CHAPTER TWO

“Surprise, Surprise


NAHAGIP ng aking mga mata ang isang lalaking nakadagan sa bubong ng isang establisyemento. Mayroon siyang hawak na isang sniper at isang maling galaw ko lang ay paniguradong butas ang bungo ko.

Wala na akong ibang nakitang mga CRYPTIC bukod sa dalawang ito. Ang lalaking may kausap sa kanyang communication device ay nasa aking harapan at marahan itong naglalakad papunta sa akin. Huminto ito sa kanyang paglalakad at nasa sampung hakbang ang pagitan naming dalawa.

“Y-You are CRYPTIC, aren’t you?” tanong ko sa kanya at ngumisi lang ito at hinugot ang isa niyang pistol sa kanilang likuran, “How did you find me?”

Hindi ito nagsalita at ibinaba ang isa niyang baril at mayroon siyang hinugot na isang device mula sa kanyang likuran. Base sa aking nakikita ay isa iyong tracker device para sa mga nakatakas na mga immunes. Nagulantang naman ako sa kanyang pinakita at hindi ako makapaniwala na nagagawa pa rin nila akong mahanap.

“Nagulat ka ba?” Ngumiti ito sa akin. “You haven’t removed your tracker tattoo inside your wrist. How dumb are you?”

Napaatras ako sa kanyang sinabi at mabilis niyang kinuha ang isang baril na nasa lupa. Tinutok niya sa akin iyon habang marahan siyang lumalapit sa akin. Naririnig ng dalawa kong tenga kung paano lumilikha ng tunog ang kanyang suot na bota. Dahil nasa gitna kami ng dalawang establisyemento ay limitado lang ang tunog na naririnig namin mula sa mga sasakyan sa highway kaya isang maliit lang na tunog na kanyang ginagawa ay agad iyong makakapukaw ng aking atensyon.

Isang lata ang biglang nahulog sa trash storage shed at gumawa iyon ng ingay na umalingawngaw sa buong eskinita. Kinuha nito ang atensyon ng lalaking CRYPTIC at doon ako nagkaroon ng pagkakataong tumakas pero nang hindi ko pa nabubuksan ang pinto ng kusina ay biglang binaril na lalaking nasa bubong ang aking dinadaanan. Napahinto ako sa kanyang ginawa at halos lumabas na ang aking puso sa lakas ng pagpintig nito.

“As I said earlier. One wrong move and you’re dead. Actually, We cannot kill you but we can give you wounds,” nakangising sabi nito sa akin, “Turn around and surrender yourself and be part of our experiment.”

“W-why you need me? The experiment is already done. We have our own gifts. We have nothing to do with you?” nanginginig kong tanong sa kanya habang dahan-dahan akong umikot paharap sa kanya.

Hanga naman ako sa mga tao sa loob ng kusina dahil hindi manlang nila napansin na ilang minuto na akong hindi nakakabalik sa loob.

“We need you, not me, but our boss. Did you forget what is the purpose of your gifts? All immunes will be CRYPTIC’s killing machine for the plan of conquering the whole Central City,” pasimula niya, “We created you. You need to serve us.”

Sa kanyang sinabi ay nagbago ang aking nararamdaman. Mula sa aking pagkatakot sa kanilang paglitaw ay nagbago ito at nanaig sa aking dibdib ang matinding galit. Hindi ko gusto ang kanyang sinabi dahil hindi naman namin ginusto na maging laboratory rat ng kanilang eksperimento. Wala akong utang sa mga taong ginawang miserable ang aking buhay. Dahil sa kanila ay namatay ang aking mga magulang. Dahil sa kanila ay wala ng patutunguhan ang aking hinaharap.

“Why should I serve you? Why should I serve the CRYPTIC? I owe you nothing!” galit kong sambit sa kanya at ramdam ko ang paggalaw ng aking panga dahil sa pagpigil sa aking sarili na huwag siyang atakihin. Umaalab ng matindi ang galit sa aking dibdib at kapag mayroon pa akong maririnig sa kanya na hindi ko magugustuhan ay paniguradong hindi na sila makakaalis dito ng buhay.

“Are you threatening us with that look? Well, I’m not scared,” pang-iinsulto niya sa akin.

“No.”

Sumama ka na sa amin kung ayaw mong masaktan,” mahinanon niyang sabi pero hindi ako gumalaw sa aking kinatatayuan. Tinignan ko siya ng masama at siguro ay naiinis na siya sa akin at hindi na niya napigilan ang kanyang sarili na barilin ako sa dibdib.

