Quick To Fall... Quick To Bawl?

Too Much Of Everything

Ilang beses ba dapat sa aking ipamukhang ayos lang na lokohin ako? Na hindi iyon importante kung malaman ko kasi hindi naman ako nagtatanim nang sama ng loob.

Ganoon ba talaga ang kapalit ng pagiging mabait?

"Thessa, pakopya sa business math." I handed her my notebook na agad niya rin namang kinuha at saka nagsimulang magsulat.

Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ganoon na lang ako tratuhin. Nakapapagod pero ayoko rin namang bumitiw.

"Hindi ko alam kung marupok ka lang ba talaga o tatanga-tanga. Matalino ka naman sa academics pero pagdating kay Matt--speaking of the g*gong devil." Napalingon ako sa kanilang itinuturo at napabuntonghininga na lang sa natatanaw.

Him with another girl. Hindi na sa akin bago, pero masakit.

Dumapo ang tingin niya sa akin kaya nagpaalam siya sa kausap at naglakad palapit sa amin. Nakangiti ito na para bang wala lang 'yon, na okay lang na makita ko kasi wala naman akong magagawa.

"Hey, love." Nginitian ko siya kahit pa alam kong pilit lang. Ayokong masira ang araw niya dahil lang sa drama ko.

Minsan na kaming nag-away, ayoko nang maulit.

"Kumusta ang practice?" pagbubukas ko ng usapan sa gitna nang aming katahimikan. Mukha kasing walang balak na magsalita ang mga kaibigan ko kaya ako na lang.

"Ayos naman. Medyo mahigpit lang si Coach, alam mo na malapit na kasi ang laban." Nagpatuloy pa siya sa pagsasalita.

Ako ang kwinekwentuhan niya pero sa iba nakatingin ang kaniyang mga mata.

"Love. . ." Umiling na lamang ako. Hindi ko kaya.

Hinayaan ko siyang ubusin ang pagkain habang ako ay hindi na magawang malunok ang kinakain.

He is my first crush. My first love. My first boyfriend. Ayokong masira ang relasyon namin dahil lang sa walang kwenta kong dahilan. Ako ang unang umamin, eh. Ako ang unang nahulog. Kaya bakit ako bibitiw?

Dumaan ang mga araw. Minsan na lamang kami magtagpo ni Matt dahil sa kaniyang practice, habang ako naman ay busy sa mga sunod-sunod na ipinapagawang proyekto.

Isang araw habang naglalakad ako papuntang gymnasium para sana bisitahin si Matt ay nakita ko siyang nakikipaghalikan sa isang babae. Nanigas lang ako sa aking kinatatayuan, tulala ko silang tinititigan.

Kahit pala ilang beses kong sabihin sa aking sarili na sanay na ako ay nasasaktan pa rin ako. Kahit ilang beses kong ipilit sa sarili ay hinihiling ko pa rin na sana magbago ang pakikitungo niya sa akin. Na sana'y ituring niya ako bilang babae at hindi laruan lang na kapag hindi kasama ay puwedeng kalimutan at sa iba muna makikipaglaro.

Hindi ko alam kung kanino ako maiinis. Sa sarili ko bang kahit harap-harapan nang ginag*go ay sige pa rin nang sige o sa kaniya na ilang beses na akong niloloko pero walang pakialam.

Sapat bang dahilan na mahal ko siya para hayaan na saktan ako?

Aalisin ko na sana ang tingin sa kanilang dalawa ng makita niya ako. Mapait akong ngumiti at saka tumalikod upang maglakad na paalis.

Is he worth it of my love?

"Love, wait." Huminto ako pero hindi ko siya nilingon.

"Iyong nakita mo kanina--"

"You don't have to explain, Matt. Kasi simula ngayon tapos na tayo." Pumunta siya sa harap ko upang ako'y tignan. Halata sa reaksyon niyang naguguluhan siya sa aking sinabi pero wala na akong balak pang bawiin 'yon.

"Ano? Bakit?" Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya.

"Seriously, Matt? Tinatanong mo sa akin kung bakit? Ano sa tingin mo, dahil lang trip ko? Alam mong mahal na mahal kita, na handa akong magpaka-t*nga para lang sa 'yo. Pero nakakapagod. Nakakasawa." Hinawakan niya ang kamay ko. Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang palad at gustong-gusto ko 'yon pero sa tuwing naaalala ko ang aking nakita kanina, kung paanong gumapang ang kamay niyang ito sa likuran ng babae. Nawawala ang pagkagusto ko't napapalitan ng sakit.

"Ganoon naman talaga kapag mahal mo ang isang tao, 'di ba? Kahit anong sakit ay ayos lang." Napayuko ako sa kaniyang sinabi. Totoo naman iyon pero mali na rin lalo na kapag sumosobra na, at iyon ang mali ko.

"Kasasabi mo lang, mahal mo ako kaya bakit ka makikipaghiwalay sa akin?"

"Mahal nga kita, na sa sobrang pagmamahal ko sa 'yo ay nakalimutan ko nang mahalin ang sarili ko." Napalingon ako sa mga estudyanteng nanonood sa amin. Saka ko lang naalalang hindi lang pala kami ang tao rito.

Tumalikod ako para makabalik na sa klase. Ilang beses niya pang tinawag ang pangalan ko habang sumusunod.

"Tama na, please. Huwag mo nang tawagin ang pangalan ko. Huwag mo rin akong pigilan na maglakad palayo. . .dahil siguradong sa oras na gawin mo 'yon ay magsisimula na naman akong magpaka-t*nga para sa 'yo."

Sana pala'y hindi na lang ako umamin kung ganito lang din naman ang patutunguhan ng unang relasyon na aking papasukin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top