Chapter 7

Destine's P.O.V

Sa mga lumipas na araw nakiusap ang Mommy ni Lucas na umuwi sa pinas kasama siya dahil birthday ng kuya niya sa susunod na araw. Kahit ayaw niya wala siyang nagawa dahil ito na mismo ang gumawa ng paraan para makapagleave siya ng mga ilang araw sa trabaho. Well, masaya ako dahil may rason na rin para umuwi siya ng pinas.

Sa pag-uwi niya gagawa ako ng paraan para magkita sila muli ni Mickey. Habang nagdadrive siya sa sasakyan niya. Agad akong nagsulat sa libro ko na aksidente niyang maapakan ang preno at nangyari nga iyun. Good thing ang mga simpleng sinulat ko sa libro ay nangyayari pa din.

Sorry Lucas ito lang talaga ang naisip ko since doctor si Mickey.

Nakita ko kung paano tumama ang ulo niya sa manibela at napapikit siya dahil doon. Napakagat ako ng labi. Actually, I felt nervous.

Unti-unti siyang nag-angat ng tingin habang nakahawak sa ulo. Ipiniling niya ang ulo at kumurap. I know he's dizzy right now. Shit, it was my fault. Please go to the hospital Lucas. Siguro naman may bukol o pasa siyang natamo.

Agad siyang napalingon sa gilid at nanlaki ang mga mata. Napasinghap ako nang biglang may malaking truck ang bumangga sa uluhan ng sasakyan niya. Nanlaki ang mga mata ko dahil tumagilid ang sasakyan at kitang kita ko kung paano tumama ng malakas ang ulo niya sa bintana. Parang tumigil ang mundo ko. I was shocked. I'm not aware na nasa crossing road pala siya. Napakabilis yatang dumating ang karma ko dahil huling gumana ang airbag ng sasakyan.

There are some people approached to his car while he was inside and unconscious. When they saw Lucas's condition they immediately brought him to the nearest hospital. I was fidgeted and I felt regret of what I did. It was my fault after all. I almost cry back then. I'm so scared that he might get serious injury but luckily he wasn't. The doctor is Mickey. His ex-fiance. Klaro na rin ang umbok ng tyan nito. And yes, it was the reason why I suddenly did my move earlier because the nerby hospital where she works from.

Nagkamalay si Lucas makalipas ang isang araw at sinisisi ko pa rin ang sarili. Wala sa plano ko ang humantong siya sa ganun. He might die if the truck hit his whole car. Kahit stable na ang lagay niya he still need to stay in hospital for good. Madalas siyang dinalaw ni Mickey para tingnan ang lagay niya at para naman siyang yelo kung sumagot sa mga tanong nito. I'm so tired and I can't even think carefully.

Lumipas ang isang araw makakalabas na rin siya ng hospital. Mickey standing at the back of him while he's having conversation to his copilot in phone call. After a few minutes conversation he was supposed to go out but Mickey spoke. I'm using my magic earpiece since earlier so that I can hear their conversation.

"Lucas can we talk?" Mickey asked with a low tone of voice. Napakagat ako ng labi. Sana ito ang simula ng sinulat ko.

"As far as I know, I'm already discharged and I already paid the bill too so I won't waste my time here. Sorry but I'm busy Doctor" He said coldy at nilampasan niya lang ito. Napatanga naman ako. Great, my subject is too cold-hearted. Nasayang lang ang lahat.

Umuwi siya sa bahay at agad naman siyang sinalubong ng Mommy niya. Tonight there's a grand party will be held for his brother's birthday that's why there are some people and maids wandering around and busy preparing the needed.

Dumating ang gabi at agad dumami ang mga bisita na nakasuot ng mga magarang kasuutan. While my subject, he's wearing glamorous white tuxedo. His alluring figure never failed to catch the attentions of every woman around. I gulped. Shit, bakit ang init? Kahit nakatayo lang siya habang pasimpleng nakikipag-usap sa mga bisita, ang lakas pa rin ng karisma niya.

