Chapter 55

Chapter 55

"Good morning," sabi ni Nikolai sa akin.

"Good morning," sagot ko habang naka-yakap pa rin sa kanya.

Dalawang linggo na kami sa beach. Akala ko magsasawa ako, pero mali pala ako roon. Nung una, medyo nanibago ako dahil nasanay ako sa Maynila na kahit saan ako tumingin ay may tao, sasakyan, at alikabok. Dito sa beach? Magigising ka dahil sa sinag ng araw at kasama mo sa umagahan iyong bawat hampas ng alon sa dalampasigan.

Ayoko na bumalik sa Maynila tuloy.

"Wala na tayong pagkain," sabi ko kay Nikolai para ipaalala sa kanya na kailangan naming pumunta sa palengke. Iyong dala ko nung unang punta namin dito ay tumagal naman ng isang linggo. So, last week ay nagpunta kami sa palengke para mamili. Tawang-tawa ako sa reaksyon ng mga babae kay Nikolai. Ni hindi man lang nag-effort na sumulyap, e! Talagang titig na titig.

"We have food," sabi niya habang guma-gapang pababa iyong kamay papunta sa gitna ng mga hita ko.

"Time out muna today, please."

Natawa siya. "Why?"

"Why ka d'yan? Feeling ko may laceration na iyong pekpek ko dahil sa 'yo!"

Sobrang lumakas iyong pagtawa niya. "What?"

"Wag kasing araw-araw! 'Di naman tatakbo 'yung pekpek ko!"

"Stop."

"Stop mo mukha mo. Tumayo na tayo para maka-pili tayo ng bibilhin natin," sabi ko pagkatapos pilit na umalis sa pagkaka-yakap niya at tumayo para dumiretso sa CR.

Ang ganda nung na-book ko na rest house. Sabi sa site, boho inspired daw, pero ang pinaka-nagustuhan ko ay beach front siya. Ang saya-saya kaya na paglabas mo pa lang, beach na agad iyong makikita mo. Actually, dito ata napunta iyong isang buwan na sweldo ko, pero keri lang. Sa dami ba naman ng ginawa para sa akin ni Nikolai, kulang na kulang pa 'to.

Ni-lock ko iyong pinto dahil sigurado ako na papasukin ako ni Nikolai at sasabayan maligo. Kapag ganyan, sigurado ako na mamaya pa kami matatapos dahil bawat sulok ata ng katawan ko ay sasabunin niya.

"Bilisan mo," sabi ko sa kanya paglabas ko.

"Why?"

"Iyong pagkain nga natin! Bahala ka kapag 'di na fresh iyong kakainin natin!"

"Fine, fine."

"Wag ka na magmilagro d'yan sa CR. Maligo ka lang."

"Why don't you join me to make sure that I won't do anything?"

Sinamaan ko siya ng tingin, pero tinawanan niya lang ako bago siya dumiretso sa CR. Grabe... hindi talaga ako magsasawa sa view! Ang sarap kaya makita sa umaga si Nikolai na naka-boxers lang (minsan nga wala pa) tapos gulu-gulo iyong buhok at bagong gising.

Paglabas niya ng CR, naka-sabit lang sa bewang niya iyong dark blue na tuwalya.

"What?" natatawang sabi niya habang naka-tingin ako sa kanya.

"May naalala ako."

"What?" tanong niya habang kinukuha iyong maliit na tuwalya at tinu-tuyo iyong buhok niya.

"So, technically, ang pangalan ko ay Jerusha Leigh Gomez de Liaño," sabi ko at saka tumango siya. Tumayo ako mula sa pagkaka-upo sa kama namin at lumapit sa kanya. Inarko ko iyong kilay ko. "Sa tingin mo kasya pa rin iyong buong pangalan ko?"

Bahagyang kumunot ang noo niya. "What?"

Inabot ko iyong tuwalya at kinalas iyon kaya nalaglag sa sahig. "Iyong pangalan ko. Sabi mo ipapa-tattoo mo dito," sabi ko sabay hawak habang naka-tingin pa rin sa kanya.

