CHAPTER SEVENTEEN

“Don’t be suspicious, Don’t be suspicious”


“You, next,” Christine said, nudging my elbow with a death glare. She noticed that I wasn’t paying any empathy to Reynard. He’s still crying after he said his story to us. It feels like he was acting the whole time for able to get the attention he needed. Am I sound toxic? All eyes are darted with him because of his story. I don’t know why but it feels like he was just acting.

All eyes shifted to me and they are waiting for my turn to tell a lie and tell a truth. I acted like I was thinking what am I suppose to say. But the truth is, I have no story to share with them.

“C’mon. The time is ticking, Austin,” Henry said.

“Wait. I’m thinking,” I said but in the back of my mind, something is not right here. I have a bad feeling about it.

“Ako nalang,” Henry said with a irritated sound. He looks upset. Scratching his head by starting his first sentences. “First story…”

Ayon sa kanya ay bumubuo siya ng grupo ng mga immunes para kalabanin ang CRYPTIC. Upang tuldukan na ang sigalot na bumabalot sa buong siyudad. Ang CRYPTIC daw ang ugat ng mga pangyayaring walang hustisya sa loob ng Central City. Sa oras na matalo ng kanyang binuong grupo ang kasamaan ng CRYPTIC ay mabibigyan na niya ng hustisya ang mga taong nagawan ng masama ng nasabing grupo. Gagamitin niya ang grupo para sa proteksyon ng presidente at sa proteksyon ng buong tao sa loob ng Central City.
Sa kanyang sinabi ay paniguradong iyon ang katotohan. Ang pangalawang kuwento ay paniguradong kasinungalingan. Hindi ako maloloko ng mokong na iyon. Napakadali naman pala ng larong ito.

“Second story…”

Sinimulan niya agad ang pagsasalaysay sa pangalawa niyang kuwento. Umiba agad ang ihip ng hamgin sa paligid nang nabitawan niya ang unang pangungusap.
Ang pangalawang kuwento ay tungkol sa pagbubuo niya ng immunes upang kalabanin ang CRYPTIC. Bumubuo siya ng kuwento hindi dahil gusto niyang tuldukan ang kasamaan ng CRYPTIC kundi upang mangibabaw sa kasamaan ng CRYPTIC. Sa CRYPTIC na nga nanggaling na isang living weapon ang mga immunes. Walang makakapigil sa kanila kaya bumubuo ng grupo si Henry upang pamunuan ang buong Central City. Upang patalsikin ang presidente at magkaroon ng kapangyarihang gawing sunod-sunuran ang buong tao ng Central City.

Kinabahan ako sa kanyang sinabi. Maaaring nagsasabi siya ng totoo sa pangalawang kuwento, hindi ako naging naging handa sa pagbaluktot ng kanyang mga kuwento. Wala akong garantiya na totoo ang sinasabi niya sa unang kuwneto. Maikling detalye lang kase ang sinabi niya sa akin kung bakit niya gustong bumuo ng grupo ng mga immunes. Naalala ko tuloy ang sinabi ni Villrouce. Hindi kaya ay si Henry ang magtataksil sa amin?
Walang naglakas ng loob na magsalita kung saan sa dalawang kuwento ang totoo at hindi. Nagtititigan sa bawat isa at nagpapakiramdaman. Animo’y lahat ng tao sa loob ng hovercraft ay hindi mapagkakatiwalan. Dahil ang lahat ay pinili na ang unang kuwento ni Henry ay totoo, pinili ko na rin iyon para hindi siya magkaroon na hinala na naghihinala rin ako sa kanya.

“Ikaw na,” sabi ni Christine at muli akong siniko.

“U-Umm…” Pag-uutal ko.

Bawat isa ay nakaabang sa aking kuwento. Bawat isa ay naghihintay sa maaari kong sabihin. Pero hindi talaga nawaglit sa aking isipan ang dalawang kuwentong sinabi ni Henry. Talaga ba’ng mapagkakatiwalan ko ang lalaking iyon? Totoo ba’ng gusto niyang tulungan kami sa paghahanap kay Syven?

