CHAPTER TWELVE
"Whirling Tires"
“Austin!”
Awtomatikong huminto ang aking binti’t paa sa tapat ng isang silid na mayroong malaking plexiglass. Nasa loob ang mga kasamahan ko. Nandoon nakaupo si Henry habang wala itong malay at si Cobb naman ay nasa tapat ng plexiglass. Humihingi siya ng tulong sa isang pabilog na butas na sinandiyang nilagay sa plexiglass. Si Reynard naman ay nasa tabi niya at hindi maipinta ang kanyang mukha sa sobrang pagkatakot.
Inulit ni Cobb ang pagtawag sa aking pangalan at nang tinawag niya ako sa pangatlong beses ay mabilis kong sinuntok ang plexiglass. Napayuko silang dalawa nang masaksihan nila ang pagbasag ko sa salamin na nasa kanilang harapan. Hindi na sila naghintay pa ng matagal at mabilis silang tumalon palabas ng kanilang kinatatayuan. Muntik ng matamaan ng bala si Reynard nang makalabas siya pero dahil mabilis ang aking pandama ay sinalo ko ang bala na para sa kanya.
Palakas ng palakas ang tunog ng mga yabag ng kalaban. Ang isang kasamang lalaki ni Syven ay sinubukang barilin kami pero wala siyang nagawa dahil mabilis kong nasasalo ang mga balang pinakakawalan niya. Ang nagpatagal sa aming pagtakas sa lugar ni Villrouce ay ang paggising kay Henry. Mukhang malakas ang tama sa kanya ng gamot na pampatulog dahil humihilik pa ito ng hinila ko siya palabas. Nagkamalay lang siya nang marinig niya ang mga putok ng baril.
Dumagdag sa aming problema sa pagtakas ang biglang paglitaw ng mga miyembro ng CRYPTIC. Doon sila naghihintay sa labas ng lungga ni Villrouce. Nakaabang ang mga CRYPTIC at handang-handa silang salubungin kaming lima. Lahat ng kanilang hinahawakang baril ay nakatutok sa amin.
Napaatras kami sa aming nasaksihan at binalak naming umikot pabalik pero nandoon din nakaabang ang mga tropa ni Syven. Uhaw na uhaw din silang madakip kami at dalhin si Christine sa kanilang pinuno.
“Do you have any plan?” tanong sa akin ni Henry.
Wala akong sinabi sa kanya at mas tinuon ko ang aking atensyon sa buong paligid. Dalawa lang ang posible naming gawin sa mga pagkakataong ito. Ang sumuko sa dalawa naming kalaban o lumaban hanggang kamatayan. Hindi namin kayang labanan sila dahil sa kanilang bilang at isa pa ay wala rin kaming mga hawak na armas para labanan silang lahat pero hindi rin namin kayang sumuko nalang ng mabilis dahil naabot na namin ang puntong ito at wala sa aking bokabularyo ang sumoko na walang naganap na labanan.
“I don’t want to die here,” nanginginig na sambit ni Cobb.
“We have no choice but to fight,” sambit ko.
“Now that’s the spirit,” sabi ni Henry at nginitian ako ng bahagya, “Let’s fight.”
Dahil napapagitnaan kami ng aming mga kalaban ay kailangan namin silang labanan ng sabay sa harap at likod. Nasa likod namin ang mga Tykes Syndicate at hanggang ngayon ay tumatakbo sila sa pasilyo. Ang mga CRYPTIC naman ay nasa labas ng pinto na handa kaming patayin. Tumakbo ako ng mabilis para salubungin ang mga Tykes at sa hindi nila inaasahan ay mabilis kong naagaw sa kanila ang baril na nasa kanilang mga kamay. Tinulak ko ng malakas ang ilang mga Tykes sa pader at naririnig ko ang paglagutok ng kanilang mga buto nang magtama ang mga katawan nila sa matigas na pader.
“Yuko!” sigaw ni Christine at napalingon ako sa kanyang direksyon.
Isang mabilis at napakaraming putok ng baril ang aming narinig mula sa labas ng pinto at mabuti nalang ay nakayuko kami bago nangyari iyon. Dahil nakatayo sa aming harapan ang mga miyembro ng Tykes ay sila ang tinamaan ng bala na nanggaling sa mga CRYPTIC.
Agad kong kinuha ang mga armas sa mga Tykes at binigay iyon sa aking mga kasamahan. Kasabay ng pagbigay ko ng armas sa kanila ay siya namang pagpasok ng mga CRYPTIC sa loob. Agad silang sinunggaban ng pag-atake nina Christine, Henry, at Cobb. Dahil napakarami ang kalaban na pumapasok ay naisipan ni Cobb na bumalik pabalik. Nakaisip ito ng ideya na pumunta sa garahe ni Villrouce para kumuha ng isang sasakyan para gamitin sa pagtakas sa lugar na ito.