Napaawang iyong labi ni Nikolai. "Jersey, please," sabi niya habang nagsisimula ng lumalim ang paghinga. "I thought we still need to go to the palenge?"

"Oo nga," sabi ko habang unti-unting binibilisan ang paghagod. "Naka-ready na kaya ako. Nagtatanong lang naman."

"Stop," mahinang sabi niya. "I thought we're giving Jersey Jr. a break."

Napa-kagat ako sa labi para pigilan iyong pagtawa ko. Tangina talaga 'to! Minsan kapag gusto ko ng sexy time, biglang kung anu-ano sasabihin tapos tatawa na lang ako.

Naglakad si Nikolai at parang may hinahanap. Tumigil siya at binuksan iyong drawer. Bumalik siya at inabot sa akin iyong pentel pen.

"I think we can still do that, but you have to write in small letters," sabi niya habang hawak iyong ano niya. Naka-patong iyon sa palad niya at para bang naka-handa na para sulatan ko iyong gilid.

Minsan talaga hindi ko alam kung ano ang ginagawa naming dalawa.

"What?" tanong niya nung hindi ako gumalaw.

"Susulatan ko nga?"

"I mean, yes? It's not like my buddy would go in you today."

Umirap ako. "Arte nito! One day break lang naman! Akala mo naman ginu-gutom!"

Humalakhak siya. "Not complaining here, Ga. One hole's in rest, but I still have 2 other holes as options. And I'm very creative—I can find other options. For example, you can have your legs closed—"

Napaawang ang labi ko. "Tangina ka talaga."

Ang lakas ng tawa niya. "Just laying down the options!"

"Gago ka, feeling ko lalo akong dumu-dumi dahil sa 'yo," sabi ko sa kanya at nagtalo lang kami hanggang maka-rating kami sa sakayan ng tricycle. Napaka-bastos talaga nito!

* * *

"Ang tagal mo naman," sabi ko kay Rory.

Nang maka-balik kami sa Manila, sandali lang din. Nagtravel kami ni Nikolai sa Cambodia tapos umuwi rin. Tapos umalis ulit kami. Paulit-ulit lang. Nagta-trabaho pa rin kami bilang abogado pero nakapagnegotiate kami ng arrangement na flexible location kami at puro via video conference iyong initial interviews. Pero kapag kailangan naman kami on location, umuuwi naman talaga kami lalo na if kailangan ng court appearance.

Pero totoo nga iyong sinabi niya na magta-travel kami around the world.

"Beauty takes time."

"Patay na patay naman si Yago sa 'yo kahit wala kang make-up," sabi ko pero si gaga, patuloy lang sa pamimili kung anong shade ng lipstick ang gagamitin niya. Buti na lang walang reklamo si Nikolai sa akin! Jusko! Once pa lang ata ako nakita nun na naka-make-up—nung pinaka-unang meetup namin. The rest, wala ng make-up talaga.

Buti na lang flexible talaga ako.

"Lagyan kitang make-up, please?"

"Baka gabihin tayo."

"Gaga ka ba? Gabi naman talaga ang pamamanhikan."

"Ang layo ng Isabela."

"Bayaan mo maghintay si Vito."

"Okay," sagot ko. Marami pang atraso sa akin si Vito kaya oo nga, maghintay siya d'yan.

Dahil bored na ata si Rory sa buhay niya, nilagyan niya ako ng kilay, lipgloss, tapos lalagyan niya dapat ako ng fake eyelash kaya lang todo reklamo ako na hindi ako maka-dilat kaya ang ending, tinanggal niya rin.

