Kisapmata
Kaagad kong tinanggal ang earphones na nakakabit sa magkabilaan kong tainga nang biglang may kumalabit sa akin. Lumingon ako at saglit na tumitig sa kabuuan ng mukha nito.
Ang. . . guwapo.
“Miss?” Hindi ko namalayang napaawang pala ang labi ko habang nakatitig sa kaniya. “B-bakit?”
“Ibabalik ko lang sana itong notebook mo, nahulog mo kasi sa hallway kanina.”
“Ay, thank you.” Doon ay walang imik siyang naglakad palayo sa 'kin. Nangalumbaba ako sa lamesa ko at sinundan siya nang tingin hanggang sa tuluyan na siyang nakalabas ng silid kung nasaan ako ngayon.
“Ang guwapo sana kaso walang modo,” walang gana kong sabi saka nagligpit ng gamit ko. Lumabas na rin ako ng classroom namin. Pumunta ako sa next class ko at sino mag-aakalang kaklase ko pala si kuya pogi?
Oh, wait. Hindi siya pogi, okay?
Maputi lang siya, makapal ang kilay, matangkad at higit sa lahat. . . may laman siya sa bandang tiyan niya— the abs.
Mahina kong sinampal ang pisngi ko at umiling-iling. Huminga ako nang malalim at muling tumingin sa kaniya.
At bago pa man niya ako mahuli ay mabilis akong umiwas nang tingin no'ng bigla siyang tumingin sa puwesto ko. Pasimple ko pang hinarang ang dala kong libro upang maitago ko ang kabuuan ng mukha ko. Sakto namang dumating na ang teacher namin kaya ro'n napunta ang buong atensyon nito.
Nakapuwesto ang upuan ko ngayon dito sa likod niya kaya kitang-kita ko ang kabuuan ng likuran nito. Feeling ko nga ang lambot ng buhok niya, e. Bumagay din sa mukha niya itong reading glass na suot-suot niya ngayon.
“Okay, that's all for today. See tomorrow, class.”
Nagsitayuan ang mga kaklase ko kasabay ng paglabas ni Ma'am sa classroom namin. Sinadya kong magpahuli dahil gusto ko sana makitang lumabas muna itong si Kuya Pogi.
Nakalabas na ng classroom halos lahat ng mga kaklase ko. Kaming dalawa na lang ni Kuya Pogi ang naiwan dito. Tumayo na ako upang sana ay masabayan ko siyang lumabas ng silid subalit...
Akala ko, ayon na.
Tumayo siya at naglakad papunta sa 'kin. Napalunok ako at ibinaba ang paningin ko, tumitig ako sa suot niyang uniform. Ayaw ko kasing makita ang ekspresyon nito sa mukha niya, e. Nakakatakot. Nakakakaba.
“Do you like me?”
Halos lumabas na nang buong-buo ang puso ko no'ng narinig ko ang linyang iyon mula sa kaniya. Pakiramdam ko gusto kong magpalamon sa lupa ngayon na mismo!
“Is it a yes or no?”
Sa pagkakaalala ko nakabukas naman ang aircon dito sa classroom kaya bakit pinagpapawisan ako?
“Y-Yes?” alanganing sagot ko at doon ay nilakasan ko ang loob kong titigan siya. Doon ko nakita kung paano niya ako ngitian at titigan. Napalunok ako.
Dahan-dahan niyang nilapit ang sarili niya sa 'kin dahilan upang umatras ako at muling napaupo sa silya ko.
Wala pang isang minuto ay nakita ko na lamang ang sarili kong nakikipaghalikan sa kaniya. Tumagal iyon ng ilang segundo.
“Gusto mo bang ihatid na kita?” Mabilis akong tumango at doo'y inihatid niya nga ako sa bahay namin.
Kinabukasan. Nagkita kami ulit ngunit sa pagkakataon na ito nahuli ko siya. Nahuli ko siyang may ibang kahalikan. Sa gigil ko ay daglian kong sinambunutan 'yung babaeng humalik sa kaniya.
“Ang kapal ng mukha mo! Hindi ka na nahiyang hayop ka.” Patuloy ko pa ring hinihila ang buhok no'ng babae.
At sa 'di ko inaasahan, nakatanggap ako ng sampal mula sa lalaking nagnakaw ng unang halik ko. Natigilan ako at matalim na nakipagtitigan sa kaniya.
“Ano!? Ipagtatanggol mo 'yang babae na 'yan?”
“The heck!? Sino ka ba? Hindi naman kita girlfriend, ah.”
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. Nilabanan ko ang namuong luha mula sa ilalim ng mga mata ko. Tinitigan ko silang dalawa mula ulo hanggang paa. “Mukhang nakakalimutan mo yata ang nangyari kahapon?”
“Oh, ikaw pala 'yun? The one who likes me, right? It was just a kiss. It's not really a big deal.” Hindi ko na napigilan ang sarili kong bigyan siya ng flying hand na tumama sakto sa kanang pisngi niya.
“It was just a kiss?! It was my first kiss,” nagtitimping saad ko na tinawanan niya lang. Mas lalo ko tuloy naramdaman ang pagtaas ng dugo ko sa katawan.
“So what?” Another flying hand ang ginawa ko na tumama naman sa kaliwa niyang pisngi.
“Ikaw ang nagkagusto sa 'kin at ako, never kitang nagustuhan! At iyong halik na 'yun? Hindi ba't nagustuhan mo rin? Tinikman lang kita, iyon 'yun!”
Halos mahimatay na ako sa pandudurong ginawa niya sa 'kin. Daglian niyang kinuha ang kamay no'ng babaeng kahalikan niya at sabay nila akong iniwan doon. Wala sa sariling umupo ako sa hagdan at taimtim na niyakap ang dalawang binti ko. Yumuko ako at walang imik na umiyak.
The end.
Feb. 19, 2022. || 12:55 AM.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top