CHAPTER TWENTY

“Together, We’ll fight”


“Inaakala mo ba ay matatakot ako sa iyong pagbabanta?”

Nagkatinginan kaming lahat sa loob ng Footage Room nang masambit iyon ni Famuya.

“Dahil kumpleto ang PROJECT FIVE dito sa Hexagon ay hindi na namin kailangang maghanap sa buong panig ng Central City dahil dinala mo na sila dito.”

Narinig ko ang mahinang pagmumura ni Callahan. Nagkamali siya sa kanyang sinabi at mukhang kailangan niyang panindigan iyon. Dalawang miyembro ng PROJECT FIVE ang kasama niya ngayon. Ako at si Henry Dawson. Kung saang anggulo tignan ay makakaya kong pabagsakin ang tropa ni Famuya pero hindi magtatagal ang aking lakas para patumbahin ang buong Hexagon. Magaling lang sa mga lokasyon si Henry at kahit mayroon siyang sapat na kakayahan sa pakikipaglaban gamit ang pisikal niyang katawan ay hindi pa rin magiging sapat iyon para maging katuwang ko siya sa pakikipaglaban.

Si Callahan ay mayroon din na abilidad na labanan ang CRYPTIC pero hindi niya kasing lakas ang PROJECT FIVE. Kung tatlo lang kaming lalaban at mayroon pa kaming tatlong kailangang ipagsanggalang ay medyo mahihirapan ang aming pagtakas dito. Si Cobb ay walang abilidad na kagaya namin, ganun din si Christine. Ang gagawin lang namin ay ang mag-isip ng paraan para makalabas ng buhay dito sa Hexagon.

“Kung totoo ang sinasabi mo na kasama mo ang PROJECT FIVE ay bakit hindi pa kayo umaatake? Para sa ganun ay mapapadali ang pagdakip namin sa kanila. Kung sinasabi mo lang iyon para masindak mo kami ay pasensya na, hindi kami natakot.” Patuloy pa rin sa pagsasalita sa labas si Famuya. Nakaabang sa kanyang likod ang mga troops ng CRYPTIC. Ang iba naman ay nakaluhod ang isang tuhod sa kanyang harapan at nakatutok ang mga baril nito sa pinto mg Footage Room.

Mas lalong napamura ng mahina si Callahan at pinagpapawisan na siya ng matindi. Napasilip naman kaming lahat sa pinto nang marinig namin ang mga malalakas na yabag ng mga CRYPTIC. Paniguradong tumawag pa ng kakampi si Famuya para lang pigilan kami sa aming pagtakas sa Hexagon.

“To avoid any violence, I propose that you should lower you weapon down and come out behind that door and surrender yourselves.”

Nagbanta siya na kapag hindi pa kami lumabas ay wala silang ibang gagawin kundi ang pasabugin kaming lahat sa loob ng Footage Room. Bibilang siya hanggang tatlo. Sa loob ng tatlong segundo ay kailangang makapag-isip na kami ng paraan para makatakas dito.

“Isa…” Pagsisimula ni Famuya.

Napalingon ako kay Henry at tinanong siya kung ano ang kanyang gagawin. Hindi nito ako sinagot at hinila ako patalikod. Akmang bubuksan ang pinto at akmang magpapakawala ng bala pero pinigilan siya ni Callahan.

“Dalawa…”

Wala na akong ibang pagpipilian at binuksan ko ang pinto. Napatigil sa pagbibilang si Famuya at sa kanyang hindi inaasahan ay naramdaman niya ang malakas kong pag-atake. Nakalimutan ko na isa pala siyang babae at hindi ko napigilan ang aking sarili na suntukin siya ng malakas. Lumipad ito sa kabilang pasilyo at lahat ng tao ay nanigas sa kanilang mga kinatatayuan.

“Unit Captain—” putol na sabi ng isang CRYPTIC at agad siyang nagpakawala ng mga bala sa akin. Ginawa kong panaggalang ang aking braso sa aking mukha. Kahit gaano kadami ang bala na pinapakawalan nila ay hindi pa rin ako nito tinatablan.

“Nakakatunganga lang kayo diyan? Wala kayong balak tulungan ako?” tanong ko sa aking mga kasamahan sa likod.

Agad namang tumakbo palapit sa akin si Callahan at hinugot niya ang kanyang baril at isa-isa nitong pinatay ang kapwa niya CRYPTIC. Si Henry ay tumulong na rin sa pakikipaglaban sa CRYPTIC. Ako ang kanilang ginawang kalasag habang unti-unti nilang pinapatay ang kalaban.