"Nagtanong na pala si Yago kay Mama," sabi ni Rory. Nasabi ko kasi kay Yago iyong sa problema namin tungkol sa bata... Ayaw namin pareho ni Nikolai ng anak at saka kahit gustuhin namin, hindi kaya nung life style namin na kung saan-saan kami pumupunta. Tapos biglang nasabi ni Yago na si Ellie, iyong isa pa naming kapatid, nasa boarding school. Kaso 4 years old pa lang si Henry, iyong anak ni Patricia. E minimum ng 5 years sa boarding school... so sabi ni Yago tatanungin niya raw si Tita Ylenna. Grabe, sobrang bait nun at saka ang ganda! Ewan ko ba sa tatay ko ano'ng problema at naghanap pa ng iba!

Nag-usap kami ni Rory at sabi niya, try namin ni Nikolai na pumunta sa Seattle next tutal palaboy naman daw kaming dalawa. Minsan, masarap din saktan 'to si Rory.

"Ga."

"Tara na," sabi ko kay Rory dahil narinig ko na iyong boses ni Nikolai. Akala mo baby na hindi mapakali kapag nawawala ako, e.

Paglabas namin, agad na napaawang iyong labi ni Nikolai.

"Ga..." sabi niya sa malanding tono.

"Please. 'Wag sa harap ko," nagmamakaawang sabi ni Yago.

"Arte. Ayan naman si Rory."

"Baby..." sabi ni Yago.

Nagmake-face ako. "Ew."

Inirapan ako ni Rory. "Arte? Baby lang. Kayo ngang dalawa kulang na lang kumuha kami ni Yago ng tent para lang bigyan kayo ng privacy."

"Grabe ka!"

"Bakit? Nung one time, sabi mo, Jersey, magCCR ka lang! Tapos biglang nagdadasal ka na pala."

Napaawang ang labi ko kasi napa-tingin ako kay Yago na parang gusto ko na lang lumubog sa kinatatayuan niya dahil naririnig niya ang sexcapades ng kapatid niya.

"How dare you! Sabi mo secret natin 'yun!" sabi ko kay Rory.

Nagtatalo kami ni Rory pero napatigil kami nang ma-realize namin na kami na lang iyong naiwan doon at wala na iyong mga gamit namin at nasa baba na pala.

"Bastos talaga nung dalawa na 'yun," sabi ni Rory.

"True ka d'yan, sister."

Nagtravel kami papunta sa Isabela para sa pamamanhikan ni Vito. Pambihira din kasi iyong pamilya ni Vito, hindi talaga pupunta! I mean, gets ko naman na hindi nila gusto si Assia kasi syempre sa point of view nila, nakulong iyong anak nila dahil kay Assia... pero hindi man lang nila sinubukan na kilalanin si Assia. Ang bait kaya nung tao! Ang hirap i-hate! Kahit na na-stress ako nung malaman ko na siya pala ang dahilan kung bakit attached si Nikolai sa Jollibee. Muntik na akong magselos, e. Kaya ngayon, mina-mind condition ko si Nikolai na maging loyal sa KFC.

"Sancho," sabi ko habang naka-hinto kami sa gas station para kumain at magstretch.

"Bakit?" sagot niya habang busy sa pagkain ng cup noodles.

"May irereto ako sa 'yo."

"Sino?" singit ni Rory na chismosa.

"Kaibigan ko."

"Ano'ng name?"

"Indie."

"Wait, si Independence?"

"Oo, kilala mo?"

"Oo!" sabi ni Rory. "Small world! Grabe siya rin irereto ko kay Sancho!"

Sobrang na-excite kaming dalawa ni Rory na hindi namin napansin na iniwan na pala kami ni Sancho. Hotdog talaga kausap 'yun! 'Di ko gets bakit crush na crush ko siya noon. I mean... oo na, sobrang gwapo talaga. Pero minsan wala talaga kwenta kausap. Ang hilig bigla mawala!

Pagdating namin sa Isabela, halos hindi ko na maramdaman iyong legs ko. Kinuha namin iyong pagkain na mukhang maraming pinagdaanan dahil hindi na siya mukhang pagkain. Bahala na. It's the thought that counts.

"What—" naguguluhan na tanong ni Vito nang makita kami.

