Chapter 11
Destine's P.O.V
Nasa mismong airport ako ngayon nag-aantay para sa boarding. Kahapon noong nagbigay ako ng peace offering sa subject ko nagmukmok lang ako sa room ko hanggang gumabi dahil wala naman akong naisip na gawin. After two minutes tinawag na ang mga pasahero ng Flight 138 dahil lilipad na raw. Kaunti lang ang pasaherong nakakasabay ko kaya madali kaming nakapasok lahat. Hindi ko nakita si Lucas simula kaninang umaga.
Nilagay ko ang maletang dala ko sa itaas ng pwesto kong upuan.
"Ladies and gentlemen, the captain has turned on the Fasten Seat Belt sign. If you haven't already done so, please stow your carry-on luggage underneath the seat in front of you or in a overhead bin. Please take your seat and fasten your seat belt. And also make sure seat back and folding trays are in their full upright position.
If you are seated next to an emergency exit, please read carefully the special instructions card located by your seat. If you do not wish to perform the functions described, in the event of an emergency, please ask a flight attendant to reseat you.
We remind you that this is a non-smoking flight. Smoking is prohibited on entire aircraft, including the lavatories. Tampering with, disabling or destroying the lavatory smoke detectors is prohibited by law.
If you have any questions about our flight today, please don't hesitate to ask one of our flight attendants. Thank you" I heard flight attendant announced. I sat to my seat and I fastened my seat belt.
After a few moments one of the flight crew announced as the door closed. Paglipad ng eroplano narinig ko ang anunsiyo ni Lucas, the captain. Pagkatapos sinundan ng isang flight attendant ang pag-demonstrate ng tamang gawin pag mag agrabyado. Naging tahimik lang ako at minsan pumipikit kapag umuuga ang eroplano.
Nag-iisip rin ako kung anong gagawin ko pagbaba ng eroplanong ito. Sa kasamaang palad, naubos ang perang dala ko. Kaylangan kong makahingi ng tulong at si Lucas lang ang pag-asa ko kaya nag-iisip ako kung paano dumiskarte. Makikiusap nalang siguro akong tumira sa bahay niya kasi malaki naman 'yun. Aba, kung hindi siya papayag tatadyakan ko bayag niya. Kasalanan din kaya niyang nandito ako sa mundo nila dahil sa katigasan ng bungo niya at masyadong maarte.
Lumipas ang lampas isang oras bago nalaman naming malapit na kaming mag landing.
"Ladies and gentlemen, this is your captain speaking. If you look out the right side of the aircraft you will notice Flight 137 challenging us to a race. I've turned the Fasten your seat belt sign for landing and safety because shit is about to get real. Prepare yourselves but you need to stay calm. Thank you" Biglang nagkagulo ang lahat ng pasahero dahil sa announcement ni Lucas. Anong nangyayari? I looked around. May iba napadasal kaya napadungaw ako sa ibaba dahil malapit lang naman ako sa bintana. I gulped. Nakita ko sa baba ang isang eroplanong nakikipagsabayan sa amin. Nanginig ako sa takot. May posibilidad bang magsalpukan ang sinasakyan namin sa eroplanong iyun sa pag landing? Jusko, wag naman sana. Agad akong napa sign of the cross.
Lord, please guide the captain and officer for operating the plane. Please keep us safe. Dasal ko sa isip.
Parang tinakasan ako ng kaluluwa nang malakas umuga ang eroplano. May iba napasigaw pa samantalang ako mariing napapikit at diniin ang katawan sa upuan. Pag talagang mamatay ako dito mumultuhin ko kung sinong captain ang nasa kabilang eroplano. Halos maduwal ako nang umugong ng malakas ang eroplano.
"Jusko ko po! Ayaw ko pang mamatay. Lucas! Masasakal talaga kita kung magkamali ka" Impit kong sigaw. Kahit wala namang kasalanan si Lucas sa nangyayari.
