CHAPTER TWNETY-TWO
"Don't be surprised"
Tunog ng aming mga sapatos ang aking naririnig sa gilid ng kalsada. Tatlumpung minuto kaming naglalakad papuntang siyudad at sa tatlumpung minutong iyon ay wala manlang kaming nakasalubong na sasakyan o nakitang bahay. Kapag nasa siyudad na kami ay magpapahinga kami sa bahay ni Henry. Ang aking pagkakatanda ay mayroon siyang maliit na telebisyon na hindi na ginagamit. Sino ba naman ang gagamit ng telebisyon kung wala ng gumagawa ng mga pelikula at serye.
“Marami na akong nalakad at malayo pa ba ang siyudad?” pagrereklamo ni Reynard pero walang ni-isa ang nagpansin sa kanya.
Imbes tumigil siya sa kanyang pagsasalita dahil walang nagbigay sa kanya ng atensyon ay mas lalo itong umalab sa paglabas ng mga pangungusap mula sa kanyang bibig at nagbigay iyon ng inis sa aming mga tenga. Ito ang unang beses na nagsalita ito ng mahaba.
“Mayroong maliit na lumang bahay sa direksyong iyon!”
“Huminto kayo,” sambit ni Christine at nagpatuloy lang kami sa paglalakad.
Nang maramdaman niya na hindi pa rin kami lumilingon sa kanya at tumakbo ito sa aming harapan. Nilatag ang dalawa nitong braso at nagsalubong ang dalawa nitong kilay.
“Tigil! Hindi ako nagbibiro! Tignan ninyo!” sigaw nito at tinuro ang isang lumang bahay, “Baka mayroong radyo doon na hindi na ginagamit.”
Totoo nga ang kanyang sinabi at nagkatitigan kaming lahat. Kung titignan ng maigi ang bahay ay mukhang hindi naman gaanong luma ito. Mukhang sinadyang winasak ito ng may-ari at nilagyan ng mga halaman ang bubong. Mayroon mga butas ng bala ang pinto at ang bintana sa gilid nito ay sira rin. Kung iisipin ng mabuti ay ito ang nag-iisang bahay na malayo sa siyudad. Ito ang nag-iisang bahay malapit sa mataas na pader ng Central City. Ako’y biglang naintriga sa bahay na ito. Hindi ko alam kung bakit pero gusto kong malaman kung ano ang nangyari bakit nagkaganito ang lumang bahay na nasa aming harapan.
“I think we should continue to walk,” suhestiyon ko sa kanilang lahat. Sumunod ang lahat sa aking sinabi bukod kay Henry.
“There’s a car,” Tinuro niya ang isang garahe na nasa likod ng bahay. Para makompirma na totoo ang kanyang sinasabi ay agad kaming pumunta sa likod ng bahay at laking gulat nga namin na mayroon ngang isang itim na sasakyan sa tinurong lugar ni Henry.
Ito ay natatabunan ng mga halaman at medyo hindi pa nalilipasan ng panahon. Walang gasgas ang buong sasakyan at umaandar pa ng maayos ang makina nito. Nakabukas ang isang pinto nito sa kanan at pumasok doon si Christine. Mukhang hindi pa kami nauubusan ng suwerte dahil nasa dashboard ng kotse ang susi nito. Mayroon iyong keychain na may nakaukit na letrang “D”. Dahil sa sobrang kasiyahan na mayroong si Christine ay hindi niya mapigilan ang sarili na lumundag.
Hinampas niya pa si Henry ng malakas para doon niya ibuhos ang malalang kasiyahan na nasa kanyang katawan. Dahil mayroon na kaming nakitang sasakyan, ang huling problema nalang namin ay kung may laman pang gasolina ang kotse. Tinignan ni Henry ang fuel gauge ng sasakyan at doon kami nakahinga ng maluwag dahil full tank ang kotse.
“What a day!” Henry said and he released a sigh of relief.
I immediately handle the wheel and an intense feeling invaded my brain. No one can’t explain my feelings right now unless if you are a guy. We occupied the space inside this car. When they felt comfortable inside, I hit the accelerator and the car ran like a hungry cheetah. There’s no other cars in the middle of highway so I have the privilege to own the road. One more minute and our wheels will begin to create a fire on the asphalt roadway.
