Chapter 54
Chapter 54
"Wait," sabi ko habang kinukuha ni Nikolai iyong susi ng sasakyan. Napa-hinto siya at agad na tumingin sa akin—bahagyang naka-kunot ang noo niya. "Sure kang hindi siya magagalit sa akin?"
"What? No," mabilis na sagot niya.
"Sure? As in sure na sure?"
Tumango siya. "You've already met Yago, right?"
Alangan na tumango ako. Nakasama ko naman na talaga siya pero once or twice lang ata? Kasi naman sa ibang bansa talaga naka-base iyon dati. Tapos nung umuwi naman siya, ang daming ganap.
Saka... syempre kahit pagbaliktarin man ang mundo, bunga pa rin ako ng pagloloko ng tatay niya.
Nang hindi ako naka-sagot, lumapit sa akin si Nikolai at hinawakan iyong magkabilang pisngi ko gamit ang mga kamat niya. Tumingin siya sa mga mata ko at ngumiti.
"You know how your relatives in the province suck big time?" tanong niya at agad akong tumango. "Well, I think Yago will be like God's way of saying... 'sorry for giving you annoying cousins.'"
Agad akong natawa. "Seryoso?"
Tumango siya. "Yes. You know, now that I think about it, you're his female version."
"Flexible din siya?"
Napaawang ang labi niya. "Ga!"
Tumawa ulit ako tapos nagpout at agad niya akong hinalikan. Pagkatapos ay kinurot niya iyong pisngi ko. "We'll go eat first and then go to his place, okay?"
Huminga ako nang malalim at saka tumango.
Pinakain muna ako ni Nikolai bago kami huminto sa parking ng isang building. Hanggang mapatay niya ang makina ay naka-hawak lang ako sa seatbelt ko.
"Punta ka kaya muna tapos sabihin mo iyong tungkol sa existence ko? Tapos kapag negative, balikan mo na lang ako rito?"
Tumingin siya sa akin. "You're really nervous?"
Tumango ako. "Kasi bukod sa 'yo, siya na lang iyong pamilya ko. Kaya paano kung ayaw niya sa 'kin?"
Hindi sumagot si Nikolai at hinawakan niya lang iyong pisngi ko. Nagpaalam siya sa akin na pupuntahan niya muna si Yago. Naiwan ako sa loob ng sasakyan niya. Sobrang kinakabahan ako kaya nilabas ko muna iyong cellphone ko at nanood ng isang episode ng Grey's Anatomy. Hindi ko naman alam kung gaano katagal iyong magiging pag-uusap nila. Baka magdeny pa si Yago na wala siyang kapatid. Baka mag-away pa sila at sabihin pa ni Yago na nagsisinungaling si Nikolai. Baka—
'Green light.'
'Ha?'
'He wants to meet you.'
Nanlaki ang mga mata ko. Hindi agad ako naka-reply. Tumawag si Nikolai sa akin. "Hey, come up," sabi niya.
"Seryoso?"
"Yes," sagot niya. "But please don't be alarmed if Yago looks disgusted. It's not about you, I swear."
"Bakit naman siya mukhang nandidiri?!"
Kahit wala si Nikolai sa harapan ko ay parang nakikita ko iyong pagtawa niya. "Because."
"Because?"
"Remember the first time we met?"
Agad na kumunot ang noo ko. "Oo nung—" sabi ko at agad na nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko. Fuck! Si Yago nga pala iyong namili sa akin para maging 'regalo' ni Nikolai! Oh my god! Tapos kapatid niya pala ako?!
"Oh my god."
"Right," sagot ni Nikolai. "Oh my god."
"Ayoko nang umakyat. Nakaka-hiya! Sinabi mo ba na wala namang nangyari?!"
"No."
"Nikolai!"
Humalakhak siya. "Let him suffer for a little," sabi niya. "Trust me, he deserves this," dugtong niya tapos ay may kinwento siya sa akin tungkol kay Yago at Sancho at sa pangyayari nung nasa high school pa sila. Naglakad na ako papasok sa building. Sobrang lalim ng paghinga ko habang nasa loob ako ng elevator at pinapanood iyong pag-akyat ng mga numero roon. Nang huminto ako sa floor, agad na nakita ko si Nikolai na nasa labas ng elevator, naka-tingin at naka-ngiti sa akin.
"Ready to meet your brother?"
Tumango ako. "Pero punyeta ka, sabihin mo na pinagawa mo lang ako ng digest nun!" sabi ko, pero si gago, tinawanan lang ako!
Hinawakan ni Nikolai iyong kamay ko habang naglalakad kami papunta sa unit ni Yago—or Kuya Yago ba? Ukinam ang gulo!
