CHAPTER TEN
"Hypnosis"
Kahit ibaluktot ko ang aking mga kamay para makaalis sa pagkakagapos sa aking inuupan ay hindi ko pa rin magawang makawala. Mayroon siyang kinuha sa kanyang tabi at kapag nagtatama ang aming paningin ay binibigyan niya ako ng sarkastikong ngiti. Sa simula palang ay hindi ko na gusto ang lalaking ito. Mukhang hindi mapagkakatiwalan at hindi nga ako nagkamali.
Tinapat niya ang kanyang bibig sa mikropono at nagsimula na naman siyang magsalita.
“You are from CRYPTIC’s laboratory, right?” tanong nito sa akin at inangasan niya pa ang kanyang pagsasalita, “They call you as immunes? Am I right?”
“You’re not wrong,” sabi ko sa kanya, “Where are my friends?!”
“Kung nag-aalala ka sa mga kaibigan mo ay nasa mabuti silang kalagayan. Yun nga lang ay nakakulong sila,” nakangiting sabi nito, “May sasabihin ako sa iyo. Huwag kang masyadong mag-aalala sa mga kaibigan mo dahil baka isa sa kanila ay tatraydorin ka. Remember, in a circle of friend there’s a fake one. See me? I have no friends because friends will ruin your dreams,” sambit nito at agad tumawa ng malakas.
“What do you mean?”
Hindi niya sinagot ang aking sinabi at mabilis niyang nilagay ang kanyang mga kamay sa kanyang likuran at dahan-dahang pumunta sa pinto para makapasok sa aking kinalalagyang kompartamento. Ang bawat tunog ng kanyang mga hakbang ay umalingawngaw sa buong pader. Nakakapangilabot ang bawat paghakbang niya at idagdag pa ang mga ngiti niya na mayroong binabalak na masama.
“You know this?” tanong nito sa akin at pinakita sa akin ang isang syringe. Tinapat niya ito sa aking mukha para makita ko ng lubusan ang likido sa loob.
“W-What is that.”
“Do you remember the pills you take every day when you’re still inside the E.H. Laboratory?” he said in a sinister voice.
Paano niya nalaman ang mga bagay na iyon? Parang mayroong kaalaman ang lalaking ito sa tungkol sa ginawa ng CRYPTIC sa amin.
“Kung makumpleto ang dosage na kailangan ninyo ay puwedeng ma-activate ang control device na nasa pulso ninyo. Tama ba ako?”
Hindi ako nagsalita sa kanyang tanong at pilit naghahanap ng mga dahilan kung bakit mayroon siyang alam sa mga ginawa ng CRYPTIC sa amin. Kung nagtatrabaho siya sa loob ng Laboratoryo ay bakit hindi ko nakita ng kanyang pagmumukha noon? Kung hindi naman ay paano niya nalaman ang mga bagay na iyon?
“Mayroon akong sasabihin sa iyo.” Ngumiti ito sa akin at pabirong tinuturok sa akin ang syringe. Natatawa naman ito sa kanyang ginagawa. “Nang makita kita ay sumagi sa aking isipan na puwede kitang gamitin para sa aking seguridad.”
Pinagpapawisan ako ng matindi habang pinipilit kong huwag ipakita sa kanya na nanginginig na ako sa takot. Ayaw kong mangyari muli ang ginawang pagkontrol sa akin ng CRYPTIC.
“Please, no. Please don’t do it,” kinakabahang pakiki-usap ko kay Villrouce. Kapag naiturok niya ang syringe sa akin ay malaya niya akong makokontrol dahil hindi pa natatanggal sa aking pulso ang tracker tattoo.
Hinagis niya ang hawak niyang syringe at nabasag ito sa pader na pinaghagisan niya. Napakisot naman ako sa gulat nang ginawa niya iyon. Mayroon siyang hinugot sa kanyang bulsa at nanlaki ang aking mga mata sa kanyang pinakita sa akin. Kilalang-kilala ko ang bagay na nasa kanyang kamay. Iyon ang bagay na kaya akong kontrolin gamit lang ang pagsabi sa speaker ng device na iyon.
“This is voice control room, right?” Ngumisi ito sa akin at napalunok ako sa sobrang takot.
***
“Again,” utos ni Erso Hallick sa isang Doctor. Agad namang sinunod nito ang pinag-uutos ni Erso at sinimulang magsalita sa kanyang hawak na voice remote control.
“Punch,” sabi ng doktor.
Naramdaman ko ang parang kuryente na dumadaloy sa aking kalamnan papunta sa aking utak. Kahit pilit kong pinipigilan ang aking sarili na huwag sundin ang kanilang pinaggagawa ay tinataksilan ako ng aking isip at katawan. Halos maputol na ang aking mga braso sa kakasuntok sa matigas na pader na nasa harap ko. Napupuno na ng mga marka ng aking kamao ang buong pader at kahit wala na akong lakas na sumuntok ay nagpatuloy pa rin ako dahil hindi ako makakatakas sa pagkontrol nila.
