“Picture”
PINAPAPAPILI ako ni Henry kanina kung gusto kong sumali sa HEADQUARTERS para pabagsakin ang CRYPTIC. Kung papayag ako sa kanyang alok ay tutulungan niya akong makaiwas at makatakas sa humahabol sa aking mga CRYPTIC. Tutulungan din niya akong makuha ang tracker tattoo sa aking pulso. Kung tatanggihan ko naman ang alok niya ay hahayaan niya kaming habulin ng CRYPTIC. Dahil mayroong pagkaka-utang na loob sakin ni Henry matapos ko siyang maligtas sa CRYPTIC ay maluwag sa kanyang loob na tulungan kaming mahanap ang Tykes Syndicate. Ang kagustuhang tumulong sa akin ni Henry ay bukal sa kanyang loob at hindi konektado sa kanyang inaalok. Hindi ko naman siya pinipilit na tumulong sa amin. Kusang loob naman niyang sinabi iyon.
“Okay. Let’s everything clear here,” Henry said after he cleared his throat, “I will help you to find this group syndicate but after I accomplished my debt to you.” He stopped and he gave me a death stare. “You will answer my offer. Accept it or Decline it.”
“Deal,” sagot ko at nakipagkamay ako sa kanya.
Nasa 9:23 na ng umaga nang matapos ang aming pag-uusap. Ang aming problema ngayon ay kung paano namin mahahanap ang Tiyo ni Christine kung walang litrato. Hindi rin naman niya kayang iguhit ang hubog at hugis ng mukha ng kanyang Tiyo kaya narito kami ngayon, naghihintay ng paraan.
We were just sitting in our respective area on Henry’s couch. Trying to make eye contact to each other, and still waiting for someone to break the silence. Every second was important, and here we are. No one tried to do any action to end our mission. My thoughts scattered inside my brain, and I still didn't know what to do. Maybe I was wrong by insisting this revenge?
“I think I have a picture of him.” All eyes darted to Cobb.
“You do?”
“Yeah,” he smiled after he said that, “But…” His sweet smile morphed into disappointed smile.
“But what?” I asked again.
“It was burned together with the apartment.”
Our high hopes vanished as he spitted those words. Why he said that information if it is worthless? He should had zip his mouth the whole time, but he didn’t, he continued what he was saying.
“But…” He just gave us another hope by saying that one single word. “I know someone who can help us.”
***
DINALA kami ni Cobb sa tahimik na lugar. Ito ay hindi gaanong malayo sa siyudad pero walang golden troops sa paligid na nagpapatrolya. Mayroon namang iilang mga taong naglalakad sa gilid ng kalsada pero iba ang atmospera sa lugar na ito. Tila walang pakialam ang bawat isa. Kanya-kanyang mundo kumbaga. Pumasok kami sa isang makitid na eskinitang yari sa pulang bricks at puting sandstones. Bawat pader ay mayroong mga graffiti na nagsasabi na umalis na habang may oras pa. May nakasulat ding graffiti na nagsasabi ng GET OUT at DÉJAME SALIR.
Marami rin na lumot sa bawat pader at mga kalawang na natuyo mula sa mga lumang yero sa itaas. Rinig din sa buong eskinita ang mga tunog ng mga daga na naghahabulan sa paligid. Hindi naman gaanong makitid ang daan pero dahil lima ang aming bilang ay pa-isa-isa kaming pumasok sa loob hanggang sa tumapat sa aming mga mukha ang isang lumang pinto.
Kinatok ni Cobb ang pinto at biglang bumukas ito at nakita naming lahat ang isang lalaking malaki ang pangangatawan at balbas-sarado ang mukha. Matikas kung gumalaw at parang lumalamon ng tao kapag tumingin sa aming mga mata. Nanlambot naman ang mga tuhod ni Reynard sa takot at agad ko siyang hinatak papunta sa aking likuran.
“Hi, buddy,” magiliw na pambungad niya sa lalaki at lumingon sa aming direksyon, “You are also my buddy,” sabi nito sa akin at ngumiti muli.
Agad kaming pinapasok sa loob at nakakapanlinlang ang lugar na ito mula sa labas. Sa labas ay mukhang napakaluma na ang lugar pero nang nakapasok kami sa loob ay halos daig pa nito ang mga bahay ng mga elite family sa buong Central City. Napakalawak ang espasyo sa loob nakaparada sa loob ang iba’t ibang klase ng mamahaling mga sasakyan. Sa gitna ng lugar ay mayroong isang jacuzzi at katabi nito ang isang estante ng mga alak. Hindi ko na pinagpatuloy ang aking pagmamasid sa paligid nang tinawag ako ni Cobb.
Pumasok kami sa isang silid at nadatnan ko sa loob ang mga kasama kong nakaupo sa magarang sofa.
