Love Online, Love on the Line
Title: Hello, Love, Goodbye
Word Count: 840
Genre: Romance
#WattpadAThonChallenge2021
#WattpadFebruaryEntry
Hello, Love, Goodbye
***
Our love story meets its end. Anniversary turned into misery. I wonder, is it really love or just infatuation? Can an online relationship bear love?
***
It's been a year since Trevor and I broke up. Who would have thought that the guy I met online will make me fall so hard? I thought him and I are meant for each other. If only....
***
Hindi ako madalas magbukas ng aking facebook. Pero lingid sa kaalaman ng iba, may dummy account ako. Doon iba ang pagkatao ko. Doon iba ang pinapakita ko. Doon mas malaya ako.
Naalala ko nung una kami magka-chat. Nakatambay ako sa dummy account ko.
"Hi."
"Hello."
"Taga saan ka?"
"Secret po. Haha. Ikaw muna."
"Taga QC. ako. Ikaw?"
"Ala eh ako ay taga dine laang ga sa amin. Hahaha."
Simula pa lamang magaan na loob ko sa kanya. Simpleng kumustahan at biruan hanggang sa makasanayan ang isa't-isa.
Tandang-tanda ko nagsend siya ng voice message. Kinantahan niya ako. Ang ganda ng boses niya. Mala-anghel na tinig.
"Kapag malungkot ka. Pakinggan mo ito."
"I wanna make you smile whenever you're sad. Carry you around when you're athristis is bad. All I wanna do, is to grow old with you...🎶"
"Ang ganda naman pala ng boses."
"Hindi naman sakto lang."
***
Simula noon palagi na kaming nag-uusap. Umaga hanggang gabi. Dati hindi ako nagpupuyat pero para sa kanya inaabot na ako ng madaling araw sa pagtulog.
Ang mga araw na pag-uusap umabot ng buwan. Mas lumalim ang samahan. Nagkaroon ng pagkakaintindihan. Ang dating chat lamang ngayon may video call na.
Ang gwapo niya. Pwedeng-pwede na maging artista. Tapos ang ganda pa ng boses. Siguro nung nagpasabog ng ka-gwapuhan at talento si Lord nasa labas siya. Parang naliligo lang sa ulan.
***
Dumating ang araw na nagka-aminan. Sino ba mag-iisip na kahit sa chat lang kami nagkakilala ay mahuhulog ang loob ko sa kanya? Na ang puso ko ay makukuha niya.
"May itatanong ako."
"Ano?"
"Will you be my girlfriend?"
"Yes, Trevor."
"I love you, Elaine"
"I love you, too."
Sobrang saya ko. Sa kanya umikot ang mundo ko. Umabot ang buwan palagi kaming masaya. Akala ko wala ng katapusan. Pero may hangganan pala.
"Love, sino yang katabi mo sa picture?" May nakita ako sa my day niya. Nag-iinom sila. May katabi siyang babae.
"Ah, si Rein. Kaibigan ko 'to."
"Kaibigan lang?"
"Love, masyado kang tamang hinala. Wag ka nga."
"Okay. Sorry na."
"Mahal kita, okay?"
"Mas mahal kita, Trev."
***
Sa pagdaan ng araw, paikli nang paikli ang oras niya. Bihira ko na siya makausap.
"Love, may iba ka na ba?"
"Ayan ka na naman sa hinala mo. Wala kasi. Ikaw lang, okay?
"Bakit parang wala ka nang time?"
"Busy lang ako, love. Sorry."
"I love you, Trev."
"Love you."
Araw, lingo, buwan at taon ang nagdaan. Mag-aaway tapos magbabati. Halos paulit-ulit ang nagyayari. Hanggang sa dumating na ang araw na kinatatakutan ko.
***
Unang anibersaryo namin. Gusto ko siyang surpresahin. Kaya naman pinuntahan ko siya sa kanila.
Ito ang unang pagkakataon na pupunta ako sa kanila. Muntik na ako maligaw. Buti na lang may napagtanungan ako.
"Miss, saan po rito ang bahay nina Trevor Sulit?"
"Bakit po?"
"Ahm, dadalawin ko lang po siya"
"Ah ganun ba? Sige samahan na kita. Papunta rin ako roon."
Pamilyar ang mukha ni ate na aking napagtanungan. Hindi ko lang maalala kung saan ko siya nakita.
[Sulit's HOME]
(Ding dong)
"Babe!!!!!" Bigla tumalon si ate sabay yakap sa lalaking kaharap niya na tinawag niyang babe.
"Babe, may naghahanap sa'yo."
"Sino?"
"Siya. Kilala mo ba siya?" Tinuro ako ni ate. Mukhang nagulat si Trevor. Pati ako nagulat din. Nakakatawa. Yung babe na tinawag ni ate ay yung boyfriend ko.
"Ah, oo. Babe, si Elaine nga pala. Kaibigan ko. Elaine, si Rein girlfriend ko." Wow. Ang saya, kaibigan lang pala ako. Joke ba 'to? Nakakatawa yun. Sa sobrang saya ko naiiyak ako.
"Babe, pwede iwan mo muna kami. Mag-usap lang kami saglit." Iniwan kami ni Rein para makapag-usap. Pero ano pa ba kailangan pag-usapan?
"Ano to, Trev? Akala ko ba ko lang? Akala ko ba walang iba? Yung hinala ko totoo pala."
"I'm sorry, Elaine. I'm really sorry."
"Yung totoo minahal mo ba talaga ako?"
"Oo, pero siya ang nandyan sa tabi ko. Patawad."
Ang siraulo niya. Kung hindi ko pa siya pinuntahan hindi ko pa malalaman? Ang sakit. Sobrang sakit.
Nagmadali akong tumakbo. Papalayo sa kanila. Papalayo sa lalaking mahal ko. Papalayo sa lalaking akala ko mahal din ako. Kaya pala. Kaya pala bihira ko na siya makausap. Kaya pala parang may nagbago.
Akala ko siya ang masusurpresa. Ako pala. Ang sakit. Sobrang sakit. Lintek na pag-ibig yan. Ayoko na!!!!
***
Infatuation or love? Infatuation is when you're physically attracted to the person and immediately feel there is a connection. Whereas love is knowing the good and bad of the person and still loving them unconditionally.
What Trevor and I had could be love or infatuation. All I know, what I felt for him was real.
Goodbye, my online love.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top