“Henry Dawson”
“HOW did you find me?” tanong ko sa kanya habang tinitignan ko siyang umiinom ng kape. Binuksan niya muna ang takip ng lalagyan ng kanyang kape at inamoy iyon bago siya nagsalita.
“This is good,” sabi nito sa kanyang sarili matapos niyang mainom ang kapeng hinahawkaan niya at tila ba ay hindi niya narinig ang aking sinabi.
Nang hahakbang ako para iwan siya sa labas ng isang coffe shop ay agad niya akong pinigilan gamit ang pagsasalita tungkol sa CRYPTIC.
“Did you forget that all immunes have gifts? I used my gifts to find other immunes and I found you,” sabi nito habang nakatingin sa kabilang kalsada. Tinitignan niya ang isang Common Golden Troops na nagbabantay sa kanyang Post. Hindi ko napansin na mayroon palang mga Golden Troops na nakabantay sa kalyeng ito.
“I have no time for this, I have work. Thank you for saving me. Adios,” pagpapaalam ko sa kanya pero napahinto na naman ako sa aking paglalakad nang nagsalita na naman siya.
“I want you to go with me,” seryosong sabi nito. Hindi tugma sa kanyang mukha ang tono at tunog ng kanyang boses. Sa tingin ko ay nasa labing-anim ang kanyang edad pero kapag nagsalita ito ay mukhang nasa dalawampu’t lima na ang kanyang edad.
“How old are you? I am older than you,” maangas kong sabi sa kanya, “Hindi ko alam kung sino ka at wala akong dahilan para sumunod sa iyo.”
Hindi siya nagsalita sa aking sinabi at hindi pa rin naaalis ang kanyang paningin sa isang Golden Troops sa kabilang kalsada. Napansin siguro niya na nakatingin ako sa kanya na handang maghintay sa kanyang sasabihin sa aking sinabi. Marahan niyang binaluktot ang kanyang leeg para tignan ako sa gilid. Walang emosyon ang kanyang pagmumukha at parang nakakasindak ang kanyang tingin sa akin. Inubos muna niya ang kanyang iniinom na kape at gumawa ng ilang hakbang palapit sa akin.
“Are you sure that you don’t have no reason to go with me? How about the tracker tattoo inside your wrist?” Mas lalong dumilim ang kanyang mukha matapos niyang sinabi ang mga salitang iyon.
“Wala ka ng pake kung nasa sa akin pa rin ang tracker tattoo na nilagay ng E.H. Laboratory. It’s not your problem. It’s mine. I will deal with it alone.” Mas inangasan ko pa ang aking pananalita para malaman niya na hindi ako natatakot sa kanyang tindig.
“Come with me. I’m a member of HEADQUARTERS and they helped me to use my ability properly,” sabi nito sa akin at agad na ipinatong ang kanyang kaliwang kamay sa aking kanang balikat, “My mission is to find the remaining fifty immunes that have been escaped from E.H. Laboratory.”
“Why should I trust you?”
“Because we’re both immunes,” mabilis nitong sagot sa akin pero tinapik ko palayo ang kanyang kamay sa aking balikat at tinignan siya ng masama, “If you want vengeance, Erso Hallick is dead. We need to find the others and become one against the CRYPTIC.”
Sa kanyang sinabi ay nanlaki ang aking mga mata sa pagkagulat. Paanong namatay si Erso Hallick? Hindi kaya ay namatay siya dahil sa malakas na pagsabog ng buong E.H. Laboratory? Hindi ko lubos maisip na ang lalaking sumira ng buhay ko ay patay na.
“Kung patay na siya ay wala na akong dahilan para makisali sa laban ninyo kontra sa CRYPTIC. Gusto ko ng kapayapaan. Gusto ko ng tahimik na buhay,” mahinahon kong sagot sa kanya at doon ko na nagawang nakahakbang ng ilang hakbang palayo sa kanya.
“Austin,” tawag muli niya. Lumingon ako sa kanya at inabutan niya ako ng isang itim na card. Tinignan ko iyon ay nakita ko ang buo niyang pangalan at isang contact number. Hindi ko siya pinansin at nilagay ang card sa aking bulsa. Pero nang pumasok ako sa loob ng eskinita ay bigla siyang sumigaw at narinig ko ng malinaw ang kanyang mga sinabi.
“You won’t get the peace you want when there's still CRYPTIC around the Central City. You will never get the peace you want if the tracker tattoo is still implanted inside you!” sigaw nito at napalingon ako sa kanya.
