CHAPTER FOUR

“Christine”


“W-WHAT did you do to my father?” Isang tinig ng babae ang aking narinig mula sa aking likuran. Nanginginig itong tinitignan ako habang nakaupo ako katabi ng bangkay ng kanyang ama. Kung iispin ng mabuti ay magiging problema ang kanyang nasaksihan dahil aakalain niyang ako ang pumatay sa kanyang ama.

“Mali ang iniisip mo,” mahinanon kong sabi sa kanya pero napaatras siya ng kaunti dahil sa takot na namumuo sa kanyang katawan. Isang hakbang pa ay magkakaroon na siya ng pagkakataon na makatakas at hindi ko na siya mahahabol pa, “Huwag ka munang gumalaw.”

“You killed my father,” sabi nito sa akin at nang sinimulan niyang humakbang paatras ay bigla siyang natumba dahil sa panginginig ng kanyang tuhod, “Y-you killed my—” naputol ang kanyang sasabihin nang mayroong kumatok sa labas ng pinto. Tatlong katok iyon at napalingon kaming dalawa sa direksyon ng pinto.

“Mister, Howard. Naabot ba ni Austin ang pinabibigay ko sa iyo?” tanong ng land lord ng apartment.

Nanlaki ang aking mga mata sa boses na aking narinig. Kapag mayroon pang makakaalam sa nangyari ay paniguradong sa kulungan ang bagsak ko. Ako ang maiipit sa kasong ito kapag makikita ng land lord ang bangkay ni Mang Howard.

Akmang sisigaw ng tulong ang anak ni Mang Howard nang mabilis akong tumakbo sa kanya at tinakpan ang kanyang bibig ng aking kaliwang palad. Pilit nitong kumawala sa aking ginawa pero dahil mas malakas ako sa kanya ay hindi na niya tinuloy ang kanyang binabalak na lumaban. Nakadagan ako sa kanya habang ang aking kaliwang kamay ay nasa kanyang bibig at ang isa kong kamay ay hinahawakan ang kanyang kanang kamay. Ilang pulgada lang ang pagitan ng aming mukha at nararamdaman ko ang mainit nitong paghinga na dumadampi sa aking pisngi.

“Mang Howard?” tanong muli ng land lord, “Ayos ka lang ba diyan?”

“A-ayos lang ako.” Pinilit kong baguhin ang aking boses para maging katunog sa boses ni Mang Howard. Hindi ko hahayaang makita nila si Mang Howard na wala ng buhay. “Natanggap ko na ang pinabibigay mo.”

“Kung ganon ay magandang gabi sa inyo.” Ang huling sinabi ng land lord at narinig ko sa labas ang mga yabag na naglalakad palayo sa pinto ng tinutuluyan ni Mang Howard. Hindi ko lubos maisip na napaniwala ko ang land lord na ako si Mang Howard. Hindi man lang niya narinig ng mabuti ang pagkakaiba ng boses naming dalawa ni Mang Howard o talagang hindi niya lang nakasanayan na pakinggan ng maigi ang boses ng bawat taong nakakausap niya. Nakahinga ako ng maluwag nang nakumbinsi ko na ang aking sarili na wala ng tao sa labas.

Agad kong tinanggal sa bibig ni Christine ang aking kamay at nakiusap ako sa kanya na huwag gumawa ng tunog na makakapukaw ng atensyon ng buong tao sa apartment. Sinabihan ko rin siya na huwag siyang sumigaw dahil ako ang magiging kawawa kapag malaman ng lahat ang nangyari. Pero kahit ilang ulit akong humingi ng pakiusap sa kanya ay sinubukan pa rin nitong sumigaw. Sumigaw ito pero mabilis kong tinakpan ang kanyang bibig ng dalawa kong kamay. Dahil abala ako sa kanyang bibig ay hindi ko namalayang ang dalawa nitong mga kamay ay malayang kinakalmot ang aking braso at mukha.

Lumikha iyon ng mga sugat dahil sa matatalim at mahahaba niyang mga kuko. Kahit masakit ang kanyang ginawa ay tiniis ko iyon at dahil mayroon akong kakaibang abilidad na nanggaling sa E.H. Laboratory ay nagawa kong pagalingin ang aking mga sugat sa mukha at braso. Nakita iyon ni Christine at doon siya lalong kinabahan. Naging bayolente na itong sinasaktan ako. Hindi ko naman siya masisi kung nakita niya ang bagay na iyon.

“Please, Let me explain,” nahihirapan kong sabi sa kanya dahil masyado siyang malikot. Kapag gagamitan ko siya ng lakas ay mababali ko ang kanyang buto sa kanyang braso.

