Chapter 4
Destine's P.O.V
Pinainit nila ang mga makina ng kanilang sasakyan habang itinaas naman ng babae ang dalang bandera. Itinukod ko ang baba sa kamao ko. Marahas binaba ng babae ang bandera at agad namang humarurot ang lahat ng sasakyan. Itinuon ko lang ang atensyon kay Lucas na ngayon ay prenteng nagmamaneho. Wow! Kampante ang bwiset.
Napakagat ako ng labi nang nanguna siya sa lahat. No, this can't be. Napatingin ako kay Daphnie at nakita kong tutok na tutok siya sa magic mirror niya. Agad kong binalik ang atensyon kay Lucas. Napakurap ako nang nilampasan siya ng red sports car.
"Thanks God" Naisatinig ko. Sumeryoso ako nang humabol si Lucas. Nagawa niyang pantayan ang sasakyan nilang Carina. Well, nasa loob nga si Carina kasama ang lalaking inaasahan kong makatalo kay Lucas.
Napaigtad ako nang binunggo nito ang sasakyan niya. Hindi naman siya nagpatalo at ginawa din niya ang ginawa nito. Napamaang ako nang nalampasan silang dalawa nina Kylo at Kegan. Tumigil sila sa pag banggaan at humabol sa dalawa. Nalampasan nila muli ito.
Nagulat nalang ako nang agad humarurot ng napakabilis ang sasakyan ng kalaban. Hahabol na sana si Lucas ngunit agad may humarang na mga sasakyan sa dadaanan niya na hindi ko kilala kung sinu-sino ang nasa loob. Agad siyang nagpreno at nakita ko kung paano umigting ang kanyang panga. Galit niyang pinalo ang manibela ng paulit-ulit.
"What the hell! This is impossible!" Narinig kong komento ni Alfonso.
"Woah! Success!" Masiglang sigaw ni Daphnie. Napangiti ako at nagtinginan kaming dalawa. I mouthed her thank you and she just smiled.
Binalik ko ang atensyon kay Lucas at nakita kong nilampasan siya ng lahat ng natira. Kitang-kita ko kung paano ito sumigaw sa galit. I smirked and leaned to my swivel chair. Serve that jerk.
Pinaharurot niya ang sasakyan at dumeretso siya sa Bijou Nightclub of Washington St. in Theater District. Naningkit ang mga mata ko, paniguradong puyat na naman ito. I roamed my eyes and I did stop when I saw the wall clock. Bumagsak ang balikat ko. Great, it's already twelve o'clock. I sighed. I admit, naawa ako sa kanya ng kunti. It was his first time. Naka sigurado akong mabigat ang loob niya dahil sa pagkatalo.
Nakita kong hinila niya ang kwelyo ng Bartender ng marahas at tanging counter lamang ang namamagitan sa kanila. Bumuka ang bibig niya at nakasigurado akong may sinabi ito. Agad tumango ang Bartender na parang takot. May dalawang lalaki naman ang lumapit sa kanila at akmang hahawakan si Lucas ngunit sinenyasan ng Bartender na wag ituloy. Binitawan ni Lucas ang kwelyo nito at pabagsak siyang umupo sa high stool chair. Napailing-iling nalang ako, di ko akalain na ganito pala siya kapag natalo. Naku, mahirap talaga kapag ang isang tao hindi makakatanggap ng pagkatalo. Nakakabaliw.
He was given a wine by a Bartender and he immediately accepted it. Derederetso niya itong nilagok at nang naubos humingi muli siya. Napahilot ako sa sentido. Ayaw kong pakialaman ang isipan niya ngayon para tumigil sa pag-inom lalo na't galit ito. Ako pa naman ang dahilan. I also respect his feelings and he need to let out his rage for now. Yes, drinking is not a solution but it's a way to fall asleep. Mahirap ang makatulog kapag may iniisip. Bakit tulog ang naisip ko? Kasi hating gabi na at kaylangan na niyang matulog para makatulog na rin ako, kagigil.
Napatuwid ako sa pagkakaupo nang may babaeng lumapit sa kanya. Anak ng putakte naman oh! Paniguradong sakit na naman 'to sa ulo.