“Kung sasama ba ako sa iyo ay maaalis niyo ba ang tracker tattoo sa akin?”
“We don’t have the tracker remover but we will figure it out how to get rid of it.”
Wala naman pala kasiguraduhang maaalis nila ang tracker tattoo sa akin. Ano pa ang saysay kung sasama ako sa kanila? Pareho lang na hahabulin ako ng CRYPTIC kung nakikipagtulungan sa kanilang o hindi. Tinignan ko siya ng masama at nagpapahiwatig iyon na hindi ko tinatanggap ang alok niya. Nakatayo lang siya sa gitna ng pavement at agad na umalis kasama ang ibang mga taong dumadaan sa harap niya.
Mukhang may punto naman ang sinabi niya. Hindi ko makakamit ang kapayapaang hinahangad ko kung nandito pa sa siyudad ang CRYPTIC. Hindi ako makakapagtago habang buhay sa CRYPTIC dahil nasa akin parin ang tracker tattoo. Ayoko namang pagkatiwalaan ang lalaking iyon dahil lamang niligtas niya ako mula sa mga CRYPTIC na humahabol sa akin. Hindi ko na alam ang gagawin. Ngayong patay na si Erso ay wala na akong koneksyon sa grupo pero kahit patay na siya ay pilit pa rin akong hinahanap ng CRYPTIC. Litong-lito na ako.
Nang nasa tapat ako ng pinto ng kusina ay sinalubong ako ng Head cook. Agad akong nakatikim ng mapait niyang mga salita. Kahit gaano kasarap at malasa ang kanyang ginagawang pagkain ay salunghat iyon sa mga salitang binibitawan niya. Hindi ko naman ginusto na habulin ako ng CRYPTIC kanina.
Matapos ang kanyang pagsesermon sa akin ay pinagpatuloy ko na ang aking ginagawang paguhugas ng pinggan. Dahil ayaw kong matakot ang mga tao sa aking balat ay palagi akong nakasuot ng long sleeve shirt para takpan ang alligator skin sa aking braso.
Aksidente kong napakita ang aking balat sa aking katrabaho nang hinila ko ang manggas ng aking damit at nakatulala ito sa kanyang nakita. Hindi niya siguro inaasahan na may ganoon akong klaseng balat. Kahit nagulat siya sa kanyang nakita ay pasimple itong tumahimik at pinagpatuloy ang kanyang ginagawa. Mukhang dumagdag na naman ang aking problema sa araw na ito.
“Pre,” tawag ko sa lalaking aksidenteng nakita ang aking balat nang ako ay nagsimulang maghugas ng mga pinggan.
Lumingon ito sa akin at mahusay itong umarte na parang hindi niya nakita ang aking balat kanina. Nakangiti ito sa aking lumapit habang naglalakad kami palabas ng kusina ng fast-food. Hinintay niya munang maka-alis ang lahat palabas ng pinto bago siya nagsalita.
“May problema ba, newbie?” nakangising tanong nito sa akin.
“Tungkol sa nakita mo kanina,” nag-aalangang sabi ko sa kanya at nakita ko ang pagguhit ng malapad na ngiti sa kanyang mukha.
“Mukhang tinatago mo ang bagay na iyon sa iyong balat. Nasa balat mo na ba iyon nang ikaw ay pinanganak?” tanong nito at biglang nagbago ang kanyang mukha pagkatapos niyang sabihin iyon, “It wasn’t my intention to be mean, I, I—”
“No problem. Baka kase matakot ka sa akin. Nasa akin na ito nang ako ay isinilang.” Pagsisinungaling ko sa kanya.
“Magkakilala kayo ni Mang Howard? Nandoon ka rin ba nakatira sa Apartment na tinutuluyan nila?”
“Magkilala kami. Bakit mo naman naitanong?”
“Wala lang,” naiilang niyang sabi, “Oh, siya sige. Doon din kase ako nakatira. Room 11.”
“Edi sabay na tayo.”
“May dadaanan pa kase ako. Mauna ka na. Sige. Adios.” Nakangising pagpapaalam nito sa akin at naglakad palayo sa kabilang kalye. Hindi ko manlang alam ang pangalan ng lalaking iyon. Sana nga ay hindi siya maghinala na galing sa CRYPTIC ang balat na iyon sa akin katawan.