Ang aking abilidad na aking nabunot ay pambihirang lakas ng katawan at kaya kong pagalingin ang aking sarili sa ano ma’ng sugat o pinsala na aking matatanggap. Kaya kahit nababali ang aking mga buto sa aking braso at kamao ay mabilis iyong humihilom at parang walang nangyaring pinsala. Kahit maputol ang aking mga binti, paa, braso, o ano man ang parte ng aking katawan ay kaya ko iyong patubuin ng mabilis dahil mayroon din akong kakayahang tinatawag nilang regeneration. Ang isa pang abilidad na mayroon ako ay ang balat ng alligator na pinagtibay ng sturdimantium. Ang elementong ginawa ng CRYPTIC.
Pagkatapos kase ng reaping day ay doon na nila sinimulan ang kanilang eksperimento sa mga kabataang katulad ko. Bawat kabataan ay may iba-ibang mga kakayahan base sa kanilang mga nabunot na gift noong araw ng reaping day. Kaya pagkatapos ang sinagawang eksperimento ay dumeritso kami sa TGSA upang ihasa ang aming abilidad. Upang kontrolin ng maayos ang aming mga pambihirang mga kakayahan.
Lagaktak ang pawis sa buo kong katawan at bawat pagsuntok ko sa pader ay tumatalsik ang dugo ko sa aking mukha mula sa mga sugat sa aking mga kamao. Napapasigaw ako sa sobrang sakit kapag nararamdaman ko ang pagbali ng mga buto ko sa kamay. Kahit mayroon akong kakayahang pagalingin at patubiin ang mga parte ko sa aking katawan ay mayroon din itong sumpa na kaakibat. Dahil patuloy ang pagkontrol nila sa aking katawan ay patuloy ko rin na nararamdaman ang matinding sakit sa aking mga sugat. Hindi ko maiiwasan ang sakit na pakiramdam. Iyon ang nagpagpapahirap sa akin dahil sa ginawa ng CRYPTIC. Gumagaling nga ang mga sugat pero nararamdaman ko naman ang sakit.
“Again.”
Ang salitang parating sinasabi ni Erso kapag naririnig nila ang pagputok at paglagutok ng aking mga buto. Kulang nalang ay baliin nila ang aking leeg sa kanilang ginagawang pagpapahirap sa akin. Walong oras akong sumuntok sa pader ng walang pahinga. Isang malakas na suntok ang aking pinakawalan at nabutas ko ang pader ng aking kompartamento at nakita ko sa kabila ang kapwa kong immune na nag-eensayo.
“Good job,” seryosong boses na sabi ni Erso at agad siyang lumabas sa aking kompartimento. Sa susunod namang kompartamento siya tumungo.
Nawala na ang ilaw sa aking pulso at ang ibig sabihin lang ay hindi na ako kinokontrol ng CRYPTIC. Pinagmasdan ko ng maigi ang aking kamao at braso. Halos hindi ko na mamukhaan kung mga kamao at braso ko pa ba iyon dahil sa gula-gulanit kong mga balat at bali-bali kong mga buto. Dahil umaalab ang aking dibdib sa galit dahil sa pagpapahirap sa akin ni Erso at ang mga kasamahan niya ay nagpatuloy akong sumuntok. Sinuntok ko ang sahig at doon ko binuhos lahat ng aking sama ng loob. Kahit gaano kalakas ang aking pagsuntok ay hindi pa rin nababawasan ang bigat na aking nararamdaman.
Hindi ko mapigilan ang aking sarili na huwag umiyak dahil ang pag-iyak ay para lamang sa mga taong mahihina ang damdamin. Pero kahit pilit kong pinapahinto ang mga nag-uunahang mga luha na lumalabas sa aking mga mata ay hindi ko iyon magawang pigilan. Bawat patak ng aking luha ay sinasalo ng aking mga kamay. Hindi ko inakala na ang bigat na aking nararamdaman ay biglang gumaan nang binuhos ko ang aking galit at kalungkutan sa pag-iyak.
I had the belief that I don’t want to waste any drop of tears from my eyes because nobody’s ever cry as if they are tough. I was a tough guy. There was no reason to waste any tears from my eyes. But that belief was proven me wrong through my situation at
that particular moment. Crying was, indeed, the toughest and bravest behavior to express and to uncage my heaviest emotions inside my chest. I was surprised that crying helped me to lessen the weigh inside my chest, it morphed from heavy to light as feather.
After the last drop of my tears fell on the middle of my palm, I felt hope.
I felt courage.
***
He pressed the switch button to turn on the voice remote control and the tracker tattoo started to glow. I was helpless. The nightmare that I was trying to avoid to happen was slowly coming back at any moment. Not in a same compartment, not in a same people, but in a same situation. Controlling me against my will was my greatest fear and nightmare. It was always haunted me in the middle of the night.
“Austin Dan Wright. Capable to regenerate his own flesh and bones. Capable to heal his wounds and cuts. Bullets can’t penetrate to his body and he has a superhuman strength.” Bawat salita na binibitawan niya ay mayroong diin at mabigat na tono. “Your my puppet now. You will do what I say and you will obey my order whether you like it or not.”
