CHAPTER NINE
“The Explosion”
Nagmistulang nanood ako ng isang mahusay na pagtanghal sa loob ng Cafeteria ng E.H. Lab. Nagsimula na ang kanilang plano. Nagsusuntukan sina Larry at Mark sa isa’t isa at wala manlang umawat sa kanila. Lahat ng bantay ng Golden Troops ay masayang pinapanood ang dalawa. Hindi ko alam kung paano nila nagagawang makuha ang atensyon ng lahat. Ilang sandali nalang ay bigla nalang kumisay ang babaeng kasama ng grupo nina Geek. Sa pagkakataong iyon ay mukhang nakumbinsi ng babae ang lahat ng tao sa Cafeteria na nalason siya ng kanyang ininom na gamot.
Mayroon kaseng gamot na pinapainom sa amin ang CRYPTIC araw-araw. Ayon sa aking mga narinig sa pagpupulong nina Geek ay ang gamot na iniinom namin ay para maging sunod-sunuran kami sa pinagpapautos ng CRYPTIC. Ewan ko ba kung totoo ang sinasabi ng grupo ni Geek. Mukhang imposible namang makokontrol kami ng CRYPTIC gamit lang ang dosage ng gamot na pinapainom sa amin. Para na rin sa katahimikan naming mga immunes ay napipilitan naming lunukin ang gamot na walang gamit na tubig.
Ilang sandali ang nakalipas ay sinugod ang babae sa Medical Room ng E.H. Laboratory. Mas lalong naging mahigpit ang seguridad ng buong Cafeteria. Dumami ang kanilang bilang at mukhang atentibo sa bawat paggalaw ng bawat immune. Wala naman akong kaibigan sa loob Laboratoryo kaya masyado akong nagmamatyag sa paligid. Ilang saglit lang ay gagawin na ng grupo ni Geek ang plano nila at hindi nga ako nagkamali.
Biglang sumabog ang kabilang parte ng Laboratory at napasigaw ang lahat sa pagkagulat. Ang ibang mga immunes ay napayuko at nagtago sa ilalim ng lamesa. Nawala ang pagiging atentibo ng golden troops at maging sila ay nalilito na rin sa nangyari. Dahil nga masyadong natataranta ang lahat sa nangyari ay mayroon kaming narinig na sound alarm sa buong lugar na nagsasabi ng: All immunes find the red lights and go there for your own safety. Boses iyon ng babae at mabilis kaming inalalayan ng mga bantay palabas ng Cafeteria.
“Is that a rescue?” buong pag-asang sambit ng isang immunes at tila ba ay narinig siya ng bantay at agad na hinampas sa ulo. Mabuti nalang ay hindi nawalan ng malay ang immunes pero nagkaroon siya ng sugat at bukol mula sa baril na hinampas sa kanyang ulo.
Madaming usok sa hagdan ng Laboratoryo at galing iyon sa pagsabog. Dahil madami ang aming bilang ay nagsiksikan kami sa hagdan at nararamdaman namin ang pagbigay ng handrail ng hagdan. Isa pang maling paggalaw ay paniguradong pupulutin kami sa ibaba ng gusali. Hindi lang iyon, paniguradong basag ang mga bungo namin. Imbes na buhay kami mula sa pagkasabog ay mamamatay naman kami mula sa pagkahulog at ilang saglit lang ay bumigay nga ang handrail.
Isang immune ang malapit sa akin nang bumigay ang handrail at nawalan siya ng balanse at himalang napakapit ito sa aking bisig. Dahil biglaan ang kanyang ginawa ay nawalan din ako ng balanse. Mabuti nalang ay nahatak ko siya pabalik at kabaliktaran ang nangyari. Ako naman ang napakapit sa gilid ng hagdan at siya ay malayang nakaapak sa itaas. Huminga ako ng tulong sa kanya pero hindi niya ako narinig. Nang nahatak ko siya pabalik ay hindi na siya tumingin sa akin at mabilis na tumakbo habang natataranta.