Nanliit ang mga mata ko. The girl sat to his lap but he didn't bother to pay attention. Hinaplos siya nito sa dibdib at kinagat kagat ang tenga niya. Para namang napaso si Lucas at agad niyang tinulak ang babae kaya napanatag naman ako. The girl just smirked that made me wonder. Napamaang nalang ako nang agad siya nitong sinunggaban ng halik.
"Aba! Napaka landi naman oh! Anak ng" Di makapaniwala kong usal. Bwiset ang babaeng 'to, hindi ba malinaw sa kanya na hindi siya gusto ni Lucas? Tinulak na nga siya ang lakas pa ng loob para mamilit. Ang tigas siguro ng bungo ng babaeng 'to.
Tinulak ni Lucas ito sa pangalawang pagkakataon at agad siyang tumayo. Akmang aalis na sana siya nang agad siya nitong hinila sa braso at muling hinalikan.
"What the fuck!" Napamura ako at napatayo. Walang-hiya. Sino ba ang writer ng babaeng 'to?
"Anak ng butiki naman oh!" Asar kong sigaw at napatampal sa noo nang tumugon na si Lucas.
"Beshy?! May problema ba dyan?!" Pasigaw tanong ni Daphnie kaya napatingin ako sa kanya. Huminga ako ng malalim.
"I'm alright" Pag sinungaling ko. Napatango naman siya ngunit nakakunot parin ang noo. Napatingin na rin silang Summer sa akin. Kagat-labi kong nilibot ang paningin at nahagilap ko naman ang babae sa unahan na prenteng nakasandal sa swivel chair niya habang nilaro laro ang iilang hibla ng buhok. Nakatuon ito sa magic mirror niya.
Binalingan ko muli ang magic mirror ko at nakita kong naging mapusok ang halikan ng dalawa. Tiningnan ko muli ang babae at dahan-dahan akong humakbang papunta sa kinaroroonan niya. Nang nakarating ako sa likuran niya agad kumulo ang dugo ko dahil nakita ko si Lucas at ang babae sa magic mirror niya.
"Hoy! Malanding writer!" Sigaw ko sa kanya at marahas kong inikot ang kanyang upuan kaya napaharap siya sa akin. Napatayo siya sa gulat ngunit agad ding tumaas ang kilay niya. Aba, ang taray.
"What did you say? Did you just call me malanding writer?" Taray niyang tanong at pinagkrus ang mga braso sa dibdib.
"Oo! At pwede bang pigilan mo ang malandi mong subject sa pagharot ng subject ko? Baka di na ako makapagtimpi at masipa kita" Pananakot ko sa kanya. Napamaang siya ngunit agad ding tumawa kaya mas lalo akong naasar.
"Oh I'm scared" Sarkastikong sabi niya.
"You know what? He's fucking hot as hell and it's kinda weird if he won't pay any attention for those girls in club who has a desire towards him. Just let your subject enjoy with my subject, okay? I'm pretty sure he is not a gay__and I want to see how hot he is when he's naked" Malanding dugtong niya at ngumisi pagkatapos. Naningkit ang mga mata ko. Nagmana ang babaeng 'yun dito. Parehong malandi.
"For your information. He's too perfect for those bitches who are craving for his attention just to have a sex. There's a right woman who meant for him, not your subject, not those flirty bitches and not even you" Talim kong sabi but I froze when I realized something. Wait. R-right woman? A woman who destine for him?! Shit, wala pa akong ka collaborate na writer para sa babaeng makatakda kay Lucas hanggang ngayon. God, this is a mess. I'm so fuck up. No, malaking problema 'to. 'Yun pa talaga ang nakaligtaan ko. Naman oh!
"Oh? But he still have the right to enjoy his life of being single. Don't be so selfish and immature" Uminit ang dugo ko sa husga niya. Anong akala niya sa akin? Hadlang sa kasiyahan ng subject ko? Is she out of her fucking mind?
"I'm not being selfish and immature here. I just want to give him a peaceful life. I'm trying to guide him into the right path and you have no right to interfere my obligation on him. So now, do something to stop your subject, don't wait me to do it. Hindi mo magugustuhan ang magagawa ko" Malamig kong sabi at halos mandilim na ang paningin ko sa kanya. Kunti nalang talaga. Pag itong pasensiya ko ang maubos makaharap niya talaga ang asawa ni lucifer at ako 'yun.
