CHAPTER EIGHTEEN

“Search”


Hanggang ngayon ay nanaig sa kalamnan ng lahat ang matinding panginginig at takot dahil sa nangyari. Hindi maipinta ng lahat ang kanilang mga mukha matapos akong mahimasmasan sa sobrang galit. Patuloy ko pa rin na tinatanong sa aking sarili kung bakit ko ba nagawa ang bagay na iyon. Kung bakit ko ba pinagduduhan sila sa kabila ng aming mga naranasan. Kung bakit ba ako madaling nilamon ng pagdududa dahil sa sinabi ni Villrouce.

Nagpaumanhin ako sa kanilang lahat at laking gulat ko na agad nila akong pinatawad. Lalo na si Henry. Kahit nasaktan ko siya at pinaghinalaan ay nagawa  pa rin niya akong mapatawad. Hindi tuloy ako nakatingin sa kanya ng deritso. Wala akong matibay na rason para pag-isipan sila ng masama. Lahat kami ay mayroong magkakakonektadong gusto. Ang pabagsakin ang Tykes at ang CRYPTIC.

Dahil sa kanilang mabilisang pagtanggap ng aking pagpapaumanhin ay nakaramdam ako ng hiya sa pagpipigil ko sa aking luha. Nahihiya ako sa kanila. Parang gusto kong mawala para makalimutan ang aking ginawa. Sa susunod ay pag-iisipan ko ng mabuti ang aking gagawin.

“Ayos ka na ba?” tanong ni Christine at sabay tumingin kay Callahan, “At sino ang may pakana sa larong iyon?”

“D-don’t look at me like that, sweet girl. If I made a mistake starting that game. My apologies.”

Kanina ko pa nahahalata sa tono at pananalita ni Callahan ang pagiging pormal at maginoo. Bagay sa kanyang kasuotan ang kanyang pananalita. Eleganti. Eleganti pero masarap namang basagin ang kanyang pagmumukha.

“Oh, siya sige. Malalim na ang gabi. Tumulog na nga tayo.” Pagpapatuloy ni Christine.

Naagaw ni Henry ang lahat ng atensyon nang bigla ito nagsalita. Tinanong niya ako patungkol sa mukha ni Syven. Nakalimutan ko palang sabihin sa kanila na nakita ko ang mukha nk Syven. Ako, si Christine at Cobb lamang sa aming grupo ang nakakaalam sa pagmumukha ni Syven pero si Henry lang ang may kakayahang mahanap ang pinagtataguan ni Syven. Kung alam lang ni Christine ang kanilang lihim na taguan ay hindi na kami magihirapan ng ganito.

“Pagkatapos ng gabing ito ay ang una nating gagawin ay ang paghahanap kay Syven. Ang tanong, kung hindi ko alam ang kanyang mukha ay wala tayong ideya kung saan siya hahanapin.”

“Maybe I can help you with that.” Napalingon ang lahat sa boses ni Callahan na nakaupo. Kahit sa kanyang pag-upo ay elegangi ito at pakiramdam niya ay isa siyang hari at kami ang kanyang tagasunod. Pakiramdam niya lang iyon.

Naghihintay ang lahat sa kanyang susunod na sasabihin pero parang nalunod na siya sa kanyang imahinasyon na isa siyang hari. Tinignan ko siya ng masama at sinimulang pailawin ang aking mga mata.

“Hold your horses. I’m just enjoying this feeling,” sambit nito at napatawa naman siya, “We have a recorded video camera sa buong hovercraft. Nakalimutan ba ninyo na mayroong video cameras ang hovercraft na ito?”

“And then?” Pang-aasar ko sa kanya.

“Dahil nandun kami sa lugar ng dad ay malang nahagip ng aming hovercraft ang pagtakas ni Syven. Ibig sabihin lang ay malalaman ni Henry ang mukha ng hinahanap ninyo. Problem solve,” sabi niya at bilib na bilib sa kanyang sinabi. Kahit kailangan talaga ay napakahambog ng ugali.

Biglang nagbago ang kanyang mukha nang magtanong si Henry.

“The question is. Saan namin makikita ang video?”

Halos mahulog si Callahan sa kanyang inuupan nang mapagtanto niya ang sinabi ni Henry. Pinagpawisan ito ng matindi at kasabay ng pag-agos ng kanyang mga pawis sa mukha ay umagos din ang kanyang pagkabilib sa kanyang sarili.

“That’s our problem. Doon lang puwede mahanap ang video sa isa sa mga base ng CRYPTIC.”

