Chapter 8

Destine's P.O.V

Pikit-mata akong napaungol sa sakit ng aking puwet dahil sa pagbagsak ko. Nang nakabawi, dinilat ko ang mga mata at unang tumambad sa akin ang makintab na inodoro. Anak ng, ang malas ko nga naman. Wala bang ibang pa-welcome diyan? Inidoro pa talaga? Halos maiyak ako dahil sa kamalasan.

Napangiwi ako nang marahan akong tumayo. Shit, my butt. It hurts. Napakapit ako sa dingding para makakuha ng lakas. Nang nakatayo na ako nilibot ko ang paningin. Great, sa toilet pa talaga ako napadpad. Pero okay na rin, para makaayos man lang ako.

I faced to the mirror and I was shocked when I saw myself. Buhaghag ang buhok ko at lantad ang maputi kong cleavage kaya tinaas ko ang white tube na suot ko. Inayos ko naman ang pulang coat dahil halos mahubad ko na. Tumingin ako sa baba at nakita kong mas lalong umiksi ang pulang mini skirt ko kaya hinila ko naman pababa. I looked at my face and I combed my hair using my fingers. When I was satisfied, I took a deep breath and smiled. Ayan, mas lalo kang gumanda Destine.

Napagdesisyunan kong lumabas na ngunit agad akong napatigil dahil sa lamig ng inaapakan ko. Nagbaba ako ng tingin at nanlaki nalang ang aking mga mata. What the hell? Where are my shoes? Oh my God! Did I lost it? No, no.

Taranta akong naglibot ng tingin pero wala talaga akong nahanap. Halos maiyak ako sa frustration.

"Oh God, please not now" Mangiyak-ngiyak kong usal. Wala sa sarili akong lumabas at agad akong naglibot ng tingin. May nakita akong nakatulalang flight attendant sa unahan habang nakatingin sa akin. I didn't bother to pay attention to her because I'm busy searching my shoes. God, my shoes.

"A-ah, ma'am are you okay?" Napatingin ako sa likod at nakita ko ang flight attendant kanina. Nakalapit na pala siya, hindi ko man lang napansin. She has a brown hair and brown eyes. Obviously, she's not filipino. I bet, all passengers here are not filipino. Half filipino, meron pa. Isa na ang subject ko.

"I'm not okay" I said honestly and she gasped. Oh? What's with her? She blinked her eyes for three times.

"What's your problem ma'am? I can help you with that. I'm one of the flight attendants here and it's my responsibility to help and serve" She said. Napakagat ako ng labi. Alam ko namang flight attendant siya.

"I lost my shoes. It's a red shoes" I said. Kumunot naman ang noo at halatang nagtataka. Well, sino bang hindi magtataka? Sinong tangang nawala ang sapatos tapos nakarating na sa toilet? Hindi naman niya alam na kadadating ko lang.

"O-okay, we will find it but please ma'am go back to your seat for safety" She calmly said. I gulped for several times. What if she find out that I'm not really a passenger here? God, this is a mess.

"O-okay" Napilitan kong sabi. Alangan namang sasabihin kong walang upuan ang nakalaan sa akin, diba?

Huminga ako ng malalim saka tinalikuran siya. Nakarating ako sa cabin at agad akong naglibot ng tingin. Sa totoo lang, gusto ko ng tumalon at magpadala nalang sa hangin. Nilingon ko muli ang flight attendant na ngayon naglalakad papuntang unahan at bumalik siya na may kasamang dalawang flight attendant din. Shit, I need to find a seat.

Mabilis akong naglibot ng tingin at halos nag hugis-puso ang mga mata ko dahil may bakanteng upuan sa unahan. Dali-dali akong pumunta doon at umupo. Para akong nabunutan ng tinik. Lintek na kamalasan. Aatakihin yata ako sa puso.

Napaigtad ako nang may tumikhim sa gilid ko. Nilingon ko ito at nakita ko ang gwapong lalaki. I bet, he's Italian.

