Entry #5: 'Darna' si Ina [My Wonder Mom]
"HOY, bangon naaaaaaa! Baka mahuli na naman kayo sa pasok n'yo!"
Umaga na naman. Sigurado ako alas syete na ng umaga. Oras na para ako ay bumangon. Salamat sa tila armalite na bunganga ni mama ay ngayon, gising na gising na ako. At kapag hindi ako bumangon? Dapat ko ng ihanda ang sarili ko dahil pauulanin ako ng bratatat ng baril na bibig niya. Non-stop. Sino ba naman kasi ang hindi magigising sa nagrerepeke na boses ng nanay kong ito?
Nagliwanag ang aking mukha sa narining. Pangalan ko 'yon. Taas noo akong tumayo at ngumiti malapad. Gustong tumalon ng puso sa sobrang bilis ng tibok nito.
Papaalis palang kami ng mga kapatid ko papuntang skwelahan ay marami pa siyang pahabol na bilin. Kahit college student na ako ay araw-araw pa rin niya akong sinasabihan ng...
"...anak! umuwi ka ng maaga!"
"Mag-aral ng mabuti, ha?!'"
"Huwag muna magjojowa!'"
etcetera, etcetera.
Ibang klase talaga, 'di ba?
Naririnig ko ang mga hiyawan ng mga tao mula sa paligid ko. Huminga ako ng malalim at nagbuga ng hangin. Unti-unti akong humakbang paabante papunta sa aking paroroonan.
Isang araw napahinto ako at natahimik sandali. Ni minsan ba tinanong ko si mama kung pagod na ba siya sa ilang taon na pag-aaruga sa amin? Sa pag-iintindi sa amin? Ni minsan ba naisipan niyang mag-time perst muna sa pagiging ina? Gusto ko siyang tanungin kung masaya ba siya sa kanyang trabaho bilang isang housewife kahit walang natatanggap na sweldo.
Huminto ako sa kanyang tapat na naka-upo lamang at inalok sa kanya ang aking kamay. Hinawakan niya ito ng may bakas na kasiyahan sa kanyang puso. Nakangiti siya na para bang nasilayan niya ang unang paglakad ng kanyang anak o narinig ang pagsambit ng salitang unang natutunan. Sinasabi ng kanyang nagkikislap na mga mata na 'wala na akong ibang hinahangad sa buhay kundi ang makapagtapos ka at mapalaki ka maayos.'
Housewife si mama at apat kaming inaalagaan niya sa bahay. Wala siyang tinatanggap na sahod sa pag-aalaga sa amin kahit nagkakasakit kami ng sabay-sabay, sa pagiging isang kaibigan na handang makinig sa mga problema namin, at bilang isang tagapayo. All around siya. Kahit mahirap, inuuna niya kami. Kahit may sakit kami, hindi siya natutulog sa pagbabantay. Ang pagsasakrispisyo niya ay dala ng pagmamahal niya sa amin. Sa unang pagmulat ko sa mundong ito, sa unang paglakad at pagdapa, mula nang natututo akong bumasa at magsulat siya ang laging nariyan.
Ang bawat araw ko ay nagiging makabuluhan dahil sa kanya. Sa pag-uwi ko sa bahay galing skuwela ay siya agad ang unang-una kong hinahanap. Ang itinuturing kong 'Darna' ang siyang sasagip sa akin sa aking mga problema. Kakayanin niya ang lahat ng walang pag-aalinlangan. Hahamakin niya ang lahat maibigay lang ang aming pangangailangan. Naging madiskarte at masikap sa buhay para umunlad kami. Maka-Diyos at madisplina upang lumaki kami na may takot sa Diyos at alam kung ano ang tama sa mali. Malaki ang papel niya sa buhay ko. Siya ang bida sa pelikula ng aming pamilya. Pagmamahal ang isinusikli niya sa amin ng walang inaasahang kapalit na pera dahil and pagiging ina ay hinding-hindi, kailanman, matutumbasan ng anumang bagay sa mundong ito.
Niyakap ko siya ng mahigpit. Pahigpit nang pahigpit dahil sa galak na nararamdaman. Tila nasa alapaap ako ng mga sandaling ito. Sabay kaming humakbang papunta sa entablado na magkahawak ang mga kamay. Nararamdaman ko na gusto na niyang maiyak sa mga sandaling ito ngunit pinipigilan niya lang.