“Dali na!” naiiritang utos ni Christine.

Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanyang pinag-uutos. Huminga ako ng malalim bago sinimulan ang pagkukuwento.  Ang unang kuwento ay tungkol sa naging kasintahan ko. Palagi kaming magkasama at tila ba ay ang lahat ng bagay na aming nakikita ay walang kapintasan dahil nangingibabaw sa amin ang pag-ibig naming dalawa.

Kahit makulimlim ang kalangitan ay para sa amin ay isa iyong maganda at maaraw na umaga. Ganun katindi ang pagmamahalan naming dalawa. Pero noong isang araw ay nagkaroon kami ng hindi pagkakaunawan at umabot sa punto na sinasaktan na niya ako sa gilid ng kalsada sa harap ng tao. Alam ko naman na mabigat ang mga kamay nito kapag nananakit kung mag-aaway kami. Kaya bawat suntok at sampal na binibigay niya ay tinatanggap ko ng buong-buo. Hindi ko siya puwedeng saktan dahil kapag magkaganun ay paniguradong sa kulungan ang aabutin ko. Kaya mas pinili ko nalang masampal at masuntok sa harap ng mga tao. Ang mas nakakagulat ay wala manlang taong umawat sa pananakit ng kasintahan kong babae sa akin. Iyon ang realidad.

“That’s kind of—” Hindi na tinuloy ni Christine ang kanyang pagsasalita nang bigla kong sinimulan ang pagkukuwento sa pangalawang kuwento.

Ang pangalawang kuwento ay tungkol sa kung paano ako nagkaroon ng kapangyarihan. Sinabi ko sa kanila na hindi ang CRYPTIC ang nagbigay sa akin ng kakaibang abilidad na mayroon ako ngayon. Sinabi ko na mayroong lalaking nagmagandang loob na lumapit sa akin. Nagsasabi siya na mayroon siyang magagawa upang mawala ang cancer na mayroon ako sa aking katawan.
Mayroon kase akong cancer noong bata pa ako kaya hindi ko naranasan ang totoong buhay. Nang pumayag ako sa kanyang gusto ay nilagay niya ako sa isang cylinder tube at doon niya ako ginamot. Nagamot nga niya ang aking cancer pero ang pinsalang natamo ko ay mayroon akong alligator skin sa aking balat.

“So you are basically a…” nag-aalangang tanong ni Christine. “Mutant?”

“Huh?” kunot-noong tanong ko.

“Oh siya sige. Ang katotohanang sinabi mo ay ang unang kuwento.” Pagboboto ni Christine. Lahat ng aking kasamahan ay pinili ang aking unang kuwento. Hindi naman sila nagkakamali sa kanilang pinili.

Hindi ko sinabi sa kanila ang tamang sagot at himalang hindi sila nagpumilit na malaman kung saan sa dalawang kuwentong sinabi ko ay ang katotohanan. Ilang sandali lang ay nagsalita si Christine. Siya na ang sumunod na nagkuwento.

Pangiti-ngiti itong tinignan kaming lahat habang binuka niya ang kanyang mga labi upang ipahayag sa amin ang kanyang dalawang kuwento. Sa pangalawang pagkakataon ay nagkaroon na naman ako mg masamamg pakiramdam sa mga kasama ko sa loob ng hovercraft.

“Ganito nga ang nangyari…”

Ang unang kuwentong sinabi ni Christine ay tungkol kay Mang Howard. Ayon sa kanya ay naghahanda si Mang Howard ng hapunan para sa pagsasaluhan nilang dalawa sa gabing iyon. Pumasok muna siya sa kanyang kuwarto para bumihis dahil kakatapos niya lang maligo. Ilang sandali lang daw ay mayroon siyang narinig na mga malalakas na yabag sa labas ng kanyang mga kuwarto. Sa mga pagkakataong iyon ay alam na niya na mga Tykes iyon kaya pinili niyang tumago sa ilalim ng kama. Doon ay biglang pumasok ang isang miyembro ng Tykes at agad siyang hinanap. Mabuti nalang ay hindi naabot ng pag-iisip ng isang miyembro ng Tykes ang pagtingin sa ilalim ng kanyang lamesa. Agad namang tumakas ang Tykes gamit ang isang bintana ng kanyang kuwarto.