Parang niyugyog ng higante ang eroplano dahil sa pagkakauga. Jusko po! Mariin akong napapikit hanggang sa humapa ang galaw ng eroplano. Tumahimik ang paligid. Mabibigat ang hiningang pinakawalan ko pagkatapos marahang minulat ang mga mata. Naramdaman kong hindi na gumalaw ang sinasakyan namin. Nakalanding na ba kami? Buhay pa ba kami?
"Ladies and gentlemen. This is your captain speaking. I would like to inform you that we finally reached our destination despite from the unexpected issue. I sincerely apologize for the landing. Flight attendants please do your last job. Thank you" Para kaming nakaahon sa malalim na tubig nang narinig namin ang boses ni Lucas. Thanks God. Malaki pa talaga ang plano sa akin ni Lord at hindi pa ako pinatay.
NANDITO ako sa labas ng airport para antayin si Lucas. Sa tingin ko pumunta siya ng headquarters ng airline para mag-off. Kanina tinanong kaming lahat ng pasahero ng mga flight crew kung okay lang kami at humingi rin sila ng paumanhin sa nangyari.
Lumipas ang isang minutong pag-aantay ko sa wakas lumabas na si Lucas na may seryosong awra. Hila-hila niya ang itim niyang maleta. Nalagpasan niya ako dahil medyo malayo naman ako sa kanya. Dali-dali akong naglakad para maabutan siya. Huminto siya sa gilid ng kalsada at tumingin sa wristwatch niya pagkatapos nanghimulsa. I went to his back and I did fake cough to get his attention but I was upset when he didn't even bother to turn around. Snobber hmmp!
I bit my lip. Pasimple kong hinila ang uniporme niya. Mas lalo akong napasimangot dahil hindi talaga ito lumingon. Ang manhid naman, hindi talaga niya naramdaman ang presensya ko? Nakakabwesit na. Dahil sa inis ko nangigil kong kinurot ang pisnge ng pwet niya.
"Fuck!" Mura niya at napaigtad siya sa ginawa ko. Marahas niya akong nilingon. Napalunok ako dahil sa galit niyang mukha na parang bampirang handa ng sumipsip ng dugo. Jusko po, bakit ko ba ginawa 'yun?
"You again? The heck! Why did you do that?" Hasik niya at nanlilisik ang mga mata sa galit. Lumitaw ang mga ugat niya sa leeg pati na sa noo. Namula ang mukha niya. Jusko po. Maiihi na yata ako sa takot. Ramdam ko ang panginig ng mga tuhod ko. Nakakatakot siya. Para siyang si Lucifer. Jusko Lord, tulungan niyo ako. Mahal niyo naman siguro ako, wag mo akong pabayaan sa Lucifer na 'to.
"H-hindi m-mo k-kasi ako p-pinansin" Nauutal kong sabi dahil nangangantal na ang mga labi ko. Napakurap siya na parang napagtanto niya ang naging reaksyon. Umawang ang bibig niyang nakatingin sa akin at akmang hahawakan niya ako ngunit agad naman akong umatras. Jusko, ayuko pang mamatay.
Nakita ko sa mga mata niya ang pag-alala at pag sisisi kaya napakurap ako.
"I'm sorry. I didn't mean to scare you" Mahinahon niyang sabi. Nakatitig lang ako sa mga mata niya. Ang ganda talaga ng mga mata niya lalo na't nakikita ko ang ibang emosyon niya.
"Okay lang" Saad ko at kinalma ang sarili. Huminga siya ng malalim at sumeryoso na naman siya.
"What do you want?" He plainly asked. Naging malikot ang mga mata ko. Paano ko ba 'to sisimulan? Napatigil ako nang may pumasok na ideya sa isip ko. Tumikhim ako. Bahala na.
"I need your help" I directly said. Kumunot ang noo niya.
