Entry #3: The Revolutionary Women [Be Brave, March]
The Revolutionary Women
by: LittleMissyMe27
I WAS born in a society where patriarchy is the dominant ideology through these years. And women's roles as part of the customs far outstretched in the society.
"Sa tingin mo kaya ng mga babae na paglingkuran ang bansa?"
"Hindi kaya ng mga babae yung trabaho ng mga lalaki kaya dapat sa bahay lang sila."
Hindi madali ang pagiging isang babae. Habang ginagampanan namin ang nakasanayang gawin bilang isang babae ay ipinaglalaban din namin ang aming mga karapatan. Karapatan na pinagsasaluhan nating lahat mapa babae man o lalaki, maputi man o kayumanggi, matalino man o hindi, mayaman man o mahirap.
As their tears dried up, the humiliation stopped. They stood up and held their head high. Their variations became a masterpiece of artwork. Together, they held each other's hands, and their voices became clearer as they speak with volume, marching forward towards unity.
May karapatan tayong mga babae. Oo, ikaw na nagbabasa nito. Marami tayong bagay na pwedeng ipagmalaki dahil babae tayo. 'Wag kang magtago sa dilim at hayaan ang iba na diktahan ka sa kung ano ang dapat mong sabihin, ipakita at gawin lalong na lalo kung ang iyong dignidad ay binabastos at tinatapakan nila.
Finally, their sacrifices were seen. They were heard. They were acknowledged. They were given independent power and leadership role that marked our history. Many names have been known and they are all women. FIERCE. BRAVE. BOLD.
Sa araw-araw na kinakaya ng mga babae ang mga bagay na ang lalaki lang ang nakagagawa ay unti-unti silang napapansin at ini-idolo ng marami. Babae na sundalo, babae na tricyle driver, kauna-unahang babaeng presidente, at marami pang iba. Ngunit wala tayong makikilalang ganitong tao sa kasalukuyan kung hindi dahil sa ating mga ina na hinubog tayo patungo sa kung sino tayo ngayon; hindi para bastusin ng kung sino pero para mahalin, respetuhin at ipagmalaki ng lahat. Dahil ang pagiging ina ay kaakibat ang pagiging isang bayaning babae sa lipunan na matagal na nating kinalakihan. Every woman will become a mother and their responsibilities were like carrying the weight of the world on their shoulders.
Nasa loob ako ng faculty office at napansin ang tatlong babae na pumasok. Dumiretso ang tatlo sa isang table na kung saan naka-upo ang isang instructor na lalaki. Hindi ko na kailangang lumapit pa upang marinig ang kanilang pag-uusap dahil sa lakas ng boses ng mga ito.
"Sir, alam kong isa kayong magaling na guro. Marami akong natutunan sa'yo lalong-lalo na sa Math kahit hindi naman ako gano'n katalino. Pero sir, hindi ibig sabihin no'n na hahayaan ko na lang kayo na paboran ang mga lalaki dahil akala n'yo na mas matalino silang lahat kesa sa aming mga babae."
"Akala n'yo po ba hindi namin napapansin ang diskriminasyon tuwing pinaghihiwalay n'yo ng upuan ang mga lalaki at hinahati ang klase sa dalawang grupo? Bakit, sir? Ayaw n'yo sa amin dahil slow kaming mga babae sa Math?"
"Puro mga lalaki lang yung tinatawag n'yo tuwing recitations at sa tuwing may ipapa-solve kayo sa board. Hindi na nakapagtataka kung bakit ang liit ng ibinigay n'yong grado sa lahat ng classmates naming babae. Nananahimik na nga lang kami sa klase pati ba naman sa 'di makatarungang grading system magbubulag-bulagan na lang kami? Ayon lang po ang amin sir. Magandang araw."
Mabilis akong lumabas sa room at isinandal ang likod sa malamig na pader habang ina-abangan ang palabas ng tatlo. An when the opportunity presents itself, I straighten my back and stand upright. I flipped my long hair at agad na nilapitan sila.
"We should fight for our rights, shouldn't we? Tayong mga babae ay hindi lang isang dekorasyon sa lipunan bilang mga mahihinang nilalang. There's more to us than meet their eyes. Wanna join AVIONES SISTERHOOD?"
THE END.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top