4. Hello, Love
TILL DEATH DO US PART
(DARYLLONEFORMEL)
"FOR BETTER OR FOR WORSE"
Hindi ko mapigilan ang pagbuhos ng luha ko habang nakatitig sa babaeng pinakamamahal ko at pinapakinggan ang mga salitang binibigkas niya. Minsan na naming ipinaglaban ang isa't isa at minsan na rin kaming sumuko sa isa't isa.
"For richer or for poorer"
Highschool pa lamang kami ay magkasintahan na kami. Tumutol ang mga magulang namin dahil masyado pa raw kaming mga bata. Ipinakita naming hindi makakasira ang relasyon namin sa'ming pag-aaral. Napatunayan namin iyon at naging successful. Doon pa lamang namin nakuha ang basbas nila.
"In sickness and in health"
Ngunit kung kailan maayos na ang lahat sa'min ay saka kami muling sinubok. Ang pitong taong relasyon namin ay winakasan niya. Para bang hindi naging sapat ang pagmamakaawa ko na huwag niya akong iwan. Tanging "pagod na ako" ang naging paliwanag niya. Ilang linggo lang nalaman ko ang dahilan.
"Ayokong sayangin mo ang buhay mo sa tulad ko."
"Ikaw ang mahal ko, Melissa. Paanong kasayangan ang makasama ka?"
"Hindi na tayo tulad noon, Daryll. Wala ng kasiguraduhan kung mananatili pa ako sa mga susunod na araw."
"Palagay mo ganoon lang kababaw ang pagmamahal ko sa'yo, Mel? Na nasa tabi mo lang ako kapag may kasiguraduhan ang lahat, ha? Mahal kita at mananatili 'yon kahit ano pang ibato sa atin ng kapalaran."
"To love and to cherish"
Sa ginawa niyang pagyakap sa akin, nakikita kong gusto niya pa ring manatili kami. Hindi ko sinayang ang pagkakataon. Nang magkabalikan kami ay nagpropose ako sa kanya tulad ng balak ko bago pa man siya makipaghiwalay.
"Till death do us part."
Ngayon, kahit nakaratay sa kama ng ospital, nakikita ko sa mga mata niya, na tulad ko hindi sapat ang ngiti upang ilarawan ang sayang nararamdaman niya. At hindi cancer ang makakapagpatapos ng kung ano'ng mayroon kami.
WAKAS
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top