"What is it?" Kalmado ngunit ramdam kong nagmamadali ito. May humintong kotse sa likod niya at lumabas ang driver nun. Kinuha nito ang maleta ni Lucas at pinasok sa likod ng kotse. Pumasok muli ito. Muli akong tumikhim at hinarap si Lucas.
"I lost my wallet because of what happened earlier. I think I left it in the plane" Pagsisinungaling ko. Jusko, patawarin niyo ako sa mga kasalanan kong magagawa ngayon.
"What do you want to indicate?" Matiim niya akong tiningnan. Napalunok ako.
"Naroon ang pera ko. Kaylangan ko 'yun para may matirhan ako rito. Wala kasi akong pamilya sa lugar na ito. Pero dahil nawala ang wallet ko, sa palagay ko'y maging palabuy-laboy ako kung hindi mo ako matutulungan" Deretsahan kong sabi. Tumaas ang kilay niya.
"So? Is that my problem? It's not my fault that you're being stupid back there. Look. You're not my responsibility so look another person who can help you. I'm tired, I need to go home" He bluntly said. Damn, ang sakit naman niyang magsalita. Tinalikuran niya ako at akmang bubuksan na ang pinto ng kotse ngunit agad kong hinawakan ang braso niya.
"Di ko naman ipapahanap sa'yo ang wallet ko dahil pera lang naman ang laman nun. Ang gusto ko lang naman may matutuluyan" Mahinang sabi ko at yumuko. Hayst! Ang hirap namang pakiusapan ng lalaking 'to.
"Look Destine. I'm tired, I don't want to stand here any longer" Naiinip niyang sabi. Agad akong nag-angat ng tingin.
"P-pwede ba akong makitira muna sa bahay mo?" Nag-alinlangan kong sabi. Napatanga naman siya.
"What?! No! You can't, my house is not an orphanage" Napataas ang boses niya. Aba, grabe makapag-react ang Lucifer na 'to. Putulin ko kaya sungay niya ng tumino.
"And I'm not a child Lucifer!" Singhal ko sa kanya. Napatakip ako sa bibig nang napagtanto kong natawag ko siyang Lucifer.
"What did you just call me?" Pikon niyang tanong at lumapit sa akin habang nanlisik ang mga mata. Aba, sa tingin niya magpapatalo ako? Huh, dream on.
"Lucifer. Now what?" Mataray kong sabi at sinalubong ko ang mga mata niya. Nameywang ako.
"Don't consume my patience Destine" He warned me. Napalunok ako pero agad rin akong nagtapang-tapangan.
"Ayaw mo ba talaga akong tulungan? Pabayaan mo lang ba akong magpagala-gala? Makonsensya ka naman" Pangonsensiya ko. Tumiin ang bagang niya.
"You can't fool me woman. You are just one of those women who are trying to get my attention so stop that shit of yours" Talim niyang sabi at agad pumasok ng sasakyan. Napatanga ako. Anong akala niya sa akin? Linta? Ang lakas ng saltik ng lalaking 'to.
Napakurap ako nang umugong ang sasakyan. No, this can't be. He can't do this to me. Dali-dali akong pumunta sa harapan ng sasakyan at huminto. I spread my arms. Di siya makakaalis ng hindi ako kasama.
"Di ako aalis dito hangga't hindi mo ako isasama!" Sigaw ko. Oo, desperada ako. Desperada akong makahanap ng matutuluyan.
Nakita kong lumabas ang ulo ni Lucas sa bintana ng sasakyan.
"Are you nuts?!" Sigaw niya sa akin.
"No! I'm peanut" Napapikit ako. Peanut? Seriously Destine? Such a nonsense. Muli akong dumilat.
"Leave! You brat" Mariin akong umiling-iling sa gusto niya.
"Makakaalis lamang kayo kung isama mo ako" Mariin kong sabi. Napapikit siya sa kawalan ng pasensiya at muling pumasok sa loob ng kotse. Padabog siyang lumabas kaya napangisi ako. Here we go.
Huminto siya sa harapan ko. Madilim ang mukha niya sa galit ngunit hindi ako nagpadala.