"We're here for pamamanhikan," sabi ni Nikolai. Mabuti na lang mahal ko siya kaya naiintindihan ko iyong mga ganitong nakaka-bulol na sinasabi niya.

"How... did you know?" tanong ni Vito.

"Assia and I talk," proud na sabi ni Nikolai. Hmp! Buti na lang love ko si Assia.

"Sabi niya kasi balitaan ko siya sa mga nangyayari sa 'yo sa kubo mo..." cute na cute na sagot ni Assia.

Napa-iling si Nikolai at tinapik ang balikat ni Vito. "Man, you lasted a year... I'm proud."

Pumasok kami sa bahay nila Assia. Sobrang bait ng family niya lalo na iyong tatay niya! Kaya hindi na rin ako nagtataka na buma-bait na talaga si Vito. Dati kasi sabi talaga ni Nikolai na sobrang ibang-iba raw ni Vito. As in 360 degree daw iyong pagbabago nung makilala niya si Assia. Bakit kaya ganon? Hindi naman bumait si Nikolai nang makilala ako. Weird.

Namanhikan si Vito tapos parang gago si Nikolai ang tumayong tatay niya. Sobrang gulo nila, pero okay lang. 'Di ko keri iyong nangyari before na walang nagsasalita sa kanila dahil pagod na sila sa lahat ng pangyayari.

After kumain, nag-ayos na sa labas ng lamesa at mga upuan. Na-stress din ako dahil may nakita akong lambanog! Jusko! Pumasok muna ako sa loob.

"Congrats, girl!" sabi ko nang makita ko si sister Assia.

"Salamat," sagot niya.

"Congrats!" sabi ni Rory. "To be honest, parang ibang tao si Vito kapag kasama ka niya. Sobrang good influence mo sa kanya."

Tumango ako. "Totoo! Kapag nasa paligid ka, akala mo kung sinong santo 'yang si Vito. Kapag sila lang lalaki, mukhang mga tanga," sabi ko tapos nagdagdag pa ako ng ibang kwento dahil part time basher talaga ako ni Vito.

"Ready ka na ba sa honeymoon niyo?" tanong ko.

Agad na nasamid si Assia. Tawang-tawa kaming dalawa ni Rory. Napaka-inosente talaga ng isang 'to! Jusko! Kawawa 'to sa honeymoon nila!

"Alam mo, minsan ang sarap lagyan ng tape niyang bibig mo?" sabi ni Rory bigla sa akin.

"Syempre kailangan prepared siya! Isipin mo law school pa lang, patay na patay na sa 'yo 'yang si Vito? Nako, Assia, sinasabi ko, kabahan ka na sa wedding night niyo! Pagkurap lang ang pahinga mo!"

"Gago ka, Jerusha! 'Wag mo ngang takutin!"

"Honest lang ako, sisteret. Kung ako sa 'yo, magstretch-stretch ka na ngayon pa lang. At uminom ka ng energy drink. Foreigner pa naman 'yang si Vito... Nako talaga, Assia... Good luck, girl."

Agad siyang napa-abot sa tubig. Tumawa kami ni Rory dahil matambak-tambak iyon dahil sa panginginig ng mga kamay niya.

"Wag kang matakot," sabi ni Rory. "Di ka naman papabayaan ni Vito, for sure."

"San na ba kayong dalawa? Naka-second base man lang ba ang manok ko?"

"Second base?"

"Boobs, ganon? Nadakma—"

"Jersey, ano ba!"

"Hey, the two of you. What did you do to the bride?" sabi ni Nikolai nang pumasok siya.

"Wala. Girls' talk," sagot ni Rory.

"Oh, come on, share!" sabi niya, pero dahil may girl's code kami kahit nilaglag ako ni Rory kanina, wala kaming sinabi sa kung paano namin inorient si Assia sa kung ano ang gagawin niya kay Vito sa wedding night nila.

Lumabas kami at nagsimula na silang uminom. Hindi ko alam kung saan nanggaling iyong gitara pero biglang naggitara si Sancho! Asar! Ayan, crush ko na naman siya!

