The World is Your Oyster
May Entry (Life Over Dreams)
***
Mula pagkabata, sigurado na ako kung ano ang gusto kong maging sa hinaharap. Planado ko na ang lahat magmula sa school na papasukan hanggang sa kursong kukunin.
Growing up as a privileged child, I'd always thought that the whole world revolves around me. At lahat ng bagay na gustuhin at pangarapin ko ay abot kamay ko lang.
I don't mean to brag but I'd always been good at everything I do and I'd never disappointed my parents in any way. Mula sa pagiging honor student, pagkamit ng medal mula sa ilang kumpetisyon—academic man o sports hanggang sa pagiging mabuting anak at kapatid. I felt invincible.
I was my family's pride then. But now... I need to be their strength.
Pagkatapos ng eskandalo at aksidenteng kinasangkutan ni daddy, hindi na nagawang linisin pa ang pangalan niya hanggang sa huli niyang hininga. Bumagsak ang kumpanyang pinagtatrabahuan niya't kung 'di ipinangbayad sa ilang damage ay napunta naman sa bill ng ospital ang naiwan niyang pera.
Pangalawang taon ko pa lang sa college bilang isang Biology student. Pero dahil walang-wala kami, kinailangan kong mag-drop at huminto sa pag-aaral para magtrabaho.
Sa isang pitik, pakiramdam ko bumaligtad bigla ang buong mundo. Para akong na-hold up, ninakawan nang walang kalaban-laban, hinubaran ng lahat ng bagay at pribilehiyong kinasanayan. At hindi ko akalain na isang iglap ay posible ring magbago ang pananaw ko sa buhay.
Lahat ng pinaghirapan at pangarap ko'y tila inanod ng magkakasunod na obligasyon, reponsibilidad at problema. Ni hindi ko nagawang pagluksaan nang maayos ang pagkamatay ni daddy dahil kailangan kong maging matatag—para kay mommy at sa nakababata kong kapatid, sa natitira kong pamilya. At hindi ko sila pwedeng pabayaan. Kailangan may gawin ako.
Kaya pinasok ko ang kahit na anong trabaho. Crew sa isang fast food, delivery boy, tutor o kahit construction. Sa dami ng obligasyon at responsibilidad, wala na akong naging panahon pa para isipin ang kung anong plano ko sa buhay ko. Naging abala 'ko sa buhay hanggang sa unti-unti, hindi ko na namalayang tuluyan na akong iniwan ng mga pangarap ko.
"Rowan, due date na ng kuryente bukas, baka maputulan tayo. Mangungutang muna 'ko kila—"
"Ako na pong bahala, my."
"Kuya, may field trip kami sa school next week. Pwede namang hindi sumama kaya lang pinagagawa ng project." Nahihiyang ngumiti sa akin ang kapatid ko. At bago pa man niya madugtungan ang sasabihin ay pinutol ko na siya.
"Gagawan ko ng paraan." Sinapo ko ang ulo niya at tinapik habang nakangiti. Isang matamis na ngiti ang isinukli sa akin ng kapatid ko dahil sa narinig.
"Ingat ka, anak."
Mabigat at nakakatakot ang obligasyong biglaang ipinapasan sa akin. At sa totoo lang, noong una akala ko hindi ko kaya. Noong una ang dami kong pag-aalinlangan. And truth be told, I was scared to disappoint my family—I was scared that I won't be able to live up with their expectations of me. I was so good at being their pride then and I'm not sure if I'm doing a good job at being their provider now.
May mga pagkakataon sa buhay natin kung kailan madaling mangarap at abutin ang mga iyon. Pero kung minsan, darating tayo sa punto kung saan kailangan nating mamili kung ano ang mas mahalaga sa dalawa: buhay o pangarap.
Madaling mabuhay... pero mahirap panatilihing buhay ang mga pangarap. Ang buong akala ko tapos na ako rito. Na hindi ko na kayang mangarap ulit dahil iba na ang tingin ko sa mundo. Pero mali ako.
Mula pagkabata pangarap ko nang maging doktor at nakatatak na sa isip ko kung ano ako magiging, balang araw. Gusto kong panghawakan ang pag-asa ng hinaharap pero sa ngayon, ayos na sa akin kung ano ako at kung anong kaya kong gawin para sa pamilya ko. Dahil higit sa pangarap kong maging doktor noon, may panibago na akong pangarap ngayon: ang maging lakas at sandigan ng pamilya ko.
"Doc, good afternoon!" nakangiti kong bungad pagkapasok sa opisina ng pangalawang doctor na kailangan kong cover-an sa araw na iyon. Dala ang paperbag na naglalaman ng mga gamot, bahagya ko iyong iminaniobra sa kaniya. "Marami akong dalang samples ng bago naming product."
At kung pangarap o buhay lang din naman ang pag-uusapan, madaling piliin ang buhay ngunit wala itong magiging saysay kung wala kang pangarap. Pero hindi ibig sabihin na limitado lang para sa 'yo ang bagay na papangarapin mo—dahil maraming paraan at dahilan iyon.
The world is your oyster—and as this saying goes, I want to believe that unlike life, dreams aren't limited to just one.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top