Napatulala naman ako ng ilang segundo nang makita ko ang paglipad ng isang punyal at tumusok iyon sa ulo ng isang CRYPTIC. Isang malakas na sigaw ang aking narinig at nakita ko ang pagtakbo ni Christine papunta sa CRYPTIC. Hinugot niya ang kanyang punyal sa ulo ng kalaban at pinagpatuloy ang pag-atake.

“Do you think that I am not good with this?” Pagmamaldita ni Christine. Hindi niya nakita ang paparating na kalaban sa kanyang likod at mabuti nalang ay binaril iyon ni Cobb.

“Seems like you forgot about me?” nakangisi nitong sambit.

Sabay-sabay kaming umatake sa kalaban hanggang naubos namin ang CRYPTIC na humaharang sa pasilyo. Huminga ako ng malalim nang nasa bulwagan na kami ng Hexagon. Doon naghihintay ang napakaraming mga troops ng CRYPTIC. Ang mga doktor ng CRYPTIC ay tumatakbo na palabas ng gusali.

“Can we survive this?” tanong ni Reynard.

“Nandito ka pa pala,” sagot ko sa kanya. Hindi ako makapaniwala na hanggang ngayon ay kasama pa rin namin si Reynard. Mayroon din siyang dalang baril at kahit papaano ay tumutulong siya sa pag-atake sa kalaban.

Umilaw ang mga mata ni Callahan at handa na niyang gamitin ang kanyang abilidad. Mabilis ang mga binti nitong tumakbo palapit sa kalaban at agad kinagat ang mga leeg nila para lagyan ng lason ang kanilang mga katawan. Magmistulang isa siyang bampira sa paraan niya sa pag-atake. Bawat CRYPTIC na nilalagyan niya ng lason ay napapangisay at agad na namamatay.

Dahil nakikita ni Henry ang buong paligid ay mabilis niyang napansin ang mga CRYPTIC sa aming likuran. Gumagamit siya ng 360 vision para makita ang mga paparating ng mga kalaban sa aming likod. Siya ang umaatake sa likod at kami naman sa harap. Kasama niyang umaatake si Christine.

Napuno ng tunog ng baril ang buong bulwagan. Walang nagkaroon ng balak ang dalawang magkatunggali na umatras sa laban. Dapat isa sa kanila ay kailangang may matalo upang mayroong tatanghaling panalo. Hindi ko hahayaang mananalo sila. Kailangan kong ipaghigangi si Mang Howard!

Umilaw ang aking mga mata. Hindi ko maipaliwanag ang aking naramdaman nang mabilis kong sinugod ang kalaban. Sa aking pakiramdam ay parang umaapoy ang aking puso at nagiging gasolina iyon para magpatuloy ako sa pag-atake.

Pagsuntok sa mga mukha nila, pagbasag sa mga bungo ng kalaban, at pagbali ng mga buto ng CRYPTIC. Lahat iyon ay nagawa ko sa isang iglap lang. Dumanak ang dugo sa sahig at kahit marami ng patay sa kampo ng CRYPTIC ay hindi pa rin tumitigil ang pagpasok ng iba nilang kasamahan.

Lumitaw sila sa aming likuran at dahil wala ng mga kalabang nakaabang sa bunganga ng Hexagon ay pinili naming huwag ng makipagsabayan sa pag-atake sa kalaban. Mas kailangan naming makalabas ng buhay. Sinuntok ko ng malakas ang sahig at medyo umalog ang sahig kaya nawalan sila ng balanse. Mayroong naisip na ideya si Henry at iyon ang paggamit sa eleganteng Chandelier ng Hexagon. Naaalala niya na magsasara ang buong Hexagon kapag mayroon itong naramdamang tao malapit sa Chandelier.

Inutusan akong ihagis ang bangkay ng isang CRYPTIC sa chandelier. Agad ko namang sinunod ang kanyang utos. Ako lang naman sa grupo ang pinakamalakas. Hinagis ko ang bangkay sa chandelier at sa aming inaasahan ay naramdaman nga ng Hexagon ang katawan ng CRYPTIC. Umilaw ng pula ang buong lugar at tumunog ang kanilang alarm.

Locking down all doors and windows. Locking down the whole Hexagon,” iyon ang sinabi ng system ng Hexagon. Bumaba ang metal na pinto at bintana para sarhan ang buong Hexagon. Nakalabas na ang iba kong kasamahan at naiwan akong nakatunganga sa bulwagan.

“Austin! Lumabas ka na!” aigaw ni Christine. Bago pa tuluyang sumara ang metal na pinto ay himalang mabilis akong nakalabas ng Hexagon. Napalingon ako sa likod at nakita ko na sarado na ang buong Hexagon.

“Phew. That was close,” sambit ko.

Thank you for reading :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top