Yes, I Do(n't)


Bakasyon kaya naman ang boring dahil bawal lumabas ng bahay. Ni hindi ako makagala dahil sa pandemya.

"Ate Fei, subukan mo kaya maglaro ng  Mobile Legends."

"Ano naman iyan?" Nakakunot ang noong baling ko sa nakababata kong kapatid.

"Open shareit mo pasahan kita."

Installing...

"Welcome to Mobile Legends..."

Noong una, sinubukan ko lang talaga na mag-install dahil wala akong mapaglibangan. Ngayon, nagugustuhan ko na talaga at nauunawaan ko na bakit maraming naaadik sa larong ito.

Isang buwan na akong naglalaro at ngayon nga ay kasalukuyang nagrarank game ako gamit ang cute at paborito kong hero na si Angela. Kaya lang, naiinis ako dahil minalas yata ako ngayon sa kakampi.

Our base is under attack!

"Ay, ewan. Mga greedy kasi eh. Puro kills lang ang alam. Ayan, basag na base. Sige, trashtalk pa mga gunggong!"

Defeat.

Nanggigigil kong pinagrereport ang mga buwisit kong kasama.

Nakakastress masyado. Naglaro ako para marelax pero naiimbyerna ako sa mga teammates na ibinibigay ni Moontoon. Napaisip ako bigla. Siguro panahon na para maghanap ako ng kaduo dahil wala naman akong squad.

Ito kasi ang larong kapag gusto mong laging manalo sa rank game, dapat meron kang kasamang mapagkatiwalaan. Kaya naman nauso ang mga naghahanap ng kaduo sa public chats.

Siguro nga sobrang bored na talaga ako kaya naisipan kong sumali.

Fei02: Hi. I need maayos na core para sa angela. Follow me

Napangiwi nalang ako dahil halos lahat ay puro nanghihingi ng jowa o hindi kaya ay skins. Mayroong nagpapalike ng album at ang pinakaayaw kong makita ay ang mga nagsisend ng mga bastos na mensahe. Akala yata nila sa app na ito ay p*rnsite. Juskuhh naman!

While scrolling down, a message caught my eye. May matino rin naman pala sa public chat. Sa dinami dami ng online isa lang ang nagreply sa message ko.

Rosh14: Hello angel

Napangiti ako at namalayan na lang ang sariling niyayaya siyang maging kaduo. Dahil sa isang simpleng 'hello', ay nagsimula ang hindi ko inaasahang kuwento. Ang kuwentong sa maikling sandali ay napabilang sa pahina ng buhay ko.

Simula noon, kapag online siya at makita niyang nag open ako, ininvite niya ako lagi sa classic o rank game. Ako palagi ang support niya at syempre sya ang mvp habang ako naman ang expert wingman sa dami ng assists.

When we're playing together, I can't help but feel like I've found a perfect partner. Like we were perfect for each other-our roles, I mean. Isang buwan na kaming magkaduo at nalaman kong magkaedad lang pala kami. We are both 19 and he's really a nice person to talk with.

One time, habang in-game kami, na-ban sa draft pick ang Lancelot na main hero niya kaya naisipan niyang mag-Gusion nalang. Kailangan niya ng buff kaya sinamahan ko siya.

Angela: Follow me

Gusion: Yes, I do

Hindi ko alam pero kinilig ako na dinala ko na lang sa tawa. It feels like I just proposed to someone in the most unusual way. Doon nagsimulang magbago ang lahat.

Excited akong mag open lagi dahil makakasama ko siya kahit sa game lang at disappointed naman ako kapag makita kong offline siya. Parang naglalaro na nga lang ako dahil sa kanya.

Namalayan ko na lang na mukhang unti-unti na akong nahuhulog sa kanya.

When exactly did it start? Was it from the moment he said, 'hello'? O sa tagal naming magkaduo at magkasama ay nafall ako during those times we played together? Baka naman dahil sa tuwing tinatawag niya akong 'angela ko' ay pinapasok niya na pala ang puso ko?

Tiningnan ko ang screen ng phone ko at napabuntong-hininga.

Posible nga ba talagang mahulog ang loob sa taong nakilala lang sa virtual world? Siguro nga ako ang isa sa mga maaaring patunay na posibleng mangyari ang gano'n.

How naive, self. You fell in love with a stranger whose real name and face you don't even know.

Pero anong magagawa ko, bago lang din sa akin ang pakiramdam na ito. Somehow, it doesn't feel unpleasant.

Just like a mouse caught in a trap
You unknowingly captured my heart
I just wanted you to know
That you had me at 'hello'
~Angela🥀

Ilang minuto pa lang ay tumunog na ang phone ko sa dami ng notifications. Nacurious yata ang mga kaibigan kong tsismosa sa status ko at nagsipagkomento agad. Binuksan ko ulit ang facebook ko at pumunta sa post para makita ang comments nila.

Friend 1: Uy, sino 'to ha? May hindi ba kami nalalaman? Ayieeee

Friend 2: Halaaaa si bhie humahabol sa Valentine's hahha😆

Friend 3: Luh, may nascam kang boylet? Baka nman ikaw ang nascam

Isang linggo bago ang Valentine's Day ay naglaro kami as usual. Maya-maya pa ay nagmessage sya sa private chat.

Rosh14: Angela ko, matagal ko na tong gustong itanong eh.

Fei02: ohp? Nubayun

Rosh14: Can you be my girlfriend?

Strangely enough, I wasn't excited. I've sorted my feelings and prepared for this long ago.

Do I like him?

Yes, atleast in the game.

Do I like him enough to accept him?

I already knew the answer.

Yes...I don't.

I sent 'Sorry' and logged out.

Harsh? Maybe I am. Ayoko kasi sa relasyong walang kasiguraduhan at nagsimula sa isang laro lamang dahil siguradong pati ito ay laro lang din.

Simula noon, hindi ko na nirereplayan ang mga private messages niya.

Dumating na rin sa puntong tinatanggihan ko ang mga invites niya. Nakakatawa dahil nagkakaganito ako nang dahil sa taong ni hindi ko nga alam ang tunay na pagkatao.

Funnier thing is, he stopped messaging me after a few days. See? That's why  you should never fall inside a game. If you fall for real, you lose.

Game over.

Delete Mobile Legends
After uninstallation, all app data will be cleared.
Cancel              Uninstall     

Pikit-mata kong pinindot ang napili kong button. I may or may not regret this decision later on but I've already made my choice.

Uninstalling...

Just like that, the story of my rpg romance started and ended like a dream.

****

February Entry

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top