Matapos ang isang araw ko sa aking trabaho ay naglakad na ako papunta sa apartment na aking tinutuluyan. Nagpalit na ang common golden troops sa patrol golden troops dahil gabi na. Ito palagi ang senaryo kapag bumaba na ang araw. Nagsisilbi sila pareho sa Palace o Golden Palace. Iyon ang lugar kung saan naninirahan ang Presidente ng Central City. Maraming mga uri ang Golden Troops pero dalawa lang ang kilala ko sa kanila. Sa aking paglalakad ay hindi maalis sa aking isip ang nangyari sa akin sa buong maghapon. Mula sa pagpapakita ng CRYPTIC at sa paghabol nila sa akin at sa biglang paglitaw ni Henry Dawson. Lahat iyon ay konektado sa aking nakaraan nang nasa loob pa ako ng E.H. Laboratory.
Hindi naging madali sa akin ang lahat na nangyari sa laboratoryo. Lahat ng kabataang dinukot nila ay napasailalim sa matinding pagsasanay para makontrol namin ng maayos ang aming abilidad. Natatandaan ko pa ang nangyaring gulo sa loob ng TGSA. Training Ground for Special Abilities. Isang lalaking mayroong kakayahang baguhin ang isang bagay ayon sa kanyang gusto at isang lalaking kayang magpalabas ng sandata at armas gamit lang ang mga enerhiya sa kanyang palagid.
Natatandaan ko rin ang mga pagpaslang ng CRYPTIC sa mga kabataang sumusunod sa kanila at sa mga kabataang nagtangkang tumakas. Kapag tumigil kami sa aming pag-eensayo ay agad kaming hinahampas para magpatuloy. Napakalupit ng CRYPTIC lalo na si Erso Hallick. Naririnig ko tuwing gabi ang mga pagmamakaawa ng ilang mga kabataan na huwag na silang patayin pero tinuloy pa rin ang pagpaslang ng CRYPTIC sa kanila. Sa bawat kamatayan ng mga kabataan sa loob ng laboratoryo ay siya namang pagdakip ng CRYPTIC sa mga kabataan sa loob ng Central City. Mukhang ako lang ang nakakapansin sa kanilang ginagawa dahil pabago-bago ang nakikita kong mukha sa loob ng E.H. Lab.
Ang mas nakakatakot na pangyayari na naramdaman ko sa pananatili sa laboratoryo ay ang araw ng REAPING. Doon masusukat kung gaano katibay ang suwerte ng isang tao. Mayroong limang gifts ang may kalakip na kasiguraduhang mabubuhay ng mahabang taon. Ang natitirang mga gifts ay mayroong kakambal na limitadong buhay sa loob ng limang taon. Ang limang kabataang nakakuha ng espesyal na abilidad ay tinatawag na PROJECT FIVE. Isa ako sa mga kabataang naging parte ng PROJECT FIVE.
Ang lalaking nagkumbinsi sa akin kanina na sumama sa kanya ay isa sa mga PROJECT FIVE. Dahil sinabi niya ang tungkol sa kanyang codename sa laboratoryo ay paniguradong ang kanyang abilidad ay echolocation, night vision, thermal vision, compass system, three hundred sixty vision, at long-range vision. Nalaman ko ang bagay na iyon dahil pinaalam sa aming mga immunes ang mga abilidad ng PROJECT FIVE.
Nakatakas kami sa laboratoryo dahil sa ginawang plano ni Nate Peter Horseson at ang kanyang mga kaibigan. Nandoon lang kami sa isang silid na nahihintay na matanggal sa aming pulso ang tracker tattoo. Ang device para matanggal ang mga tracker sa aming mga pulso ay nasa kamay ni Kevin Greenwood. Hindi pa niya natatapos ang pagtanggal sa tracker nang biglang inatake kami ng CRYPTIC sa loob at nilagay sa mga sari-sarili naming cylinder glass. Hindi ko na nagawang matanggal ang tracker tattoo sa aking pulso nang mayroong mga lalaking nagpakawala sa amin sa mga cylinder glass.
Dahil uhaw na uhaw na ang lahat sa kalayaang hinahangad namin simula nang nanatili kami sa laboratoryo ay agad na kaming tumakbo ng mabilis para makatakas. Mga tunog ng baril ang bumalot sa buong lugar at dahil pinakamakapangyarihang grupo ang CRYPTIC ay nakipagsabayan sila ng putukan sa mga lalaking nagligtas sa amin sa kamay ng CRYPTIC. Sa gabing iyon ay nakamit na namin ang kalayaang inaasam namin.