"Anong meron? Beshy, you okay?" Narinig kong tanong ni Daphnie sa likuran ko.
"Nag-away ba kayo? Bakit?" Tanong naman ni Summer na nakalapit na rin pala. Hindi ko sila pinagtuunan ng pansin dahil nananatili ang talim kong titig sa babaeng kaharap ko. Napairap naman siya.
"Okay fine. Gagawin ko na" Pagsuko niya at umupo siya muli. Hinarap niya ang magic mirror at nakita kong nasa madilim na sulok ang dalawang malandi. I gritted my teeth. Mga walang-hiya. Bwiset.
"What the heck? Is that Lucas? Kaya pala" Di makapaniwalang usal ni Daphnie. Nagsimulang nagsulat itong nasa harapan ko na co-writer. Lumipas ang ilang segundo bago siya natapos.
"Okay done" Taray niyang sabi kaya itinuon ko muli ang atensyon sa magic mirror niya. Nakita kong itinulak ng babae si Lucas at derederetso itong lumakad palayo.
"Susunod din pala. May pa english, english pang nalalaman" Pagmamaktol ko at tinalikuran silang lahat.
"Hoy! May karapatan akong mag english!" Sigaw naman niya.
"Hoy, may karapatan akong mag english" Pang gaya ko ngunit sa mahinang paraan. Bumalik ako sa aking desk at pabagsak umupo. Paano na 'to? Hindi pwedeng walang makakasama si Lucas na babae hanggang sa pag tanda niya. Anong gagawin ko? Hindi din pwedeng maghanap ako ng writer na babaeng bagong silang ang subject nito para mapangasawa ni Lucas, baka ma child abuse pa ang subject ko pagnagkataon. Napasabunot ako sa buhok dahil sa inis.
"Urgh! Ang tanga ko!" Singhal ko sa sarili. Naramdaman kong uminit ang mga mata ko. Ngumuso nalang ako para hindi tuluyan akong umiyak. Kaiyak kasi, ang laki ng palpak ko. Maghahanap pa din ba ako ng co-writer at mag-babasakaling hindi pa ito nakahanap ng ka collaborate? Siguro mahabang panahon ang kaylangan ko pero bahala na, ang mahalaga makahanap ako. But how? Hindi din pwedeng pabayaan ko si Lucas habang naghahanap ng babaeng mapapangasawa niya. Marahas akong napabuntong hininga. Bakit kasi ganito ang nangyari? Kainis! Para tuloy akong hopeless cupid nito.
Hinarap ko ang magic mirror at agad namang lumitaw si Lucas. Palabas na ito ng club at halatang nakainom. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili.
Pumasok siya sa sasakyan niya at agad itong pinatakbo. Umabot ng ilang minuto saka siya huminto sa isang building. Isa itong hotel. HI Boston Hostel in Stuart St. Nag check in siya at nakaramdam naman ako ng kunting ginhawa dahil sa wakas makauwi na rin ako.
Pagpasok niya sa kwarto agad siyang humiga sa kama kahit may sapatos pa siyang suot.
Napagdesisyunan kong ligpitin na ang mga gamit at pagkatapos agad din akong tumayo para makaalis. Papunta ako sa gawi ni Daphnie at nangunot ang noo ko nang maiigi itong nakatingin sa magic mirror niya. Dahan-dahan akong pumunta sa kanyang likuran at nakitingin na rin. I gasped because of what I saw. Nakita kong nakipagtalik si Carina sa kasama niyang lalaki kanina sa race.
"My God Daphnie!" I screamed. Para naman siyang nabuhusan ng mainit na tubig dahil agad siyang tumayo at gulat lumingon sa akin. Kitang-kita ko kung paano siya napalunok ng ilang beses. Pinanliitan ko siya ng mga mata.
"Ah hehehehe b-bakit ka ba sumigaw beshy? Wag ka ngang manggulat" Maang niyang sabi ngunit halatang kinabahan.