Nagpatuloy ang kanyang pakikipaglaban sa akin para siya ay makawala sa aking bisig. Nag-aalangan akong saktan siya para mawalan siya ng malay pero wala na akong ibang pagpipilian pa. Hinanda ko ang aking isang kamay para sa aking gagawin. Nagulat naman siya sa aking ginawa at medyo kumalma siya. Naramdaman niya sigurong gagamitan ko na siya ng karahasan para kumalma.

“I’m sorry if I need to do this,” Nag-aalangang sabi ko at malakas ko siyang sinampal sa mukha at sa aking inaasahan ay nawalan nga siya ng malay, “I’m sorry,” I said and I released a sharp sigh.

Hindi ko muna ginalaw ang bangkay ni Mang Howard at mas tinuon ko ang aking sarili kay Christine. Maganda ang mukha ni Christine at ang kutis nito ay hindi tugma sa kung saan siya nakatira. Tila ba ay isa siyang anak ng isang mayaman na pamilya. Pero kahit ganun ay hindi pa rin matatago na anak siya ni Mang Howard. Hinila ko siya papunta sa isang sulok at napansin ko sa isang lamesa ang isang duct tape. Kinuha ko iyon at pinalibutan ang katawan ni Christine. Kailangan kong gawin iyon para hindi na siya makagalaw at para hindi ko na gawin sa kanya ang ginawa ko sa kanya kanina.

Pinagpapawisan ako ng matindi dahil sa nangyari. Hindi ko naman kayang lumabas ng pinto para magpalit ng damit dahil paniguradong makikita ako ng ibang tao na nababalot ang aking damit ng pulang dugo. Hindi ko na alam ang gagawin. Paano ko mapapaliwanag kay Christine ang nangyari dahil wala naman akong patunay na hindi nga ako ang pumatay sa kanyang ama.

Kung sino man ang lalaking gumawa ng ganitong krimen ay hindi ko mapapatawad. Sa akin nakapatong ang kasalanang ginawa niya. Ilang minuto palang ang nakakalipas ay agad na binalikan ng kamalayan si Christine. Nagulat ito sa kanyang sitwasyon dahil sa duct tape na nakapalibot sa kanya. Nakatakip din ang kanyang bibig ng duct tape kaya hindi ko maintindihan ang kanyang gustong iparating sa akin.

“Look. I have no intention to kill you but if you’re going to scream I would not hesitate to cut your throat. Understand?” pagbabanta ko sa kanya.

Tumango naman ito sa kanyang narinig ay mukhang natakot sa aking sinabi. Lumapit ako sa kanya ng dahan-dahan at tinignan siya sa kanyang mga mata. Napupuno ang kanyang mata ng mga luha dahil sa magkahalong takot at lungkot. Hinawi ko ang mga hibla ng kanyang buhok na sumasagabal sa maganda niyang mukha. Matapos kong gawin iyon ay tinanggal ko ng marahan ang duct tape na nasa kanyang bibig.

“You killed him,” mahina niyang sabi sa akin nang tuluyan kong natanggal ang bagay na nagpipigil sa kanya na magsalita.

“Are you accusing me of a crime I didn’t commit?”

“Kung hindi ikaw, sino? Ikaw ang huling taong nakita ko na nasa tabi nang aking ama,” mataray nitong sagot sa akin at pinilit niya na namang gumalaw para makawala sa duct tape na nasa kanyang katawan.

“Let me ask you, Why would I kill the person who helped me from the worst time of my life?”

“I-I-I… Don’t know,” sambit nito at parang nakumbinsi ko siya na hindi ako gumawa sa pagpatay sa kanyang ama, “Hindi pa rin ako kumbinsido sa sinabi mo. Baka mayroon ka na ibang dahilan para patayin ang ama ko. Ang mga katulad mo ay dapat pinaparusahan!” Sa puntong iyon ay tumaas ng kaunti ang kanyang boses.

Hinilamos ko ang aking mukha gamit ang aking kaliwang palad dahil sa hindi ko talaga siya makumbinsi na hindi ako ang pumatay kay Mang Howard. Kinamot ko ang aking batok at kasabay nun ay nag-iisip ako kung ano ang aking gagawin sa babaeng ito.

Nang mayroong sumagi sa aking isip na isang patunay na hindi nga ako ang may kagagawan ng krimen na iyon ay pinakita ko kay Christine ang dugong nasa sahig. Doon nakasulat ang pangalan niya. Agad siyang nakaramdam ng matinding kalungkutan sa kanyng dibdib at hindi na niya napigilang pahintuin ang kanyang luha sa kanyang mga mata.