Humingi pa ako ng tulong sa ibang immunes na tumatakbo pababa ng hagdan ngunit lahat sila ay abala na iligtas ang kanilang sarili habang ako ay nakikipaglaban sa kamatayan. Dahil wala namang mayroong nagmagandang-loob na tulungan ako sa aking sitwasyon at ako na mismo ang tumulong sa aking sarili. Hinatak ko ang aking sarili pabalik sa itaas at mabuti nalang ay nasanay akong buhatin ang aking sarili dahil palagi sa aking pinapagawa ang pull-ups at chin-ups nang aking guro sa physical education.
Mga sandali ang nakalipas nang may pangalawang pagsabog ang muli naming narinig at natabunan ang daan papunta sa labasan dahil sa mga debris na nagbabagsakan. Nagbibigay din ng sagabal ang makapal na usok sa daan. Dahil sa usok ay nahihirapan akong huminga at nang hindi ko na magawang maihakbang ang aking mga paa ay pinili kong humiga sa isang sulok. Pabigat ng pabigat ang mga talukap ng aking mga mata at hindi ko na iyon kayang labanan pa.
Bago mawalan ako ng malay ay mayroong taong humawak sa aking braso at buong tapang niyang hinatak ako palabas ng E.H. Laboratory. Isang CRYPTIC ang humatak sa akin palabas. Tinanong niya ako kung ayos lang ako pero hindi ko siyang sinagot. Mas inalala ko ang aking sarili at pinilit kong huminga ng malalim. Nakita ko ang ibang mga immunes na nagpapahinga sa labas habang tinitignan ang malaking apoy na lumalamon sa buong Laboratoryo.
Muntik na akong mamatay sa nangyari. Hindi nga ako nagkamali na hindi taalag magtatagumpay ang pinaplano ni Geek. Nakita ko sila sa labas kaharap si Erso Hallick. Paniguradong gusto ng sumabog sa galit si Erso pero hindi niya ito pinapakita sa lahat. Sigurado na ang kaparuhasan ng grupo ni Geek.
“Are you okay?” muling tanong sa akin ng CRYPTIC.
I nodded.
***
Muli akong binalikan ng aking ulirat sa lugar na hindi ko namumukhaan. Nasa loob yata ako ng puting tent. Dalawang kama ang nasa loob ng tent at ang isa ay napunta sa akin at ang isang natitirang kama ay walang taong nakahiga. Sa bandang kaliwang bahagi ng tent nakapatong ang isang lamesa na mayroong kagamitan na ginagamit sa amin tuwing nagpapa-obserba kami sa mga nurses ng E.H. Laboratory.
Speaking of E.H. Laboratory, I didn't know what happened to that building. I hoped that it was burned into ashes so they couldn't continue their experimentations. If the mission of Geek’s group was to destroy the whole building, then it was a success. But if their mission was to escape, well, they failed. CRYPTIC’s men were everywhere. They couldn't let those special assets to escape.
“Better?” Isang boses ng babae ang aking narinig.
Napalingon ako sa kanya at nakita ko ang babaeng nurse na laging nag-oobserba sa akin araw-araw sa loob ng laboratoryo. Madalang itong makipag-usap sa akin at hindi manlang siya nagpakilala sa akin. Parati itong nakasuot ng puting coat at face mask. Ang trabaho lang niya ay suriin ang aking katawan kung qualified na ba sa ginagawa nilang ekspiremento. Hindi siya nakikipag-usap o nakikipaligsahan sa tinginan.
“Is everyone alright?”
“I hope so,” she said dryly.
“How’s the building—” I cut my sentence after I noticed that she wasn’t paying any attention to me. “Are you listening?”
“I’m all ears.”
Hindi na ako nagsalita pa dahil mukhang ang tabang niyang kausap. Hindi interesado sa ano mang bagay at ang importante lang sa kanya ay ang magawa niya ang kanyang trabaho.
Lumapit ito sa akin at agad akong nilagyan ng isang device na parang electrocardiography device or something like that. Electrodes attached to my chest and upper arms. It was connected to machine beside her, and she started to monitor my heart. She handed me a papers that were attached to a small white board. I read my name on top of the paper, and I read it quietly.