"Ikaw! Pinanuod mo pa talaga sila?! Ano 'yun live porn? Kadiri ka" Di makapaniwala kong sabi. Napakamot naman siya sa batok at agad lumingkis sa braso ko.
"Beshy naman! Na curious lang naman ako eh at isa pa ang hot kasi ng guy kaya gusto ko siyang panuurin kung paano masasarapan" Nakanguso niyang paliwanag at nanlaki naman ang mga mata ko. Ano daw? Gusto niyang makita ang lalaki kung paano masasarapan? Anak ng ipis naman oh! Agad ko siyang binatukan dahil sa sinabi niya.
"Aray!" Daing niya at agad lumayo sa akin.
"Daphnie? Are you out of your fucking mind? Narinig mo ba ang sinabi mo?" Pasigaw kong tanong sa kanya.
"Aba, syempre oo!" Agad niyang sagot kaya napamaang nalang ako. Aba, malala.
"My God Daph! Nawalan sila ng privacy sayo, maawa ka naman. Hindi pwedeng panuurin mo silang ganun. Private 'yun for God sake" Problemado kong pangaral sa kanya. Napanguso naman siya.
"Oo na, di ko na uulitin. Promise" Pagsuko niya at tinaas pa ang isang kamay. Napailing-iling nalang ako ngunit napatingin ako sa mga mata niya nang may sumagi sa isip ko.
"Tapatin mo nga ako. Ilang beses mo ng pinanuod ang subject mong may katalik?" Seryoso kong tanong. She screwed up and seems like she's running out of blood.
"T-three times?" Patanong niyang tugon at medyo nautal pa. My eyes widened on disbelief.
"Three times? Wow! Grabe, curious ka pa pala nun?!" Pamilosopo ko at di ko napigilan ang taasan siya ng boses. Napakagat naman siya ng labi.
"Ah-uy! Uuwi ka na? Sige sabay na tayo" Pag-iibang usapan niya at dali-daling niligpit ang kanyang mga gamit. Pagkatapos agad niya akong hinala palakad. Napailing-iling nalang.
"Hay! Ang magaling kong kaibigan, umiwas na naman" Usal ko at napatampal sa noo. Di siya nagsalita ngunit patuloy pa rin ang paghila niya sa akin.
"Mauna na kami! Goodnight" Paalam ko sa kanilang Summer at tumango naman sila.
Nakalabas kami ng building at dumeretso sa isang restaurant. Good thing, there are restaurants still open for the night. As I know, all workers are divided into two groups. The first group will work for the morning and the second for the night. Iyun ang paraan ng mga nagmamay-ari ng restaurant. Same way lahat.
Pagpasok namin agad din kaming nakapili ng pwesto. Nilapitan naman kami ng waiter para makuha ang mga order namin at gaya ng sinabi ko kay Daphnie, sagot ko ang pambayad sa kakainin niya.
Tahimik kaming kumakain kaya hindi ako nakapagtiis at ako na ang unang nagsalita dahil may kaylangan din akong sabihin.
"Daph, I have a big problem" Basag ko sa katahimikan. Agad naman siyang napatingin sa akin.
"Ano 'yun?" Tanong niya habang ngumunguya. Napabuntong hininga ako. Should I tell her? But damn, I don't have a choice.
"Wala pa akong ka collaborate na writer para sa magiging asawa ni Lucas" Seryosong sabi ko. Sa totoo lang, gusto ko na talagang umiyak.
"Ano? Wala pa? Bakit?" Takang tanong niya at maigi akong tiningnan. Tumigil na rin siya sa pagsubo.
"Nakaligtaan ko. Actually naisulat ko na sa destiny niya pero hindi pa ako nakahanap ng ka collaborate" Malungkot kong sabi. Napakagat naman siya ng labi.
"Paano na 'yan? Ba't 'yun pa talaga?" Problemado niyang tanong. Napabuntong hininga ako.
"Kaylangan ko pa ring maghanap pero hindi din pwedeng pabayaan ko si Lucas" Baka kasi mas lalong lalala pa ang problema ko. Naging malikot naman ang mga mata niya habang tumatango na parang nag-iisip.