"Hi" He huskily said. Napalunok ako. Confirm, Italian nga. Iyung accent niya kasi. Damn, he's good-looking. Makapal ang kilay niya at may malamlam na mga mata na kulay itim. Matataas rin ang pilik-mata. Matangos ang ilong. Kissable lips. Umiigting ang panga. Halatang maskulado ang pangangatawan. God, heaven.

"Ah hello" Kinabahan kong bati rin dito at nag iwas ng tingin. Please pogi, wag mo akong kausapin. Kinabahan pa ako. Napanguso nalang ako. First time kong sumakay ng eroplano tapos ito pa ang nangyari.

"Excuse me ma'am, you okay? Are you feeling better?" Naagaw ang atensyon ko sa flight attendant na nasa gilid ko. Ito iyung flight attendant kanina.

"A little bit" I said and pouted. Ngumiti naman siya.

"Don't worry ma'am, we're working on it. We will bring your shoes back no matter what" She said with determination. I know she was just trying to help me na huwag masyadong mag-alala.

Tumango lang ako kaya umalis na ito. Huminga ako ng malalim at lumipas nalang ang ilang minuto wala pa ring balita sa paghahanap nila sa sapatos ko. Poor me. Ngayon alam ko na ang pakiramdam ng bida sa Cinderella na nawalan ng isang sapatos. Ang kaibahan lang sa akin, lahat nawala. Walang natira.

"Miss, you okay?" Tanong ng katabi. Agad akong napatingin sa kanya at agarang tumango. Naku, wag mo akong kausapin Mr. Hunk. Di talaga ako okay ngayon.

"Flight attendants please be seated" The flight crew announced. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Huminga ako ng malalim at sumandal.

"Ladies and gentlemen, the captain has turned on the 'fasten seat belt sign'. We are now crossing a zone of turbulence. Please return your seats and keep your seat belts fastened. Thank you" I heard voice from cabin speaker again. Fastened the seat belt? Napatingin ako sa upuan ko at nakita ko nga ang belt doon. Paano ba 'to isuot? I looked at the guy beside me and I saw how he fastened his seat belt. Great, gayahin ko nalang ang ginawa niya.

I tried to copy of what he did but I have difficulty connecting it. Napakagat ako ng labi dahil sa bigo.

"Let me" I gasped as the guy fastening my seat belt. OMG! Nakakahiya. Tinanggal pa niya ang seat belt niya para lang atupagin ako. Pero grabe, ang speed niya. I gulped when I felt his touch. Oh man!

"There" He uttered when he was done. Nahiya naman ako at ramdam ko ang pamumula ng aking mukha.

"Thank you" I said and he just smiled at me. Muli niyang kinabit ang seat belt niya. Napakapit ako sa belt nang medyo malakas umuuga ang eroplano. Jesus! Lord help me. Pumikit ako at tahimik nagdasal na sana di ako mahilo. Well, naniwala pa rin kami na may diyos talaga kahit kami ang may hawak sa kapalaran ng mga tao dahil hindi naman sila mabubuhay kung walang mas makapangyarihan ang gumawa. At alam kong siya rin ang may gawa sa akin.

After several minutes, I heard again the flight attendant announcement.

"Ladies and gentlemen, as we start our descent, please make sure your seat backs and tray tables are in their full upright position. Make sure your seat belt is securely fastened and all carry-on luggage is stowed underneath the seat in front of you or in the overhead bins. Thank you"

Huminga ako ng malalim at binaliwala ang nangyari sa paligid ngunit nanigas ako sa kinaupuan dahil sa pangalwang boses na nagsalita.

"Ladies and gentlemen, this is your captain speaking. I'm not fan of fairy tale but the tale of Cinderella suddenly sink on my mind as the red shoes hit my head. For the owner of this shoes, wait for me and I'll be your prince" Nanlaki ang mga mata ko habang ilang ulit lumunok. His husky, rough, and deep voice gave me butterflies. Napatawa naman ang iilan dahil sa sinabi niya. Kaya nanlalaki ang mata ko dahil malakas ang kutob kong akin ang sapatos na iyun. Paano 'yun nakarating doon? Humiwalay siguro nung dinala ako rito ng necklace traveller. At grabe din itong subject ko. May nalalaman pang 'I'll be your prince'. Kung di ko lang alam na may galit siya sa mga babae siguro namatay na ako sa kilig.