"Ready?"
Huminga ako nang malalim. "Okay, go."
Kumatok ng isang beses si Nikolai. Tapos ay tumingin sa akin at hinigpitan ang hawak sa kamay ko. Para akong malalagutan ng hininga nang bumukas ang pinto at nakita ko si Yago na naka-tayo sa harapan ko. Naka-tingin lang ako sa kanya, hindi alam ang gagawin. Ano ba kasi ang dapat gawin?! Magfist bump kami?! Magyakapan?! Mag-iyakan?! Magbond tungkol sa kung gaano kalandi ang tatay namin?!
"So... you're my sister."
"Half lang. 'Di tayo same ng nanay."
Napaawang iyong labi niya at natawa sa akin. Tumingin siya kay Nikolai. "Yeah... she's my sister."
"Thanks again for bringing her into my life."
Yago groaned. "Stop."
Tumawa si Nikolai. Ang sarap pakinggan ng tawa niya dahil parang ang tagal na talaga simula nung ganito lang siya... parang parati na puro problema lang. Kaya kung sasaya siya sa pagiging praning ni Yago sa kakaisip na literal na ni-regalo niya ang kapatid niya sa kaibigan niya, sige na.
Pumasok kami sa loob. Ang awkward na naka-upo lang ako sa couch tapos ay si Yago iyong nasa kabilang banda. Naka-tingin lang kami sa isa't-isa.
"Actually, hindi ako sure kung magkapatid ba talaga tayo. Si Nikolai lang ang source ko."
Napaawang ang labi ni Nikolai. "And why would I lie about that!"
Nagkibit balikat ako. "Aba, malay ko sa 'yo."
Tumawa si Yago. "No, I don't doubt it. I actually think na marami pa tayong kapatid."
Kumunot ang noo ko. "Seryoso?"
Tumango siya. "Yeah... unfortunately for us, our father's a philandering whore." Napa-kurap ako. "I mean, no offense, but that's really the correct term."
Tumango rin si Nikolai. "It's true, Ga. We once walked in on him and his secretary," sabi ni Nikolai.
Oh my god.
Tapos naghabol iyong nanay ko sa ganoong lalaki?!
Hindi ako naka-pagsalita. Biglang tumayo si Nikolai. "So... I'm going to buy food for us. Anything you want?" tanong niya sa akin pero umiling lang ako. Si Yago naman ay nagrequest pa ng kung anu-ano. Nagreklamo pa si Nikolai na ginawa raw siyang utusan ni Yago. Sabi naman ni Yago bakit pa siya nag-offer kung magrereklamo lang siya. Sabi naman ni Nikolai, formality lang daw at para sa akin lang daw talaga iyong offer. Tapos sa kung saan na napunta iyong pagtatalo nila at may sumbatan na sa kung sino iyong bumibili ng meryenda nila nung high school. 'Di ko gets kung paano kami umabot doon.
Nang maka-alis si Nikolai, naiwan kaming dalawa ni Yago.
"So..." sabi niya habang naka-tingin sa akin. "What do we talk about?"
"Hindi ko alam."
"You wanna know about our dad?"
"Hindi ko sure," sagot ko. "Pero... okay lang ba sa 'yo?"
"Na?"
"Na kapatid mo ako?"
"What? Of course. Why'd you ask that?"
"Kasi bigla lang akong sumulpot."
"Not really," sabi niya. "I told you—I know our dad. I wouldn't be surprised if we have a dozen of siblings we do not know about yet."
"So... okay lang talaga sa 'yo?"
Tumango siya. "Okay lang ba sa 'yo?" tanong niya.
"Na may kapatid ako? Aba, oo naman!"
Natawa siya. "Really?"
Muling tumango ako. "Nung bata kaya ako, wala akong kakampi kapag inaaway nila ako. Imagine kung nakilala na kita noon? Ipagtatanggol mo ba ako o walang kwentang kuya ka? Teka, kuya ba kita?"
Nag-usap kami ni Yago—mas matanda lang siya sa akin ng ilang buwan kaya weird kung tatawagin ko siya na kuya... Grabe! Buwan lang ang tanda niya sa akin! Ang landi pala talaga ng tatay namin!
Nagkwento si Yago tungkol sa tatay namin na lawyer daw iyon. Nagkwento rin siya tungkol sa pamilya ng tatay namin—iyong mga Gomez de Liaño. Tinanong ako ni Yago kung gusto ko raw ba na ipakilala ako sa kanila. Hindi ako agad sumagot. Sabi kasi niya, medyo kumplikado daw iyong pamilya na iyon kaya kahit siya, hindi masyadong close. Umiling muna ako. Hindi ko pa kaya iyong kumplikado. Hindi pa nga ako nakaka-recover sa pangyayari sa pamilya ni Nikolai at saka roon sa kaso ni Assia.