"You brat" Tanging naisatinig niya at marahas akong kinaladkad. Napangiwi ako. Ang harsh talaga ng Lucifer na 'to. Pinagbuksan niya ako ng pinto at tinulak sa loob kaya napasubsob ako sa upuan.
"Aray naman! Kapag mabalian ako, babaliin ko lahat ng buto mo sa katawan!" Inis kong singhal.
"Shut up" Galit niyang sabi at umupo sa tabi ko. Dali naman niyang nakapasok. Di ko nga namalayan na naisara na niya ang pintuan na pinasukan ko. Well, he's Lucifer. May matinding kapangyarihan.
Umayos ako ng upo at inayos rin ang sarili. Nangunot ang noo ko nang pumasok ang isang lalaki sa driver seat. Siya ba ang driver? Nakalabas pala kanina? Grabe, bakit ang bilis nilang gumalaw? Kampon siguro ni Lucifer. Nataranta ako nang binuhay nito ang makina ng sasakyan.
"Wait! How about my suitcase?" Taranta kong tanong.
"Don't worry ma'am. I placed it at the back" Kalmadong sabi nito. Nakahinga ako ng maluwag. Nagsimulang umandar ang sasakyan. Yes, success ang pag-arte ko.
Ngiting-ngiti kong binalingan si Lucas. Seryoso itong humalukipkip sa upuan. Tinitigan ko lang siya. Ang gwapo niya pa rin kahit salubong ang makapal niyang kilay. Nilingon niya ako at tinaasan ng kilay.
"What are you looking at?" Suplado niyang tanong. Napairap ako.
"Wag ka ngang suplado. Walang magmamahal sayo niyan"
"I doubt that" Napamaang ako sa sinabi niya. Wow, lakas ng kompiyansa.
"Lakas" Naibulalas ko nalang at humalukipkip sa upuan. Wala akong mapapala kung papatulan ko ang kasungitan niya. Pumikit ako at huminga ng malalim.
"Hey sleepyhead, wake up" Naalimpungatan ako sa boses na iyun. Naramdaman kong may sumundot sa pisnge ko kaya agad ko rin itong tinabig. Disturbo, kita na ngang natutulog 'yung tao.
"If you do not wake up. I'll leave you here" Naalarma ako sa banta ni Lucas. Agad kong minulat ang mga mata at umayos sa pagkakaupo.
"Nasa bahay mo na ba tayo?" Tanong ko at tumingin sa labas. Nakita ko ang malaking mansion kahit may nakaharang na gate. Ito na nga ang bahay niya. Pinagbuksan kami ng guard at pumasok naman kami.
Bumaba kami sa sasakyan at nauna na siyang naglakad. Sumunod ako sa kanya habang abala sa kakatingin sa paligid. Ang ganda pala talaga dito. Ang yaman tingnan ng mansion na ito. Dahil abala ang mga mata ko di ko namalayan ang paghinto ni Lucas kaya nabunggo ako sa maskulado niyang likod.
"Hayst! Ba't ka ba huminto!" Inis kong singhal sa kanya habang himas-himas ang noo. Bakit medyo masakit? Ganun ba ka tigas ang likod niya?
"Hi Mom" Nangunot ang noo ko nang nagsalita siya. Kaharap niya Mommy niya?
'Hello son. Are you home? Sorry I didn't inform you yesterday that I'm here in philippines' Narinig kong sabi ng Mommy niya. Teka? Sa cellphone lang ba sila nag-uusap?
"Hey Lucas, let me see your mom. Hi Tita!" Masiglang bati ko sa Mommy niya at mabilis akong pumunta sa gilid para makisilip ngunit agad humarang ang malaking palad ng Lucifer at inilayo ang mukha ko. Letche!
