Jocalipay



"Puwede po bang manligaw, ate?"

"Busy ako, wala akong time para sa 'yo."

Walang anu-ano'y hindi ako nag-atubiling talikuran siya't walang imik akong naglakad patungo sa aking silid-aralan.

Akala ko'y hindi na siya muling magpapakita pa sa akin matapos ko siyang tanggihan subalit nagkamali ako. Sumunod siya sa akin.

"Jocalipay," tawag niya sa buong pangalan ko. Huminga ako nang malalim bago ko siya kinumpronta.

"Kung inaakala mong makukuha mo ang buong atensyon ko dahil sa pagtawag mo sa buong pangalan ko, puwes. . . nagkakamali ka. Ayaw na ayaw kong tinatawag ako sa totoong pangalan ko," pagsusungit ko.

Noong nakita kong bubuka na ang kaniyang bibig at mabilis ko siyang sinenyasan na huwag na niyang ituloy pa ang linya nito. "Huwag ka na magsalita dahil wala akong planong makinig sa iyo."

"Ma. Jocalipay Realonda Miercado," bulong niya, sapat naman upang marinig ko.

"Ano ba? Hindi ka titigil?"

At bago pa man humantong sa mainit na diskusyon ang eksena namin ng lalaking ito, isang lalaki muli ang biglang lumapit sa akin. Walang paa-paalam na kinuha ang kamay ko at ipinuwesto ako sa likuran niya.

"Mas mabuti pang makinig ka na lang sa kaniya kung ayaw mong maging magulo ang buhay mo ngayon," pagbabanta ng lalaking nasa harapan ko dahilan upang umalis ito.

"Hirardo," wala sa wisyong tawag ko sa kaniya. Binitawan niya ang kamay kong hinawakan niya at walang imik na nilayasan ako mula sa puwestong iyon.

Rinig ko ang tindi at rumaragasang tibok ng dibdib ko. Para akong mahihimatay anumang oras dahil sa nangyari.

Oo na. Aaminin ko na. Ang dahilan kung bakit ayaw kong magpaligaw sa ibang mga lalaki ay dahil kay Hirardo. Kababata ko siya't lahat na yata ng kagagahan ko sa buhay mula noong bata pa ako'y alam na alam pa rin niya ngunit ang hindi niya alam, siya ang gusto ko.

Gusto kong piliin niya ako, gustuhin niya rin ako at mahalin subalit hanggang panaginip na lamang iyon. Dahil ngayon, si Hirardo ay mayroon ng kasintahan. At kung hindi ako nagkakamali ay naging sila na noong Feb. 14.

Ang angas nga, e. Sa Valentine's Day pa talaga tinapat ang magiging monthsarry nila. Sinakto pang birthday ko, tsk.

Ilang araw pa ang lumipas ay isang lalaki na naman ang lumapit sa akin pero pamilyar siya.

This time, sa mismong bahay ko naman ito kumatok at naglakas-loob na magsabi ng, "Manliligaw po ni Jopay," pagpapakilala nito sa sarili niya. Ngumisi lang ito sa 'kin.

"Alam mo ang kulit mo, sinabi na ngang ayaw kong magpaligaw. Ni hindi nga kita kilala tapos-"

"Anong pangalan mo, hijo?" Sandali akong tumahimik nang marinig ko si Tatay.

"Nilyan Forez po. Nyl na lang," sambit nito saka dali-dali yumuko sa kanila pagkatapos niyang magsalita.

"Pasok ka, hijo."

Hindi na ako umapelya pa noong si Nanay na ang nagpapasok sa kaniya. Kaya kahit nakaharang ako sa pintuan namin ay pinili ko na lamang na umalis doon at dumeretso sa kusina.

At sakto noong lumabas ako mula rito ay nagtama ang mga paningin naming dalawa. "May katangian po kasi siyang nagpabihag sa aking puso." Kaagad nagsalubong ang dalawang kilay ko matapos kong marinig ang linyang iyon mula sa kaniya.

Ilang araw ang lumipas matapos ang hindi inaasahang pagtatagpong iyon, nagpatuloy siya sa panliligaw niya. May basbas na siya mula sa mga magulang ko kaya wala na rin akong ibang nagawa pa kundi ang tanggapin siya.

At kapag naghamon nga naman talaga ang tadhana. "Bakit kasama mo itong ugok na 'to?"

"Kung makapagsalita ka akala mo naman boyfriend ka ni Jopay."

"Aba, bakit? Ikaw ba ang boyfriend?"

"Hindi pa pero atlis sinusubukan ko at hindi ako kagaya mo, Hirardo."

"Sa akin ka pa talaga nagparinig. Bastos ka, ah."

Bago pa man ako makalapit sa kanilang dalawa'y nagkagulo na nga.

"Ano ba, Nyl?!"

"Talaga bang ipagtatanggol mo pa siya, Jocalipay?"

Hindi ko siya sinagot. Napalunok ako nang makita kong namuo sa mga mata niya ang luhang pinigilan niyang tumulo. Dali-dali siyang umalis sa puwesto namin.

"S-Sorry," bulong ko kay Hirardo.

"Huwag mong sasagutin ang lokong 'yon."

"Sorry pero kasalanan mo rin."

"Anong sinasabi mo?"

"Huwag ka na muling mangingialam pa sa akin. May girlfriend ka na, hindi ba? Bakit hindi ka na lang magpokus doon?" kompronta ko sa kaniya. Nakita ko ang hindi maipaliwanag na ekspresyon sa mukha niya.

Para bang hindi niya inaasahan na masasabi ko ito sa kaniya ngayon.

"Hindi naman kasi talaga matino ang lalaking iyon. Bakit ayaw mong maniwala? Huwag mong sabihing balak mo siyang jowain?"

"Wala akong panahon para magpaliwanag sa 'yo," anas ko at seryosong tumingin sa kaniya, mata-sa-mata.

Atlis siya, hindi niya ako tinalikuran noong pinipilit ko siyang ilayo sa 'kin. Atlis siya, kinaya niyang gumawa ng paraan para mapalapit lang sa akin. Hindi kagaya mo, Hirardo.

Bumuntong-hininga ako't piniling bumwelo para makatakbo at mahabol ko siya. Naabutan ko siyang nakaupo sa isang bench, katapat ng Narra tree.

Dahan-dahan akong naglakad hanggang sa isang babae ang biglang dumating. Isang linya ang nagpahinto sa aking taimtim na paglalakad palapit sa puwesto nito.

"Iwanan mo na siya, ako na lang ulit, Nyl."

Napaawang ang labi ko't hindi ko na tinapos pa ang pakikinig sa kanila. Tumakbo ako palayo. Hanggang sa araw na ito, sariwa pa rin sa akin ang alaalang iyon.

Matagal-tagal na rin, Mahal. Mula noong pinili mo ako. Ngayon ay isang dekada ka na ring wala sa piling ko. At noong nawala ka, pinili ko na lamang na mapag-isa sapagkat nangako ako na kung hindi lang din naman ikaw sa dulo, hindi na lang din ako magmamahal pa ulit.

Dahil sa iyo, minahal ko ang buhay. Ikaw ang dahil kung bakit ko nagawang mahalin ang sarili ko. You inspired me to be the best version of me and up until now, I am very thankful.

"Oras na po, Mrs. Forez." Ngumiti ako't tumingin sa isang babaeng nakasuot ng puting gown. Ngumiti rin siya sa akin pabalik.

You wife is now ready to be with you, love.



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top