"Assia, naging crush mo ba si Sancho?" tanong ko.

"Ha? Hindi... bakit?"

"Wala. Akala ko naging crush mo rin kasi naging crush namin siya ni Rory."

Tumingin si Assia kay Sancho tapos napa-iling. "Hindi, e... parang kapatid lang kami..."

"E kay Nikolai?" tanong ko.

Ang lakas ng tawa ni Rory. "Isaksak mo sa baga mo si Niko! Napaka-possessive nito!"

"Curious lang! Hindi ako magagalit, promise," sabi ko kay Assia habang kumakanta ng Your Song sila. Aba, 'di ko alam na alam nila 'yon!

Umiling si Assia. "Hindi, e... kasi nagpapagawa lang lagi sa akin si Niko ng digest niya dati."

Napaawang ang labi ko. Betrayal! Akala ko ako lang ang baba na pinagawa niya ng digest!

"Wag kang magselos..." sabi ni Assia. "May bayad 'yun... kailangan ko lang kasi ng pera nun..."

Agad na na-guilty ako. Bakit ba nagseselos ako sa babae na 'to? Literal na sobrang dami nilang pinagdaanan ni Vito.

"Hindi, ah," sabi ko.

"Sus," sabi ni Rory.

"Ang hater mo."

"Hindi kasi ako selosa."

"Hindi ka nga selosa, pero sabi ni Yago nananabunot ka raw sa parking lot."

Napaawang ang labi niya. "Hoy, Yago!" sabi niya at napa-tingin sa amin iyong mga lalaki.

"Assia, so ganito ang gagawin mo sa honeymoon," sabi ko habang inoorient ko ng step by step si Assia habang busy si Rory na pagalitan si Yago dahil napaka-daldal.

* * *

"You know what? We don't have kids, but I still feel like we have a son," sabi ni Nikolai habang nag-aayos kami ng gamit dahil ngayon lang kami nagka-time. Umuwi kami dahil sa nabalitaan namin na nangyari kay Sancho.

"Nahihirapan iyong tao."

"I know but—"

"Kasama mo ako; kasama ni Vito si Assia. Mag-isa lang si Sancho. Cut him some slack, okay?"

Napa-buntung-hininga si Nikolai. "I know... I'm sorry... but I worry about him. I worry that next time, he's gonna get himself killed."

"Hindi naman siguro. Baka magtanda na," sabi ko dahil naka-kulong ngayon si Sancho dahil sa kaso niya. Sobrang proud ako kina Nikolai at Vito... kung dati 'to nangyari, sigurado ako na ginawan na nila ng paraan para maka-alis si Sancho roon. Kahit si Sancho—kung dati siguro pumayag na siya na ilabas siya pero ngayon, tanggap niya sa sarili niya na may kasalanan siya na kailangang pagbayaran.

Ang layo na ng narating nila.

Namin.

"I hope so."

Tumabi ako sa kanya tapos niyakap siya. "Cancel na lang natin 'yung flight natin."

"Thank you."

"Bakit?"

"I treat my friends as my family... thank you for understanding that."

Hindi ako sumagot at niyakap na lang siya nang mahigpit. Pamilya rin naman ang turing ko sa kanila kahit basher ako ni Vito. Dati naiinis ako kasi sobrang lala talaga ni Nikolai as in todo suporta talaga siya sa friends niya tapos iyong friends niya hindi ganon... pero na-realize ko na hindi naman kasi requirement na ma-receive mo pabalik kung anuman ang binigay mo. Ganon lang talaga na tao si Nikolai—todo-bigay talaga. Sobrang generous talaga. Pero kapag nagalit siya, game over na talaga.

Hanggang ngayon, hindi pa rin sila nag-uusap ng nanay niya.

I guess she already made her choice.

Gusto ko man silang magka-ayos, hindi ko naman kayang ipilit.

Sana madala niya sa hukay 'yang pera niya.