Gusto ko muna ng chill.
At beach.
"So? How was Yago?" tanong ni Nikolai habang pauwi na kami sa condo. Sa sobrang dami ng pinabili ni Yago, nang bumalik si Nikolai ay napag-usapan na namin iyong childhood ko. Para akong bata na nagsumbong sa kuya ko sa mga bata na nang-aaway sa akin. Tsk. Kung kuma-kain si Joana, malamang ay nabilaukan na siya dahil siya ang bida sa lahat ng sumbong ko!
"Okay naman..." sagot ko habang naka-tingin sa mga ilaw sa sasakyan sa harap namin. "Saka nagsorry pala siya."
"About?"
"Kasi mayaman iyong tatay namin pero lumaki ako sa hirap." Napa-tingin siya sa akin sa rearview mirror. Ngumiti lang ako kay Nikolai. "Pero okay lang. Sa tingin mo ba kung nakilala agad ako ni Yago, papatulan mo ako? E 'di ba best friend mo siya?"
"I'd definitely hit that," sabi niya habang naka-ngisi.
"Kahit mag-away kayo?"
"I think I wouldn't at first... but since we're really meant to be together, I'll give in at one point and then we'll try to hide our relationship from him and then he'll discover about us and then he'll get mad but eventually will realize that I'm really serious with you and then he'll forgive us."
Natawa ako. "Ano 'yan? Movie?!"
Humalakhak din siya. "Yeah. It's romcom. I think, at least in an alternate universe, we deserve a romcom storyline, don't you think?"
Tumango ako. "Pwede rin pero rated 18."
Ang lakas ng tawa ni Nikolai. "Your mind, Jersey."
* * *
Nang mga sumunod na araw ay naging busy ulit si Nikolai sa pag-aayos doon sa trust na iseset-up para sa pamilya nung mga namatayan... nakita na kasi iyong van. Sino ba kasing genius ang naka-isip nun? Feeling ba nila pwedeng mawala iyong 25 na tao at walang maghahanap sa kanila? Saang planeta sila naka-tira?
Kaya nitong mga naka-raang araw din ay pumunta kami sa mga burol at naki-ramay. Sobrang... nakaka-drain. Nakaka-pagod. Nakaka-ubos. Kahit na naka-tayo lang ako roon at sila Nikolai ang kuma-kausap sa pamilya, sobrang nakaka-ubos. Ang sakit sa loob tignan nung mga bata na wala ng tatay... na mga naiwan na asawa... sa mga magulang na magbuburol ng anak nila...
Bakit ba kasi kailangang umabot sa ganoon?
Para lang pagtakpan iyong kasalanan ng isang tao?
Buhay pa sila pero sinu-sunog na ang kaluluwa nila.
Nang matapos namin iyong huling burol, ni hindi na nag-usap iyong tatlo at dumiretso na lang sa kanya-kanyang sasakyan. Sobrang pagod na ni Nikolai kaya hindi na siya nagtanong sa akin nung kunin ko iyong susi sa kanya. Sinabi ko lang na pagod na siya at ako na ang magda-drive. Naka-tulog na rin siya. Sobrang napagod...
Nang magising siya ay agad na kumunot ang noo niya.
"Where... are we?" tanong niya habang nasa daan kami.
Saglit akong tumingin sa kanya at ngumisi. "On the way to the beach!"
Napa-kurap siya. "What?"
"Don't worry, naayos ko na lahat. Naka-patay na lahat sa condo natin tapos tingin ka sa likod, nandun na iyong mga gamit natin. Nagpa-reserve ako ng 1 month doon, pero kapag kailangan tayo sa Manila, nagsabi na ako kina Vito na magtext sa akin kapag sobrang emergency. Otherwise, tayong dalawa lang talaga. Dito na masusubok kung hindi ka talaga magsasawa sa akin."
Parang gulung-gulo pa rin siya. "Wait... you planned this?"
Tumango ako. "Gusto mo ng beach, 'di ba? So, magpupunta tayo sa beach."
Napaawang ang labi niya habang unti-unti siyang napa-ngiti. "Seriously. What have I ever done to deserve you?"
Ngumiti ako sa kanya. "Back at you, Ferreira. What have I done to deserve you, too?"
**
This story is chapters ahead on Patreon (patreon.com/beeyotch).
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top