Christmas without Merry

Naiiba talaga ang mga Pinoy pagdating sa handaan ng noche buena. Kapag pinag-uusapan ang Paskong Pinoy, alam na natin agad kung anong handaan ang meron sa mesa.

 Para sa huling buwan sa taong 2022, paano niyo ipagdiriwang ang Pasko kahit walang handang noche buena o mga regalo? Para sa 'yo, ano ba ang Pasko? Ano'ng meron sa Pasko maliban sa noche buena o ano pa man? Hindi lahat ay kayang maghanda pero ano ang simbolo ng Pasko para sa 'yo? 

 Sa loob ng 800 hanggang 1000 salita, magsulat ng maikling kwentong nakasulat sa Filipino, tiyaking wala itong halong kuwentong pag-ibig, at sumusunod sa temang "Christmas without Merry". 

 Tandaan, ang bawat lahok ay susuriin base sa nilalaman, pagkamalikhain at balarila. Sa mga mananalo, tatanggap kayo ng Winner Certificates and sticker badge. At para naman sa lahat ng sasali, mayroon naman kayong Statement of Participation!

I-click lamang ang link na ito upang opisyal na maipasa ang iyong entry. Hindi na kami tatanggap ng entry na ise-send bilang direct message o comment.

Magsisimula ang pasahan ng entries sa ika-8 hanggang ika-20 ng Disyembre. Dapat sumunod sa mga nakatalagang araw ng pasahan upang maging valid ang iyong entry.

Huwag kalimutan ang tags:

#WattpadAThonChallenge2022

#WattpadDecemberEntry

Paalala: Isang entry sa bawat tema sa isang Wattpad account lamang. At dapat bagong gawa o likha ang iyong ipapasang entry.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top