"Bahala na" (Entry 02 - Love Online, Love On The Line 2021)
<(˶ ◕‿◕˶)
Active now
_________
<(˶ ◕‿◕˶): HAHAHAH baka nasa kabilang buhay na tayo nun eh noh?
oo nga, tas malay mo anak ka na ng
presidente nun HAHAHAH
<(˶ ◕‿◕˶): oo tas hahanapin kita
baliw hindi na tayo magkakilala
nun HAHAHAHA
<(˶ ◕‿◕˶): hmmm
Ay may tanong ako
<(˶ ◕‿◕˶): Ano yun?
Kung naniniwala ka nga sa reincarnation,
sa tingin mo, pang-ilang buhay mo na 'to?
<(˶ ◕‿◕˶): Wala pakong natatandaan na lumaban ako sa world war 1 HAHAHAHAHAHAHAH
<(˶ ◕‿◕˶): pero ikaw tingin mo, pang-ilang buhay mo na 'yan?
baliw, talagang hindi mo na maaalala 'yun.
Pero, ako? Siguro pangalawa ko na 'to.
<(˶ ◕‿◕˶): hmmm. siguro ako pang-una
bakit?
<(˶ ◕‿◕˶): kasi dito ako natutong lumaban sa buhay
naks naman HAHAHAHAHHA
<(˶ ◕‿◕˶): baliw HAHAHAHHA
medyo idol kita sa part na 'yun ah.
HAHAHAHA
~~~
Grabe, halos sampung buwan. Sampung buwan na pala ang nakalilipas simula ng kausapin ko siya.
Kilala ko na siya kahit hindi pa kami nagkakausap dalawa, at siguro ganun din siya sa akin. Nakikita na kasi namin ang isa't isa higit pa sa apat na beses sa isang linggo.
Mayo,
Unang pag-uusap,
parang ilaw na kumislap,
masyadong biglaan-
hindi ko man lang napaghandaan.
Hunyo,
Unang puyatan,
usap lang naman.
Wala namang masama,
gusto lang naman natin sumaya.
Kahit alam natin pareho na panandalian lang ang lahat.
Hulyo,
Unang kantahan,
para kang namatayan,
'di biro lang, hahaha
Basta alam natin parehas
ang pagkanta ay hindi natin talento,
dahil sa pareho tayong sintunado.
Agosto,
Unang tawagan,
Kinilig pa ako nung sinabi mo,
"first time ko 'to"
'Wag kang mag-alala akong bahala sa'yo.
Ay gotcha bro, ay gotcha ;)
Setyembre,
Unang tampuhan,
hindi ako apektado.
Medyo lang.
Nobyembre,
Unang pangarap,
masaya pala mangarap.
Nakalimutan ko na ang pakiramdam;
salamat sa pagpapaalala.
Disyembre,
Huling buwan ng taon,
walang iba,
Disyembre, ikaw pa rin.
Unang simba,
ang sarap sa pakiramdam kasama kita.
Unang puto bumbong,
tapos mapakla pa.
Unang kape,
sakto sa lamig ng simoy ng hangin.
Enero,
Unang simula ng taon na kasama kita.
walang entry,
basta ang mahalaga mahal kita.
Pebrero,
Unang paga-aya na lumabas sa buwan ng mga puso.
walang entry,
basta ang mahalaga mahal kita.
Inulit, gusto ko lang naman malinawan ka.
Hindi ko namalayan na sobrang komportable na pala ako sayo. Sabi ko sa sarili ko, hindi na 'ko kailanman susulat ng mga kwento o mga tula na patungkol sa pag-ibig o pagkasawi ngunit bilang manunulat, para itong kamatayan na kailanman ay hindi ko kayang iwasan.
Ngunit sabi nga nila, natural daw sa tao ang magmahal ng taong kailanman ay hindi mapapasa'yo. Masakit pero totoo 'yan. Parang sugal, kahit alam mo na may pagkakataon kang matalo, tataya at tataya ka pa rin dahil gusto mo 'yung premyo.
Hindi kita kapatid, hindi kita pinsan, hindi tayo magkamag-anak o magkadugo, walang bawal sa relihiyon natin dahil pareho naman tayong katoliko pero, alam natin pareho na, hindi pwedeng maging tayo.
Sa mundong ito, sa mundo natin parehas. Alam nating hindi tayo pwede. Sakit 'no? Umay. Pero sabi nga nila, kung gaano mo kamahal ang isang tao... Nevermind. Kalimutan na natin, masyadong masakit eh. Pero seryoso, hindi lahat dapat ipilit kasi kapag hindi kayo ang para sa isa't isa, maraming masasaktan kapag pinilit niyo. Isipin mo 'yung taong naghihintay sa'yo, at sa kaniya, 'yung mga taong itinadhana at nakalaan sa inyo, mawawalan ng pag-ibig na wagas.
Kaya kung sakali man na totoo na mayroong kabilang buhay, sana pahintulutan na tayo ng Maykapal, sana tayo naman. Ilang siglo man ang ating daanan, pilit kitang hahanapin. Sa ngayon, ipapanalangin ko muna na sana ay masaya ka kahit nasa piling ka ng iba, masakit pero mahal kita. Kaya sana sa susunod na habang buhay, ikaw at ako naman, sana tayo naman.
•••
'Bahala na' - 'Bathala na'
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top