October Entry: Cheers, My October!
Malaya
D
umadagundong ang buong paligid at nakakasilaw ang iba't ibang kulay ng ilaw na tumatama sa mga mata ko. Panay ang sigaw ko habang nakataas ang dalawa kong mga kamay, nakapikit at nakangiti.
Umiikot na ang paningin ko pero sumasabay pa rin ang balakang ko sa malakas na tugtog sa paligid. May mga lalakeng lumalapit sa akin pero tinataboy sila ng bestfriend ko na si Aica.
"Eve! Tama na 'yan! Lasing ka na!" Sinubukang hawakan ni Aica ang braso ko para hatakin ako pabalik sa couch namin pero nagmatigas ako.
"Come on, Aica! Ito ang araw na malaya na tayo sa virus!" malakas na sigaw ko. "Look! Ngayon lang ulit ako nakapag-lipstick dahil madalas tayong nakasuot ng mask noon!"
"Pero lasing ka na! Kailangan na nating umuwi!" Hinatak niya ulit ang braso ko pero umatras ako palayo sa kaniya. "Eve!" Napasigaw siya nang tuluyan akong nawala sa paningin niya at nilamon ako ng mga taong sumasayaw sa gitna ng dance floor.
"Alright! This is the best night ever!" sigaw ko habang nakikisabay sa sayawan ng mga tao sa paligid ko.
Nagwawala sila, kaya ga'non din ako. Ilang taon kaming kinulong ng pandemya: pinagbawalan na magkaroon ng maramihang pagtitipon. Kaya ngayong malaya na kami sa virus, pakiramdam ko ay para kaming mga bata na ngayon lang pinayagang maglaro ng mga magulang.
"Hi, Eve."
Napaatras ako at tiningnan ang matangkad na lalake sa harap ko. Siningkitan ko siya ng mga mata dahil nanlalabo ang paningin ko dahil sa kalasingan.
Nakasuot siya ng light blue dress shirt na nakatupi hanggang siko ang sleeve. Ang buhok niya ay nakaayos pagilid at nakangiti siya sa akin ngayon habang nakapamulsa. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya.
"Do I know you?" kunot-noong tanong ko sa lalake.
"You should go home, Eve."
"Wait. Bakit mo ako kilala? I don't even know you." Tinalikuran ko na siya.
"I know why you're here, Doc."
Pakiramdam ko ay nawala ang kalasingan ko nang marinig ko ang huling salitang binitawan niya. Natuod ako sa kinatatayuan ko at dahan-dahang napalingon sa kaniya.
"You want to forget about me," nakangiting dagdag niya. "Tama naman ang ginagawa mo, eh. Pero huwag mong parusahan ang sarili mo, Eve. Go home and have some rest."
Kumurap ako nang dalawang beses. Parang piniga ang puso ko nang unti-unting naging malinaw ang mukha niya sa paningin ko.
Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa akin. Sa pagkakataong iyon, pigil ko na ang hininga ko hanggang sa tumigil siya sa harap ko.
"Nakalaya ka na sa virus...dapat mo na ring palayain ang sarili mo sa nakaraan." Inangat niya ang isang kamay at masuyong hinawakan ang pisngi ko bago yumuko para bumulong sa tenga ko. "It's not your fault, Eve. Forgive yourself."
Awtomatikong tumulo ang mga luha ko nang ngitian niya ako nang matamis.
"B-Brian..." Nabasag ang tinig ko. "I-I'm sorry." Mabilis ko siyang tinalikuran at dire-diretsong naglakad pabalik sa couch namin ni Aica.
Umupo ako roon at dinampot ang isang bote ng beer para uminom. Napapikit ako habang walang tigil sa pagbuhos ang mga luha ko.
"You should rest," nakangiting sabi ko sa pasyente ko bago ko siya tinalikuran.
"Doc Eve..."
Napalingon ako kay Brian. Kahit nakasuot siya ng oxygen mask ay kitang-kita ko pa rin ang ngiti sa mga labi niya habang nakatingin sa akin.
"Virus lang 'to. Kayang-kaya ko 'tong labanan," nakangising sambit niya. "Kapag gumaling ako, liligawan kita."
Hindi ko napigilang mapangiti. Hindi niya naman makikita iyon dahil nakasuot ako ng face mask at face shield.
"Uy, napangiti ko siya..." pang-aasar niya.
"Hindi ako nakangiti," tanggi ko.
"Your eyes said you are smiling, Doc Eve." Umubo siya bago umayos ng pagkakaupo sa hospital bed. "I'm sure na gagaling ako. Magaling kang doktor at siguradong gusto mo rin akong gumaling para ipagpatuloy ang love story natin."
Napairap ako pero nakangiti pa rin. "Suit yourself."
Hindi siya sumagot pero kinindatan niya lang ako. Naramdaman ko tuloy ang pag-iinit ng pisngi ko kaya umalis na ako ng kwarto niya.
Bilib ako sa lakas ng loob ni Brian para labanan ang Corona Virus na nagpapahina ng katawan niya. Siguro ay isa 'yon sa dahilan kaya nahulog ang loob ko sa kaniya.
"B-Brian..." Nagpatuloy ako sa pag-iyak habang hawak ko ang isang bote ng beer.
"Eve!" Umupo si Aica sa tabi ko. "Akala ko nawala ka na—Wait, why are you crying?!"
"A-Aica...si Brian..." iyak ko.
Kaagad akong niyakap ni Aica para aluhin pero mas lumakas ang iyak ko.
"Akala ko ba pumunta ka rito para pakawalan na siya, Eve? Malaya na tayo sa Corona Virus kaya dapat, malaya ka na rin sa sakit."
"Maybe the fight against the virus is over, Aica. But as a Frontliner, hindi madaling kalimutan ang mga buhay na nawala sa mismong harap namin dahil sa virus na 'yon." Tumingin ako sa kaniya, nanlalabo ang mga mata dahil sa luha. "H-He died in front of me. Brian died in front of me. How could I forget his face that night? He was begging me to save him because he wanted to live...for me. I-I loved him but I failed him."
"But he was proud of you, Eve. First death anniversary niya ngayon at kailangan mo nang tanggapin ang nangyari sa kaniya. Kung nabubuhay siya ngayon, alam kong gusto niyang palayain mo na ang sarili mo sa lahat. He loved you."
Napatingin ako sa dance floor kung saan patuloy pa rin ang mga tao sa pagsasayaw. Sa gitna, nakita ko si Brian. Nakapamulsa siya habang nakatingin sa akin. Nakangiti siya na para bang sinasabi niyang palayain ko na ang sarili ko kasabay ng paglaya ng mga katulad kong Frontliner sa virus na ilang taon kaming sinubok.
"I love you..." Iyon ang nabasa ko sa bibig ni Brian bago siya unti-unting nawala sa paningin ko na parang usok.
"He loved you. Forgive yourself," sambit ni Aica.
Tama siya. Mula ngayon, palalayain ko na ang sarili ko sa sakit.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top