"Syven Tykes"
Isang malaking cube glass cage ang nasa gitna ng bulwagan at nasa loob si Christine. Nakahiga ito at walang malay. Mayroong mga pabilog na butas sa cube glass cage na sinadyang nilagay para makahinga sa loob ang babaeng hanggang ngayon ay hindi pa rin nababalikan ng malay. Nakatayo naman ako sa gilid ni Villrouce, nakaupo siya sa kanyang magarang sofa at nasa harap niya ang maliit na lamesa na mayroong dalawang glass wine at isang bote ng red wine.
Hawak pa rin niya ang voice remote control. Kahit gusto kong wasakin ang kulungan ni Christine para pakawalan siya ay hindi ko iyon magagawa dahil nakokontrol ako ngayon ni Villrouce. Tuwang-tuwa siya dahil mayroon na raw siyang bodyguard na kaya siyang protektahan sa mga taong nakikipagnegosasyon sa kanyang negosyo. Tama naman siya sa kanyang iniisip.
“I’m starting to like those immunes like you. Because you are all indestructible, powerful, and the most exciting part is…” Tinignan niya ako sa mga mata bago niya sabihin ang kanyang huling salita para tapusin ang kanyang pangungusap. “Controllable.”
“If I were you, keep an eye to your voice remote control.”
“Is that a threat or a tip?”
Hindi ko siya sinagot at binigyan ko lang siya ng nanunuyang ngiti na labis niyang ikinainis. Ilang sandali ang nakalipas ay unti-unting nagigising si Christine. Noong una ay nalilito pa siya at iniisip niya kung bakit nasa loob siya ng cube glass cage pero nang makita niya ako ay lumapad ang kanyang mga ngiti. Ang mga ngiti sa kanyang labi ay biglang naglaho nang makita niya na kasama ko si Villrouce. Kumunot pa ang kanyang dalawang kilay sa pagtataka kung bakit wala akong ginagawa para pakawalan siya sa kanyang kulungan.
“Austin. What’s going on? Magkakampi ba kayo? Pakawalan mo ako.”
Umiling ako sa kanyang sinabi at doon na nagsimulang tumubig ang kanyang mga mata. Natutuwa namang pinapanood ni Villrouce ang kalagayan ngayon ni Christine. Narinig ko ang malakas na tunog na nagmumula sa kulungan ni Christine. Pilit niya nitong basagin ang salamin mula sa loob gamit ang malakas niyang pagsuntok pero hindi iyon nagbigay ng maliit ng lamat sa kanyang salaming kulungan.
Ilang saglit lang ay nagsimula ng maglakad papasok ang mga kasamahan ni Syven Tykes. Hindi ko mapaliwanag ang takot na naramdaman ni Christine nang makita ng dalawa niyang mga mata ang Tiyo na pumatay sa kanyang ama. Ngintian ni Syven si Christine sa loob ng kanyang kulungan at nakipag-kamay siya kay Villrouce.
Nakasuot siya ng puting coat at halata sa kanyang tindig ang pagiging mayaman. Mayaman pero gusto pa niyang maging mayaman gamit ang pagpatay sa sarili niyang pinsan. Nakakasuka ang kanyang pagkatao. Hindi pa nakukuntento sa pagkawala ng kanyang pinsan at gusto niya pa na patayin ang kanyang pamangking babae.
Inalok naman ni Villrouce si Syven na uminom ng wine. Binuhos ng isang kasamang lalaki ni Villrouce ang bote ng wine sa dalawang wine glass na nakapatong sa maliit na lamesa. Uminom ang dalawa at sa walang kadahilanang pangyayari ay bigla nalang silang nagtawanan sa isa’t isa.
“It’s nice to see you here, Villrouce,” sabi ni Syven nang matapos silang makipag-kamay sa isa’t isa, “Who’s this new guy?”
Tumingin ang lahat sa akin at agad mamang pinagmalaki ni Villrouce sa buong kasamahan ni Syven na isa akong immune ng CRYPTIC. Pinakita niya pa niya ang voice remote control at pinaliwanag sa kanila kung papaano ako makontrol. Sa bawat salitang inuutos niya ay umiilaw ang aking pulso. Kung gagamitin ko naman ang aking abilidad ay umiilaw ang pupils ng aking mga mata. Kulay berde ito at lahat ng immunes may ganitong katangian. Nakita ko naman ang naging reaksyon ni Christine at doon niya naintindihan kung bakit hindi ko siya kayang patakasin.
Nahalata ko sa ekspresyon ni Syven ang pagkainggit niya kay Villrouce. Ayaw talaga sa bokabularyo ng lalaking ito na masapawan ng iba. Tuwang-tuwa naman si Villrouce sa pagpupuring natatanggap niya mula sa Tiyo ni Christine. Lahat ng kasama niyang lalaki ay nakasuot ng magarang itim na suit. Bawat isa sa kanila ay mayroong hawak na mga baril. Kung makatingin ay parang isang mabangis na hayop na handa lumapa ng tao.
“As I promise to you. Here’s your precious knee.”
“Good job. Alam ko na hindi ako nagkamali sayo na maging partner sa ating negosyo,” pagpupuri muli ni Syven.
Hindi na siya nagtagal sa pakikipag-usap kay Villrouce at agad naglakad palapit sa kulungan ni Christine. Kahit gustuhin mang lumayo ni Christine sa kanya ay wala siyang magagawa. Apat na sulok lang ng kanyang kulungan ang tangi niyang mapupuntahan.
“Can you suggest what kind of killing stuff should we apply to her? I would like to see her in pain…while dying,” napapaos nitong sambit at lumingon ito sa inuupuan ni Villrouce, “May alam ka ba?”