“Baka mamatay naman tayo sa ginagawa mo!” sigaw ni Christine at halos ayaw na niyang bitawan ang seatbelt ng kotse. Nanginginig ang bibig nito sa sobrang takot. Nilingon ko rin ang iba kong kasamahan at nakita ko silang nagyayakapan. Parang mga baliw.
“STOP!!!!” sigaw nilang lahat at mabuti nalang ay naapakan ko ang preno kung hindi ay nabundol na namin ang isang babaeng matanda na tumatawid ng kalsada.
“That was so close,” mahinang sambit ko at huminga ng malalim para mahimasmasan sa nangyari, “Hey, Look, We’re here!”
“Finally.”
Nasaksihan ng aking dalawang mata ang nagtataasang mga gusali ng Central City. Hindi pa rin nawawala ang jumbotrons na nagpapalabas ng mga video patungkol sa politika. Kung hindi man politika ay pinapalabas nila ang mga kasaysayan ng mga kilalang tao sa loob ng Central City. Ang nakakapagtaka lang ay bakit hindi nila binubulgar sa madla ang kasaysayan kung bakit tinayo ang matataas na pader. Bakit hindi nila pinapahayag sa marami ang nangyari bago nagkaroon ng Central City, kung bakit ayaw nilang banggitin ng kanilang mga labi ang tunay na nangyari. Bakit walang balita sa labas ng pader? Iyon ang nakakapagtaka sa akin. Pero ang mas nakakapagtaka sa lahat ay kung bakit hindi pa rin napupuksa ang kasamaan ng CRYPTIC?
Kung iisipin ng maigi ay maliit lamang ng porsyento ng lupa ang sakop ng Central City kumpara sa labas ng pader. Sa doong eksplenasyon pa lang ay napapa-isip ka na baka mayroong koneksyon ang CRYPTIC sa gobyerno? Ayokong mag-isip ng ganun pero hindi talaga maiwasan. Kapag nakikita ko ang mukha ng Presidenteng si President Millana ay hindi ko maiwasang mapaisip na miyembro rin siya ng CRYPTIC. Maamo ang mukha nito at mayroon siyang pagmamahal sa buong mamamayan ng Central City pero bakit hindi niya masupil ang kasamaan ng CRYPTIC?
“Are you okay?” nagtatakang tanong sa akin ni Christine.
“B-Bakit?”
“Kanina pa naka-green light.”
Nang masabi iyon ni Christine ay doon ako nabalikan ng aking ulirat at muling pinatakbo ang sasakyan. Sa mga nagdaang araw ay mukhang napapadalas ang aking pag-iisip sa mga bagay na nagdudulot sa akin ng matinding pagkahinto. Natutulala nalang bigla.
Ang aming destinasyon ngayon ay sa bahay ni Henry. Doon namin isasagawa ang paghahanap sa lungga ni Syven. Nasa paligid pa rin ang mga golden troops. Hindi nila iniiwan ang kanilang mga areas. Ang pala-isipan sa akin ay kung bakit hindi kami tinulungan ng isang golden troop nang dumaan ito sa pag-aaway namin ng CRYPTIC. Isa iyong matibay na pondasyon para bigyang katotohanan ang aking iniisip na magkakampi ang gobyerno at ang CRYPTIC. Hindi ko sinasabi na ang presidente ang nakikipag-kampihan sa CRYPTIC. Baka mayroong tao sa loob ng gobyerno na kakampi ng nasabing grupo.
Mayroong katiwalian at korapsyon sa loob ng gobyerno. Pero hindi ko pa iyon kayang panindigan. Ang sa akin lang ay bakit hindi kami tinulungan ng Golden Troops? At bakit hindi pa rin nauubos ang CRYPTIC. Sa loob ng mahabang panahon ay walang taong nakaapak sa main base ng CRYPTIC bukod sa sarili nilang miyembro. Kahit nga si Callahan ay hindi nagawang makaabot sa main base nila. Kung tutuusin ay kung magsanib puwersa ang buong golden troops ng gobyerno ay mahahanap nila ang main base pero kapag mayroon ngang galamay sa loob ng pamahalaan ay wala ring aksyon.
“Saan nga banda ang bahay mo?” tanong ko kay Henry nang huminto kami sa dalawang kalsada, “Nasa kaliwa ba o nasa kanan?”
“Kaliwa. Mukhang hindi mo na naaalala ang daan papunta sa bahay ko,” patawang sabi nito.
