CHAPTER TWENTY-ONE
“Listening Might Avoid Misunderstanding”
Malaking porsyento sa kanilang bilang ang nakulong sa loob ng Hexagon dahil sa aking ginawa. Tinulungan akong tumayo ni Henry at nauna na ang iba papunta sa aming hovercraft. Ang ilang mga CRYPTIC na nasa labas ng Hexagon ay pinilit kaming pigilan gamit ang pagpapaputok ng kanilang mga baril pero hindi pa rin iyon naging sapat para kami ay pigilan sa pagtakas.
Napapayuko si Reynard sa mga balang pilit siyang tamaan. Dahil magaling umasinta si Cobb ay siya ang umubos sa lahat ng natitirang CRYPTIC sa labas ng Hexagon. Mabilis ang aming mga paa na pumasok sa loob ng hovercraft at hindi na nagdalawang-isip si Callahan na paandarin ito. Dahil masyadong mabilis ang pagpapalipad ni Callahan ay nawalan kaming lahat ng balanse sa loob.
Mabuti nalang ay napakapit ako ng mahigpit sa bagay na puwede kong makapitan sa loob ng sasakyan. Kumalma lang ang sasakyan nang maramdaman na ni Callahan na walang CRYPTIC ang nagtangkang sundan kami. Naghiyawan ang lahat dahil matagumpay naming nagawa ang aming misyon at masaya kami dahil walang mga kalaban ang nakabuntot sa amin ngayon. Hindi na nila ako kayang mahanap dahil nakuha na ni Henry ang tracker tattoo sa aking pulso. Ngayong wala na sa aming anino ang CRYPTIC, ang pagtutuunang pansin ko ngayon ay kung saan namin puwedeng hanapin ang fortress ng Tykes.
“Here.” Biglang inabot ni Callahan ang isang papel kay Henry. Nandoon nakalagay ang pagmumukha ni Syven.
Tinanggap naman ni Henry ang papel at tinignan iyon ng mabuti. Nagtanong ito kung sisimulan na ba niya ang paghahanap kay Syven. Ang suhestiyon naman ni Cobb ay mamaya nalang kapag nakalapag na kami sa lupa. Sumang-ayon naman ang lahat sa kanyang sinabi.
“What will you do after this?” tanong ko kay Callahan nang nakatayo ako sa kanyang tabi. Abala ito sa kanyang pagmamaneho at na-disabled muli ang A.I. ng sasakyan kaya siya ngayon ang nagtatrabaho para manatiling nasa ere ang hovercraft.
Tiningala niya ako bago nito sinagot ang aking tanong, “I don’t know. Probably, I will rebuild what my father started. And hopefully, our path will not cross again.”
“I still don’t like your sentences you’ve created. That’s crushing to hear,” sagot ko naman sa kanya at ngumisi para siya ay mainis.
“I helped you with your difficulty of your mission and you helped me to avenge my father’s death. I have no reason to use some flowery words to you.” Kahit hindi maganda pakinggan ang kanyang mga sinabi ay nandoon pa rin ang pagiging elegante nito.
“Fair enough.”
Matapos ang aming pag-uusap ay binaba niya ang hovercraft sa loob ng kagubatan. Ang kagubatang iyon ay malapit sa highway. Highway na walang halos sasakyang dumadaan. Iyon ang piniling lugar ni Callahan para hindi kami makita ng mga Golden Troops ng Central City. Nakakapagtaka nga kung bakit walang halos dumadaan na sasakyan sa highway na iyon. Siguro ay masyadong malayo sa siyudad.
Nang makababa na ang lahat ay isa-isa kaming nagpaalam at nagpasalamat kay Callahan. Sa hindi ko inaasahan ay bigla naman siyang nagpaalam sa aming lahat.
“I think this is the time,” sabi ko kay Callahan habang ang lahat ay nakababa sa hovercraft, “Goodbye, Callahan.”
Tinignan niya kaming lahat bago siya muling pumasok sa kanyang sasakyan. Huminto ito sa pinto ng hovercraft at muli kaming tinignan.
“I hope you will succeed with your mission. There’s still justice in this city,” marahang niyang sabi habang sinimulan niyang kumaway sa amin.
Dahan-dahang sumara ang pinto ng hovercraft at mabilis itong lumutang sa ere. Nang nakabuwelo na ay agad itong lumipad ng mabilis palayo sa amin.
I just realized that even Callahan was kind of douchebag or jerk, he played a big part in our mission. He helped us escape from CRYPTIC and he helped us to track the Tykes.
I just realized that you can’t judge a person based on the short information about his personality. You can’t judge a person just because of what he did in the past. You can’t judge a person based on his behavior without knowing the reasons. He may be bad, but he’s not evil.
Maybe this realization of mine can apply to CRYPTIC? Who knows?
“What’s next?” Tanong ni Cobb. Agad namang nagtulungan ang lahat na tignan si Henry. Alam na niya ang ibig sabihin ng tingin na iyon.
“I need white noise from radio or television.”