"Ano ba?! Gusto hmmmp__hmmmp!" Hindi ko natapos ang gusto kong sabihin nang tinakpan niya ang bibig ko gamit ang kamay niya habang ang isa niyang kamay nananatiling nakahawak sa cellphone. Pilit ko itong tanggalin ngunit hindi ako nagtagumpay kaya huminto nalang ako at pinanlakihan siya ng mga mata.
'Who is that son? I heard her voice. Is she your girlfriend?' I heard the active voice of his Mom. My eyes widened. What? His girlfriend? No fucking way. Muli akong pumalag ngunit pinandilatan niya ako ng mga mata. I leered. Muli niyang hinarap ang Mommy niya.
"She's my friend mom but she left already" Parang maamong tupang sabi niya. Sinungaling talagang Lucifer na 'to. Dahil sa inis ko inabot ko ang tagiliran niya at kinurot iyun.
"Fuck!" Napamura siya at agad napangiwi. Tumigil naman ako.
'Son! Did you just curse me?!' Narinig kong sigaw ng Mommy niya. Napahagikhik ako. Buti nga sa kanya.
"No mom! I was just bitten by an insect but I don't know what kind off" Palusot niya. Umawang ang bibig ko. Hayop! Insect? Sa ganda kong 'to insekto pa talaga? Dahil sa inis ko muli ko naman siyang kinurot sa tagiliran.
"Urgh! Mom we will talk later. I have to go. I love you, take care" Derederetso niyang paalam habang nakangiwi at agad pinatay ang call. Tinanggal niya ang kamay kong nakadikit sa tagiliran niya at marahas akong nilingon.
"You!" Dahil sa gigil niya kinulamos niya ang mukha ko at agad akong iniwan. Naiwan akong nanlaki ang mga mata habang nang iinit ang mukha. Nang nakabawi ako parang umusok ang ilong ko dahil sa galit.
"LUCAS!" Galit na galit kong sigaw sa pangalan niya at malalaking hakbang ang ginawa upang habulin siya. Lintek lang ang walang ganti.
Naabutan ko siyang paakyat na sa hagdan. Agad ko siyang dinuro.
"Huy Lucifer! Harapin mo ako! Magtuos tayo sa impyerno!" Galit na galit kong sigaw at patakbong umakyat sa hagdan. Mabilis niya akong nilingon at nanlaki ang mga mata. Tumakbo na rin siya.
"Stop following me! You look like a fucking killer" He hysterically shouted. Halos madapa siya sa pagtakbo at nang nakarating siya sa may pintuan agad siyang pumasok. Malakas niyang sinarado ang pinto. Huminto ako sa tapat at napabuga ng hangin. Humagalpak ako ng tawa dahil sa hitsura niya kanina. Napahawak ako sa dalawang tuhod. His face earlier was freaking horrendous. Masyado siyang nadala sa arte ko. Para siyang batang takot na takot na mapalo ng Ina.
Kinalma ko ang sarili sa pagtawa at tumayo ng tuwid.
"Hey Lucifer! Open the door and get out. You need to find me a room" Pasigaw kong sabi. Lumipas ang ilang segundo saka bumakas ang pinto at lumabas siya ng kunti. Nakita ko naman ang iritable niyang mukha. Nameywang ako.
"I didn't know that Lucifer is a freaking coward" Kunwaring di makapaniwala kong sabi.
"Shut up" Inis niyang sita sa akin at dinaanan ako. Naglakad siya papunta sa unahan habang humahagikhik akong sumunod sa kanya.
Huminto kami sa pangatlong pintuan galing sa pinasukan niyang kwarto kanina. Sa tingin ko kwarto niya 'yun. He opened the door.
"Here, you can stay here for now" He uttered.
"And you must find a job so that you can find a place to live" He suggested as he turned around to face me. Napanguso ako. Atat masyadong makaalis ako. Ayaw ba niyang may makikita siyang diyosa araw-araw? Kainis!
"Paano kung hindi agad ako makakita?" Tanong ko at pinalungkot ang mukha. Baka kasi maawa at patirahin na niya ako rito hanggang sa matapos ko ang misyon sa buhay niya.