Dalawang sasakyan ang aming ginamit. Kasama ko aking sasakyan si Christine at sa kabilang sasakyan naman sina Cobb, Reynard, at Henry. Ilang saglit lang ay bumukas ang pintuan ng garahe at bigla kong pinatakbo ng mabilis ang sasakyan. Natutuwa akong marinig ang ugong ng gulong dahil sa bilis ng pag-ikot nito. Hindi ko mapaliwanag kung bakit nasisiyahan akong marinig iyon.
Naghalo ang tunog ng gulong ng aming sasakyan at ang tunog ng mga balang pilit tinatamaan ang aming sinasakyang kotse. Ibang klase talaga ang dedikasyon ng mg CRYPTIC sa paghabol sa amin. Hindi talaga sila nawawalan ng pagod at hanggang dito sa gitna ng highway ay nakabuntot pa rin sila.
Nasa harap ko ang sasakyan ni Henry. Mas mabilis tumakbo ang napili niyang sasakyan kumpara sa aking napili. Dahil sa bilis ng kanyang pagpapatakbo ay lumilikha ng usok ang mga gulong nito sa kalsada.
“They aren’t planning to stop?” tanong ni Christine sa aking tabi habang lumilingon ito sa likod ng kotse.
“They’re CRYPTIC. CRYPTIC wants me and TYKES wants you. What a destiny.”
Umikot ang mga mata nito dahil sa aking sinabi at napatawa ng kaunti. Isang matinis at mabilis na tunog ang paparating sa amin at sa bilis ng bagay na iyon ay hindi ko iyon naiwasan. Hindi ko inasahan na ang isang hovercraft ng CRYPTIC ay sumali na rin sa habulan. Inatake nito ang puwet ng kotse gamit ang maliit nilang brisk missiles. Dahil hindi maman gaanong naapektuhan ang sakay naming kotse ay nagpatuloy lang kami sa pagmamaneho. Agad namang inatake ng hovercraft ang kotse nina Henry gamit ang kanilang brisk missiles. Dahil parang bihasa sa pagmamaneho si Henry ay nagawa niya iyong iwasan.
Nang lumiko kami sa kaliwa ay naramdaman nalang namin ang paglutang ng aming sasakyan sa ere. Pareho kaming dalawa ni Christine na nagulat sa aming naramdaman.
“What is happening? Is the gravity on break?” sarkastikong tanong ni Christine.
Binuksan ko ang windshield ng kotse at tumingala ako sa itaas. Nakita ko ang isang electormagnets sa ibabang parte ng hovercraft. Iyon ang dahilan kung bakit hindi nakawala ang aming kotse sa lakas ng paghatak ng electromagnets. Hindi na ako nagulat sa aking nakita dahil alam ko na mayroong kakaibang bagay ang ginagamit ang CRYPTIC.
“Oh, I don’t like that. Kailangan na nating tumalon.”
“Nababaliw ka na ba?”
“Baliw na kung baliw,” sabi ko sa kanya at binuksan ang pinto ng kotse.
Hinatak ko ang kamay ni Christine at bago pa tuluyang mahatak ng electromagnets ang kotse ay nakatalon na kaming dalawa ni Christine. Habang nasa ere kami ay bigla kong niyakap siya at napagdesisyunan kong mauna sa pagbagsak sa bubong ng mga gusali upang hindi gaanong maramdaman ni Christine ang lakas ng epekto ng aming pagbagsak. Nakadagan ito sa akin at hindi ko maipaliwanag kung bakit hindi pa rin siya umaalis sa pagkadagan sa aking katawan.
“Mukhang ayaw mo ng umalis sa kinalalagyan mo ngayon?” sarkastikong sabi ko kay Christine at agad naman siyang namula sa aking sinabi.
Bumalikwas naman ito ng mabilis at sabay kaming napalingon sa aking kaliwang direksyon. Hindi ko alam kung ano ang aking mararamdaman nang makita ko ang mga CRYPTIC na nakasay sa kanilang mga motorsiklo. Hindi ko makapaniwala na nagmamaneho sila sa kanilang sakay na motorsiklo sa itaas ng bubong.
“Naggagaling sila doon,” sabi ni Christine at tinuro ang hovercraft sa itaas. Ang hovercraft na humila sa aming kotse.
Tumatalon pababa sa pinto ng hovercraft ang mga CRYPTIC na nakasakay sa kanilang mga motorsiklo.
“We’re doom,” sambit ko.
Thank you for reading :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top