“I have no idea.” Umiling naman si Villrouce.
Marahang humakbang palapit si Syven sa kinaroroonan namin. Sa aking pakiramdam ay mayroon siyang kakaibang balak na hindi agad malalaman ng iba at iyon ang nagtulak sa akin na maging handa sa puwede niyang gawin.
“Have you ever heard this story before of a guy that he gets everything what he wants. He’s not holding himself to kill someone just to make sure he get what he wants. Even his own wife ,even his own son, even his own brothers, and even his own cousin. For him, it’s never enough if there’s someone above him because he believes that there’s only two status in the world. The superior and the servant. You are dumb if you choose to be a servant.” Sa bawat pagbigkas ng mga salita ni Syven ay tila ba ay mayroong itong madilim na binabalak. Nakakapangilabot ang bawat hakbang niya at napakadilim ang kanyang ekspresyon.
Dahil medyo naramdaman ni Villrouce ang madilim na mukha na mayroon si Syven ay hinanda niya ang voice remote control para ipagsanggal ko siya sa pag-atake ni Syven.
“What are you doing?” pagtataka ni Villrouce, “Are you trying to do a stupid action, don’t you?”
Hindi na ito mapakali sa kanyang inuupuan at ilang ulit niyang binato ang kanyang paningin sa akin at sa remote control.
“No.” Biglang nagbago ang ekspresyon ni Syven. Nakangiti ito at kabaliktaran ang kanyang ekspresyon noong papalapit siya sa amin. Ipinatong niya ang kaliwa nitong kamay sa kanang balikat ni Villrouce.
“Bakit parang mayroon kang binabalak?” Agad namang inalis ni Villrouce ang kamay nito sa kanyang balikat. Hindi maman nagalit si Syven sa kanyang ginawa at nakangiti pa rin itong tinitignan siya.
“Let me ask you. Did you know who is the guy in my story?”
Sa sinabi ni Syven ay mayroong kumudlit sa aking isipan na tama ang mga hinala ko. Nakita ko ang mablis na paghugot ni Syven ng isang matalim na dagger at pinutol ang kamay ni Villrouce. Tumalsik ang voice remote control papunta sa akin at hindi maman ako nagdalawang-isip na pulutin iyon.
Napasigaw sa sobrang sakit si Villrouce sa nangyari habang pinipigilan ang pag-agos ng dugo sa kanyang putol na kamay. Agad niyang hinanap ang voice remote control sa sahig pero hindi niya alam na sa akin na ang kanyang hinahanap. Tumakbo ako papunta sa kinaroroonan ni Christine habang abala ang lahat sa kakahanap sa remote para kontrolin ako. Hinanap ko sa buong cube glass cage ang pinto pero hindi ko makita.
Hindi na ako nagdalawang-isip pa at malakas kong sinuntok ang salamin at napayuko si Christine sa nangyari. Tumalsik ang mga bubug nito sa loob at gumawa iyon ng malaking atensyon sa mga kasamahan ni Syven.
Pinagpatuloy ko pa ang pagbasag sa salamin na humihiwalay sa aming dalawa ni Christine. Bigla ko siyang hinatak palabas mula sa malaking butas na aking ginawa. Hindi nagtagal ay agad kong niyakap si Christine para protektahan siya sa mga balang nanggagaling sa mga kasamahan ni Syven. Hindi nila magawang barilin ako dahil sa enhanced alligator skin na nasa aking likod.
Nang makalabas si Christine sa kanyang cube glass cage ay nabaling ang aking paningin kay Syven. Hindi ko hahayang makatakas ng buhay si Syven. Ito na ang pagkakataong makakapaghiganti ako sa kanyang ginawa kay Mang Howard. Ito na rin ang pagkakataong makukuha na ni Christine ang mga bagay na ninakaw ni Syven mula sa kanya. Marami siyang mga kasalanan at kailangan niya iyong pagbayaran.
Agad ko siyang sinugod at nagulat ito sa aking pagsulpot sa kanyang harapan. Bigla ko siyang sinuntok sa mukha at sa lakas ng aking ginawa ay tumilapon siya sa dulo ng bulwagan. Akmang aatakihin ko ulit siya nang inutusan niya ang kanyang mga kasamahan na barilin ako. Dahil sa napakaraming balang natatanggap ko ay nahihirapan akong lumapit sa kanila.
“Austin! Umalis na tayo. Hindi mo siya kaya,” malakas niyong sigaw ni Christine, “Tumakas na tayo!”
Sa sinabi ni Christine ay hindi ko na tinuloy ang aking balak. Mukhang tama naman siya dahil hindi namin kayang labanan ang mga kakampi ni Syven lalo pa’t hindi pa namin kasama ang mga kasamahan ko. Agad naman akong umatras at agad na hinila palabas si Christine. Sa pagkakataong ito ay hahayaan naming manalo si Syven dahil hindi naman namin kayang labanan sila ng hindi handa. Sa susunod na magkakaharap kaming dalawa ni Syven ay sisiguraduhin kong hindi na siya mabubuhay. Sisiguraduhin kong papantay na ang kanyang mga paa.
“HAHANAPIN KITA, SYVEN. KAHIT SA LABAS KA PA NG CENTRAL CITY MAGTAGO. HAHANAPIN KITA!” sigaw ko sa kanya habang pilit akong hinahatak ni Christine palayo sa kanila.
Narinig ko naman ang nakakahindik niyang boses na umalingawngaw sa buong lugar ni Villrouce.
“After them!” utos nito sa kanyang mga kasamahan.
Thank you for reading :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top