"Eh kung ipa trabaho mo nalang kaya sa iba. Magpapahanap ka kung sinong writer ang may kagaya sa sitwasyon mo tapos magbabayad ka lang" Suhestiyon niya. Napaisip naman ako doon. Kaya ko kayang magbayad? Paniguradong malaking pera ang kaylangan ko.
"Pero hindi ko yata makakaya ang pambayad sa taong uutusan ko" Problemado kong sabi. Ngumiti naman siya.
"Beshy wag mong alalahanin ang salapi dahil dadating lang 'yan, ang mahalaga mangyari ang dapat mangyari" Mahinahon niyang sabi. Napaisip ako saglit. Tama siya, dapat hindi ko 'yun inaalala. Tumangu-tango ako at napangiti dahil kahit papa'no lumawag ang pakiramdam ko.
"Thanks" I sincerely said and she just gave me her genuine smile. We continued our eating with a pleasant expressions.
"Anyway, sa naisulat mo. Kailan mameet ni Lucas ang babaeng nakatadhana sa kanya?" She suddenly asked. My forehead puckered.
"Kapag mag kolehiyo na siya. Why?" Balik kong tanong. Nagliwanag naman ang mukha niya.
"Beshy, pwede ka din doon bumabase. I mean, sa mga magiging karelasyon ni Lucas, hanapin mo ang mga writer nila or ipahanap mo. Malay natin, isa sa kanila si the one and only woman charot!__Pero seryoso. Just try it BUT you will still do the first plan" Ngiting-ngiti niyang pahayag. Agad nanlaki ang mga mata ko.
"So hahayaan ko siyang makipaglandian sa iba't ibang babae?!" Medyo napataas ang boses ko. Di ko kasi masikmura kapag ganun. Kahit gwapo siya, wala pa rin siyang karapatan paglaruan ang mga babae kahit ang iba mga malandi. Tao pa rin sila at babae. Yes I admit, sometimes I get mad to those flirty bitches but I can't argue the fact that they are still women who deserve to be loved. Iyun naman talaga ang dahilan ko kung bakit wagas akong makareact kapag may mga babaeng lumalandi kay Lucas, ayaw ko lang silang masaktan sa bandang huli kaya pasensiya nalang sila.
"Definitely yes!" Tugon niya. Umiling-iling ako.
"Parang hindi ko kaya. Baka maraming iiyak na babae" Saad ko. Napatampal naman siya sa noo.
"Beshy, ang sakit hindi 'yan namamalagi kaya grab the oppurtunity. I know, malaki pa rin ang awa mo sa mga babaeng kagaya natin kahit 'yung iba mga malalandi pero wala ka ng choice eh. You need to take a risk. Di mo naman siguro hahayaang tatandang walang kasama 'yang subject mo" Masinsinan niyang sabi. Napaisip naman ako. Tama siya, wala na akong choice kundi ang sumugal. Sana magiging okay lang ang lahat pagkatapos nito. Mahirap mang lunukin pero kaylangan ko paring gawin.
"You're right. I don't have a choice but to take a risk" Malumbay kong sabi. I heavily sighed. Hindi naman siguro ako mahihirapan pagdating doon dahil may tinatago namang kalandian si Lucas. All I have to do is to set him free, observe and discover. Now I know, nasakal ko na pala siya ng hindi ko nalalaman. Masyado ko siyang hinigpitan. Tama nga siguro ang sinabi ng babae kanina na selfish ako. Ayaw ko lang naman na magkaroon ng gulo pero wala na akong mapagpipilian pa ngayon. Perhaps, I should learn to embrace any kind of trouble that might be cause for the decision I will going to choose. Maybe I'm not selfish for Lucas anymore but for the women I will going to use to fulfill the destiny of my subject.
"Kung ganun, kaylangan niyang bumaliktad sa sinulat ko" I said. Nangunot naman ang noo niya.
"Ano pala sinulat mo?" She asked in wonder. I bit my lower lip. Wala namang mangyaring masama kung sasabihin ko.
"Sinulat ko na hindi niya papansinin ang mga babaeng hahanga sa kanya" Agad nagkasalubong ang kilay niya dahil sa aking sinabi.