Nakarating kami ng matiwasay sa kanyang bahay ay dahil medyo matagal kaming nakaupo sa kotse ay nag-unat kaming lahat ng aming mga katawan. Masarap sa pakiramdam ang ginawa naming pag-unat. Agad kaming pumasok sa loob ng bahay at dumeritso naman sa kusina si Henry.
Binuksan niya ang refrigerator at nandoon sa loob ang isang tray na itlog at tatlong ham. Mayroon din na dalawang carrots at tatlong patatas sa kanyang refrigerator. Bumuhos ito ng malamig na tubig sa limang baso at binigyan kami isa-isa. Umupo ang lahat sa sofa at akmang magsisimula na sa pagluluto si Henry nang pinigilan siya ni Christine. Gusto niya na mamaya na gawin ni Henry ang pagluluto at simulan na agad ang paghahanap kay Syven pero agad namang hindi sumang-ayon si Cobb. Gusto ni Cobb na ipagpatuloy ni Henry ang kanyang ginagawa para naman daw magkaroon ng laman ang aming tiyan.
Hindi ko alam kung bakit sila nagbabangayan simula nang magkita silang dalawa. Hindi sila nagkakaintindihan. Parehong salungat ang mga opinyon nila sa isa’t isa. Walang nagawa si Henry kundi ang itigil ang ginagawa nito at binuksan ang maliit na telebisyon sa kanyang salas.
Nakita ko sa telebisyon ang video na nakita ko sa jumbotrons kanina. Ngayon ko nalaman na pinapalabas pala nila ang video na iyon sa maliit na screen na katulad ng telebisyon. Kaya siguro hindi na sumikat ang telebisyon, bukod sa wala ng gumagawa ng pelikula at serye, ay dahil sa mga videos na katulad nito. Puro mga mukha lang ng mga taong nasa kapangyarihan ang kanilang pinapalabas. Ang kanilang mga nagawa at ang kanilang mga kuwento ng kanilang kabataan. Kung hindi mukha ng politiko ay ang mga batas naman ang pinapakita nila. Batas tungkol sa pagbabawal na lumapit sa mataas na pader. Hindi ko alam kung bakit bawal lumapit doon.
Bawal lumapit pero ang mga tagong base ng CRYPTIC ay nakatayo malapit sa pader ng Central City. Mayroon na naman matibay na rason kung bakit tama ang hinala ko tungkol sa CRYPTIC at ng Golden Palace.
“No. No.” bulong ko sa aking sarili.
“Are you okay?” tanong ni Christine sa akin. “Kinakausap mo sarili mo?”
“W-Wala,” sabi ko sa kanya at ngumiti ng sapilitan, “Tignan nalang natin ang gagawin ni Henry.”
Hinanap ni Henry sa telebisyon ang channel na walang laman. Isang white noise lang ang aming nakikita sa screen. Wala ng iba. Umupo sa tabi ng telebisyon si Henry. Pumikit ito ng kanyang mga mata at huminga ng malalim.
“Bakit nga pala kailangan ng white noise?” tanong ko kay Henry at nabulabog ang kanyang konsitrasyon.
“I have echolocation ability from dolphins, whales, and bats. Thanks to CRYPTIC, they enhanced my echolocation ability beyond what those animals can do.” He sounds sarcastically. “ I need sounds to locate someone just like what this animals do for locating something. I’m emitting sound waves above normal human hearing. That’s called ultrasound. By using that can kind of enhanced ability of echolocation, I can see the whole Central City while listening to the serene sound of white noise.” He sighed at exasperation. “I need white noise to put me in calm.”
“Alright genius. Let’s begin!” sabi ko sa kanya at sinimulan na naman niyang ipinikit ang kanyang mga mata.
Ilang minuto lang ay kumunot ang kanyang noo at parang may kung ano siyang nakita na hindi niya nagustuhan. Dahil nga maypagkapilyo si Cobb ay umupo ito sa kanyang tabi at pinikit din ang kanyang mga mata. Parang baliw siya kung gawin niya ang bagay na iyon.
Matapos ang sampung minto ay nagsalita si Henry habang nakapikit parin ang mga mata nito.
“I can see him now. B-but—” Naputol ang kanyang pagsasalita at parang mayroong humarang sa kanyang ginagawang paghahanap kay Syven. “I can see him now again for a second time. He, H-He is riding with his black car. He’s surrounded by a bunch of people. He’s entering to a big building.”
“Ano ang pangalan ng gusali?” tanong ko sa kanya.
“Dragomiroff Enterprise.”