Isang magandang babae ang mayroong dalang mga pampalamig at binigay sa amin isa-isa. Binulungan ni Cobb ang lalaking bumukas ng pinto kanina at agad namang umalis ang lalaki. Ilang saglit lang ay bumalik ang lalaki at mayroon na siyang kasama na isa pang lalaki. Nakasuot iyon ng isang suit na kulay ginto at mayroong desinyo ng balat ng isang jaguar.
Binaba niya ang kanyang suot na sunglasses at agad na kinumpas ang mga kamay nito habang binabati kami isa-isa.
“Welcome. Welcome to my humble home. Please make yourselves comfortable,” nakangising sabi ng lalaking magara ang suot. Nang nagtama ang mga paningin niya kay Cobb ay mas lalong lumapad ang kanyang mga labi at agad na niyakap si Cobb. “Buddy? Kumusta ka na. Nagawa mo na ba ang misyon?”
“Yun nga ang pinunta ko sa iyo.”
Napakunot naman ng noo ang lalaking nakasuot ng suit matapos iyong sabihin ni Cobb.
“W-What do you mean?”
Bago pa sinagot ni Cobb ang kanyang tanong ay pinakilala muna kami ni Cobb isa-isa sa lalaki.
“No way. This is the heiress of Dragomiroff Family?” nakatulala niyang sabi at agad na hinugot ang kamay ni Christine at mabilis iyong hinalikan. Nandiri naman ang mukha ni Christine dahil sa kanyang ginawa, “Let me introduce myself. I am Villrouce Willman. One of your father’s friend. Did you forget me? Well. Maliit ka palang kase nang mga panahong bumibisita ako sa inyong mansyon para maglaro ng billiards o golf.”
“Kilala mo po ang aking Ama?” marahang tanong ni Christine.
“Yes, My Darling. In fact, he is my friend during our college years. Pero nang mabalitaan ko ang pagkamatay niya ay labis akong nalungkot. Pero nang malaman kong buhay ka ay labis akong natuwa dahil mababawi mo ang para sa iyo.”
Matapos niyang sabihin iyon ay kulang nalang ay tumalon siya sa kanyang naramdamang kasiyahan. Nagkatitigan nalang kaming lima sa kanyang naging reaksyon. Sinimulan namang tinanong ni Christine si Villrouce kung bakit nasa tagong lugar nakatayo ang kanyang mansyon at ang sagot naman ng lalaki ay hindi niya ito mansyon. Ito lang daw ang lugar kung saan pinagdiriwang o pinagdadausan ng bidding war na kinabibilangan ng mga tanyag at mayayamang tao sa loob ng Central City. Hindi na tinuloy ni Christine ang tanong na kung legal o illegal ba ang kanilang ginagawa at binago niya ito sa tanong na kung bakit magkakilala sila ni Cobb Thyme.
Sagot naman ni Villrouce sa kanya ay siya raw ang nagbigay ng misyon kay Cobb na hanapin si Christine. Pero ang pinagtaka ng lahat ay sinabi ni Cobb na pinagbabawal sa kanya na magtanong kung sino ang nagbigay ng misyon sa kanya. Pagdedepensa naman ni Cobb ay natakot siya kay Christine at masyado raw mabilis ang pangyayari kaya sinabi niya ang mga bagay na iyon.
“You lied to us. How can we trust you?” masungit na sabi ni Christine sa kanya.
Nakataas ang mga kamay ni Cobb habang tinitignan si Christine. Nagmistulang isa siyang tampalasan na sumusuko sa mga awtoridad.
“I-I’m so sorry. Tinakot mo kase ako. The most important thing is we have a picture of your Uncle,” nanginginig na sabi ni Cobb.
Inalis naman ni Christine ang talim ng kanyang paningin kay Cobb at tumingin ng malalim kay Villrouce. Agad namang kinabahan ang lalaki at mayroong hinugot sa kanyang bulsa at pinatong sa lamesa katabi ng mga pampalamig na binigay sa amin kanina ng babae.
“That is your Uncle,” sambit ni Villrouce at agad namang ngumiti, “Nabanggit kase kanina sa akin ni Cobb na kailangan niyo raw ng litrato para mahanap ang kinaroroonan ni Syven.”
Tinignan naming lahat ang lalaking nasa litrato at puti na ang buhok nito at balbas sarado ang mukha. Masyado siyang eleganteng tignan at mukhang hindi siya tinatablan ng katandaan. Lusot ang mga mata at mapanuklaw ang kanyang tingin. Hindi na kami nagulat kung bakit ganoon ang kanyang mukha dahil sarili niyang pinsan ay nakaya niyang paslangin.
“A slippery fish and a cold-blooded killer,” paglalarawan ni Villrouce.
“Kilala mo po ba siya?” tanong ni Henry kay Villrouce. Agad namang napako ang tingin ng lahat kay Henry dahil sa pagbasag niya sa kanyang katahimikan.