Nanlaki ang kanyang mga mata sa kanyang nakita ng walang ginawang sugat ang kanyang baril sa akin.

Because of the alligator skin mixed with engineered strong metal called Sturdimantium that covering my skin on my pectoral muscle, I halted the bullet. Sturdimantium was created by E.H. Laboratory just for me. It is the current strongest metal on Earth.

He continued to release some bullets but nothing had happened. When he hit my torso, it left a wounds but he was shocked when it quickly healed within a second because I could regenerate myself from severe damage on my body.

“What on Earth are you?” gulat na sabi nito at agad na sinigawan ang isa niyang kasama na nasa bubong at sinimulan akong pinagbabaril mula sa itaas. Hinagis ko sa lalaking kausap ko kanina ang hawak kong trash bag at agad siyang nilamon ng basura. Doon na ako nagkaroon ng pagkakataong makatakas sa kanila.

Dahil hindi pa naalis sa katawan ng lalaking kausap ko kanina ang basurang hinagis ko sa kanya ay ang lalaking nasa bubong ang napilitang habulin ako. Tumakbo ito sa bubong ng establisyemento at hindi siya kinakabahan sa kanyang ginagawa. Kahit hindi ganoong katibay ang bubong at kahit nasa mataas siyang gusali ay hindi ito nakapigil sa kanyang mga paa na habulin ako.

Nakarating ako sa pavement ng high way at doon ako nagpatuloy sa pagtakbo. Bawat taong nakakasalubong ko ay mabilis kong hinahawi. Ang ilan sa kanila ay nagugulat sa biglang paglitaw ko at ang iba naman ay sila na mismo ang umiiwas para sa akin.

“You can’t run forever!” sigaw ng lalaking humahabol sa akin. Hindi sa kanya alintana ang mga taong nakakapansin sa kanyang hawak na sniper. Mukhang hindi siya kinakabahan na nakikita ng lahat ang kanyang ginagawa.

Hinawi ko ang isang lalaki na humaharang sa aking daan at sa hindi ko sinasadya ay napadapa ito sa aking ginawa. Nadapa ang lalaking humahabol sa akin dahil sa lalaking nadapa kanina. Napatawa naman ako sa aking ginawa at nang lumiko ako sa isang kanto ng gusali ay isang malakas na bagay ang biglang dumampi sa aking pisngi.

Nawalan ako ng balanse sa kanyang ginawa at nakita ko ang lalaking kausap ko kanina. Ginamit niya pala ang hawak niyang baril para patumbahin ako.

“Miss me?” maangas nitong tanong sa akin. Akmang hahampasin niya ulit ako ng kanyang hawak na baril nang sinuntok ko ang kanyang sikmura. Lumabas sa kanyang bibig ang kaunting laway na mayroong halong dugo.

Napasinghap ito sa aking ginawa at namilipit sa sakit. Napaluhod ito habang hinahawakan ang kanyang tiyan at sa pangalawang pagkakataon ay nagawa ko na namang makatakas sa kanya. Dahil nasa loob ako ng siyudad ay napakaraming tao sa paligid. Idagdag pa ang samu’t saring ingay ng paligid na nagmumula sa mga sasakyan, tao, at mga jumbotrons na nasa mga gusali. Kahit isa itong perpektong pagkakataon na makatakas sa kanila ay madali pa rin nila akong makikita dahil sa hawak nilang tracker device. Kailangan ko iyong makuha para hindi na nila ako guluhin muli.

Isang bala ang tumama sa aking braso at napakapit ako sa isang babae na kasabay kong tumawid ng kalsada. Nagulat ang babae sa aking biglaang pagkapit sa kanya at agad niya akong sinampal. Hindi ko na siya pinansin at hinanap ang taong bumaril sa akin. Hindi ko siya nakita dahil sa napakaraming tao pero isa lang ang sigurado ako. Isa siyang long-range shooter ng CRYPTIC. Kayang-kaya niya akong patayin mula sa malayo.
Tumakbo lang ako hanggang kaya kong makatakas sa kanilang paningin.

Ang iniisip ko ngayon ay baka gamitan nila ako ng tranquilizer gun at doon na nila ako magagawang makuha. Kahit anong mangyari ay hindi ako magpapahuli sa kanila ng buhay. Mas pipiliin ko pang mamatay kaysa gawing alipin ng CRYPTIC.