Lumukot ulit ang noo ko sa pagtataka kung bakit iyon ang sinabi ni Christine. Sa palagay ko ay nagsisisnungaling siya sa unang kuwneto. Mapapatunayan ko lang na totoo ang hinala ko kapag nakuwento na niya ang pangalawang kuwento.
Sa pangalawang kuwento ay sinabi niya na nakita niya akong pumasok sa kanilang kuwarto na mayroong dalang baril. Agad ko raw iyong tinutok sa kanya at tinangka ko siyang patayin. Siya raw ay nanginig sa sobrang takot at nahimatay.

“S-Sandali…” pagpapatigil ko sa kanyang pagkukuwento, “Hindi ko iyon ginawa, ah!”

Sa aking sinabi ay tinignan nila akong lahat na parang nilalait na nila ako sa kanilang isipan. Ilang segundo ang nakalipas at muli kong naalala na isa lamang itong laro.

“C’mon. Let’s end this stupid game by telling you all my two stories!” pagpapatigil ni Cobb. Hindi pa nga ako nakakapagsalita nang bigla siyang nagkuwento. Mukhang naiinip na yung tao kaya agad na niyang pinalabas ang mga salitang gusto niyang sabihin. “First story...”
Ang unang kuwento ay tungkol sa misyon na dapat niyang gawin para sa gano'n ay mabayaran siya ng taong nag-utos sa kanya. Hindi raw siya nahirapan sa kanyang natanggap na misyon at napagtagumpayan naman niya raw iyon.

Paniguradong ang unang kuwento ay tungkol sa misyon na binigay sa kanya ni Villrouce. Iyon ang hanapin si Christine pero lingid sa kanyang kaalaman ay niloko lang pala siya ni Villrouce. Nasaksihan ng lahat ang pangyayaring iyon at sigurado akong totoo ang unang kuwento.

Ang pangalawang kuwento naman ay balak niyang iwan kami sa misyon at pabayaan sa paghahanap kay Syven. Maikli lang ang kanyang sinabi pero sigurado kaming nagsisinungaling siya sa pangalawang kuwento.
Nagbotohan ang lahat sa mga sinabi ni Cobb. Lahat kami ay pinili ang unang kuwento bilang katotohanang sinabi niya. Ito ang unang beses na hindi nagkabaha-bahagi ang aming mga boto. Halata naman kay Cobb na wala siyang intensyon na iwan kami. Kung gusto niyang iwan kami ay dapat noon pa.

Bigla namang naaalala ni Cobb na hindi pa kami nakakapagboto sa kuwento ni Christine. Agad namang nagsalita si Christine na ang katotohanang sinabi ay ang unang kuwento pero napakunot ako ng noo dahil hindi lumabas ang Tykes sa bintana ng kanyang kuwarto. Lumabas iyon sa bintana ng kanilang kusina. Doon ako nagtaka ng matindi sa kanya.

“It can’t be. I know what I saw. So you are telling me that I am lying?” malditang tanong ni Christine sa akin matapos ko siyang pagbintangang nasisinungaling.

“Kitang-kita ko sa aking dalawang mata ang lalaking iyon na tumakas gamit ang bintana ng kusina.” Pagbibigay ko ng pondasyon sa paratang ko sa kanya. Hindi naman paratang ang sinasabi ko kundi katotohanan. Hindi maaaring magkamali ang aking mga mata.

“What if…” biglang pagsingit ni Cobb sa usapan, “ What if there’s two Tykes inside your room?”