"Flight attendants, prepare for the landing please" Seryosong dugtong naman niya. Napaismid ako. See, ang daling magbago ng emosyon.

"Ladies and gentlemen, we have just been cleared to land at the Toronto Pearson airport. Please make sure one last time your seat belt is securely fastened. The flight attendants are currently passing around the cabin to make a final compliance check. Thank you" I heard followed announcement by a flight attendant. May nakita naman akong napadaan na mga flight attendant para macheck ang lahat at yung flight attendant kanina na kumausap sa akin papunta na ito sa gawi ko.

"Ma'am, you okay? I'm pretty sure that the shoes of yours are now on the right hands. Just wait when we arrive to our destination ma'am. As of now, all you have to do is to stay still and relax" Nakangiti niyang sabi at ngumiti naman ako saka tumango. Bahagya siyang napanganga at ngumiti muli. Nang nasigurado niyang ako at ang katabi wala ng problema umalis na siya at bumalik sa lugar nilang mga flight attendant.

Maya maya'y kinabahan ako nang naramdaman kong rumagasa pababa ang eroplano. Jesus! Please keep us safe. Mariin akong napapikit habang nakakapit sa seat belt. Pikiramdam ko parang umuusog paabante ang inuupuan ko dahil galaw ng eroplano. Idiniin ko ang sarili sa upuan para hindi ako mabuwal kung sakali.

Naramdaman kong unti-unting kumalma ang paligid kaya dahan dahan kong idinilat ang mga mata. Naramdaman kong hindi na gumalaw ang eroplano kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Thanks God" I uttered.

"This is your first time?" The guy asked me. Nilingon ko siya at tumango nalang.

The flight attendant did the last announcement after the aircraft was turned off active runaway and taxiing to the gate.

I'M STILL here in the cabin with the flight attendants. The other passengers nakalabas na. Actually, kinabahan talaga ako ngayon. God, I can't believe na makikita ko na ngayon si Lucas sa personal.

Kagat-kagat ko ang iibang labi dahil sa mga matang nakatingin sa akin. Grabe din makatingin ang mga flight attendant na 'to. Sabihin nalang nilang nagagandahan sila sa akin baka hindi pa ako kabahan.

"Ma'am where is your luggage?" Patay. Nilingon ko ang nagtanong na flight attendant habang kinokontrol ang sarili na wag magpahalata na kinabahan.

"I don't have a luggage. I only have money" Kalmadong sabi ko at laking pasalamat ko dahil nakisama ang boses ko. Napatango naman silang lahat. Well, money will do. Pasimple kong kinapa ang wallet ko sa bulsa ng aking coat. Nakampante ako dahil narito pa naman.

"Ma'am you're like a goddess"

"Hi ladies" Naagaw lahat ng atensyon nila sa lalaking nagsalita sa aking likuran samantalang ako halos bumigay na ang mga tuhod ko sa kaba. I felt nervous but excited at the same time.

"Hi captain! And to you officer!" Ngiti ngiting sabay sabi ng mga flight attendant. Narinig ko naman ang pagtikhim niya sa likod ko. God Lord Jesus christ please help me to recover. I can't move for God sake.

"So where I am suppose to give these?" I almost jumped in surprise when he asked. I gulped several times and I slowly turned around. Parang bumagal ang takbo ng mundo nang nasilayan ko ang napaka perpekto niyang mukha. Bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi malaman na dahilan.

Umawang ang bibig niya habang nakatingin sa akin at para naman akong na attempt na halikan siya. God, what is this? This is strange. Why did I feel this way? Kaya ko ba 'to naramdaman dahil crush ko siya? Dahil excited kong makita siya? Maybe yes, maybe not.