Mayroon siyang hinatak na isang silya papasok sa kompartamento at tinapat niya sa aking harapan ang silya at agad na umupo. Tinignan niya ako sa aking mga mata at parang pilit niyang binabasa ang aking iniisip.
“Saan mo nakuha ang bagay na iyan?” tanong ko sa kanya.
“Ito?” sabi nito at itinaas ang hawak niyang device, “Mayroon akong anak na dinukot ng CRYPTIC. Sinabi niya lahat-lahat sa akin. Sinabi niya ang mga pangalan ng mga immunes, my edad, mga immunes na namatay, mga ginawa ng CRYPTIC sa inyo at mga tao na nasa likod ng eksperimento.”
“Binigay ba niya ang device na iyan sa iyo?”
“Hindi. Nakikipagtulungan siya ngayon sa CRYPTIC kapalit ng pagbibigay sa kanya ng mataas na posisyon sa loob ng grupo.”
Sa mga sandaling iyon mas lalo akong natakot sa mga bagay na maaaring mangyari. Bakit nakikipagtulungan ang kanyang anak sa CRYPTIC dahil sila lang naman ang may dahilan kung bakit kami nagkaganito.
“Tama na ang tanong. Subukan naman natin kung gumagana nga ba ang device na ito.”
Halos lumabas na ang aking puso mula sa aking dibdib sa sobrang lakas ng pagtibok nito. Ako’y lubos na natatakot sa kanyang maaring gawin.
“Tell me about yourself.”
Dahan-dahang bumuka ang aking bibig para sagutin ang kanyang tanong. Kahit hindi ko naman gustong sumagot ay wala akong magagawa.
“I-I’m…” pag-uutal ko sa sobrang pagpipigil sa kanyang inuutos, “I’m Austin Dan Wright. 18 years old—”
“Bite your tongue.”
Binuka ko ang aking bibig at nilabas ang aking dila. Mabilis ko naman iyong kinagat at walang tunog ang lumabas sa aking lalamunan kahit ramdam ko ang sakit ng aking ginawa. Lumabas sa aking bibig ang dugo na nagmula sa sugat sa aking dila. Hindi pa siya kuntento sa kanyang ginawa at bigla siyang lumapit sa akin at kinalagan ako sa aking pagkakagapos. Inutusan niya akong baliin isa-isa ang aking mga daliri. Wala akong magawa kundi ang tiisin ang matinding sakit na bumabalot sa aking mga daliri at dila.
Gusto ko siyang murahin. Gusto ko siyang suntukin. Gusto ko siyang gantihan pero nasa ilalim ako ng kanyang mga kautusan. Habang nagdurusa ako sa sakit na aking nararamdaman ay tuwang-tuwa naman siyang pinapanood ako. Nagmistula siyang bata na nanonood sa paborito nitong palabas. Ako naman ang naging taga-aliw niya.
“You’re paralyzed, right?” ngumiti ito habang sinasabi ang mga salitang iyon.
Hindi nga siya nagkakamali. Hindi ko magawang maiglaw ang mga buto at laman ko sa aking katawan. Kahit kinalagan niya ako ay inutusan naman niya ang aking isip at katawan na huwag gumalaw hanggang hindi niya sinasabi.
“Tell me about your parents.”
Bumulong ito sa kanyang hawak na device na pagalawin ang aking dila at bibig para masagot ko ang kanyang katanungan. Gumaling na rin ang sugat sa aking dila dahil sa healing ability na mayroon ako. Bumalik naman sa normal ang mga daliri ko sa kamay. Kung inaakala niyang dapat magpapasalamat ako na mayroon akong ganitong abilidad ay nagkakamali siya. Napapagaling ko nga ang aking mga sugat pero hindi ko maiwasan ang pakiramdam na masaktan.
“They killed my parents.”
“Let me guess. Did you just watched your parents die at the hands of CRYPTIC, right? They slaughtered your parents in front of you, right?”
Sa pagkakataong iyon ay bumagsak ang aking mga luha nang maalala ko ang malagim na ginawa mg CRYPTIC sa buhay ko. Sila ang dahilan kung bakit ako nagkaganito. Kailan pa ba ako tatantanan ng CRYPTIC. Kahit nakalaya na ako sa kanilang laboratoryo ay pilit pa rin nila akong hinahabol. Kahit saang lupalop ako ng Central City na magtago ay mahahanap at mahahanap nila ang kinaroroonan ko.
“T-They killed…” nahihirapan kong pagsasalita, “They killed them.”
“Tragic story. It’s so sad, I guess—” putol nitong sabi nang may biglang tumawag sa kanyang cellphone. Mas lumapad ang mga ngiti nito nang nag-usap sila ng taong kausap niya sa kabilang linya. Nang natapos ang kanilang pag-uusap ay nabaling ang kanyang atensyon sa akin, “Okay, Austin. Tykes Syndicate is coming. You said you need to find them, Isn’t it? Well I’ll deliver you to him. And for now, go to sleep,” sabi nito sa kanyang hawak na device at biglang bumagsak ang talukap ng aking mga mata.
Thank you for reading :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top