CHAPTER TWENTY-FIVE

“Stabbing behind your back”


“W-why did you do this? I thought you’re my friend?”

Lumapit ito sa akin at tinapik-tapik ang dulo ng baril sa aking ulo. Umupo ito sa aking harapan at nandoon pa rin ang nanunuya niyang mga ngiti at tingin.

“You haven’t notice it?” tanong niya at humalkhak ng matindi para ipagdiwang ang inaakala niyang pagkapanalo niya laban sa akin at sa aking mga kaibigan.

“Ginawa ko ito para mapasaakin ang Dragomiroff Enterprise at ang grupo ng Tykes. Plinano ko ito matagal na. Ako rin yung taong pumatay kay Mr. Howard. Pinatay ko lahat ng mga surveillance cameras at ang landlord ng tinutuluyan ninyong apartment,” pagsisiwalat niya ng kanyang mga krimeng ginawa.

Hindi ko maintindihan ang aking naramdaman nang marinig ko ang kanyang sinabi. Ang taong matagal naming hinahanap na pumatay kay Mang Howard ay nasa tabi lang pala namin. Ang taong kinamumuhian ko ay kasama ko palang kumain at makipaglaban sa CRYPTIC.

“Magkatuwang kami sa plano ni Villrouce Willman. Sadly, namatay siya agad at papatayin ko rin naman siya kapag nakuha ko na ang gusto ko. Dahil sa kanya ay nakuha ko ang punyal ng mga Tykes para ipagbintang sa grupo ang pagkamatay ni Mr. Howard,” pagpapaliwanag niya, “Do you like the plot twist of this storyline? Para maging maganda ang magiging takbo ng aming plano ay nagkunwari akong kakampi ninyo para ikaw at ang mga kasamahan mo ang papatay kay Syven. Pero dahil parang nag-aalangan kang pumatay ng tao dahil kay Christine ay ako nalang ang tumapos kay Syven. Don’t get confused, Syven really killed his father. Villrouce wants the money and power and he recruited me to join his plan. Now Syven and Villrouce are gone. I will lead the Tykes Syndicate and I will use the money of Dragomiroff to maintain my empire. Is it a good plan?”

“Hayop ka.” Pilit kong huwag ipakita sa kanya ang aking galit dahil kapag ako ay hindi makapagtimpi ay tiyak mapapatay ko siya. “Don’t you forget that I have an ability of regeneration? I can kill you right now”

“Oh… really?”

Unti-unting nagsinlabasan ang mga miyembro ng Tykes Syndicate at pinalibutan nila kaming dalawa. Lahat sila ay mayroong mga dalang mga armas para pigilan ako sa aking gagawin kay Cobb.

“Hindi ako tanga na katulad mo,” sabi niya, “How long will you hold our ammo?”

Akmang tatayo ako ng bigla nila akong pinagtulungang pagbabarilin. Hindi pa nakakahilom ang aking mga sugat ay agad naman itong sinusugat ng mga gamit nilang mga bala at baril. Dahil doon ay hindi ako makatayo ng mabilis.

“This is the best view I have ever seen in my life!”  Kasabay ng kanyang sinabi ay ang malakas nitong paghalakhak. “Any last word?”

“Y-you forgot something…” Tinig iyon ni Henry. Pinilit niyang tumayo nang tumigil sa pagbabaril ang nga Tykes na ngayon ay kakampi na ni Cobb Thyme.

“Oh… what will you do? Tykes is on my side now. They prefer my leadership more than their former arrogant and narcissistic Syven Tykes. What will you do? Using your echolocation?” pang-iinsulto nito at tumawa pa ng malakas. Sinabayan niya pa ang mahigpit na pagkapit sa kanyang tiyan para ipakita na namimilipit na siya sa kakatawa, “Kill him boys.”

Bago pa kinalabit ng isang Tykes ang kanyang baril ay nawalan na ito ng buhay dahil sa biglang paglitaw ng mga grupo ng CRYPTIC. Binaril nila isa-isa ang mga Tykes at nagulantang ang kampo ni Cobb.

“I told you you forgot something…” nakangising sabi ni Henry at agad nitong inatake si Cobb.

Nakita ko ang unit ni Captain Famuya. Siya ang unit na naatasan sa paghahanap sa akin. Ang bumabagabag sa aking isip ay kung paano nila nahanap ako dahil sa aking pagkakaalam ay natanggal na ni Henry ang Tracker Tattoo sa aking pulso.

“I sense your plan, Cobb. Masyado kang bilib sa iyong sarili dahil iyon din ang nagpalagapak sa iyo,” sabi ni Henry habang nakakulong si Cobb sa kanyang mga bisig.

Napalingon naman ako sa isang Tykes na napadaing sa sakit nang tinamaan siya sa kanyang balikat. Hindi ko napansin ang mga galaw ni Cobb na mayroon pala siyang binabalak na salungat sa aming plano.

“Austin!” tawag sa akin ni Henry, “We have to run in one…two…three!” sigaw niya at hinagis si Cobb sa gitna ng labanan ng CRYPTIC at Tykes Syndicate.

Tumakbo kami palabas ng gusali ng Dragomiroff Enterprise. Hindi kami lumabas sa pangunahing pinto nito bagkus lumabas kami sa ibang direksyon. Narinig namin ang malakas na sigaw ni Cobb dahil naengkuwentro niya ang tropa ng CRYPTIC. Hindi ko na inalam kung namatay siya o hindi. Sa labas ay naghihintay sa kotse ang isang babaeng kilala ni Henry.

“She is Miryam from Headquarters. She’s in our side.”

“Sandali lang. Kailangan kong balikan ang bangkay ni Christine at Reynard.”

“No, forget it! We have nothing to do with them. We need to go now!” sigaw ni Henry.

Hahakbang pa sana ako nang biglang nagkaroon na malakas na pagsabog. Nagsinlabasan ang mga CRYPTIC para sundan ako. Nawaglit sa aming isipan na naririto pala ang mga CRYPTIC. Ang napagtataka ko ay paano nila ako nahanap kung natanggal na ang tracker device sa akin katawan?

“After them!!!” sigaw ni Famuya at sinunod ng mga CRYPTIC ang kanyang utos.

Dali-dali kaming sumakay ng kotse at pinaandar iyon ni Miryam ng mabilis.

“Hi, I’m Miryam. Welcome to the club,” sabi nito at namangha ako kung paano niya patakbuhin ang sasakyan. Habang abala sa kakatanggal si Henry ng tracker tattoo sa aking pulso ay lumalaki ang aking mata sa mga pang-iiwas ni Miryam sa mga pag-atake ng CRYPTIC.

Kung tama ang kutob ko ay inubos na ng CRYPTIC ang grupo ng Tykes Syndicate at kasama na sa mga nasawi si Cobb Thyme. Kung sakaling patay na ang hayop na iyon ay hindi siya makakatakas sa kanyang ginawa. Hahabulin ko siya hanggang sa labas ng Central City.

“Natanggal na!” Sigaw ni Henry.

“Bakit mo naman kase hindi tinanggal ang tattoo tracker?”

“Kung hindi ko tinanggal ay malamang patay na tayo pareho dito. Miryam! Hit it!” Sigaw niya sa babae at nakita ko sa rearview mirror ng kotse at pag-ngisi niya at bigla siyang lumiko papunta sa makapal na kagubatan. Sinubukan pa ng CRYPTIC na habulin kami pero huli na ang lahat para sa kanila. Naligaw na namin sila.

Thank you for reading:)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top