Kumurap siya kaya napakurap din ako. Jesus, mas gwapo pala siya sa personal. Nakakapang-lalag ng panty. Pasimple kong kinapa ang garter ng panty ko, baka kasi lumuwag. Napatingin ako sa hawak niyang pares na sapatos. Napalunok ako. Bakit kasi nahiwalay sa paa ko? Hindi naman 'yan maluwag.

"Ahm Lucas, can I have my shoes?" I asked in hesitation. Biglang nalang nagkasalubong ang makakapal niyang kilay at huli na nang narealize kong tinawag ko siya sa pangalan. Shit, bakit ko nakalimutang ako lang pala ang nakakilala sa kanya. Ano ba naman! Ang tanga ko talaga.

"How did you know my name miss?" He asked seriously. I gulped for a moment. God, what I am going to do? Sandali akong nag-iisip.

"I-I just heard it a while ago. There are some passengers mentioned your name. One of them introduced you to others" Pagsinungaling ko. Napatangu-tango siya pero halata pa ring hindi kumbinsido. Naconscious naman ako sa sarili nang tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

Kitang kita ko ang pagtaas baba ng adam's apple niya. Oh man, hinubaran na yata ako nito sa isip.

"So this shoes are yours?" He asked while looking at me intensely. Wala sa sarili akong napatango.

"Will you explain to me how it happened? Miss?" His voice was calmed but deep at the same time. Napalunok ako dahil sa mapanuri niyang tingin. Napatitig siya sa cleavage ko kaya pasimple kong inayos ang aking coat para medyo matakpan. Ano ba namang lalaki 'to? Diba ayaw nito sa mga babae? Bakit nag-iba ang ihip ng hangin?

Kanina binati niya ang mga flight attendant tapos ngayon kung makatingin wagas.

"I don't know actually" I answered honestly. Mas lalong lumukot ang perpekto niyang mukha. Para akong nawalan ng hininga nang nawalan ng emosyon ang mga mata niya at napakalamig nitong tignan. What happened? Did I say something wrong to get him mad? Bilis talagang magbago ng emosyon. Kanina lang maaliwalas ang mukha niya pero ngayon dumilim nalang bigla.

"I hate liar, you better answer me honestly sweetheart. Did you do that for purpose?" He asked in a deep voice as he crossed over and he reached my hair. Pigil hinga ako nang inamoy niya iyun at ipinikit niya ang mga mata. Crap, what the hell he is doing? Buti nakaligo ako kanina. But shit, did he just call me sweetheart? Or I am just hallucinating?

Ilang dipa nalang ang agwat namin kaya ramdam ko ang init ng katawan niya. Amoy na amoy ko rin ang nakakabaliw niyang amoy. So manly. Nakakaadik.

"Ahem! Captain, sorry to interrupt but we should leave now" Natauhan ako sa nagsalita at agad akong lumayo kay Lucas. Nakita ko naman ang isa pang piloto na ngayon nakakamot sa batok. Gwapo rin ito. May half siya. Half chinese yata.

Napaigtad nalang ako nang may naramdaman akong mainit na kamay sa aking paa at parang may kuryenteng rumagasa sa kalamnan ko galing doon. Agad akong nagbaba ng tingin at napanganga nalang sa nasaksihan. So pinanindigan niya talaga ang pagiging prinsepe?

Napakagat ako ng labi nang naisuot niya sa akin ang isang pares ng sapatos at sinunod naman niya ang isa. Parang nanayo ang balahibo ko nang sinadya niyang ipaglandas ang kamay niya sa binti ko bago tumayo. Isang simpleng haplos lamang 'yun at saglit lang pero bakit ang laki ng epekto sa akin? My God, this is not right.

"Let's go" He seriously said at halos magkadikit ang mga katawan namin nang dumaan siya sa gilid ko. Para akong nabunutan ng tinik. Ngumiti naman ang copilot sa akin at saka ako nilampasan.

"After you ma'am Aphrodite" One of flight attendant said and they made a way for me. Nangunot ang noo ko sa tinawag niya sa akin.

"Call me Destine" I said. Ngumiti sila at tumango. Napailing-iling ako saka naglakad na rin palabas ng eroplano.

