CHAPTER NINETEEN

"Footage Room"


Makailang ulit kaming umikot-ikot sa buong pasilyo ng Hexagon. Mukhang nakalimutan yata ni Callahan kung nasaang direksyon nakapuwesto ang Footage Room. Mayroong mga magkakagrupo ng CRYPTIC troops na nagmamartsa sa paligid. Wala itong pinagkaiba sa E.H. Laboratory. Kung abala ang lahat sa E.H. Lab. ay sampung beses na mas abala ang Hexagon. Isang chief officer ng isang Troops Unit ang tinanong ni Callahan. Tinanong niya kung saan makikita ang Footage Room. Agad namang sumagot ang chief officer at mabilis kaming sinamahan papunta sa lugar na aming hinahanap.

"Here it is." Nakabukas ang palad nitong pinakita sa amin ang pinto ng Footage Room.

Tumango lang si Callahan at agad kaming nilisan ng chief officer. Mabuti nalang ay hindi na siya naghinala at malaya na naming magagawa ang aming gusto. Kinakailangan ng key card ang silid para mabuksan ang pinto nito. Hinugot ni Callahan ang kanyang key card at nilapat iyon sa scanner na nasa tabi ng pinto. Pagkatapos ay nasaksihan namin ang pagbukas ng pinto at awtomatikong bumukas ang mga ilaw sa loob.

Mayroon namang pinindot na buton si Callahan sa kanang bahagi ng silid at nagsimulang umandar ang mga naglalakihang computer screen sa aming harapan. Para makasigurado kaming walang ibang taong makakapasok sa loob ay pinagbantay namin sina Reynard at Cobb malapit sa labasan. Sila ang magsasabi sa amin kung mayroong paparating na tao para sa ganun ay makapaghanda kami sa aming pag-atake.

Nilapat ni Callahan ang kanyang kamay sa isang scanner na nasa computer panel. Isang electronic voice ang biglang nagsalita at sinambi ang pangalan ni Callahan.

"Welcome, Unit Captain Callahan Willman. Please enter your hovercraft A.I. identification number."

"Ano nga ba?" tanong ko kay Callahan pero hindi niya ako pinansin at nag-type sa keyboard ng computer panel. HN-56723AL ang Identification number ng kanyang hovercraft. Doon ko naalala na binanggit pala niya ang identification number kanina.

Lumabas sa screen ng computers ang time history ng bawat video na kuha ng kanilang camera sa hovercraft. Agad namang binuksan ni Callahan ang recent na video at doon nakita ng camera ang mga nangyari kanina. Nakita doon kung paano pinatay ni Callahan ang sarili niyang mga troops para makaganti sa pagkamatay ng kanyang ama na si Villrouce Willman.

Doon din nakita ang pagdating ng unit nila sa lugar ng kanyang ama. Nasaksihan din ng camera kung paano sumabog ang brisk missiles. Doon ko nakita si Villrouce na napasama sa malaking pagsabog.

Naramdaman ko ang panginginig ni Callahan nang makita niya muli ang nangyari sa kanyang ama. Pinilit niyang hindi ipakita sa amin ang kanyang kalungkutan at labis na pagdaramdam sa pagkawala ng kanyang nag-iisa at pinakamamahal na ama.

Hinawakan ni Christine ang kanyang balikat para siya ay pakalmahin pero sa kanyang ginawa ay hindi na napigilan ni Callahan na sumabog sa sobrang lungkot at galit.

Sumigaw ito ng sumigaw at pinilit namin siyang pakalmahin pero hindi ito nagapaawat. Muntik na niyang suntukin ang computer screen dahil sa kanyang mabigat na emosyon pero mabuti nalang ay kasama namin ni Christine na nagbigay sa kanya ng pagpapakalma gamit ang pagdampi ng kanyang palad sa balikat ni Callahan.

"I-I'm alright, sweetie pie. I don't want you to see me like this," sabi niya nang natapos na siyang magwala sa loob ng Footage Room

Kung hindi pa siya pinakalma ni Christine sa pangalawang pagkakataon ay hindi pa siya tumigil sa kanyang ginawa.

Matapos ang ginawang eksena ni Callahan ay hinanap namin ang mukha ni Syven sa video. Nagbabakasakali kami na nakuhanan ng video ang pagtakas ng gupo ni Syven at Tykes.

