Para sa'yo, aking kanlungan.





ULILA, walang nagmamahal, kinalimutan. Ilan lang yan sa mga madalas na iasar sakin ng mga kapwa kong bata noon.

Ulila dahil na wala akong mga magulang.
Walang nagmamahal dahil walang nag-aaruga.
Kinalimutan dahil sa murang edad ay hindi na nila ako nagawang balikan.


Pero ang totoo...








Mali sila.

Hindi ako ulila. May nagmamahal sakin at may isang taong hindi ako kinakalimutan.

Wala man akong magulang nandyan naman siya na laging nakaalalay, lagi akong inuuna kaysa sa lahat, maging sa sarili nya.

Lagi akong iniintindi at pinagpapasensyahan. Madalas man na hindi ko pa maintindihan ang mga payo nya, ramdam ko naman sa puso kong lahat iyon ay mahalaga.

Kinakaya nya ang lahat para lang may makain kami at makapasok ako sa eskwelahan araw-araw.

     "Ateee!" tawag ko sa kanya ng matanawan ko na siyang papalapit sa munti naming tahanan.

     "Ronaaa!" ngiting ngiti nya ding bati sakin.

Pagtapat nya sa harap ko agad nyang inabot ang dala nyang plastic bag. Nagtataka ko yung tiningnan at sinilip ang laman.

Agad na nanlaki ang mga mata ko, "Hala! Black s-shoes?" namamangha at medyo naiiyak kong tanong bago sya muling tiningnan.

     "Oo! Galante ngayon si Mrs. Cruz e, 2k ba naman pinasweldo sakin para sa 1 week kong  paglalabada sa kanya?" proud nyang sagot at tsaka sinabihan akong  sukatin na ang sapatos.

Umiling ako at sinugod sya ng isang mahigpit na yakap.

     "Ba't di ka man lang bumili ng para sayo ate? Bakit sapatos ko lang laman nito? Ate naman e.." lumuluha kong sambit.

    "Ayst. Umiiyak ka na  nyan? Hoy 16 ka na Rona, wag ka na masyadong crybaby." pabiro nyang  sabi at tsaka ako niyakap pabalik, inalog-alog niya pa ko kaya  nagtawanan na kami.

     "Baby mo naman talaga ko e."
     "Naks, laki ng ulo mo bunsoy."

     "Wag ka mag-alala  ate, magiging valedictorian ako gamit ang sapatos nato! Lucky charm ko ba naman bumili eh!" determinado kong sabi at kumuha pa ng notebook at  sinulat ang mga katagang 'My bucket list' una kong isinulat dun na  magiging valedictorian ako at si ate ang sasama sakin sa taas ng stage.

     "Sus! Sisiw lang sayo yan bunsoy, ikaw pa! mana ka kaya sakin."

Siya ang tagapagtanggol ko sa lahat ng oras.

     "Grade 10 ka na Rona, sinusundo ka padin ng ate mo?" pangaasar sakin ni Lonzo at ng mga kaibigan nyang bully.

Magsasalita na sana ako upang makiusap sa kanila na tigilan na ako dahil ayoko ng gulo pero may isang pamilyar na boses na nagsalita sa likod ko.

     "Grade 10 ka na bata, naiingit ka padin sa pagsusundo ko kay Rona?" sarcastic na tanong ni ate at pinagtaasan pa sila ng kilay. Nagtutulakan nang umalis sina Lonzo habang pinandidilatan padin sila ni ate.

     "Salamat ate." sabi ko sa kanya bago ngumuso. Ginulo nya ang buhok ko.

     "Tsk. Matuto ka ngang lumaban Rona, hindi habang buhay nandito si ate ha? Hindi pwedeng nagpapaapi ka ng ganyan. Mumultuhin ko talaga sila pag nadeads ako!"

Lahat ng achievements ko, alay ko para sa kanya.

     "Ate! First honor ulit ako ngayong 3rd grading! Tingnan mo certificate ko oh! Susulat ko pangalan mo dito ha? Sa tabi ng name ko!" masaya kong sabi at winagayway sa harap nya ang certificate ko. Natatawa nalang syang tumango at inakbayan ako habang sinisilip ang papel na hawak ko.

     "Ate! Ako daw Valedictorian ng klase namin!" masayang balita ko sa kanya pagkauwi ko galing sa paaralan.

Pinuntahan ko siya dito sa bahay nina Mrs. Cruz. Naabutan ko siyang nagsasabon ng mga labahan. Niyakap ko siya ng mahigpit kaya kapwa na kami natalsikan ng tubig na may panlabang sabon.

Inanounce na kanina ang honor roll namin para sa graduation at ang saya-saya ko dahil nakuha ko ang pinakamataas na grado!

     "Talaga?!! Congrats Rona! Ang talino talaga ng kapatid kooo. Sobrang proud sayo si ate!" naluluhang sambit nya kaya mas lalong napuno ng galak ang puso ko.

Parehas kaming natawa nang magdalawang isip pa siyang yakapin ako pabalik dahil sa masabon niyang mga kamay.

Nang araw ng graduation  ay kinakabahan akong umakyat ng entablado. Matagal ko ng saulado ang  speech ko pero parang nablangko ata ako ngayon.

Hawak ko na ang mikropono pero para akong nawalan ng dila ng makita ko na ang dami ng tao sa harap ko. Lahat sila nakangiti.

Dahan dahan kong inikot  ang paningin ko sa covered court kung saan nagsama-sama ang mga  masasayang guro, mag-aaral at kanilang mga magulang. May mga nanay,  tatay maging mga lolo at lola.

Pero sa lahat ng taong  yun, sa isang mukha lang ako nakakuha lakas ng loob. Nang sandaling makita ko ang proud nyang ngiti, doon na ako nakaramdam ng kumpyansa at  naalaa ko na ang aking mga linya.

Si ate.

     ".... Maligaw man ako ng landas, alam kong sayo'y makakakuha ako ng lakas. Lakas para bumangon ulit laban sa lahat ng hamon ng buhay. Lakas para harapin ang  katotohanan na hindi tulad ng marami dito ay wala tayong mga magulang."

     "Ang dami ko nang nakitang beauty queen at artista sa telebisyon pero para sakin ikaw padin ang pinakamaganda."

     "Ang dami ko nang nakitang atleta pero para sakin ikaw ang pinakamalakas sa lahat, ikaw lang ang nag-iisang deserving ng gold medal. Ikaw lang. Dahil ikaw lang  ang nagtiyaga na alagaan ako't itaguyod."

    "Hindi na ko humihiling pa ng kalinga ng ating mga magulang dahil napunuan mo na ang mga butas na nais kong tabunan."

     "Hindi lahat ng  tagumpay ng isang anak ay dahil sa kanilang magulang, minsan dahil yun sa isang tao na hindi sila sinukuan kahit na ang mismong magulang nila  ay sumuko na."

    "Lahat ng narating  ko at mararating ko palang ay alay ko sayo ate. Salamat sa lahat.  Pangako kong pagdating ng panahon ako naman ang mag-aalaga at susuporta  sayo. Mahal na mahal kita. Mabuhay ka ate Dona!"

Ngiting-ngiti ako habang  nakaharap padin sa nagpapalakpakang madla. Tanaw ko si ate na lumuluha  ngunit pinapakitaan ako ng isang thumbs-up.

Para saking nag-iisang kanlungan,

     "Salamat ate." nilabi ko sa kanya at nakangiting sumaludo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top