Paglabas ko hangin ang sumalubong sa akin at hinayaan kong tangayin ang buhok ko. Natanaw ko sa unahan si Lucas kasama ang copilot niya kaya dali dali akong bumaba ng hagdan at pasimpleng sumunod sa kanila.

PAGOD akong huminto sa malaking building. This building still part of the airport. Kahit hindi malayo ang nilakad ko para masundan lang si Lucas pagod pa rin ako. I don't know why. Pero grabe ang ganda pala dito. Nakita ko namang pumasok si Lucas kaya dali-dali akong sumunod. Napanganga nalang ako sa ganda ng hotel na ito. Ang laki. Wala sa sarili akong naglakad at sumakay sa hagdan na gumagalaw habang namamangha pa rin sa paligid.

Si Lucas.

Agad akong naglibot ng tingin nang nakarating ako sa entrance ng hotel at di pinapansin ang mga taong nakatingin sa akin. Nakita ko naman si Lucas sa may counter habang kausap ang babae. Ang kasama naman niya nauna sa kanya. Dahan dahan akong lumapit sa kinaroroonan niya. Nang nakaalis na siya dali-dali akong lumapit sa counter. Ngumiti naman ng matamis ang babae.

"Bonjour madame. Welcome to Sheraton Hotel. If you like to check in, since you're just alone we would like to offer you a one room for one person. You won't regret for choosing our hotel. You just need to__" Di na ako nakatiis pinutol ko ang sasabihin niya. Gusto ko na talagang matulog.

"Do you know Lucas Fellan? He just here a while ago. May I know what number of his room?" I asked. Ngumiti siya at hinarap ang computer na kaharap niya.

"Are you his girlfriend madame?" She asked curiously. Napanganga ako sa sinabi. Grabe din ang imahinasyon ng babaeng 'to. Girlfriend agad? Di ba pwedeng friend or kakilala lang? Teka lang, ano ba isasagot ko? Girlfriend? Pwede din naman siguro. Gusto ko namang humagikhik sa naisip ko.

"Ah yes, I'm his girlfriend and I'm secretly following him. I just want to confirm something. You know, secret affair is really common in relationship. Just do me a favor, don't tell him that I'm here. It's a secret. Please?" Pagsisinungaling ko at umarteng nalulungkot. Napasinghap naman siya at di makapaniwala. Naku, grabe 'to makareact daig pa ako na umakting sa harapan niya.

"God, you're so beautiful that's why it's hard to believe he will still do that to you madame"

"Well, no one knows. We can't predict the mind of a person and when it comes to love we can't dictate them especially you're not good enough for him_for her even though you're almost perfect. Endless love or true love not all occurs in your first relationship, second, third blah blah blah. Sad to say but we can't predict if we are the last nor the right person" Makahulugan kong sabi. Lumungkot naman ang ekspresyon niya. Grabe, saan ko kaya galing ang ideyang 'yun. Lalim naman yata ng pinaghugutan ko.

"I feel you madame. Don't worry I won't tell him that you're here" She said and she smiled.

"By the way, his room is 848" She continued. Napangiti ako ng malawak.

"Is there's a vacant room near to his room?" I asked.

"Wait a minute. Let me check it madame" Hinarap niya muli ang computer at maya maya'y ngumiti siya ng malapad.

"It's room 850 madame. Eight floor. Do you want to take it?" Agad akong tumango. Thanks God, makakapagpahinga na rin ako.

Nang nabigyan na ako ng susi agad akong nagtungo sa elevator. Well, the hotel's lobby area is pretty nice. As I went to the eight floor I roamed my eyes to scan the corridor. I saw many doors and the number of each room. Upon exiting the elevator I turned left and walked down the hallway. Patingin-tingin sa mga number ng mga pinto. Napahinto ako sa number 848.

Gotcha!

