November entry (Malayang katauhan)

Kay lapad ng lupain, kay lawak ng tanawin. Mga puno't halaman ay nakikisabay sa indak at tugtog ng hangin. Makukulay na bulaklak, lipad ng mga kalapati, at himig ng mga ibon ay napakasaya at nakakahalinang pagmasdan at dinggin.

Lahat naman tayo, lahat naman ng buhay natin ay may kaakibat na kamatayan sapagkat siya ang nagbigay kaya nararapat lamang at may karapatan siyang bumawi nito.

"Napakaganda hindi ho ba?" Tanong ko pa sa mga taong kasama ko ngayon. Sa mga kasama kong patuloy pa rin sa pagsama at pakikipaglaban sa kung ano mang karamdaman ang mayroon ako ngayon.

"Tama ka anak, tunay na maganda. Kay ganda na siyang nahahalintulad sa iyong awra at karisma." Saad pa ni Mama. Napapangiti na lang ako sa tuwing pinagsasabihan ako ng ganiyan ni Mama, kailanman ay hindi sila nagsasalita ng ukol sa mga bagay na hindi naman nararapat sapagkat ayaw nila akong masaktan. Ngunit labis na ang kanilang pagmamahal na siyang aking lubos na pinapangamba. Dahil alam kong sa susunod kong buhay ay malabong sila pa rin ang aking makakasama.

Naniniwala ba kayo sa pangalawang buhay? Sa reincarnation?

Kung akong tatanungin, oo naniniwala ako at 'yan yung bagay na pinapangambahan ko sa oras na mawala ako sa panahong ito. Siguro marami akong masasama at pangit na mga bagay na siyang aking nagawa noong nakaraan kong buhay. Kasi naman, makikita sa buhay na mayroon ako ngayon ang labis na pagdurusa sa aking buhay dahil lamang sa karamdamang hindi ko alam kung kailan mawawala. Nakapatay ba ako ng tao? Ganoon ba kalala ang aking nagawa noon sa nakaraang buhay ko upang ito ang aking naging buhay ngayon? Siguro nga.

"Ganda na siyang maibabagay sa iyong pusong ubod na kay ganda." Nakangiting dagdag pa ni Papa. Nakita ko pang siniko ni Papa si Kuya para magsalita ito ng maganda gaya na lamang ng ginagawa nila sa tuwing ako ay nagdudurusa at nangangamba.

"Gandang... Basta Maya maganda yung tanawin na siyang hinding-hindi mo ipagpapalit sa kung ano mang bagay." Sambit ni Kuya para ako ay matawa. Maganda naman talaga na ayaw ko ng ipagpalit pa. Maliban sa sakit na mayroon ako ngayon, ang pamilyang mayroon ako ang bagay na ayaw kong ipagpalit pa sa kung anumang bagay.

Tahimik lang kami habang nanonood sa tanawin. Buwan ng Nobyembre, ngayong araw naman ang aking kaarawan. Nandito kami ngayon dahil ito ang aking hiling, ang aking gusto. Na siyang pinagbigyan dahil kaarawan ko. Magdadapit-hapon na, andito pa rin kami sa isang lupain namin na kung saan ang mga magagandang tanawin ay makikita. Ngayon, inaabangan namin ang paglubog ng araw at ilang sandali pa ay nagpakita na.

Ako ay malaya sa kapusukan at kaguluhan na nangyayari sa mundong ito. Walang nakakasakit, at walang nagpapaiyak sa akin dahil ako ay malaya sa kanila. Dahil ako ay kakaiba sa kanila, kakaiba sapagkat isa lang naman akong hamak na nilalang na patuloy at pilit pa ring lumalaban sa tulay at daan ng buhay. Kung hanggang saan matatapos, kailan magtatapos, at kailan magsisimula muli sa panibagong buhay.

Ako si Malaya, tawag nila sa akin ay Maya. Ako ay may malubhang sakit na hindi matukoy-tukoy na kung saan ako ay nakakulong mula pa ng ako'y nasa edad ng limang taong gulang. Walang kasiguraduhan at paiba-iba ang resulta na sinasabi ng mga doktor na aming napupuntahan.

May masayahin, mapagmahal, at mabait na pamilya. May pera na kung saan ako lang ang nakakaubos dahil sa malaking gastos sa pagpapagamot. Magpatingin sa doktor buwan-buwan, bitamina, at iba pang mga gamot na aking ginagamit para malunasan ang aking sakit.

Napatingin akong muli sa panandaliang sandali sa aking pamilya. Sa pamilya kong hindi ko na kayang palitan pa at ninanais na sila ay makasama sa susunod na buhay kong naghihintay na.

"Mara...ming sala...mat." Pagbitaw ko ng mga salita sa pamilya kong pareho nang lumuluha.

Nakakatawa! Sobra! Hindi naman ako tumatakbo pero pagod na pagod na ako, ang lakas-lakas ng kabog ng dibdib ko na para bang sasabog na ito. Mga matang nakadilat habang ang mga luha ay walang tigil sa pag-agos, dilat ngunit wala akong makita kundi ang madilim na sulok. Hanggang sa unti-unti nang nagpapakita ang liwanag, liwanag na nakakatulala sa ganda. Ngunit ito ay puno ng hiwaga at kakaiba, na siyang nagpapagaling sa aking sistema.

Hanggang sa ako ay magising sa ibang diwa, sa bagong diwa. Sa ibang katauhan at malaya ang aking katauhan. Maraming nag-iba, kakaiba na hindi ko alintana.

...

Ako si Mayana, ang nag-iisang anak nina Mina at Yano. Ako ngayon ay nabiyaan ng maganda, magandang regalo para sa aking kaarawan. Buwan ng Nobyembre, sa araw ng 12 at taong 2022 ako ay nagsilang ng napakagandang batang babae, na papangalanan ko ng Manaya.

"Dok, gawin niyo po ang lahat para mapagaling ang anak ko. Parang awa niyo na po, kay bata-bata pa niya upang siya ay makaranas ng ganitong karamdaman." Paki-usap ko sa doktor. Hindi maaari. Hinding-hindi maaari na ang madalas kong napapanaginapan noon ay magyayari sa anak ko. Hindi.

"Huwag po kayong mag-alala dahil gagawin po namin ang lahat ng aming makakaya." Sabo ng doktor sabay yuko.

"Maraming salamat dok." Tugon ng aking asawa sa doktor. "Mahal, magiging maayos din ang lahat." Sabi niya sa akin sabay himas ng aking likod para mapagaan ang aking nararamdaman.

...

"Ma, ayos na ako. Kayo naman po oh, napagamot na ako kaya huwag na kayong mag-alala pa. Maganda ang kinalabasan ng aking pagpapagamot, mas maayos na ang pakiramdam ko." Sabi ng 25 taong gulang na si Manaya, may nobyo na din siya. Salamat at hindi siya gaanong nagdusa sa buha na mayroon siya.

"Mabuti naman anak. Magpatuloy sana ang iyong paggaling. Oh siya, puntahan mo muna si Nindro at kanina pa siya naghihintay sa iyo sa baba." Sabi ko pa at bigla nalang sumilay ang matamis na ngiti sa kaniyang labi.

"Salamat at pinabayaan niyo ako sa mga gusto ko Ma, salamat sa tiwala." Napangiti din ako sa sinabi ng aking mahal na anak.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top