•| IN SUIT
Ako'y nasa harapan ng altar, naghihintay sa kaniya.
Dama ko ang pagtulo ng bawat maliliit na butil ng tubig mula sa aking mata habang naglalakad ang isang babaeng nakasuot ng trahe de boda at may hawak na bulaklak kasabay ng isang madamdaming musika. Magkahlong saya at lungkot ang nararamdaman ko nang lumapit na sa kinatatayuan ko ang babaeng ito. Saya dahil ikakasal na siya, lungkot dahil hindi sa akin.
[ALAALA]
"Salamat, pre! Pumayag kang maging best man ko!" ani ni Dine sa akin.
"W-wala yun," sagot ko naman sa kaniya ng may artipisyal na ngiti.
"Ito na talaga pinakamasayang araw ng buhay ko!" Na siya naman pinakamalungkot ko. "Oh! Paano ba yan pre! Aasahan kita bukas sa kasal ha?" Tumango lang ako at kunwari'y nasisiyahan kahit ang totoo durog na durog na ako.
Sa paglabas namin ni Dine sa shop na pinuntahan namin nag-aabang sa kaniya si Diana, mapapangasawa niya. Nagkasalubong ang tingin naming dalawa. Ang pagtingin niyang yun na tila sinasabi niya sa akin na, "Patawad."
[BALIK REYALIDAD]
"YOU MAY NOW KISS THE BRIDE!" Maligayang saad ng pare.
Napa palakpak na lang ako habang hindi ko na napigilang lumuha habang nakikita ko silang dalawang masayang nahahagkan ang isa't-isa.
"Pre! Hindi ka man lang ba kakain?" Wika sa akin ni Dine nang dumating kami sa reception.
"Hindi na siguro, mauna na ako," paalam ko sa kaniya at saka ako tumingin kay Diana. "Mauna na ako," ani king muli.
Batid kong batid niya ang lungkot ko ng sandaling yun at mula noon di ko na binalak pang magpakita sa kaniya. Masaya na siyang bumubuo ng pamilya niya kaya naman lalayo na ako't magsisimula din ng buhay ko. Iisipin ko na lamang na isa siyang espesyal na pahina ng buhay ko na hinding hindi ko malilimutan, ngunit kailangan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top