December Entry: That Christmas Encounter
Simula Pa No'ng Una
Marife Brizuela's Messenger
Miya Callista:
Hoy, dzai! Sa'n ka?
Marife Brizuela:
Coffee shop with my parents and cousins.
Miya Callista:
Wow. English! Christmas na Christmas duduguin ilong ko sa 'yo!
Psst. Anyare? Seen lang?
Hala! Hoy! Bakit hindi mo 'ko pinapansin?!
Marife Brizuela:
Juice colored! Nakita ko si Miggy! Nandito siya sa coffee shop kasama friends niya! Waaahhh!
Miya Callista:
Miggy? 'Yong kapitbahay n'yo na ka-chat mo palagi pero hindi mo kinakausap kasi nahihiya ka?
Marife Brizuela:
Mismo! Wait, chat ko siya!
Miya Callista:
Hindi na lang kasi lapitan, eh! Ang pabebe naman!
Marife Brizuela:
Pray for me.
Marife Brizuela:
Merry Christmas, Migz!
Miggy Tolentino:
Hey. Pang-siyam na beses mo na yata ako binati ngayong araw.
Marife Brizuela:
May sasabihin kasi ako sa 'yo.
Miggy Tolentino:
Really? What is it?
Marife Brizuela:
Simula pa no'ng una hindi na maintindihan nararamdaman
Miggy Tolentino:
Wdym?
Marife Brizuela:
Naging magkaibigan ngunit 'di umabot ng magka-ibigan
Miggy Tolentino:
???
Marife Brizuela:
Tanggap ko 'yon noon. Kampante na gano'n na lang.
Miggy Tolentino:
Wait, are you...confessing?
Marife Brizuela:
Sapat na nakasama kita, kahit hanggang do'n na lang.
Miggy Tolentino:
Paano mo nasabi?
Marife Brizuela:
'Di na lang ako lalapit, 'di na lang titingin
Miggy Tolentino:
Sino ba kausap mo?
Marife Brizuela:
Dzai! Kitang-kita ko mukha niya mula rito. Mukhang gusto niya nang itapon phone niya!
Miya Callista:
Baliw! Ano ba kasing sinabi mo?
Marife Brizuela:
Ni-lyrics prank ko lang naman siya.
Miya Callista:
Huwag kang iiyak sa akin kapag blinock ka niyan, ha?
Marife Brizuela:
Hindi ako niyan ibo-block!
Miya Callista:
Huwag kang magsalita nang kapos.
Marife Brizuela:
*tapos
Miya Callista:
Heh.
Marife Brizuela:
Para hindi na rin mahulog pa sa 'yong mga mata
Miggy Tolentino:
Get lost. Chat mo na lang ako kapag hindi ka na ulol.
Marife Brizuela:
Siguro nga napamahal na 'ko sa 'yo, oo...
Miggy Tolentino:
Ay weh?
Marife Brizuela:
'Di naman inaasahan, 'di naman sinasadya...
Miggy Tolentino:
Hindi ka aayos? Block kita, sige.
Marife Brizuela:
Pero alam ko rin naman hanggang dito na lang
Miggy Tolentino:
Isa...
Marife Brizuela:
Lilimutin ang damdamin
Miggy Tolentino:
Isa pa talaga...
Marife Brizuela:
Isisigaw na lang sa hangin...
Miggy Tolentino:
Bye.
You cannot reply to this conversation.
Marife Brizuela:
Dzaaaai! Blinock niya nga ako! Huhuhu!
Miya Callista:
Eh di iyak ka ngayon. Lyrics prank pa.
Marife Brizuela:
Huhuhu.
Miya Callista:
Okay lang 'yan, dzai. Tanga mo kasi, eh.
Oh, ano? Ba't seen na naman ako?
Hoy! Ano nang nangyari? Nagwawala ka ba riyan?
Marife Brizuela:
Hala! In-unblock niya ako! Waaaah!!!
Miya Callista:
Ay iba.
Miggy Tolentino:
Aksep.
Marife Brizuela:
Pagkatapos mo 'kong i-block?
Miggy Tolentino:
Tampo yarn? 10 seconds lang naman kita block, eh.
Marife Brizuela:
Accept ko friend request mo pero patapusin mo 'ko sa sinasabi ko. Deal?
Miggy Tolentino:
No deal, no deal.
Marife Brizuela:
'Di wag.
Miggy Tolentino:
Sige na nga.
Marife Brizuela:
Okay! Game!
Miggy Tolentino:
Baliw.
Marife Brizuela:
Maganda naman.