"Pero ano 'yun kanina? Bakit may kahalikan siya? Kung 'yun ang sinulat mo dapat hindi 'yun nangyari" Naguguluhan niyang sabi. Napabuntong hininga ako. Pati nga rin ako naguguluhan.
"Kaya nga eh, di ko inaasahan na babaliktad siya. Hindi lang kanina ang pag baliktad niya, ilang beses na kaya nagtataka ako kung bakit" Nahiwagahan kong sabi.
"Huh? Bago 'yan ah, pagbaliktad ng isang subject? Wala pa akong narinig na ganyan" Napahawak naman siya sa baba na parang nag-iisip.
"Pero hindi ko pa kumpirmado dahil inunahan naman siya ng mga babae. Lalaki rin siya, madaling maakit kaya normal lang siguro 'yun"
"Beshy malinaw na malinaw na bumaliktad siya. Hindi naman lahat ng lalaki madaling maakit, rare nga lang" Pangumbinsi niya. Napahilot nalang ako sa sentido.
"Iwan ko, naguguluhan na ako"
"Sige nga, paano mo makumpirma na bumaliktad siya?" Interisadong tanong niya. Napatingin ako sa kanyang mga mata.
"Siguro kapag siya ang unang lumandi?" Patanong kong sabi. Gumalaw-galaw ang nguso niya.
"Pwede din pero malabong mangyari 'yun dahil siya naman ang hinahabol ng mga babae. Ikaw nga, kung ganun ka kagwapo syempre maghihintay ka lang ng grasya. Pwera nalang kung dadating ang babaeng nakatakda sa kanya dahil siya ang gagawa ng paraan para maangkin lamang ito" Napaisip naman ako sa sinabi niya. Tama siya, sa pagkatao ni Lucas malamang mga babae ang hahabol sa kanya. Dadating ang babaeng nakatakda sa kanya? Pwede din sigurong doon ako babase. 'Yung kapag siya na ang unang gagalaw para sa babaeng mahal niya.
"Siguro, pero diba gagawa ako ng paraan para maghanap ng babaeng makasama niya ng sa ganun matupad ang sinulat ko. Eh sa gagawin kong pabayaan siyang lalandi hindi lahat ng naisulat ko matupad" Problemado kong sabi at napatango-tango naman siya.
"Yes at kaylangan mo 'yung hayaan nalang. Gaya ng mga sinabi mo, para sa akin malinaw na bumaliktad siya at kaylangan mo iyung sakyan para maisalba ang pinakaimportanteng naisulat mo. Well, being married is important dahil 'yun ang panghuling yugto ng buhay ng isang tao" Paliwanag niya. Lumukot ang mukha ko.
"Kaya kung ako sayo, pabayaan mo siya para malaman mo kung ipagpatuloy niya ang bagong kaugalian niya at sakyan mo 'yun. Kapag talagang patuloy ang kalandian ng subject mo wala ka ng magagawa doon dahil kagustuhan niya 'yun at hindi sayo. Siguro naman makumbinsi kana na opposite talaga iyang Lucas mo pero dapat hanggang doon lang. Dapat 'yun lang pagbaliktad niya kasi kapag nilahat niya, parang hindi mo na rin siya subject at walang kwenta ang sinulat mo" Seryosong dugtong niya. Napabuntong hininga ako. Ano ba 'yan?! Ang hirap naman nito.
"Ang gulo, ang hirap. Nakakabaliw" Mangiyak-ngiyak kong sabi. Tinukod ko ang dalawang siko sa lamesa at napahawak sa ulo habang umiling-iling.
"Beshy, wag kang magpapatalo. Isa lamang itong pagsubok para sayo. Nandito naman ako na handang tumulong. Kaya mo 'to, maniwala ka lang. Pilitin mong piliin ang mas importante at bitawan mo ang bagay na kaunti lang ang halaga. Choose wisely" Masinsinan niyang sabi at inabot ang isa kong kamay. Napatingin ako sa kanya at nakita ko sa kanyang mga mata ang pag-alala. Kinagat ko ang labi para hindi tuluyang maiyak. Tumangu-tango ako. Tumayo siya sa kinaupuan niya at nilapitan ako. She hugged me and I closed my eyes. Kaya ko 'to.
@Missloorh
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top