Halos manlabot ang aming mga tuhod sa kanyang sinabi. Mayroong footage room ang base ng CRYPTIC. Ang tawag sa subsidiary base na miyembro si Callahan at ang sinasabi niyang Captain Famuya ay Hexagon. Kahit ilang linggo na si Callahan sa base ng CRYPTIC ay hindi pa raw ito nakakarating sa Main Base ng CRYPTIC. Ang mga nasa matataas lamang ng posisyon ang nakakaalam at makakarating sa Main Base nila. Dahil Unit Captain ang posisyon ni Callahan ay hindi niya alam ang Main Base. Kung gusto ng isang miyembro ng CRYPTIC malaman ang Main Base ng kanilang organisasyon ay dapat maging isa sila sa mga posisyon na ito: Colonel, Brigadier General, Major General, Lieutenant General, Grand General at ang pinakamataas ay Elite General.

Sa mga impormasyonh binanggit ni Callahan ay mukhang dinaig pa nila ang Central City Golden Troops Force.

“Are you willing to go there?” Nag-aalangang tanong ni Callahan.

“If that’s the only way,” mahinahongsambit ko, “Why not?”

“Pero paano nga tayo makakapunta roon kung alam na nila na tumalikod na si Callahan sa grupo?”

“Activate the A.I.,” ngumisi si Callahan sa kanyang sinabi.

Sabi ni Callahan ay ang mga camera videos na nilagay sa hovercraft ay para ma-monitor sila ng CRYPTIC kung talagang ginagawa ng mga Captain ang mga orders na binigay sa kanila at isa pa'ng dahilan ay para sa mga importanteng pangangailangan. Mayroong bantay ang footage room at dahil marami ang hovercraft ng CRYPTIC ay hindi nila agad mapapansin ang mga videos na naganap dito sa hovercraft ni Callahan.  Ang poproblemahin lang namin ay ang pagpasok sa Footage Room. Walang alam ang unit ni Captain Famuya tungkol sa nangyari sa unit ni Callahan. Wala kaming ibang problema kundi ang pagpasok sa Footage Room.

Nasa 9:23 na ng gabi at agad na kaming naghanda para sa pagpunta sa Hexagon. Agad na nilabas ni Callahan ang mga armas sa loob ng kanyang hovercraft. Binigyan niya kami isa-isa ng mga iba’t ibang klase ng baril at ikinatuwa iyon ng husto ni Henry.

“This gun is handsome,” bulong na sabi ni Henry at ngumisi ito.

Sumuot kami ng itim na jacket at itim na helmet para magpanggap bilang toops ng CRYPTIC. Nakuha namin ang uniporme ng CRYPTIC sa loob ng lalagyan ng kanilang mga armas. Tinatawag nila iyong A.U.P. Arms and Uniform Panel. Nandoon sa panel na iyon nakalagay ang mga ekstra nilang mga uniporme at armas.

“Okay. If I switch on the A.I., be ready. Blend in. Don’t act suspicious. Don’t act suspicious,” sabi ni Callahan at agad niyang pinindot ang buton para gumananang A.I.

“Activating  Auto-Drive Mode,” sabi ng Electronic Voice at unti-unting lumilipad paitas ang hovercraft.
Nang naabot na nito ang taas na kinakailangan ay bigla itong tumakbo ng mabilis papunta sa Hexagon. Napakapit kami sa mga bagay na puwede naming makapitan dahil sa bilis ng pagpapatakbo nito. Tatlumpung minuto kaming naglakbay sa ere hanggang nakarating kami sa kanilang base. Ang aming nakikita ay isang makapal na kagubatan. Hindi na ako magtataka kung ang nakikita namin ay isang three-dimensional camouflage projectors.

“Be aware that the internal control security of Hexagon are now executing a scanning phase through thermal scanning, please stand by, thank you,” sunod-sunod na sambit ng A.I.

Mayroong pinindot na buton sa Callahan sa dashboard ng hovercraft at hindi nga ako nagkamali sa aking hinala. Isang three-dimensional camouflage projectors ang bumukas sa aming harapan. Tumambad sa aming harapan ang isang malaking base na yari sa salamin. Now I know why this base has a moniker of Hexagon. The shape of glasses are in a shape of six sides and six angle. This base is more elegant than E.H. Laboratory.

Agad na bumaba ang hovercraft sa isang maliit na landing area. I love how I heard the hissing sound of air when the hovercraft’s door is about to open. We walked out and a group of troops noticed our arrival.
“It’s a miracle, Captain Willman. You are late for the first time.” Wala sa isa sa mga troops ang nagsalita sa pangungusap na iyon. Agad kaming nagtaka kung kaninong boses ang aming narinig. “I’m here.”

Agad kaming napalingon sa aming likuran at nakita ko ang babaeng nakasuot ng kagaya ni Callahan. Ito siguro ang sinasabi niyang si Unit Captain Famuya. Sa mga kilay palang nito ay halatang mataray at madaling uminit ang ulo.

