Being A Parent/Guardian Has No Gender 2021


Sa ating September Write-a-thon Challenge, gawin nating inspirasyon ang ating mga magulang/guardian. Bawat isa sa atin ay hindi maikakaila na meron tayong bucket list na tinatawag. Paano kapag sa iyong bucket list ay isinama natin ang gusto mong gawin kasama ang iyong pamilya lalo na ang iyong mga magulang/guardian?

Kahit sino ay pwedeng maging guardian o magulang para itaguyod ang anak, kapatid o kamag-anak. Ano ang pinakagusto mong gawin kasama ang iyong pamilya? Paano mo gagawing memorable ang pinakauna sa bucket list mo kasama ang iyong pamilya at bilang pasasalamat na rin sa kanila?

Sa ating tema sa buwan ng Setyembre na "BEING A PARENT/GUARDIAN HAS NO GENDER" gumawa ng kuwento base sa natalakay sa itaas sa loob ng 500-1000 na salita.

Tandaan, ang bawat lahok ay susuriin base sa nilalaman, pagkamalikhain at balarila. Sa mga mananalo, tatanggap kayo ng Winner Certificates. At para naman sa lahat ng sasali, mayoon naman kayong Statement of Participation!

Tandaan, ang bawat lahok ay susuriin base sa nilalaman, pagkamalikhain at balarila.

Tara, sulat na!

Sundin lamang ang paraan ng pagpasa ng entry:

Title:

Link:

Word Count:

Genre:

Magsisimula ang pasahan ng entries simula Day 5 hanggang Day 20 ng Septembre. Dapat tama ang format at sumunod sa nakatalagang mga araw ng pasahan upang maging valid ang iyong entry.

Huwag kalimutan ang tags:

#WattpadAThonChallenge2021

#WattpadSeptemberEntry

Paalala: Isang entry sa bawat tema sa isang Wattpad Account lamang. At dapat bago ang likha o gawa ang iyong ipapasa na entry.

Paalala: Hindi kami tatanggap ng entry na isesend bilang direct message.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top