Sa kanyang sinabi ay napatigil kaming dalawa. Napatingin kami sa kanya. Walang nagsalita sa aming lahat. Siguro ay nag-iisip lang ako ng kung ano-ano kaya napaghihinalaan ko na ang mga kasamahan ko. Ang larong ito ay talagang binibigyan ako ng pagdududa sa aking mga kasamahan.

“Hindi naman siguro importante kung dalawa o isa ang pumatay dahil si Syven naman ang dapat na magbayad,” sabi ni Henry.

“Let me ask you, Are you going to betray us?” tanong ko sa kanya.

“Huh?” nagtatakang sambit nito sa akin.

“Bakit iyon ang kuwentong sinabi mo?”

“Ang ano?”

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at agad ko siyang inatake. Umilaw ang aking mga mata at nakita ko rin ang pag-ilaw ng kanyang mga mata. Kahit gamitin niya man ang kanyang abilidad ay wala iyong magagawa kumpara sa aking abilidad.

“Austin! Ano ba ang nangyayari sa iyo?” pagpipigil ni Callahan sa akin pero maging siya ay nadamay sa aking pag-atake kay Henry. Wala ng ibang nagawa si Callahan kundi ang bawian ako ng pag-atake.

Nagkagulo ang lahat at walang may alam sa kanila kung paano nila kami pipigilan. Tatlong immune na ginawa ng E.H. laboratory ang nagsasagupaan sa loob ng hovercraft ng CRYPTIC. Wala silang mga abilidad na katulad namin kaya ang tanging magagawa nila ay ang tignan kami.

Sa duwelong nangyayari sa aming tatlo ay hindi maitatanggi na si Henry ang kawawa. Walang magagawa ang kanyang abilidad para makipagsabayan sa pag-atake sa amin. Iniiwasan niya ang mga nakakalasong likido na dinudura ni Callahan at iniiwasan din niya ang mga malalakas kong suntok. Kahit si Callahan ay walang magagawa dahil hindi niya kayang tunawin ang aking katawan.

“Will you all stop!” malakas na sigaw ni Christine na umalingawngaw sa loob ng aming mga tenga.

Napatigil kami sa aming ginagawang pag-aaway nang pumunta sa aming gitna si Christine. Nakapikit itong nakatayo sa aming harapan. Halatang takot ito dahil nanginginig ang kanyang mga tuhod. Nahimasmasan naman kami sa kanyang ginawa at pinagsisisihan ang nangyari.

“Tell me the truth. Is that your plan, Henry? Recruiting immunes to rule the whole city?” tanong ni Christine sa kanya.

“What the? It supposed to be a joke!”

“Do you think we will believe you? Why you are recruiting us? For forming a group against CRYPTIC or forming a group to rule the whole city?”

“Well, I’m sorry if you think it wasn’t a joke. I made up that story because I thought it was a game. A real game. Guessing which one is true and which one is wrong!” Tumataas na ang kanyang boses at halatang pinipigilan niyang huwag maiyak. “Sino ba kase ang nagpasimuno nito? Siya ang sisishin ninyo!”

Napako ang tingin ng lahat kay Callahan. Sa kanyang kinatatayuan at matapang siyang nakikipagligsahan sa tinginan sa aming lahat. Pinapakita niya na hindi niya kasalanan kung bakit  nagkaroon ng kaguluhan.

“Why me? Sino ba rito ang balisa kung mag-isip. Lahat ng mga sinasabi niyong kuwento ay pinaghihinalaan niya?” sabi ni Callahan at napako naman ang tingin ng lahat sa akin.

Huminga ako ng malalim at napaluhod sa harap nila. Napagtanto ko na masyado akong nag-isip ng masama sa lahat kong kasamahan na naririto at nagbunga iyon ng karahasan. Talaga nga na ako ang may kasalanan. Nakontrol ako ng aking pag-iisip.

“I’m so sorry. I’m a terrible person,” pagpapaumanhin ko sa kanilang lahat.

Agad namang lumapit sa akin si Christine at agad na hinimas ang aking balikat para pakalmahin ako.

“No. You’re just tired,” malumanay niyang sambit.

Thank you for reading :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top