“Y-yes. Bakit mo naman naitanong?” nakangising tanong nito habang pinagpapawisan ng matindi. Habang tumatagal ay mukhang nagbabago ang ihip ng hangin sa loob. Mukhang hindi ko tuloy nagustuhan ang mga nangyayari.
“Hindi ko na pala kailangang gamitin ang aking abilidad para mahanap ang lalaking pumaslang sa kanyang Ama,” sabay tinuro si Christine sa kabilang parte ng sofa, “Ngayong alam naming kilala mo ang kanyang tiyo ay ikaw na mismo ang magtuturo sa amin kung nasaan ang kanyang lungga para matapos na ang problemang ito.”
“I’m a very busy person—”
“Aren’t we all?” sarkastikong tanong ni Henry sa kanya.
Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Villrouce at agad na sumenyas sa kasama niyang mga lalaking malaki ang pangangatawan at mayroon siyang hinugot sa kanyang likuran at tinutok sa bawat isa sa amin.
“Mr. Willman, What is this—” Hindi na nagawang ipagpatuloy ni Cobb ang kanyang sinasabi nang bigla siyang binaril ng tranquilizer gun. Nawalan ito ng malay at mabuti nalang ay nasalo ni Christine ang kanyang ulo sa pagkakahulog nito sa sahig.
All of us were left in shocked, and the guy who shot Cobb pulled back the hammer of his gun, and it created a dramatic gun cock sound that made us terrified. One wrong move and we would lose our conscious. One wrong move and it would the end of us. I didn't know what went wrong. I thought Villrouce was in our side but why he was doing this?
“Sleep now. We will talk later!” Villrouce said and he gave a cue to his companion and he automatically shot us one by one by his tranquilizing gun.
***
It was a hard day for me to stay awake in the middle of night inside the E.H. Laboratory. I could barely hear their conversation about their plan to escape here. They were all in the other room doing a meeting, and everyone was suggesting and participating to their plan. It was led by Geek. He recruited immunes by assembling them through air ventilator.
I was not sure how many immunes are there. If they plan failed, they would face consequences. I attempted to join their group, but I held myself not to do it. Kapag malalaman ng CRYPTIC ang binabalak nila ay paniguradong kamatayan ang hantungan nila. Hindi rin ako nakakasigurado na hindi naririnig ng CRYPTIC ang kanilang pinag-uusapan dahil sa tracker tattoo na nasa aming mga pulso.
Ang mabuting gawin lang sa lugar na ito ay ang sundin ang pinaggagawa ng CRYPTIC. Tanggapin nalang namin na wala ng natitirang pag-asa sa aming lahat na makakaalis pa sa lugar na ito.
Si Erso Hallick ang lalaking namamahala sa lugar na ito. Mayroon siyang gustong gawin na hindi pa nagagawa ng sino man. Gusto niyang eksperimentuhan ang aming mga katawan pero hindi ko alam kung ano ang gagawin niya. Ang ginawa lang namin sa buong maghapon ay ang mag ehersisyo sa Training Gym ng E.H. Lab para makuha ang ideal measurements para makayanan ng aming katawan ang eksperimento.
Sa ilang linggo kong pananatili sa lugar na ito ay wala akong naging kaibigan. Hindi naman ako yung tipo ng tao na umuunang nakikipagkaibigan. Mas mabuti pang manahimik sa isang sulok kaysa makipag-usap sa ibang immunes. Kahit sarado ang aking bibig ay bukas naman ang aking mga tenga.
“Maraming bantay ang nakapaligid sa buong Laboratoryo kaya ang plano ko ay ganito,” sabi ni Geek at mas tinalasan ko ang aking pandinig sa susunod niyang sasabihin, “… at ito na ang plano. Bukas ay gagawa ng eksena sina Mark at Larry sa loob ng Cafeteria…”
Agad namang lumaki ang aking mga mata sa aking narinig. Hindi ko lubos akalain na gagawin nila ang paraang iyon para lang makatakas sa lugar na ito. Hindi talaga nila alam na mayroong naririnig sa kanilang pag-uusap. Kung kukunin kong pagkakataon ang aking natuklasan ay makikipag-ugnayan ako kay Erso at gagawa ng kasunduan na kung sasabihin ko sa kanya ang plano nila ay ang kapalit ay ang aking kalayaan. Pero mas pinili kong huwag makialam. Naisip ko kase na kapag makalabas ako sa lugar na ito ay wala naman akong mapupuntahan.
Wala na ang aking mga magulang dahil pinaslang sila ng CRYPTIC. Wala na rin saysay kung mananatiling buhay sa labas ng Laboratoryo. At isa pa ay bakit ko tutulungan si Erso Hallick? Siya lang naman ang taong pumaslang sa aking mga magulang. Kinamumuhian ko ang lalaking iyon. Ang gagawin ko nalang sa gabing ito ay matulog ng mahimbing at magkunwaring walang narinig at bahala na sila sa kanilang gagawin bukas.
Thank you for reading :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top