his legs while looking at me intensely. Para akong nahipnotismo sa kanya. Uminom ako habang ang mga mata nasa kanya pa rin. Inabot naman niya ang glass na may lamang alak. Uminom siya habang nakatingin pa rin sa akin at pagkatapos dinilaan niya ang gilid ng labi niya. I gulped. Mas lalong nag init ang katawan ko. I want to sit to his lap and kiss him torridly.
He smirked. Para akong nabalik sa katinuan at agad nagbawi ng tingin. Napakagat labi ako. Sana hindi niya maisip na pinagpantasyahan ko siya. God, this is wrong I should stop fantasizing my subject. Yeah, I should stop before everything will become worse.
Ininom ko ang natirang alak sa baso hanggang sa naubos. Pabagsak ko itong nilapag sa counter. Napasinok ako habang pinikit pikit ang mga mata. Naging malabo na kasi ang paningin ko. Namamanhid na rin ang buong katawan ko lalo na ang aking mukha. Wala sa sarili akong napahagikhik. Kumapal na yata ang mukha ko.
"You're drunk sweetheart and it's not safe anymore"
@Missloorh
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top