Mabunganga man si mama pero tama naman ang mga sinasabi niya. Sa paulit-ulit na pagpapayo niya sa amin lalong-lalo na sakin bilang panganay na anak ay itinatak ko sa aking puso't isipan ang lahat ng kanyang mga pangaral. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung wala siya. Hindi ko kakayaning mawalay sa kanya. Siya ay isa sa mga inspirasyon ko sa buhay at kung bakit ako nagsusumikap na maging matagumpay sa aking pag-aaral.
Gusto kong umiyak. Matagal ko lang napag-isip isip, nahihirapan ang nanay ko sa pagpapalaki sa amin pero misan ay hindi siya nagreklamo. Pati yung rumirepeke niyang boses, hindi galit iyon kundi pag-aalala. Ngayon, oras na para suklian ang lahat ng iyon. Panahon na para suklian ko ang kaniyang mga sakrispisyo. Sa kanilang pagtanda ni papa, ako naman mag-aalaga sa kanila, pagsisilbilhan at patuloy na mamahalin. Dahil hinding-hindi ko ipagpapalit ang sa iba ang aking ina. Kaya sinikap kong makapagtapos bilang maging cum laude sa unibersidad na pinapasukan ko.
Umakyat kami sa stage nang hindi nawalala ang matatamis na ngiti sa aming mga labi. Malugod niyang tinanggap ang aking mga medalya mula sa aking propesor at tuluyan ng nag-kikislap ang kanyang mga luha na parang perlas habang isinusuot niya sa akin ang mga medalya sa aking leeg. Ang kalansing ng mga ginto at bronseng bakal ay nagpasabik sa akin ng lubos.
Inay, wala ako sa mundong ito kung wala ka. Sana ay masaya ka sa naabot ko. Hinding-hindi akong magsasawa na pasalamatan ka araw-araw. Kahit ano pa man ang mangyari sa akin at ang kahihinatnan ng buhay ko mananatiling ikaw pa rin ang 'Darna' ng buhay ko. Nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil binigyan niya akong ng isang ina na hindi ako iniwan. Masasabi kong isang napakasayang karansan ang maalagaan ng taong nagsilang sa iyo.
Habang naka tungtong pa rin sa entablado sa harap ng maraming tao ay nakikita ko ang mga estudyanteng kasabay ko sa aking pagtatapos sa kolehiyo. Bigla kong naalala ang ibang kong mga ka-batch na nawalay sa kanilang mga ina. I still consider myself lucky to have a woman who's standing next to me as my mother.
Alam kung hindi lahat ng tao ay mayroong ina na nag-aalaga at kumakalinga sa kanila. Hindi lahat ng bata o anak ay nakakaramdam ng pagmamahal ng isang ina. I salute all moms, friend acting like mom, grandmothers, at lahat ng mga klase ng ina meron tayo sa mundong ito sa anumang propesyon sila kilala.
Narinig namin ang pag-click ng camera habang kinukunan kami ng litrato ni Mama. I kissed my mom on her cheeks at saktong nakunan ulit kami ng litrato ni papa, hindi ko namalayan na may take two shot pa pala. What a perfect timing!
Sa buwang ito, sa araw ng mga Ina ay inaalay ko sa iyo, Mama Sali ang maliliit na pisaro ng aking mga tagumpay. Ang tagumpay ko ay tagumpay mo rin. Pinapanalangin ko sa Diyos na mabigyan ka ng mahabang buhay upang masilayan mo kami ako at ng mga kapatid ko. Na maipagsisigawan ko sa buong mundo na ikaw ang nanay ko! Tingnan n'yo ako nagtagumpay ako dahil sa nanay ko. Alam kung hindi panghabang-buhay na makakasama kita. Pakiusap, 'wag ka sa sanag mawawala. Hindi ko kaya. Kaya't mag-antay ka lang, ma. Tutuparin ko ang mga pangarap mo, pangarap nating dalawa.
You always save the day for all of us.
Ito si DARNA. Ang pinakamamahal kong Ina.
Isang napakasayang karansan ang maalagaan ng taong nagsilang sa iyo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top