Napatingin ang lahat kay Christine. Iyon ang negosyo ng kanyang yumaong ama. Si Boic Dragomiroff. Dapat ay si Christine ang magmamana ng negosyo pero pinalabas ni Syven na namatay si Christine.
“Nasa hallway siya ngayon. Kasama niya ang kanyang sekretarya.” Pagpapatuloy ni Henry sa pagbabantay sa ginagawa ni Syven. “Mayroon akong nakikita mga palamuti sa bulwagan ng gusali. Parang mayroong gaganaping selebrasyon.”
Napakunot kaming lahat sa aming naririnig mula kay Henry. Parang hindi naman makatotohanan ang kanyang mga sinasabi.
“Hindi ko kayo niloloko.” Akmang magsasalita pa ako nang bigla lumaki ang kanyang boses. “Shut up!!! Mayroong selebrasyon para sa kanyang kaarawan. Bukas ng gabi ang kanilang paggugunita sa kaarawan ng kanilang boss na si Syven Tykes.”
Ilang saglit lang ay binuksan ni Henry ang kanyang mata at hinang-hina nitong kinausap kami.
“Ano ba kayo? Kaya nga gusto kong makinig sa white noise ng telebisyon para blanko ang isip ko pero kayo naman ang bumabagabag sa aking paghahanap?”
“What’s the Plan now?” tanong ko sa lahat at hindi ko pinansin si Henry.
Tumayo ito at iniwan kaming nag-uusap sa salas. Sinimulan na niya ang pagluluto at amoy na amoy namin ang napakabango nitong amoy mula sa kanyang nilulutong pagkain sa kusina. Nagkatinginan naman sina Christine at Cobb sa isa’t isa. Kahit kailan talaga ay hindi maiiwasan sa dalawa ang masasamang tinginan nito.
Si Reynard naman ay abala sa kakatingin ng mga gamit ni Henry. Ang piano ay biglang tumunog dahil aksidente nitong nasagi ni Reynard. Mabuti nalang ay hindi iyon nasira. Napunta din siya sa mga vinyls na nasa gilid at nagsimula na siyang pumili ng vinyl para ipatugtog sa lumang gramophone.
Kasabay ng paghain ng pagkain ni Henry sa amin ay tumunog din ang musika na nagmumula sa lumang gramophone. Hindi ko mapaliwanag ang aking naramdaman ngayon dahil parang pagkatapos nito ay maiiyak ako. Alam ko kaseng magkakahiwalay kaming lahat kapag tapos na ang aming misyon. Kapag tapos na ay mayroon na kaming sariling mundo. Ako ay mamimili sa alok ni Henry. Si Reynard ay sasama kay Henry. Si Henry ay magpapatuloy sa paghahanap ng immunes. Si Christine naman ay magiging abala sa negosyong iniwan ng kanyang Ama. Si Cobb naman ay magpapatuloy sa kanyang magiging mercenary.
“To be human is to love…” Narinig namin ang mga titik na mayroong mga tono na nagmumula sa gramophone. “Even when it gets too much…”
Nang mayroon na kaming tubig sa aming mga sariling baso at nang mayroon na kaming mga pagkain sa aming mga plato ay hindi ko mapigilan ang aking sarili na magsalita habang abala sila na kumakain.
“I know I’m not a poetic person but I think I need to say this to you guys.” Pagsisimula ko at nabaling ang kanilang atensyon sa akin. “I have no friends before and I experienced the deepest misery of my life when I was captured by CRYPTIC. My world crumbled to the ground. I lost my parents and I lost my normal life but Mr. Howard helped me. But in the second time around, I lost another person that I loved. When I met you guys through our harsh journey, I can’t help myself not to think that I might lose you too. I’m happy to lose you by walking in our own different path but I wouldn’t see myself again if I lose you forever.”
“What do you mean by Forever?” tanong ni Christine.
Hindi ko siya sinagot at nakita nilang lahat na tumulo na ang aking mga luha sa aking dalawang mata. Tinaas ko ang baso na may lamang tubig at tinaas din nila ang kanilang baso.
“Cheers,” sab ko habang iniiwasan kong sagutin ang tanong ni Christine.
“Cheers!” sigaw nilang lahat at nagsimula kaming magyakapan.
“But seriously, what do you mean by Forever?”
It means… I can’t wear a smile again if my friends are buried in six feet under. I will do everything to protect them. I can’t lose another person I love. Not in the third time. Not this time.
Thank you for reading :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top