amore mio


Hello, love!

I know how excited you are right now but let me write this letter for you. Grabe ’no? Sa tinagal-tagal nating magkasama na ilang beses mang madapa, magkasama naman tayong bumabangon at parehong sinusuportahan ang nais gawin ng bawat isa.

Nakarating na tayo sa puntong ito ng buhay natin nang magkasama at hindi ko itatangging isa ito sa pinakamasaya’t mahalagang araw na itatatak ko sa buong buhay ko.

Akala ko dati impossibleng makuha ko ang iyong matamis na oo. Pinatunayan mo na wala sa edad o sa karangyaan ang pag-ibig mo. Ikaw ang nagsilbing liwanag ng pag-asa sa buhay kong walang kulay. Ikaw ang gabay, pangakong puso ko sa iyo lamang iaalay. Salamat sa iyong nanay at tatay na pareho tayong pinaghigpitan, natuto ako at aking nalaman kung paano kita mapapanindigan.

Hayaan mo, mahal. Ngayon na ihaharap na kita sa altar, hindi ako mapapagod na suyuin ka, asikasuhin ka at pipiliing mahalin ka sa araw-araw. Nakikita mo ba ang kislap sa aking dalawang mata kapag ika’y aking natatanaw?

Simbolo ito na ikaw ang aking tinatangi at sinisintang binibini. Ako ang iyong buwan. Ikaw ang aking araw. Ikaw ang sana sa balang araw ko na ngayon ay dumating na.

And it was a great love story to tell that can testify that patience is necessary when you want to find your true love. And indeed, it was all worth the wait, my love.

sincerely yours,
your future husband.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top