Tumikhim ako at dahan-dahan kong idinikit ang tenga sa pinto. Tinalasan ko ang pandinig ngunit wala akong narinig. Mas idiniin ko pa ang sarili sa pinto at napasinghap nalang ako nang bumukas ito ng kaunti. Bakit hindi lock? Napalunok ako at dahan-dahang sumilip. Nangunot ang noo ko dahil walang Lucas ang nakikita ko. Where the fuck he is?

Kagat-labi akong maingat pumasok at dahan-dahan kong hinubad ang sapatos ko para hindi makagawa ng ingay. Ang ganda naman dito. Saan kaya ang lalaking 'yun? Napatingin ako sa isa pang pinto at dahan-dahan akong lumapit doon. Dinikit ko naman ang tenga para malaman kong may tao ba sa loob. Bathroom yata 'to. Nangunot ang noo ko dahil may narinig akong rumagasang tubig ngunit agad din iyong nawala. Teka, bakit nawala? Mas diniin ko pa ang tenga ko sa pinto para makumpirma kung wala na ba talaga ang ingay ng tubig. Wala talaga.

Napasinghap nalang ako sa gulat nang biglang may nagbukas ng pinto at bumulagta sa akin si Lucas na bagong ligo. Nanlaki rin ang mga mata niya sa gulat. Dahil sa pagkadiin ko sa sarili kanina sa pinto agad akong nawalan ng balanse at agad naman niya akong nasalo ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana nawalan rin siya ng balanse. Mas lalong nanlaki ang mga mata namin at napatili nalang ako.

Pagbagsak namin agad akong napapikit. God, bakit nangyari 'to? Bakit lahat nalang ng kamalasan nakasunod sa akin? Napalunok ako nang tumahimik ang paligid. Kumabog ang dibdib ko. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata at napanganga nalang ako dahil sa isang anghel na nasa aking harapan. I gulped.

"Am I dead? Nasa heaven na ba ako? Ikaw ba ang angel ko?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya. Kumunot naman ang noo niya ngunit bahagya nanlaki ang mga mata pagkatapos. Luh, bakit hindi nagsasalita 'to? May pipi bang anghel? Sa pagkakaalam ko ang mga anghel ay perpekto. Kapag may kapansanan ka at napunta ka sa langit hindi ka na raw disable doon.

"Huy! Pipi ka ba? Sayang gwapo ka pa naman. Kamukha mo 'yung subject ko. Siguro kambal ka niya. Pero wala naman silang sinabi na may kambal 'yun" Wala sa sarili kong wika. Umawang ang bibig niya kaya napatitig ako doon. Napalunok ako dahil parang nang-aakit iyung halikan.

"D-di naman siguro magagalit si Papa God o si San pedro kung halikan kita 'no? Isang beses lang naman" Sabi ko pa ang ngumiti. Nakita ko naman ang pagtaas baba ng adam's apple niya. OMG! Ito na ba ang first kiss ko? Sorry Lord halikan ko lang naman ang angel mo, isa lang.

Napalabi ako at dahan-dahan kong nilapit ang mukha ko sa kanya. Ramdam ko ang tambol ng aking dibdib. Naramdaman ko namang unti-unti akong bumaba. Napasinghap ako at nanlaki ang aking mga mata nang may pumisil si dibdib ko. Agad akong napatingin doon at nakita ko ang nakasapong mga kamay sa aking dibdib na tanging nakasuporta sa akin. Natauhan ako at bumalik sa matinong pag-iisip. Agad akong napatingin sa mukha ng kaharap ko at wala sa oras akong napatili.

"Kyaaaaahhhhhh! Manyak! Manyak!" Tili ko at pinalo ko ang dibdib niya ngunit tumalbog lang ang kamay ko dahil napakatigas nun.

"Shit, my ears" Di ko pinansin ang reklamo niya dahil wala akong tigil sa pagtili. Mabilis akong bumangon at kakaripas na sana sa pagtakbo ngunit naramdaman kong kumirot ang noo ko. Muli akong bumagsak at naaninag ko ang nakaharang na pinto. Nanlabo ang aking paningin hanggang sa dumilim ng tuluyan.

@Missloorh

Sweetheart I need motivation, thank you.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top