Napapaypay ako sa sarili gamit ang kamay but I was stunned when I saw the gorgeous pregnant woman who had just entered the grand entrance wearing her glittering red gown. Shinning, shimmering, splendid. It's off-shoulder and there's a slit where her long leg exposed. She looks hot and fascinating even though her stomach is not flat. Napatingin din si Lucas sa kanya. God, I never expect that she was invited.

Nagsimula ang party at may banda na nagpatugtog sa harap. May iba napasayaw sa mga partner nila samantalang ang iba naman mas pinili ang kumain. Lucas is just sitting to his chair while sipping his champagne. There are some women approached him just to have a dance but he always declined. After a few moments he decided to go to washroom. He was headed to the washroom hallway's for men but there was a woman suddenly bumped him. He quickly snaked his arm to her back while his right hand to her waist, just to avoid accidents that may happen especially when she's pregnant. And yes, it's Mickey. I felt tingle when their eyes met. OMG! Ito na.

"Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig, sana'y pagbigyan ang aking dinadasal" I can't stop myself but to sing and giggled. Well, don't mind the last line. Silly me. I revised it.

Napakurap si Mickey habang siya naman nakakunot ang noo. Dali-dali siyang tumayo ng maayos at agad naman siyang inalalayan ni Lucas. I immediately wore my magic earpiece.

"Thank you" Mahinang sabi ni Mickey at iniyuko ang ulo. Tumiin ang bagang ni Lucas.

"You shouldn't be here. Stop attending parties especially when you're pregnant. You're a doctor and you must know that" Walang ka-emosyon niyang sabi dito. Nagtaas ng tingin si Mickey at kitang kita ko kung gaano ito nasaktan sa sinabi niya. Napailing-iling nalang ako. Aminin nalang sana niyang nag-alala siya dito, dinadaan pa sa kasungitan. Para lang siyang nagpaalis ng aso.

Akmang aalis na sana si Lucas ngunit agad hinawakan ni Mickey ang kamay niya na nakapag patigil sa kanya. Nabuhayan ang dugo ko.

"I'm sorry" Mahinang sabi nito at tama lang para marinig ni Lucas. Nagkasalubong ang kilay niya.

"Sorry for?" He asked as he diverted his gaze to their hands. Agad namang napabitaw si Mickey.

"S-sorry for everything"

"Look, I don't have time for drama. If you don't have anything to say aside from that, I gotta go" He uttered and he started to walk away. Umasim ng husto ang mukha ko. Inuubos talaga ng lalaking 'to ang pasensya ko. Ang arte, daig pa ang babaeng pakipot, bwiset.

The party was over at di na sila nabigyan ng pagkakataon na magkausap muli. Di ko na rin nakita si Mickey simula nu'ng nagkabanggaan sila. Siguro umalis na. Sinong tanga ang manatili kahit pinaalis na? Di din naman makapal ang mukha niya. Di kagaya ng iba na kahit itinaboy na, pinipilit pa rin ang sarili. Parang sardinas lang, siksikan.

Ikaw, isa ka rin sa sardinas eh. Pinipilit mo ang isang bagay para maitupad. Napaismid naman ako sa sabat ng sarili kong pag-iisip. At least, malaki ang maiaambag ko kung sakali. Atsaka, hindi naman ito para sa sarili ko kundi sa kanya.

Napabuntong-hininga ako at nagdesisyong umuwi na kasama ni Daphnie. Sana bukas, may magandang mangyari.

Pagkabukas pakiramdam ko dininig ang panalangin ko dahil bigla nalang akong pinuntahan ng isa sa mga konseho sa palasyo. Sabi pa niya, wag ko daw sabihin sa iba na isa siyang konseho kaya sinunod ko naman. Isa siyang lalaki at magkasing edad lang sila ni Itay. Pinasuot niya ako ng isang cloak para itago ang mukha ko. Iwan ko kung bakit. Siguro ayaw lang nila na ipakita sa lahat na may papasok na hindi nagtatrabaho sa palasyo.

Nakarating kami ng palasyo at laking taka ko hindi kami dumaan sa tarangkahan kundi sa likuran na may maliit na pinto. Parang sikretong pinto iyun dahil hindi mo agad makikita kapag mapapadaan ka. Natatabunan kasi ng mga bulaklak na kumakapit sa pader.