Ilang minutong paghahanap ay hindi kami nabigo. Nakita namin ang mukha ni Syven na nagmamadali na sumakay sa kanilang itim na sasakyan. Agad namang pinahinto ni Callahan ang video at kumuha ng hard copy nito. Ang importante ay mayroon kaming litrato ni Syven para mahanap ang kanyang pinagtataguan gamit ang abilidad ni Henry.

"Why am I helping you?" natatawang tanong ni Callahan sa akin habang inaabot niya sa aking ang litrato ni Syven.

"I-I don't know," kunot-noong sagot ko sa kanya, "Bakit nga ba?"

"Mayroon akong pagkakamali sa inyo. Mas pinili kong maging parte ng CRYPTIC kaysa tulungan kayong makalaya sa E.H. Lab." Sumeryoso ang mukha nitong kinakausap ako. "I'm sorry. I really sorry of everything I've done. Maliit na bagay lang ito kumpara sa ginawa ko sa buong immunes." Nasilayan ko ang maliit nitong ngiti nang tinapos niya ang kanyang pangungusap.

"AUSTIN!" sigaw ni Cobb at napalingon ang lahat sa kanya, "CRYPTIC's troops are here!"

Nasindak ang lahat ng labis na pagkabigla ang pangamba. Tumakbo ako palapit sa kinatatayuan ni Cobb at Reynard. Sinilip ko ang labas at nakita ko si Famuya at kasama niya ang kanyang mga troops.

"Shit..." bulong ko sa aking sarili, "We have a company!" sigaw ko naman sa kanilang lahat.

Lumapit naman si Callahan sa amin at sinilip ang labas. Huminga siya ng napakalalim sabay umilaw ang kanyang mga mata.

"Wala ng ibang exit ang Footage Room kundi ito lamang," sambit ni Callahan.

Ilang saglit lang ay isang pamilyar na boses ang biglang nagsalita sa labas ng Footage Room.

"Come out, Mr. Willman. If you will not come out we have no choice but to use violence." Boses iyon ni Famuya. Nasa kanyang likuran ang mga CRYPTIC troops at bawat isa sa kanila ay nakahanda sa pag-atake. "Now, you have guts to show here after what you did to your own Unit?"

Doon kami lahat nagtaka kung bakit alam ni Famuya ang bagay na iyon. Ang ibig sabihin lang ay nauna siya rito bago kami.

"I checked the Footage Room earlier before you got here in Hexagon. I saw what you did. You are the little dumb that put yourself to the fang of your enemy. You're here because you need to delete that footage, am I right?"

Sa mahabang pagsasalita ni Famuya ay agad siyang sinagot ni Callahan. Hindi pa rin nawawala sa kanyang tindig at pananalita ang pagiging elegante.

"Kahit kailan ba ay hindi ka tumama sa mga hinala mo sa buhay?" Pang-iinsulto nito. "I'm not here to delete it. In fact, I don't care if you saw what I did. Kung gusto mo ay ako pa mismo ang maglalahad sa video na nakita mo sa Grand General para naman mayroon kang tamang hinala."

Sinilip ko ang ekspresyon ni Famuya sa labas at nakita ko ang kanyang pamumula sa sobrang pagkahiya. Mas tumalim ang kanyang mga tingin pero sinusubukan niyang huwag sumabog sa galit.

"Then who are those people? Well, I don't care if you don't want to reveal who they are. If you don't come out, then congratulations, you put your friends in the great danger. Escorting them to their own graves. The entire Hexagon knows what you did. If you can pass us, there's a ton CRYPTIC out there waiting to stop you."

"Immunes. Kasama ko ngayon ang lahat ng PROJECT FIVE. Sina Austin Dan Wright, Henry Dawson, Nate Peter Horseson, Alessandro Seale, and the strongest immunes, Kevin Greenwood."

Napalunok sa takot si Famuya ng marinig niya ang mga pangalang binaggit ni Callahan. Alam ng buong CRYPTIC ang mga kayang gawin ng PROJECT FIVE. Kahit nagsisinungaling lang si Callahan ay nagawa nitong pinaniwala ang babaeng Unit Captain.

"What would you do?" Pang-aasar ni Callahan. Mas lalong nanginig si Famuya sa kanyang kinatatayuan at talagang nakikita ko sa kanyang mga mata ang labis na pagkatakot.

Thank you for reading :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top