CHAPTER TWENTY-THREE

“Worthy to the throne


Dumating na ang gabing pinakahihintay naming lahat. Ang selebrasyon ng kaarawan ni Syven Tykes. Ang rebelasyong binulgar ni Henry ay ang fortress ng Tykes Syndicate. Nasa ilalim ng building ng Dragomiroff Enterprise ang tagong lunga ng grupo. Hindi naman kami basta-basta makakapasok sa nasabing building dahil napapalibutan iyon ng mahihigpit niyang guwardya. Ang mga dadalong mga panauhin ay mayroong sariling mga verification card para masigurado ni Syven na hindi namin sisisrain ang kanyang selebrasyon.

We need to bypass three guards at the main door of the building. It’s not a common guards, it’s a Tykes Syndicate member. They have keen eyes and ears. They’re aren’t messing around. By that problem, our solution is to blend in. Luckily, Henry’s friend named Miryam delivered some fancy suits and gowns to Henry’s place. We’re going to use those clothes to blend in. She delivered also a certain stuff and weapons that can help us to our mission. We have guns and I really like the communication earpiece. Since Henry is good at technology, he will deal the control room of the building. Giving us an eye to the whole building.

We are going to end this smoothly before the guests noticing it. Our plan is to show to all of them that Christine is alive. By the time Syven realize the presence of Christine, he will lead her to the back curtain, confronting her and threatening her. That is the time we will do our part. Locking him side by side like the pawns checking the King in chess. Kill him and revealing his Syndicate group to the public. We will bring justice to the House Dragomiroff.

“I get the plan but the problem is the first step. Mayroon ba tayong verification card?” kunot-noong tanong ni Cobb.

“I saw the verification card during my echolocation activity,” nakangising sambit ni Henry at pinakita sa amin isa-isa ang mga card na nasa kanyang mga kamay, “Miryam did these. She’s good with these.”

Tinapik-tapik ko ang balikat ni Henry. Maasahan talaga siya. Wala iyong duda. Magsisimula ang pagdiriwang sa eksaktong 7:00. 6:30 ng gabi ay magsisimula ng magsinlabasan ang mga panauhin. Iyon din ang oras na dapat naming sundin para walang makahalata. Hindi na ako makapaghintay sa magiging reaksyon ni Syven kapag maranasan niya ang malagim na pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

“Okay, guys. It’s show time,” buong kompyansa kong sabi sa kanilang lahat at pumasok na kami sa sasakyang nakuha namin sa abandonadong bahay.

Kagaya ng aming inasahan ay maraming mga kilalang tao ang dumating sa karaawan ni Syven. Kulang nalang ay ang pagdating ng presidente dahil halos lahat ng elite family ng Central City ay nandito. Maraming palamuti ang nakadikit sa pangunahing pinto ng building. Marami mga taong mayroong hawak na camera na nakaabang sa gilid ng aming nilalakaran. Malamang ay ipapakita ito sa naglalakihang mga jumbotrons sa buong Central City.

“This is the biggest elite celebration in history of Central City!” Ang mga katagang iyon ay narinig ko sa isang lalaking mayroong hawak na camera. Kausap niya ang isang lalaking mayroon din na hawak na camera. Kasama nilang dalawa ang dalawang guwardiya. Bawat tao ay kanilang tinitignan ng maigi. Sa tindi ng kanilang mga tingin ay napapaisip ako na parang hinuhubran na nila ako kanilang isipan.

Tama nga ang sinabi ni Henry. Mayroong tatlong guwardiya ang nakaabang sa pangunahing pinto. Nilalahad sa kanila ng mga panauhin ang mga verification card na nagpapatunay na imbitado sila sa pagdiriwang ni Syven.

“Verification please, sir.”

“Here,” sabi ko at nilahad sa kanya ang verification card. Tinignan niya ng mabuti ang aking mukha at ang mukha ko sa verification card. Mas tinalasan niya pa ang kanyang tingin para makasigurado siyang ako nga ang nasa card, “Are you confused because I am wearing this elegant blue tuxedo? That’s me, the only difference is my outfit.”

“Welcome sir to the 48th celebration of  Syven Tykes. Please, enjoy the night,” Magalang nitong sabi sa akin matapos siyang makawala sa tindi ng pagtataka.

Ang sumunod naman niyang kinausap ay ang aking mga kasamahan. Lahat sila ay hindi nakalagpas sa paghahanap ng guwardiya ng kani-kanilang mga verification card. Kahit mahigpit ang seguridad ay nautakan pa rin sila ng grupo namin.

“Initiate Phase 2,” bulong ko sa kanilang lahat at sabay-sabay naming sinuot ang communication earpiece at naglakad sa iba’t ibang mga direksyon.

“Guys, can you hear me?” tanong ni Henry sa kabilang linya.

“Affirmative,” sagot ko.

“I heard you,”  sagot naman ni Cobb.

“Yes,” tugon naman nina Christine at Reynard.