We secretly entered the palace and we're heading to the holy room. Pakiramdam ko para akong nasa isang misyon. I felt excitement but nervous at the same time. Good thing, walang bantay. Well, di sila nagpapasok ng mga gwardya dito sa loob tanging mga konseho at serbidora lamang. Nananatiling sa labas lang ang mga gwardya. Hindi sa labas talaga ng pader. Nasa loob pa rin sila ng palasyo.

Ligtas kaming nakapasok saka ko malayang inalis ang nakatalukbong sa aking ulo. Napabuga ako ng mabigat na hininga. God, that was intense. Naglibot ako ng tingin at namangha nalang ako sa nakikita.

"Wow! This is fantastic" I uttered because of amusement. There are a lot of books around but there's one book really caught my attention. Bright shimmering splendid. Nakalutang ito sa ibabaw ng lamesang bato.

Yumukod ang konseho kaya dali-dali ko rin siyang ginaya. It's an honor to see the magical book. Parang nagdiwang ang puso ko dahil sa wakas nasa harapan ko na ang mahiwagang libro. Sinong mag-aakala na sa dami-daming manunulat ako pa ang nabigyan ng pagkakataon na makarating dito? This is unexpected.

"My lord, nandito na ang inyong pinag-utos sa akin" Kalmadong sabi ng konseho.

"Magaling, hindi nga ako nagkamali sa pagpili sayo Abrah" Napasinghap ako dahil sa lamig at kalmadong boses galing sa libro. God, I felt something strange. It seems like, my heart is aching but why? Napasapo ako sa dibdib. This is wierd.

"It's an honor to serve you My lord" Sagot naman nito at tumayo ng tuwid kaya tumayo rin ako.

"Destine, alam mo ba kung bakit ka nandito?" Tanong ni Lord na nakapagpakaba sa akin. Is it possible that he know my problem? Shit, sana hindi.

"Sorry but I don't have any idea My lord" I answered and I lowered my head.

"Kung ganun, sasabihin ko sa'yo. Nandito ka upang mabigyan ng solusyon ang problema mo" I gasped and my eyes widened as I raised my head. Crap, this can't be.

"H-how did y-you k-know My lord?" I gripped my cloak tightly when my voice stuttered.

"Dahil may kakayahan ako. Alam ko ang lahat na nangyayari sa paligid dahil iyun ang tungkulin ko bilang isang nakakataas sa inyo. Hindi niyo man ako nakikita pero nakikita ko kayo" He said. I screwed up. God, I'm being stupid again. Why I forgot that? He's not our Lord for nothing. Alam nga niya pangalan ko.

"P-patawad My lord" I sincerely said and I composed myself to relax.

"Alam ko kung gaano ka naghirap upang magampanan ang tungkulin mo bilang isang manunulat kaya andito ako sa harapan mo para tumulong. And please, stop blaming yourself. Your mistake is not enough to call yourself stupid Destine. Probably, this is just a part of your mission. Every mission there's an obstruction. Walang misyon ang hindi mahirap, walang misyon kapag walang problema. Remember that. " Napayuko ako sa sinabi niya at marahang tumango.

"Abrah, give her the Necklace traveller" Napatingin ako kay konsehong Abrah. May dinukot siyang bagay sa bulsa niya at isa iyung kwentas na may bituing nakalawit. Necklace traveller?

Agad ko namang tinanggap ang kwentas nang inilahad niya ito sa akin.

"P-para saan ito?" I murmured.

"Ang kwintas na iyan ang makatulong sayo upang pumunta sa lugar na gusto mo Destine" My jaw dropped. As in? I can travel around the world? God, this is a gift.

"B-bakit mo ito binigay sa akin My lord?" I asked.

"Dahil kaylangan mo 'yan. Tandaan mo, may limitasyon ang kwintas na iyan. Apat na beses mo lang 'yan magagamit kaya wag mo itong sayangin. Hawakan mo lang ang kwintas at humiling ka kung saan mo gustong pumunta" Napalunok ako sa sinabi niya. May limitasyon din pala. Paano kung maubusan ako? Hindi, hindi ko hahayaan iyun. I need to think wisely.