Nang nasa kabilang bunganga na ako ng eskinitang pinasukan ko ay isang itim na sasakyan ang huminto sa aking harapan. Kung tama ang pagkakatanda ko ay isa iyong maliit na bersyon ng Metal Knight Truck. Nagsinlabasan ang mga CRYPTIC sa loob ng truck at agad nilang hinanda ang kanilang armas para pagtulungan akong barilin. Agad akong tumakbo palayo sa kanila pero masyadong maraming bala ang dumarating sa akin at nahihirapan akong gumalaw. Napansin ko ang mga tao sa paligid na litong-lito kung saan magtatago dahil sa ginawang pagpapaputok ng CRYPTIC sa aking kinatatayuan.

Agad akong yumuko patalikod sa kanila at tinakpan ko ang aking ulo ng aking dalawang braso. Ang aking likod at ang aking braso lang ang mayroong Sturdimantium kaya hindi nila ako magagawang sugatan.

“Fire him until he can’t able to move!” sigaw ng kanilang lider.

Pinilit kong tumayo para tumakbo pero nasugatan ang aking paa dahilan para hindi ko iyon maigalaw. Nagtago ako sa isang trash storage shed at kahit gawa sa metal ang basurahan ay hindi ito nakaligtas sa mga balang dumarating sa aking direksyon.

Nang napagtanto nilang hindi ko na kayang makatakas ay sinimulan nila akong puntahan sa aking pinagtataguan. Sa gilid ng aking paningin ay isang mahabang baril ang biglang lumitaw. Agad ko iyong hinugot at hinampas sa mukha ng kalaban. Pinalibutan nila ako at wala na akong ibang magagawa pa kundi ang sumuko sa harap nila. Tinutukan nila ako ng kanilang mga armas at iyon ang hudyat na wala na akong ibang mapupuntahan pa.

“Alright, we got you,” sabi ng boses na pamilyar sa akin. Tumawa ito at agad na nagpakita sa akin. Siya ang lalaking kausap ko kanina sa labas ng kusina, “Akala mo ba ay makakatakas ka sa amin? Wala kang mapupuntahan, Austin. Hindi ka makakatakas sa kamay ng mga CRYPTIC,” matapos niyang sabihin iyon at tumawa siya ng malakas.

Akmang susuntukin ko siya nang muling pinagbantaan ako ng kanyang mga kasamahan na barilin sa ulo.

“You all deserve to die,” maangas kong sabi sa kanya.

“No. Only the weak deserve to die,” nakangising sabi nito.

Kinaladkad nila ako papunta sa kanilang sasakyan at nang bubuksan nila ang pinto ng kanilang itim na sasakyan ay isang usok ang biglang lumitaw sa aming harapan. Napatulala ang lahat sa biglang paglitaw ng apat pang smoke grenade at naglabas ito ng makapal na usok. Nagkagulo ang lahat dahil wala kaming makita.

“We lost our vision, Sir,” sabi ng isang CRYPTIC.

“Don’t let Austin escape!!!” sigaw ng kanilang pinuno nang mayroong humablot sa aking braso. Kinabahan ako sa taong humablot sa akin at akmang susuntukin ko siya nang mabilis niya naiwasan ang aking pag-atake.

Masyadong mahigpit ang pagkapit niya sa aking braso at hindi ko magawang makawala sa kanya. Tinakbo niya ako palayo sa usok habang ang CRYPTIC ay nalilito kung ano na ang kanilang gagawin. Nang nasiguro niya na wala ng CRYPTIC sa paligid ay huminto kami sa isang eskinita.

“Sino ka? Isa ka rin bang CRYPTIC?” tanong ko sa kanya habang hinahanda ang aking sarili na umatake. Nakatalikod ito sa akin at hindi ko siya namumukhaan base sa kanyang tindig.

“Calm down. I am also an immune but without that tracker tattoo.”
Nagulat ako sa kanyang sinabi at dahan-dahan siyang umikot para tignan ako.

“Come with me,” sabi nito sa akin pero hindi ako gumalaw.

“Sorry, I didn’t catch your name. Who are you?” Sa puntong iyon ay tumaas na ang aking boses.

“I am Henry Dawson. CRYPTIC call me The Human Device,” pagpapakilala nito sa akin.

Thank you for reading :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top