Nagkahiwalay ang buong immunes at hindi ko na nakita ang ilan sa kanila nang napadpad ako sa apartment ni Mang Howard. Inakala ko na hindi na magpapakita sa akin ang CRYPTIC dahil dalawang linggo na akong nanatili sa apartment pero nagbago ang lahat dahil kanina. Nakalimutan ko na napakalaki pala ang grupo ng CRYPTIC at kahit patay na si Erso Hallick ay nasa paligid pa rin ang mga kasamahan niya. Kung patuloy akong hahanapin ng CRYPTIC ay mapipilitan akong isantabi ang aking minimithing kalayaan at makikipaglaban ako sa kanila hanggang sa maubos ang mga miyembro ng CRYPTIC.
“Good Evening, Mang Howard,” masayang bati ko sa kanya sa tapat ng kanilang pinto, “Pinabibigay ng land lord itong regalo sa inyo,” pagpapatuloy ko sa aking pagsasalita.
Bago kase ako pumasok sa loob ay nakasalubong ko ang land lord at nakisuyo itong ibigay ang maliit na kahon kay Mang Howard. Hindi na ako nagtanong kung ano laman ng kahon at agad na akong pumayag sa kanyang pakikisuyo sa akin.
“Mang Howard? Nandiyan po na kayo—” putol kong sabi nang matulak ko ng marahan ang kanilang pinto. Bigla itong bumukas at tumunog ang matinis na tunog na likha ng pinto.
Napansin ko ang pinto na hindi pala ito naka-lock. Kinabahan ako bigla sa aking nakita at dahan-dahang binuksan ng husto ang pinto. Nilapag ko ang kahon sa gilid ng pinto at humakbang ng tahimik para libutin ang aking paningin sa paligid. Hindi ko gusto ang nararamdaman ko sa lugar na ito. Parang mayroong hindi tama sa paligid. Mukhang pinasok ng magnanakaw ang kanilang lugar at nakalimutan itong isara ang pinto.
Naglakad pa ako ng marahan papunta sa kusina ni Mang Howard at laking gulat ko ang aking nasaksihan. Nakahiga sa sahig si Mang Howard habang naliligo ito sa sarili niyang dugo. Malakas na hinugot ang kutsilyo na nasa tiyan ni Mang Howard ng isang lalaking nakatakip ang mukha at nakasuot ng itim na kasuotan.
Napatulala ako sa aking nakita at nakita ko ang paghihirap ni Mang Howard sa paghinga. Ilang segundo ang nakalipas nang maigalaw ko ang aking mga paa. Nanigas ang buo kong katawan dahil sa aking nakita. Tumakbo ang lalaki papunta sa bintana ng kusina at mabilis ko siyang hinabol pero nang nasa tapat na ako ng bintana ay biglang naglaho ang lalaki. Walang siyang bakas na iniwan at hindi ko na napansin na umiiyak na pala ako.
Agad akong pumunta sa kinaroroonan ni Mang Howard na naroong nahihirapan nang habulin ang kanyang hininga. Nilapitan ko siya at pilit kong tinakpan ang kanyang mga sugat ng aking mga palad. Hindi ko napigilan ang aking mga luha sa pagbagsak dahil mukhang hindi ko matatanggap na mamamatay ang taong tumulong sa akin.
“Tatawag ako ng tulong,” sabi ko sa kanya at akmang tatayo ako nang pinigilan niya ako.
Nakita ko siyang pinilit na ibuka ang kanyang bibig dahil mayroon siyang sasabihin sa akin. Nang hindi niya kayang masabi ang gusto niyang iparating sa akin ay nagsulat siya sa sahig gamit ang kanyang sariling dugo.
Naghintay ako ng ilang sandali at matapos niyang masulat ang kanyang gustong iparating sa akin ay doon na siya binawian ng buhay. Napahagulgol ako sa pag-iyak nang hindi ko matanggap na wala na si Mang Howard. Wala na ang taong tumulong sa akin para makapagtrabaho at ang taong nag-alaga sa akin nang ako ay nakaalis sa laboratoryo.
Napansin ng aking mga mata ang mga salita na nakasulat sa sahig gamit ang dugo ni Mang Howard. Nakita ko ang gustong ipahatid sa akin ni Mang Howard bago siya namatay. Binasa ko iyon at ang nakasulat ay:
PROTECT CHRISTINE.
Thank you for reading
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top