Scintilla

You cannot change the past.

My grandma always says those words. Indeed, the past is something that no one can change. She used to tell me that I should choose what my heart wants so that I'll have no regrets for the rest of my life. I'm just really stubborn but she never blamed me for that.

Bata pa lang ako, nakahiligan ko na ang makinig sa mga kuwento ng aking lola. Tuwing bakasyon, pumupunta ako sa bahay niya para mamasyal at makinig sa mga kuwento niyang kakaiba at nakakamangha. Nakakaaliw ang kanyang mga ikinukuwento at marami akong napupulot na aral na hanggang ngayon ay nakatatak pa rin sa aking isipan.

Hila-hila ko ang maleta ko palabas ng airport. I'm so excited to be home once again. Matagal na panahon na rin namang hindi ako nakauwi ng Pilipinas magmula nang magtrabaho ako sa ibang bansa bilang arkitekto. Siguro, panahon na rin para harapin ko ang mga iniwan ko mula sa nakaraan.

My grandma's house still looks the same. It has been ten years but everything still feels the same. Nothing changed much for the past ten years that it made me feel nostalgic.

Napangiti ako nang makita ang paborito kong swing sa harap ng hardin. Medyo nagbago ang ilang bahagi ng bahay ni Lola pero ganon pa rin ang hitsura. Inayos lang ang mga pintura pati ang pader at gate. Mas marami na rin ang mga bulaklak at halaman sa hardin na dati ay kami ng mga pinsan ko ang nag-aalaga.

"Aba, nandito na pala ang aking apo!"

I saw my grandmother at the doorstep, waving at me. Seeing her made me so overwhelmed that tears threatened to fall from my eyes.

"Lola! I missed you."

Lumapit ako at niyakap sya nang mahigpit.

"Welcome home, apo ko. Ang pinakamaganda kong apo ay lalo pang gumaganda."

"Lola, ako lang naman ang nag-iisa ninyong apo na babae," natatawa kong saad.

"O siya, magpahinga ka muna at siguradong pagod ka pa sa biyahe. Naayos na ng mga katulong ang silid mo."

"Sige po, Lola. Gusto ko pong sa silid niyo matulog mamayang gabi. Namiss ko ang mga kuwento mo, eh."

"Ang maganda kong apo ay naglalambing na naman."

"Lola, akala ko ba ako ang pinakamaganda? Bakit maganda na lang?" I pouted. Natawa naman si Lola.

"Kasasabi mo lang kanina na ikaw lang naman ang nag-iisa kong apo na babae kaya wala nang maikokompara."

"Lola naman, eh!"

"Ikaw na ang pinakamaganda. Sige na, umakyat ka na sa silid mo. Kuh, ikaw talagang bata ka."

"I love you po, lola. Magpapahinga na ang 'pinakamaganda' niyong apo."

Napangiti ako nang humalakhak siya nang malakas. Maganda ang aking lola at masayahin. Namana ko sa kaniya ang pagiging palangiti at palabiro. Siya ang naging modelo ko sa lahat ng bagay at siya lang rin ang tanging taong nakakaunawa sa akin.

Lalo akong napangiti nang makapasok sa kuwarto ko. Gano'n pa rin ang hitsura. Nilinis lang ang mga kasangkapan at pinalitan ang mga kurtina pero walang ipinagbago sa ayos ng mga kagamitan.

Kulay rosas ang mga kurtina at may mga puting rosas sa plorera na nakapatong sa bedside table. Amoy rosas rin ang loob ng kwarto. Lumabas ako para sana magpasalamat.

The smell of cookies wafted thought my nose. I can hear my grandma instructing the maids from the kitchen. I guess, she's baking my favorite snacks again.

My grandma sure knows my tastes. Well, she knows me like the back of her hand. I really love her so much. I went back to my room and closed the door.

I laid down on the bed and reminded myself to thank and kiss her later when I wake up. With that thought, I smiled and drifted to sleep.

The smell of roses hit my nose and I can hear her gentle voice singing my favorite lullaby when I was a kid. Was I dreaming?

~

"Excuse me, miss."

Napamulat ako ng mga mata at napakunot-noo nang marinig ang boses.

"Miss?" Tiningnan ko ang muling nagsalita at napagtantong isa itong flight stewardess.

"We have arrived at the Manila International Airport, Miss. Thank you for flying with us. Welcome home to the Philippines!" Nakangiti nitong sambit at iginiya ako palabas ng eroplano.

Naalala kong ngayong araw pala ang uwi ko mula sa States. Sumakay ako sa taxi at nagpahatid sa bahay ni Lola.