"Maraming salamat My lord. Malaking tulong ito para sa akin. Maraming salamat" Taos-puso kong sabi.

Pagkatapos ng usapan na iyun agad rin akong hinatid ni konseho Abrah papuntang labas at nag-iisa nalang akong umuwi dala ang kwintas. Malaking tulong ito sa akin. God, I can't wait to see him in person. Wait for me Lucas, I'll do everything para magkasundo kayo muli ni Mickey. I will be the best cupid ever. I giggled.

Kinausap ko si Itay sa naging desisyon ko. My decision is to travel to another dimension because I need too. At first he disagreed but I intensively explained to him that I really need to go there. Near him. Sinabi ko rin ang problema ko kaya sa huli napa-oo ko siya. So now, all I need to do is meet my friends dahil baka matagka sila na makita nila ako sa kabilang dimensyon.

Kompleto kaming lahat dito sa loob ng restaurant. Si Daphnie, Verjel, Demi, the Mr. and Mrs. Quevas, Ralp, Alfonso at Summer. Alam kong mapagkatiwalaan ko sila.

"Guys alam niyo naman siguro ang problema ko, diba?" Tanong ko sa kanila at kunot-noo naman silang tumango. Silang Summer bago lang nila nalaman ang problema ko.

"For many years hindi ko pa rin masulusyonan ang problema ko kaya kaylangan ko na sigurong lumapit. And yes, I want to go to another dimension. I have my way to do it and I hope I have your support" Nagulat naman sila sa pahayag ko. Napakagat ako ng labi.

"Are you sure Destine? Are you that willing to take a risk? There are many ways to solve your problem, we just need to be patient" Ramdam ko ang pagkadisgusto ni Verjel sa desisyon ko. I sighed.

"Yes, I'm willing and I'm complacent because I know that I can have your help if there's something bad happen to me. And sorry, I can't no longer wait for another years. Time is kicking, my subject is not a teenager anymore. Tatatanda na siya" Desidido kong sabi. Napatango naman ang iba.

"Ano ang gusto mong gawin namin Destine para makatulong?" Mahinhin tanong ni Mrs. Quevas.

"Ang gusto ko lang na ilihim niyo ang pag-alis ko at kaylangan ko rin ang suporta ninyo. Kung magtatanong si Head sana makahanap kayo ng palusot para hindi niya malaman kung nasaan ako. Babalik naman ako eh, gusto ko lang matapos ang problema ko. Sana maaasahan ko kayo" Mababang sabi ko. Napatingin ako kay Daphnie nang narinig ko ang singhot niya.

"Daph? Are you crying?" Nag-alalang tanong ko. Agad siyang umiling-iling.

"Wala 'to. Mami-miss lang kita, maaasahan mo ang suporta naming lahat basta mag-ingat ka lang doon ah. Wag mong pabayaan ang sarili mo. Kami ang bahala dito kung wala ka" Emosyonal niyang sabi. Napangiti naman ako doon.

"Thank you" Taos-puso kong pasalamat.

"Maaasahan mo kami Destine, basta mag-ingat ka lang doon" Kalmadong sabi ni Mr. Quevas. Tumango lang silang Summer at napatingin naman ako kay Verjel. Napabuntong-hininga ito.

"Okay, you have my support" He said. Mas lalo naman akong napangiti.

"So tuloy pa rin ba ang kasunduan natin Destine?" Tanong ni Demi at tumangu-tango naman ako.

"Of course, pupunta ako doon para maging cupid nila. I will be the best cupid of the year!" I proudly said as I clapped my hands. Napatawa naman sila sa inakto ko.

"Destine for win!" Singit naman nilang Summer kaya napatawa nalang kaming lahat. Pagkatapos sa naging usapan namin nagdesisyon kaming bumalik na sa trabaho.

Papasok na sana ako ng building nang hinawakan ni Verjel ang pulsuhan ko. Napatingin ako sa kanya. Nababasa ko sa kanyang mga mata na may gusto siyang sabihin.

"A-ahm Daph, una na muna kayo" Sabi ko sa kanila at sumunod naman sila. Hinarap ko muli si Verjel.

"May sasabihin ka?" Tanong ko. Napasinghap ako nang dinakma niya ako ng yakap.