Miggy Tolentino:
Daming ebas?
Marife Brizuela:
Isisisigaw na lang sa hangin...mahal kita...
Mahal kita...
(seen)
Marife Brizuela:
Hala, seen niya lang 'yong lyrics prank ko! Huhuhu!
Miya Callista:
Tinuloy mo pa rin? Sira! Ano na reaksyon ng face niya now?
Marife Brizuela:
Tulala sa cellphone. Kinakausap siya ng friend niya pero 'di siya pinapansin.
Miya Callista:
Hala. Mukhang napikon na. Tigilan mo na, uy!
Marife Brizuela:
Wait, nag-chat siya ulit!
Miggy Tolentino:
Totoo?
Marife Brizuela:
Sinubukan ko naman na pigilan ang nararamdaman
Miggy Tolentino:
Kailan pa? Bakit hindi mo sinabi kaagad?
Marife Brizuela:
Kahit mahirap, lumayo at umiwas sa 'yo
Miggy Tolentino:
Hindi mo naman kailangan lumayo.
Marife Brizuela:
Pa'no ba naman, isang ngiti, isang tingin, kahit boses mo na ring nakakatunaw
Huwag nang pansinin, delikado na.
Delikado na
(seen)
Marife Brizuela:
Shemay. Hindi na naman siya nag-reply!
Miya Callista:
Tigilan mo na, bruha ka!
Marife Brizuela:
Ba't gano'n ang mukha niya? Parang namumula.
Miya Callista:
Ayt. Kinilig?
Marife Brizuela:
Ayoko mag-assume, 'no.
Ay wait. Nag-smile siya! OMG!
Marife Brizuela:
Hirap pa ring hindi lumapit, 'di maiwasang tumingin
Miggy Tolentino:
Sino ba nagsabi sa 'yo na lumayo ka? Kaya ba hindi mo ako kinakausap sa personal kasi may nararamdaman ka para sa 'kin?
Marife Brizuela:
Mukha yatang ako'y nahulog na sa 'yong mga mata...
Miggy Tolentino:
Ako yata ang unang nahulog sa mga mata mo, Marife.
Marife Brizuela:
Ha?
Marife Brizuela:
Dzaaaiiii!!! Sa akin daw siya unang nahulog!
Miya Callista:
Weh? Ano 'yan? Prank gone well?
Marife Brizuela:
Idk! Pero kinikilig akes!
Miya Callista:
Luh. Don't assume muna. Ask him.
Marife Brizuela:
Ano 'yan?
Miggy Tolentino:
Eh di umayos ka rin. Kung 'di ko pa sinabi 'yon, hindi ka makikipag-usap nang maayos.
Marife Brizuela:
Ano?! Joke lang 'yon?!
Miggy Tolentino:
Bakit? Galit ka?
Marife Brizuela:
Lyrics prank kasi 'yon!
Miggy Tolentino:
Anong lyrics prank?
Marife Brizuela:
Simula pa no'ng una by Patch Quiwa. Search mo sa YouTube. Hahahaha!
Ano, bakit seen mo lang ako? Galit ka?
Hoy. Hindi nga? Galit ka?
Miggy Tolentino:
Akala ko naman seryoso 'yong mga sinabi mo. Alam mo bang muntik na akong mapaamin?
Marife Brizuela:
Hindi ba joke mo lang din 'yon kanina? Na una kang nahulog sa akin? Baliw 'to.
Miggy Tolentino:
Binawi ko kasi natorpe ako.
Marife Brizuela:
Ano?
Miggy Tolentino:
Hindi ko kasi alam kung seryoso ka. Tapos sabay sabi ka na lyrics prank lang 'yon.
Marife Brizuela:
Teka, bakit parang galit ka? Prank lang naman 'yon.
Miggy Tolentino:
Paano kung may feelings sa 'yo 'yong prinank mo? Tapos sabay sasabihin mo na prank lang 'yong mga pinagsasabi mo kanina? Eh di masasaktan mo siya. Hirap sa 'yo puro ka kalokohan.
Marife Brizuela:
Eh wala ka namang feelings sa akin para masaktan ka sa prank ko na 'yon, ah.
Miggy Tolentino:
Sinong nagsabi na wala akong feelings sa 'yo?
Marife Brizuela:
Nani?
Marife Brizuela:
Dzai! Nagtama paningin naming dalawa! Papunta na siya sa pwesto namin ngayon! Best Christmas ever!
Miya Callista:
Sanaol. Prayer reveal.
Marife Brizuela:
Invited ka kasal ko. LOL.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top