Austin Dan Wright. Color of Eyes: Green. Color of Hair: Black. Gender: Male. Age:18. Height: 188 centimeters. Chest: 92 centimeters. Waist: 70 centimeters. Hips: 94 centimeters.
“You’re okay now,” she said dryly and she automatically left my tent.
Agad ko namang sinuot ang aking damit pang-itaas at dahan-dahang bumaba mula sa aking kama at naglakad ng marahan papunta sa labas ng tent. Nakita ko sa labas ang mga nakahelerang mga tent at naglalakad sa labas ang mga CRYPTIC na mga bantay at mga doktor. Abala ang lahat sa kanilang ginagawa at kung tama ang aking iniisip ay bawat puting tent ay naglalaman ng isa hanggang dalawang immune.
Napatingin naman ako sa kaliwang parte ng aking kinatatayuan at nakita ko ang E.H. Laboratory na inaayos ng mga construction workers ng CRYPTIC. Ginagamit nila ang kanilang makabagong kagamitan para sa pagsasaayos ng nawasak na Laboratoryo. Kung halos nalamon ito ng apoy ay paniguradong makikita ng siyudad ang usok. Pero papaanong walang mga Golden Troops at mga taong nasa loob ng siyudad ang nakapansin sa nangyaring malaking sunog kagabi? Iyon ang naging pala-isipan sa akin.
“C-Can I ask?” pagtawag ko sa isang immune na biglang lumabas sa kanyang tent. Napansin ko ang numero na nasa kanyang pulso at nasa #15 siya. Immune #15. Isa siyang lalaki at sumpak ang mga pisngi at lusot ang mga mata. Hinintay niya muna ang aking tanong bago niya ihakbang ang kanyang mga paa, “Wala bang tulong galing sa Palace ang dumating dito?”
“What do you mean?”
“K-Kase… alam ko na malaking pagsabog ang nangyari kagabi. Imposibleng hindi iyon mapapansin ng lahat sa loob ng siyudad.”
Pinaliwanag sa akin ng lalaking immune kung paano naitago ng CRYPTIC ang malaking pagsabog at malaking apoy sa mata ng mga tao sa loob ng siyudad. Mayroon daw na ginagamit na isang uri ng device ang CRYPTIC bago nangyari ang pangalawang pagsabog. Ang tawag sa device na iyon ay three-dimensional camouflage projectors. Nilagay nila ang sampung 3D-CP palibot sa buong E.H. Laboratory upang lumikha ng pekeng imahe na nagtatago sa tunay na kalagayan ng Laboratoryo.
Malawak ang kayang itago ng device na iyon at dahil malaki ang Laboratoryo ni Erso ay kumailangan sila ng apat na device. Ang kahanga-hanga sa device na iyon ay kaya raw baguhin ang tunog sa loob ng pinagbabalat-kayo at gumagawa ng panibagong tunog. Tinuro sa akin ng lalaking immune kung nasaan nakapuwesto ang mga device at nakita ko iyon ng dalawa kong mga mata. Hindi naman iyon masyadong malaki at sa aking paningin ay mukha iyong lampara. Naglalabas iyon ng liwanag sa dulo ng device at ang liwanag na iyon ay lumilikha ng pekeng imahe.
Matapos iyong sabihin sa akin ng kapwa kong immune ay agad naman siyang umalis. Wala narin naman akong matanong sa kanya kaya hinayaan ko nalang siya umalis. Napansin ko ang tatlong CRYPTIC na naglalakad papunta sa pinagtayuan ng 3D camouflage projectors. Unti-unting nawawala ang pekeng imahe na nagbabalot sa buong Laboratoryo. Nasa harap ko na ngayon ang mga punong nakapalibot sa buong lugar.
***
Pinilit kong minulat ang aking mga mata. Natatandaan ko na naman ang mga pinagdaanan ko sa loob ng laboratoryo ni Erso Hallick. Kahit gusto ko iyong kalimutan ay tinataksil naman ako ng aking isip at bigla-bigla nalang nagpapaalala sa akin.