“We lost sight.”

“If you think that I am a fool. You’re wrong. Since you were part of this group, I have some bad feelings about you,” malumanay niyang sambit pero ramdam namin lahat ang kanyang pagpipigil ng galit, “ I ask and you answer. May I know you itinerary after we split up?”

“No.”

“I’m sorry. I think I misheard you? Tumataas na ang tono ng kanyang boses.

“You ask, I answered.”

Habang nag-uusap ang dalawa ay ramdam namin ang matinding tensyon sa paligid. Halata sa dalawa ang matagal na nilang pag-aalitan sa isa’t isa. Ang mga salitang binibitiwan nila ay talagang napakabigat pakinggan. Agad na tinulak ni Famuya si Callahan at akmang tutulungan ko siya para hindi matumba nang pinipigilan ako ng aking mga kasamahan. Binulungan ako ni Christine na dapat umarte na parang troops ng CRYPTIC.

“If you touch me again I’ll break your neck.” Pagbabanta ni Callahan nang binalikan siya ng balanse. Hinawakan nito ang pisngi ni Famuya para insultuhin pa ng husto.

“Hmm???” She scoffed. “Careful. You think you can scare me?”

“Oh, I think you’re already are.”

“What did you say and what did you do? Why you turned off you’re A.I.? Are you really one of us?”

Tumawa naman ng malakas si Callahan habang tinuturo niya ang mukha ni Famuya. Kahit namumula na sa pagpipigil sa galit si Famuya ay hindi  pa rin tumigil sa pag-iinsulto si Callahan. Ilang sandali lang ay bumunot ng baril si Famuya at tinutukan nito ang ulo ni Callahan.

“Woah. Easy.” Nakataas na ang kamay ni Callahan.

“Where have you been?”

“So you are trying to trick me into confessing something?”

“Let me know where have you been.”

“That’s the dumbest detective you’ve ever done this day.” Tumawa pa ito ng husto at napakapit na siya sa kanyang tiyan at halos mahiga na ito sa kanyang ginawang pagtawa. “My abs is burning, I can’t stop laughing.”

“I’m not trying to confess you. I need you to answer my question.”

“You ask, I answered,” sagot ni Callahan nang nakatayo na siya. Dumilim ang mukha ni Callahan at hindi na siya nakikipagbiruan sa kanyang kausap. Dahil madalim ang paligid ay madaling mapansin ang pagliwanag ng kanyang mga mata. Hudyat na handa na niyang gamitin ang kanyang abilidad. “You’re wasting my time, and I forgot something. Sharpen your senses because I can kill you anytime in surprise because you killed my father,” punong-puno ng pagbabantang sambit ni Callahan at agad na niya itong iniwan si Famuya sa kanyang kinatatayuan.

Punong-puno ng pagtataka ang kanyang mukha dahil sa babala ni Callahan sa kanya. Agad kong tinanong si Callahan kung matagal na ba silang mayroong hindi pagkakaintindihan. Sagot naman sa akin ni Callahan ay masyado raw naapakan ang pride ni Famuya. Matagal na raw kaseng naseserbisyo si Famuya para lang makaroon ng rangko sa CRYPTIC. Si Callahan daw ay naging Unit Captain sa isang iglap na walang kahirap-hirap kaya ganun nalang ang pagkagalit ni Famuya sa kanya.

Nang nakapasok kami sa loob ng Hexagon ay napatulala kaming lahat sa aming nakita. Ito ay napakagalanteng subsidiary base ng CRYPTIC. Sa mga kagamitan sa loob ay talagang ginastusan. Ang mga detalye ng nga estatwa at paintings ay mayroong malaking presyo. Ang nagpasilaw sa aming mga paningin ay ang malaking chandelier sa ibabaw ng kisame. Kung hindi ako nagkakamali ay yari iyon sa totoong ginto.

“Alam ng CRYPTIC kung sino sa amin ang magtatangkang magnakaw ng parte ng chandelier,” sambit ni Callahan.

“Paano?” tanong ni Reynard at agad na mayroong tinuro si si Callahan sa kanang parte ng bulwagan. Mga surveillance cameras. Itinuro rin ni Callahan ang isang device malapit sa Chandelier. Isang device na mayroong sensitibong pakiramdam. Kaya nitong maramdaman ang presensya ng taong may balak na lumapit sa chandelier. Kapag na-detect ng device ang presensya ng tao ay agad itong magbibigay ng hudyat sa mother system ng Hexagon at mapapasailalim sa lockdown ang buong gusali.

“Bakit naman naisipang lagyan ng gintong chandelier ang Hexagon kung makakapukaw iyon ng tukso?” tanong ni Christine.

“Our general loves to brag that he’s rich.”

Thank you for reading :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top