Sa mga sumunod na araw, naging busy kami ni Nikolai para ayusin iyong mga trabaho namin. Hindi kami nag-abot ng ilang araw dahil may mga deadline na kailangang tapusin.

"Nikolai, ninakaw mo na naman iyon post-it ko!" sabi ko habang paikut-ikot ako sa condo para hanapin iyong post it ko dahil ginagamit ko iyon kapag may comment ako sa pleadings.

"It's on the dresser!"

"Bakit nasa dresser?"

Hindi sumagot si gago. Dumiretso ako sa kwarto namin at nakita ko na nandun nga iyong post-it sa dresser. Agad akong lumapit para kunin iyon pero napa-tigil ako nang makita ko iyong naka-sulat doon.

'Love each other even when we hate each other. Take care when old, senile, and smelly. And it's forever.'

Napa-awang iyong labi ko.

Bumilis ang tibok ng puso ko.

"Jerusha Leigh."

Nanginginig ang mga kamay ko habang lumilingon ako para makita siya. Rinig na rinig ko iyong tibok ng puso ko. Biglang nagtubig iyong mga mata ko nang makita kong naka-luhod siya at naka-tingin sa akin.

"We have the fucking worst timing. Life keeps on throwing tragedies after tragedies, but you know what? Fuck it. Let's get married. Please," sabi niya habang binu-buksan iyong box.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya.

"Nasaan iyong singsing? Gago ka ba?" tanong ko habang umiiyak kasi walang singsing sa box.

Kinagat niya iyong pangibabang-labi niya dahil natatawa siya sa akin. "Ga, remember I gave you a ring before but you lost it when we were scuba diving in Great Barrier Reef?"

"Gago, isusumbat mo pa rin? 'Di ko nga sinasadya," sabi ko habang umiiyak. Tanginang 'yan! Nasimulan na iyong luha ko! 'Di na 'to titigil!

"What? No," sabi niya na nagpapanic na. "You also said that it's a hassle to wear a ring."

"Kasi ang laki nung bato nung binigay mo. Mabigat sa daliri..." umiiyak na sabi ko pa rin.

"I know," sabi niya tapos tumayo na at hinawakan iyong pisngi ko tapos ay pinupunasan iyong mga epal kong luha.

"So, instead of the traditional ring, I figured we can just get a tattoo on our finger as our wedding ring?"

Kumunot ang noo ko. "Tattoo?"

"Yes. It's more permanent. And you won't lose it unless you lose your finger."

Sumimangot ako sa kanya. "Isang beses lang ako nawalan ng singsing, Nikolai! Isang beses lang!"

Tumawa siya at saka niyakap ako. "I love you."

Niyakap ko rin siya kahit labag sa loob. "I love you," sagot ko. "So, wala akong engagement ring? Masyado ka ng nakaka-tipid sa akin."

Ramdam ko iyong pagtawa niya. "I know you're going to say that, so instead, I have an engagement gift," sabi niya tapos ay may kinuha sa drawer na envelope at inabot sa akin.

Binuksan ko iyong envelope at agad na nanlaki ang mga mata ko.

"So... am I forgiven already?"

"Paano mo 'to nagawa?!"

Nagkibit-balikat siya. "It's just a studio tour, so I can't promise you'll see Dr. Jackson Avery," sabi niya na may kasamang irap.

Agad akong natawa. "Ang seloso!"

"The only thing he has that I don't are his blue eyes, okay?"

Pina-libot ko iyong mga braso ko sa leeg niya at tini-tigan siya.

"Nikolai Quentin Ferreira..." pagtawag ko habang pinapa-libot niya rin ang mga braso niya sa bewang ko. Naka-tingin lang ako sa kanya, pero para bang ramdam na ramdam ko iyong kaba niya sa paghihintay sa susunod kong sasabihin. "Mahal na mahal talaga kita. Pakasal na tayo," sabi ko bago tumingkayad para halikan siya.

**

This story is chapters ahead on Patreon (patreon.com/beeyotch). 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top