Bloody scenarios cycled through my mind like camera flashes.
Isang kisame ang aking nakikita at hindi ito ang kisame ni Villrouce Willman. Magara ang bahay na pinasukan namin at ang kisame na ito ay parang kagaya ng kisame ng aking tinutulugang kuwarto sa E.H. Lab. Ang pinagkaiba lang ay napakaraming lumot ang nasa sahig ng silid na ito. Napangiwi naman ako bigla dahil sumakit ang aking ulo. Akmang hahawakan ko ang aking ulo nang napagtanto ko na hindi ko maigalaw ang aking mga kamay at paa.
Sa puntong iyon ay nalaman ko na nakagapos pala ako sa isang silya. Ako lang mag-isa sa silid at bigla naman akong nag-alala sa mga kasamahan ko kung napano na sila. Pinilit kong sumigaw pero tumatalbog lang ang tunog ng aking boses sa buong silid.
Isang malaking bintanang salamin ang nakaharap sa akin at isang anino ng lalaki ang biglang nagpakita at ngumisi naman siya sa akin. Mayroon siyang pinindot na buton at nagsalita siya sa isang mikropono.
“Dream or Nightmare?” tanong ni Villrouce at binigyan niya ako ng ngiting nanunuya. Ang kanyang boses ay lumalabas sa dalawang speaker na nasa aking harapan.
“Sino ka ba talaga?” Mukhang narinig niya ang aking tanong dahil mayroon siyang pinindot na buton at lumabas sa loob ng silid ang isang mikropono. Gamit no'n ay makakapag-usap kaming dalawa.
“Huwag naman masyadong atat. Kung nag-aalala ka sa mga kaibigan mo ay maayos ang kanilang kalagayan. Nakagapos din sila kagaya mo.”
“Bakit mo ginagawa ito?”
“Magkaibigan naman kami ng ama ni Christine at nagtatrabaho ako sa kanyang negosyo. Ako ang pinagkakatiwalaan ng kanyang ama sa pamamalakad sa kompanya pero nagkaroon ng lamat ang aming relasyon nang inagaw niya ang aking kasintahan. At ang mas pinakamasakit niyang ginawa ay tinanggal niya ako sa kanyang kompanya. Gumulo ang buhay ko at parang wala kaming pinagsamahang dalawa,” pagsisimula niya sa kanyang kuwento, “At dito dumating ang kanyang pinsan na si Syven Tykes na mayroong poot at galit din kay Bouc Dragomiroff. Tinulungan ako ni Syven na bumangon at magkaroon ng negosyo. Plinano namin ang pagpatay kay Bouc at tagumpay naman ang aming plano. Dahil nalaman namin na ang anak ni Bouc ay nawawala at siya ang tunay na tagapag-mana sa mga ari-arian ni Bouc ay inutusan ko si Cobb Thyme na hanapin si Christine at idala sa akin at ako na mismo ang maghahatid kay Syven.”
Huminto muna siya sa kanyang pagsasalita at lumunok ng laway tsaka pinagpatuloy ang pagsasalita.
“Kung wala na ang mga Dragomiroff ay mapupunta kay Syven ang mga ari-arian ni Bouc. Bakit naman tinutulungan ko si Syven sa kanyang plano? Simple lang. Maghahati kami sa perang makukuha namin. Gagamitin ni Syven ang pera para palaguin ang kanyang negosyo at ako naman ay gagamitin ang pera para din palaguin ang aking negosyo. Two versus one.”
“Hindi ka ba nahihiya na lalago ang iyong negosyo sa perang hindi sa inyo?”
“Kung iyon ang paraan ng paglago ng aking negosyo ay gagawin ko,” sabi niya at tumawa ng malakas, “ Ilang sandali lang ay darating na si Syven Tykes. Hindi nanan kayo problema sa akin dahil sa totoo lang ay mayroon na akong plano sa inyong lahat.”
Thank you for reading :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top