"I will miss you. Please don't fall for him. Promise me" Nagulat naman ako sa sinabi niya. Napatawa ako nang nakabawi at kumalas sa yakap niya.

"Hahahahaha ano ka ba? Hindi paglalandi ang pupuntahan ko kundi misyon atsaka sariwa sa isipan ko ang golden rule natin" Pag-iintindi ko sa kanya. Para naman siyang nabunutan ng tinik at nakahinga ng maluwag saka ngumiti.

"Good to hear then" He said and hugged me again. Napakunot naman ang noo ko.

"Are you taking advantage of me Verjel? Pangalawang yakap mo na 'to" Atungal ko. He chuckled sexily.

"Silly, I'm not. I just want to hug para may pabaon ka naman at para hindi mo ako makalimutan. I'll wait for your back and I won't let you go anymore" He seriously said and he kissed my forehead. Napalunok naman ako sa inakto niya. Mahigpit niya akong niyakap sa huling pagkakataon saka kami nagpaalam sa isa't isa.

Natapos ang araw at nagkaroon kami ng dinner ni Daphnie sa restaurant para namnamin ang pagkakataon na magkasama kami. Pagkatapos ng dinner namin nagpa-alam na kami sa isa't isa at binigyan niya ako ng mahigpit na yakap.

Paguwi ko si bahay nadatnan ko si papa sa sofa habang uminom ng gatas niya.

"Good evening Itay" Bati ko sa kanya at humalik sa kanyang pisngi.

"Anak, kaylangan mo ba talagang umalis?" Tanong niya. Napabuntong-hininga ako at tumabi sa kanya.

"Kaylangan Itay" Mahinang sabi ko. Napabuntong-hininga din siya. Alam kong mahirap sa kanya ang desisyon ko pero buo na ang pasya ko.

"Kailan ka aalis?"

"Bukas Itay at papasok pa ako ng trabaho para malaman ko kung saan ang subject ko bukas" Sagot ko naman. Kinabig naman niya ako at niyakap patagilid.

"Mag-iingat ka doon Anak. Maghihintay kami sa pagbabalik mo basta siguraduhin mong makabalik ka. Mahal na mahal kita Anak at lagi ako nakasuporta sa mga desisyon mo" Malambing niya sabi at di ko napigilan ang maiyak.

"Salamat Itay" Emosyonal kong sabi at mahigpit siyang niyakap.

"Ikaw rito Itay, wag mong pabayaan ang sarili. Wag kang magpakalunod sa trabaho. Tumatanda kana kaya wag mong papagurin ang sarili mo. Mahal na mahal kita Itay" Mahinang sabi ko at tama lang para marinig niya. God, I'm so lucky to have a father like him.

NASA restroom kami Daphnie habang nakalabas na silang Summer. Ngayon na ang alis ko at nasa duty si Lucas ngayon. Flight 138.

"Beshy, mag-iingat ka ah. Wag mong pabayaan ang sarili mo" Sumisinghot niyang sabi. Napaiyak na rin ako.

"Ikaw din, mag-iingat ka rito. Thank you so much sa support Daph. I love you" I said emotionally. Niyakap ko siya ng mahigpit.

"I love you too beshy" Pagkatapos ng madrama naming pamamaalam sa isa't isa. Lumabas na siya at naiwan naman akong binabawi ang sarili sa pagiging emosyonal. Si Itay, naging emosyonal din ako sa harapan niya kaninang madaling umaga. Hindi na ako nagdala ng bagahe dahil baka magtaka ang iba. Tanging pera lang ang dala ko since parehas lang ang pera namin sa mga mortal.

Huminga ako ng malalim. This is it. You can do this Destine. Fight, fight, fight!

Hinawakan ko ang kwintas na suot ko saka pumikit.

"Necklace traveller please take me to Mortal dimension, where my subject is" Hiling ko at maya maya'y bigla nalang akong hinigop ng isang enerhiya.

OMG! Mamatay na yata ako sa hilo.

@Missloorh

This is it! Sa wakas makakarating na rin si Destine sa kabilang dimensiyon.

Necklace traveller, kung sana totoo ka haha.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top