Kagaya ng inaasahan, walang masyadong nabago sa histura ng bahay ni Lola. The garden, my favorite swing, and the flowers we planted together are still there. Strangely enough, it looks exactly the same but it doesn't feel the same.

Diretso akong pumasok sa loob ng bahay. Mabibigat ang bawat hakbang ko pero mas mabigat ang nararamdaman ko sa dibdib.

"Grandma, I'm home."

There was no answer. The house is empty. It's cold. It lacks the warmth that my grandmother gives off everytime she smiles at me and hugs me whenever I come back home.

Nilibot ko ang tingin sa maluwang na sala. Natatakpan ng tela ang mga kagamitan at maalikabok na ang loob ng bahay.

I saw the large portrait of me and my grandma on the wall. That's when I realized why everything looks the same but feels different.

The house is dull and empty because grandma is no longer here.

It's been a year since she left. Isang taon na magmula nang igupo siya ng karamdaman at tuluyan na ngang lumisan. Iniwan na ako ng nag-iisang taong nagparamdam sa'kin ng pagkalinga at pag-unawa.

My tears started to fall as reality came crashing down on me, pressing the weight inside my chest harder.

Her nurse said she looked for me on her deathbed but I never came home because I was too busy. Too busy with my career and my dreams that I forgot about the person who taught me how to dream.

I was there, in a foreign country, hesitant about going home because this place gave me pain and heartbreak. My first love chose to break his promises to me and married another woman. I was hurt that the only thing I thought of that time, was to run away. My grandma was not happy about it but she still supported my decision even if it means I'll be leaving her behind.

I was too busy minding my own pain that I never realized how much she must've been suffering for years. I'm an unfilial granddaughter. She was always there for me but I was not at her side during her last moments.

I entered her room and saw my picture on her bedside table. Tuluyan na akong napahagulhol. Umiyak ako na parang paslit. Tila kahapon lang nang umiyak ako sa kandungan niya dahil inaway ako ng mga pinsan kong lalaki at tinawag na "pangit". Umiyak ako hanggang sa manakit ang lalamunan ko.

Nang mahimasmasan, tumayo ako mula sa pagkakaluhod sa harap ng higaan ni Lola at pinahid ang mga luha ko. Naalala ko ang ibinilin sa akin ng nurse ni lola na isang susi. Binuksan ko ang drawer at nakita ang tinutukoy niyang maliit na kahon. Gamit ang susi, binuksan ko ito at tumambad sa paningin ko ang maraming papel.

Mga titulo ng bahay at lupa at mga liham ang laman ng kahon. Tumulo na naman ang mga luha ko. Inipon pala ni lola lahat ng mga cards at sulat na ipinadala ko sa loob ng sampung taon. She collected everything like it was her most precious treasure. My heart ached. Sa pinakailalim na bahagi ng papel ay nakita ko ang isang sobreng naglalaman ng sulat-kamay ni Lola.

Para sa pinakamamahal at pinakamaganda kong apo,

Kamusta ka, apo? Siguradong lalo kang gumanda. Namimiss na kita, apo ko. Dalawin mo naman ako kahit sa Pasko man lang o sa kaarawan ko. Naunawaan kong hindi madali ang paghilom mo sa nakaraan ngunit apo, may plano ang Diyos para sa iyo. Nakikita kong masaya ka naman sa buhay mo riyan kaya sapat na sa akin na ngumingiti ka na ulit kagaya ng dati. Nauunawaan ka ni Lola at hindi kita sinisisi sa mga pinili mong desisyon. Kung saan ka masaya, suportado kita. Abutin mo lahat ng pangarap mo at huwag kalimutang alagaan ang sarili. Synthia, apo ko, lagi mong tandaan, mahal na mahal ka ni Lola.

Nagmamahal,
Lola Milagros

"Grandma..."

My grandma is truly a wonderful woman. She never resented me. Not even once. Even though she's in pain, she's still thinking of me and my well-being.
.
.
.
Ipinatong ko ang puting rosas sa harap ng puntod kung saan nakasulat ang pangalan ni lola.

"L-lola... I miss you so much. Pasensya na at ngayon lang ako nakadalaw. Tapos na po ang renovation ng bahay at balak kong doon na tumira. Nandito na ako, la. I'm never leaving you nor this place, again. I'm finally home."

Naramdaman ko ang malamig na hanging yumakap sa akin na tila nagsasabing maayos ang lahat. I can finally breathe.

You cannot change the past.
But you can learn something from it.

~🥀~

#WattpadAprilEntry
#WattpadAThonChallenge2021

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top