Nakalimutan kong kailangan pa pala iyon para sa paghahanap kay Syven. Maaari naming gamitin ang mga radio na nasa hovercraft ni Callahan nang nasa sasakyan niya pa kami pero wala na ang hovercraft ngayon.
“Diba si Cobb ang nagsabing sa pagbaba nalang natin ng Hovercraft gawin ang paghahanap?” tanong ni Reynard.
Doon naman uminit ang ulo ni Cobb sa kanya. Inangasan niya si Reynard at akmang susuntukin siya pero mabuti nalang ay pumagitna si Christine sa kanilang dalawa.
“Ganito nalang. Maglalakad tayo ngayon papuntang siyudad. Baka sakaling sa ating paglalakad ay mayroon tayong makasalubong na bahay na mayroong telebisyon. Kung hindi man isang bahay baka mayroon tayong makakasalubong na sasakyan na maaring magdala sa atin sa siyudad,” sabi ko sa lahat at kahit alam ko na wala isa sa amin ang hindi pagod ay pinilit ko pa rin na kumbinsihin ang lahat na magsimula na sa paglalakad.
“We are going to die before we get the location of Syven.” Pagmamaldita ni Christine.
Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang aking sarili. Kailangan kong panatilihin ang kapayapaan ng aming mga ulo para sa ganun ay walang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan.
“I’m just trying to do a decision for all of us.”
“Decision?” maangas na tanong ni Cobb. Hindi pa rin pala siya kumakalma, “Hindi ikaw ang lider dito. Pinapaalala ko lang.”
“And who told you that I am the leader here?”
Lagot na. Mukhang hindi ko yata kayang panatilihin ang aking sarili na lumayo sa galit. Sa tono niya ang mukhang naghahanap siya ng away.
“Why are we trying to find this Syven?” maangas pa rin na tanong ni Cobbl, “Huh?”
Doon sa kanyang sinabi ay napakunot ako ng noo. Tumaas ang isa kong kilay at nagpapahiwatig iyon na parang mayroong maling nangyayari.
“Ano ba ang pinagsasabi mo?” Sa mga oras na iyon ay hindi pa ako umusok sa galit. Kalmado pa rin ang tono ng aking pananalita. Hindi ko siya masisisi kung natalo na siya ng kanyang sariling galit dahil ilang gabi na kaming walang tulog at walang kain. “Nandito si Henry para tulungan ako sa paghahanap kay Syven. Desisyon niyang tulungan ako at pagkatapos nito ay pipili ako kung sasama sa kanyang gagawing grupo o hindi. Nandito si Reynard ngayon dahil gusto niyang sumama kay Henry sa oras na matapos natin ang misyon. Nandito si Christine para kunin ang para sa kanya. Ayaw niya pa nung una pero pinaliwanag ko sa kanya na dapat niyang ipaghiganti ang kanyang tinuring na ama na si Mang Howard. Nandito ako ngayon para ipaghiganti ang pagkamatay ni Mang Howard. Ipapaalala ko sa iyo ngayon na nandito ka ngayon para ihatid ng ligtas si Christine kay—” Naputol ang aking pagsasalita nang marinig ko ang kanyang sinabi.
“Tapos na ang misyon ko. Ang misyon ko ay ihatid ng ligtas si Christine kay Villrouce. Siguro ay namali lang ang pagkakaintindi mo sa aking sinabi. Ihatid siya kay Villrouce hindi kay Syven,” iyon ang sinabi ni Cobb.
Natigilan ako sa kanyang sinabi. Hindi siya nagbibiro. Iyon nga ang kanyang misyon. Siguro ay hindi ko lang naintindihan ang kanyang mga sinabi kaya inakala ko ay ang kanyang misyon ay idala si Christine kay Villrouce upang masigurado niyang mababawi ni Christine ang para sa kanya sa pamamagitan ni Villrouce. Ang hindi niya alam ay niloko lang pala siya ni Villrouce. Hindi niya alam na magkakilala at magkasosyo sa negosyo sina Syven at Villrouce.
“Then why are you helping us? Why are you still here?” mahinahon kong tanong.
“Because I want to help. But we aren’t machine, Austin. We are tired. I think one more step and my legs will detached from my body.”
“Don’t be so exaggerated.”
“Call it what you want but that’s what our feelings right now. We need rest.”
Isa-isa ko silang tinignan at nakikita ko sa kanilang mga mata ang labis na pagod. Sumpak ang mga pisngi, lusot ang mga mata, at nanginginig sa sobrang pagod. Bigla ko nalang naramdaman ang panginginig ng aking mga kamay. Kagaya nila ay naramdaman ko na rin ang matinding pagod. Lumunok ako ng aking laway at pinilit na magsalita. Pinilit ko rin na ngumiti para sa ganun ay hindi nila maisip na napapagod na rin ako.
“Magpahinga muna tayo. Pero hindi ko pa rin gusto ang sinabi mo na umaarte akong inyong lider dahil ang totoo ay walang lider sa grupong ito. Lahat tayo ay nagtulungan para sa isang misyon,” pagpapaliwanag ko sa kanila at binigyan sila ng matamis na ngiti.
Thank you for reading :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top