A Capable Falcon Hiding Its Talon

Am I stressed?

No, I'm not stressed. Okay...fine, baka nga stress ako.

Am I depressed?

No, technically masaya naman ako sa buhay ko.

Am I crazy?

Am I? Mukhang mas ito ang dapat kung pag - isipan. Nababaliw na nga ata ako. Sigurado akong ako pa rin naman si Sofia Navarro. My face and physique look the same, nothing changed. Mukha pa rin akong malapit nang lumampas ang edad sa kalendaryo. Hindi ako bumata, hindi ako tumangkad o tumaba. Pero alam kong mayroong nag - iba.

Bakit pakiramdam ko ang bilis tumakbo ng utak at lahat ng five senses ko? Why do I feel like I'm so smart? Nailigtas nga ako ng taong 'yun sa matinding kapahamakan pero sa ibang Earth naman ako lumanding.

I'm sitting on a bench in the city park. Nanonood sa mga taong namamasyal pero bakit kahit hindi ko naman kilala ang mga taong dumaraan sa harap ko, pakiramdam ko alam ko ang lahat ng tungkol sa kanila.

Katulad na lamang ng lalaking iyon na kadaraan lamang. Sigurado akong may kadate ito. But here's the catch, hindi nito asawa ang kadate.

Saksakang pabango ang inilagay nito sa katawan dahil amoy na amoy ko. Gusto niyo ba malaman anong pabangong gamit niya? Pero huwag na, hindi naman ako endorser.

Nagbihis ito ng damit pang - itaas upang hindi malaman kung saan ito nagtatrabaho pero alam kong office worker ito, mga 5 years or more na. And I will bet my 1,000 pesos na nandito sa bulsa ko na government employee ito. Halata sa posture ng likod nito na palagi lang itong nakaupo na naging sanhi ng scoliosis nito. Oh ha? Para akong may X - ray vision! Kaya kong idetect na may scoliosis ang isang tao.

So amazing I can't help but giggle.

Ang edad ng lalaki ay mga nasa early to mid-thirties. Hindi nito asawa ang kadate dahil nang dumaan ito kanina sa harap ko, nasulyapan ko ang cellphone nito at ang pangalang 'Bea' ang nakita kong katext niya. Bakit alam kong hindi niya iyon asawa? Dahil nakita ko rin sa cellphone niya ang pangalang 'Wifey'. Ibig sabihin ibang tao si Bea. At ito pa, sigurado akong tinanggal nito ang suot na wedding ring, kung asawa niya ang imemeet niya, siguradong susuotin niya pa rin ito. Paano ko nalaman na may wedding ring ito? Dahil kitang - kita ko pa rin ang marka ng singsing sa daliri nito...at hindi ko alam kung bakit. Sobra pa ata sa 20 - 20 ang vision ko.

Actually, hindi na normal ang lahat ng senses ko, they're above normal. Nagkaroon ata ako ng superpowers nang mag crash landing ako dito sa Earth, I mean ibang Earth. Super cool, right? Ano nga ang tawag sa ganitong ability? Tama! Super Deduction Ability.

Akala ko sa palabas lang na Sherlock Holmes ko lang 'to makikita ang ganitong ability. I mean, wala naman talagang nag - eexist sa Earth na may ganitong powers, hindi ba? Kasi kung meron pa, eh di sana lahat ng krimen sa buong mundo na solve na ng kung sino mang may ganitong powers. Eh di sana lahat ng serial killers na meron ang Amerika ay nahanap na. At lahat ng riding in tandem sa lugar namin ay nahuli na dapat kung mayroon mang mga taong may ganitong super deduction ability.

Pero walang ganoong tao sa Earth kung saan ako galing.

But...I have this power now. I have the ability to know things a normal human won't be able to know, I can see things beyond the naked eye, beyond typical human abilities.

I gasp. My heart is beating fast. I've never felt so excited in my almost 30 years of existence. Pakiramdam ko ang dami kong pwedeng gawin, ang dami kong pwedeng matulungan dahil sa powers na meron ako.

OMG! I've never felt this drive, this urge to do something right in my life. I'll put this powers to good use. I have to. I'll solve crimes, I'll find missing people, I'll find criminals who have been roaming around freely.

Yes, that's what I'm going to do. I'm a capable falcon hiding its talons.

I'll be the Sherlock Holmes, Female Version. Millennial Edition.

*****

#WattpadAThonChallenge
#OctoberVerse

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top