“Protect Christine,” bulong nito sa kanyang sarili.

“You are Christine, right?”

Hindi ito nagsalita at tinitigan ako ng masama. Nagtagal ang titig niya sa akin na parang gusto niya akong takutin.

“Hindi ko masisiguro na ang ama ko ang nagsulat niyan.” Pagmamatigas pa rin nito at halos gusto ko ng suntukin ang pader sa sobrang pagkairita sa babaeng ito. Kahit maganda ang kanyang mukha ay talagang masusubukan ang pasensya mo sa kanya.

Huminga ako ng malalim at hindi ko na siya pinansin. Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa pader at nasa 9:23 na ng gabi. Kailangan kong mag-isip ng paraan para mapaliwanag ko kay Christine ang nangyari. Kapag natanggap niya na hindi ako ang pumatay ay puwede na akong makahinga ng maluwag. Hindi na sa akin mapupunta ang paratang.

Agad ko siyang nilapitan at mas dinamihan ang duct tape na nasa kanyang katawan. Binalik ko ang duct tape sa kanyang bibig at tinakpan ang kanyang buong katawan ng kumot para hindi niya makita ang kanyang paligid. Ang plano ko ngayon ay makikipag-usap ako sa lalaking katrabaho ko sa fast-food. Dahil mayroong surveillance cameras ang apartment ay puwede kong makita ang lalaking pumatay kay Mang Howard.

“Stay here,” sabi ko kay Christine habang natatabunan siya ng kumot.

Agad ko na siyang iniwan at lumabas ng kanilang kuwarto gamit ang bintana. Dumaan ako sa fire escape ladder na nasa apartment building. Hinanap ko ang Room 11 dahil iyon ang kuwarto ng lalaking katrabaho ko. Nakita ko ang ilang mga tao sa loob ng kanilang kuwarto na masayang kumakain at abala sa kanilang ginagawa.

Nang nakita ko na ang kuwartong hinahanap ko ay agad kong binuksan ang bintana at pumasok sa loob. Nang naapak ko na ang aking mga paa sa sahig ng kuwarto ay may narinig akong malakas na yabag sa kama na nasa gilid ko. Napabalikwas ang lalaking katrabaho ko sa fast-food nang makita niya ako.

“What the hell, dude. Uso naman ang pinto bakit sa bintana ka dumaan,” sabi nito at agad na hinanap ang kanyang T-shirt at agad na sinuot iyon. Napansin ko din na nakasuot ang isa niyang paa ng isang medyas at ang kabila niyang paa ay walang suot na medyas.

“I need your help,” sabi ko sa kanya at nang makita niya ang mga dugo na nasa aking damit ay pinilit niyang huwag sumigaw. Nagmukha siyang tanga sa kanyang ginawa.

“What did you do?” mahinahon niyang sabi at namumutawi pa rin sa kanyang mukha ang labis na pagkagulat.

“That’s why, I need your help,” sabi ko at ngayon ko lang napagtanto na hindi ko pa pala alam ang kanyang pangalan, “Oh. I’m Austin Dan Wright,” sabi ko at nilahad sa kanya ang kanang kamay ko para makipag-kamay.

Agad naman niyang tinanggap ang aking kamay gamit ang kaliwa niyang kamay. Napakunot ako ng noo sa naging tugon nito.

“I’m Cobb Dragomiroff.”

“Bakit hindi mo ginamit ang kanang kamay mo sa pakikipag-kamay?” Pagtatakang tanong ko.

“I used my right hand earlier before you broke to my apartment,” nakangising sagot nito sa akin. At doon nangasim ang mukha ko nang mapagtanto ko ang kanyang ibig sabihin, “So, what I can do for you?”
Hindi ko na pinatagal ang usapan at agad ko na sinabi sa kanya ang dahilan kung bakit ako naparito sa kanyang kuwarto.

“Alam mo ba kung nasaan ang monitor ng mga surveillance cameras?” tanong ko sa kanya.

Bago pa niya sinagot ang tanong ko ay umupo muna ito at inayos ang kanyang kama. Matapos niyang gawin ang kanyang ginawang pagsasaayos ng kanyang hinihigaan ay tinignan niya ako ng malalim. Mukhang maging siya ay walang tiwala sa akin. Sino ba naman ang maniniwala kung mayroong bahid ng dugo ang aking damit.

“Alam ko kung nasaan pero ipaliwanag mo muna kung ano ang nangyari,” sabi nito sa akin at huminga ako ng malalim at agad ikinuwento ang nangyari kay Mang Howard.


Thank you for reading :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top