"Then I'll find you a job" Suplado niyang sabi. Bumagsak ang balikat ko. Ay wala na, di talaga umubra kagandahan ko sa isang 'to. Napabuntong-hininga nalang ako saka tumango.
Pumasok ako sa kwarto at bago ko pa makalimutan nilingon ko siya.
"Mga gamit ko" Saad ko. Nanliit ang mga mata niya.
"You came here without your language? You're stupid, aren't you?" Kumulo naman ang dugo ko sa pang-insulto niya.
"Aba hoy! Kung makapanglait ka parang sinong perpekto. Eh malay ko bang kalahi mo pala ang driver niyo, hindi gentleman!" Singhal ko sa kanya. Umigting naman ang panga niya. Lumapit siya sa akin habang may nakamamatay na titig. Napakurap ako. Diyos ko po, nagmukha na talaga siyang si Lucifer. Poging Lucifer.
"What do you expect? You want our driver to serve you?" Malamig niyang tanong. I gulped.
"Y-yes! Ganun naman dapat ah lalo na't bisita niyo ako" Halos manliit ako dahil sa titig niya at tindig.
"You're not a guest here"
"Eh ano ako? May-ari ng mansion na 'to?" Pamimilosopo ko. Mas lalong nanliit ang mga mata niya na parang gusto na ako nitong tirisin.
"No, you are just a lost kitten craving for home to live" Napamaang ako sa sinabi niya. Hayop na lalaki 'to. Does he not run out of annoying sobriquet for me? Kanina lang tinawag niya akong insekto tapos ngayon ligaw na pusa na naman. Kapag itong pasensiya ko naubos, prituhin ko talaga itlog at hotdog niya.
"Grabe ka! Hindi ba pwedeng diyosa na nangangailangan ng matirhan?" Nagtitimpi kong sabi.
"No" Matigas niyang sabi. Naramdaman ko ang pag-init ng dugo ko dahil sa galit.
"Di talaga mapapakiusapan iyang driver niyo na ihatid ang maleta ko rito?!" Nagtitimpi kong tanong sa kanya. Mariin siyang umiling-iling. That's it. Ubos na talaga pasensiya ko.
"Gusto mo bang prituhin ko itlog mo pati na ang hotdog mo? Huh!" Galit kong tanong. Bahagya siyang napanganga. Akmang sasapuin ko ang hinaharap niya ngunit mas mabilis siya sa akin kaya nasalag niya ang kamay ko.
"You! Are you insane? You can't fry my balls and my dick you brat!" Pasigaw niyang atungal. Saglit akong napahinto at ngumisi nalang na parang asong ulol.
"Na-uh, I can fry your egg and your hotdog Lucifer. As you said I'm just a lost kitten and this kitten in front of you is now craving for food" Mapagbanta kong sabi at muli kong sinubukan dakmain ang hinaharap niya ngunit mas lalong lumakas ang pagpigil niya sa kamay ko.
"Don't you dare" Seryoso niyang sabi. Kinagat ko ang labi para mapigilan ang matawa. Sa aming dalawa mas siya pa ang tanga. Paniwalang-paniwala sa banta ko. Sa tingin ba niya magagawa ko talaga 'yun? Yuck, kadiri. Iniisip ko palang nasusuka na ako.
"Then dalhin mo ang maleta ko dito" Taas noo kong sabi at marahas inagaw ang kamay ko. Umigting ang panga niya at mariin nakatikom ang bibig. Napatingala siya at marahas bumuntong hininga. Muli niya akong tiningnan.
"You're disgusting" Usal niya sabay suklay sa buhok gamit ang mga daliri na parang nagtitimpi. Marahas niya akong nilingon at dinuro saka umalis sa harapan ko.
Hinabol ko siya ng tingin. Mabibigat ang mga hakbang niya kaya di ko napigilan ang mapahagikhik. Utu-uto hmmp!
@Missloorh
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top