“I’m on my way with the Control Room.”

“Good luck,” sabi ko kay Henry.
Tinignan ko ang oras sa aking relos at nasa 6:57 na ng gabi. Malapit ng magsimula ang pagdiriwang. Nasa malaking bulwagan ang mga lamesa at upuan na para sa mga bisita. Nasa dulo ang isang mababang entablado at mayroong kurtina sa likod nito. Doon lalabas si Syven. Kakaway siya sa mga bisita at sasabihin niya ang kanyang praktisadong mahabang speech para kunwari ay masaya siyang nagdidiwang sa kanyang kaarawan.

“Welcome to the 49th birthday of Syven Tykes! Please, welcome him with overwhelming claps!” Isang malakas at nakakabibinging sigaw ng babaeng nasa itaas ng entablado.

Nagsimulang tumugtog ang mga musikero sa gilid ng entablado para bigyan ng magandang introduction si Syven. Nagpalakpakan ang lahat nang lumabas sa malaki at mahabang kurtina si Syven. Nagsuot naman ng malapad na ngiti si Syven at halatang sapalitan siyang ngumingiti.

Kumakaway-kaway sa mga elite na panauhin. Sa kanyang tindig at ayos ay hindi ko talaga aakalain na isa siyang lider ng grupo ng kriminal.

“Oh please. You making me blush.” Pakunwaring natuwa siya sa mga pagpupuring sinabi ng mga panauhin sa kanya.

Matapos ang hiyawan at palakpakan kay Syven ay umupo ang lahat ng matiwasay. Umupo na rin ako sa aking puwesto. Kinuha niya ang mikropono sa babaeng kasama niya sa entablado at nagsimula na siyang magsalita na kunwari ay galing sa kanyang puso.

“Maraming salamat dahil tinanggap ninyo ang aking paanyaya sa pagdalo sa aking ika-apatnapu’t siyam na kaarawan sa mundong ibabaw. Hindi naging madali sa akin ang pagtanggap sa buong responsibilidad sa buong kompanyang iniwan ni Bouc Dragomiroff.” Bawat pagbigkas niya ng mga salita ay mayroon malungkot na diin. Kahit pinipilit niyang lagyan ng matinding paghihinagpis ang mga pangungusap na nilalabas ng kanyang bunganga ay naririnig ko pa rin ang nakakasuka niyang ginawa sa sarili niyang pinsan.

Puro mga kasinungalingan ang kanyang pinagsasabi sa mga elites na nandirito sa bulwagan na itinayo ni Bouc Dragomiroff. Kunwari ay nanginginig siya sa sobrang kalungkutan habang pinapapatuloy niyang sinasabi ang kanyang pagsasalita.

“Dumagdag sa aking kalungkutan ang pagkamatay ng nag-iisa kong pamangking babae. Siya ay nawala at nakitang wala ng buhay. Siya ang tunay na tagapag-mana ng buong Dragomiroff wealth.”

Kinagat din ng mga nanonood ang pekeng emosyong nilalabas ni Syven. Mayroong pasimpleng naluha at mayroon namang hindi naitago ang matinding kalungkutan.

“Kung nadirito lamang ang pamangkin kong babae ay sasabihin ko sa kanya na mahal na mahal ko siya. Ang buong Dragomiroff wealth ay talagang dapat sa kanya. Sasabihin ko sa kanya na kahit wala na siya ay napatakbo ko ang negosyong iniwan ng kanyang ama ng matiwasay. Napalago ko ito. Christine Dragomiroff, I always love you, my knee. May her soul rest in peace,” pagtatapos niya sa kanyang pagtatalumpati.

“Oh thank you uncle for that wonderful speech of yours.”
Napabaling ang atensyon ng lahat sa boses ng babaeng umalingawngaw sa buong bulwagan. Tumayo ang babaeng nakasuot ng itim gown at suot din niya ang nanunuya nitong ngiti. Nanigas sa kinatatayuan si Syven at lumaki ang mga mata nito sa sobrang pagkagulat.

“Did you miss your knee, Uncle Syven Tykes?” punong-puno ng tensyong sinabi ni Christine ang mga salitang iyon.

Sa hindi inaasahang pangyayari ay napasinghap ang lahat sa nangyayari. Biglang tumaas ang aking mga balahibo sa katawan dahil sa ginawa ni Christine. Napakabigat ng atmospera sa buong apat na sulok ng bulwagan.

Hindi rin maipinta ng maayos ang mukha ni Syven dahil nasaksihan ng kanyang dalawang mata anf kanyang pamangkin na tinang niyang patayin.
Ang lahat ng tao sa bulwagan ay tinignan ng salit-salitan ang mag-tiyo. Mukhang hindi nila lubos maisip na ganito ang mangyayari at sa kaarawan pa talaga ni Syven.

“Would you invite me up there to show to the whole public that your knee is alive? A miracle! I’m back from the dead, uncle..”

Thank you for coming :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top