Chapter 53

Chapter 53

Hindi agad ako naka-sagot sa tanong ni Nikolai. Hindi ko alam kung dapat bang magpakilala pa ako? Kasi... alam mo 'yun? Bigla na lang akong susulpot sa mundo niya? Na 'ay, hello! May kapatid ka!' Kung iyong sa tatay ko lang, keri lang kasi tatay ko naman iyon. Pero iyong sa kapatid? Unfair. Hindi niya naman ginusto na magkaroon ng kapatid. Paano kung ayaw niya pala? E 'di dagdag pa ako sa problema niya?

Pagka-uwi namin, pinilit ko si Nikolai na kumain kasi hindi pa siya kumakain buong araw. Sobrang nahihirapan ako na makita siya na ganito... Gusto lang naman nung tao na maka-tulong tapos ganito iyong mangyayari.

Bakit ba kasi maraming demonyong pakalat-kalat sa mundong ibabaw? Ang sasahol.

"Kumain ka na, please. Kahit soup na lang."

"I don't feel like eating."

"Kung hindi ka kakain, e 'di hindi rin ako kakain."

Tumingin siya sa akin. "Jersey—"

"Magkaka-sakit ka kapag hindi ka kumain. Hindi na rin ako kakain. In sickness and in health, 'di ba? E 'di sabay na tayong magka-sakit."

Napa-buntung-hininga siya bago niya inabot iyong kutsara at saka nagsimulang kumain. Tahimik lang kami habang kumakain. It was a nice change kumpara sa mga nangyari nitong mga naka-raang araw... para bang pati sa pagtulog ko ay sinusundan ako nung iyak ng mga pamilyang kausap namin... kahit sa panaginip ko ay nakikita ko iyong mga mukha nila Vito at Sancho na parang wala ng pag-asa.

"Jersey."

Agad akong napa-tingin sa kanya.

"About the kid..."

"Wala ba siyang ibang pamilya?"

Umiling siya. "His mom but—" sabi niya at agad na natigilan. "I really feel responsible..." dugtong niya. "But..." Tahimik akong naghintay sa sasabihin niya. Pero ilang saglit pa ang lumipas at wala akong narinig na kahit ano.

"Gusto mo bang... ampunin?" tanong ko dahil hindi ko alam kung saan papunta iyong sasabihin niya.

"I don't know... I don't really like kids..." Tumingin siyang diretso sa mga mata ko. "Do you want kids?"

Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko alam. Hindi ko makita iyong sarili ko bilang nanay. Hindi ko makita iyong sarili ko na may inaalagaan na bata. Selfish ba ako?"

"What? No," mabilis niyang sagot. Para ba siyang nabunutan ng tinik sa dibdib. "But thank god," sabi niya.

"Bakit?"

"Because I really don't like kids... I think I'll be the best uncle, best ninong, but I really can't see myself as a father. But if you want kids... of course I'll love our kids."

Naka-tingin kami sa mga mata ng isa't-isa.

"Are you sure you don't want kids?" tanong niya.

Umiling ako. "Ayoko. Sure ka rin ba na ayaw mo?"

"I don't want kids—I only want you."

Tumango ako. "Okay..." sabi ko. "So... tayong dalawa lang?" tanong ko. "Okay lang sa 'yo na tayong dalawa lang? Hindi ka mabobore na tayong dalawa lang?"

"What? No," sabi niya. "Life's never boring with you in it, Jersey. Besides, we can travel the world together. Live by the beach. I don't know. We can do a lot of things together, Ga."

Napa-hinga ako nang malalim.

"But if one day you change your mind—"

Umiling ako. "No, ayoko rin ng anak, Nikolai. Ang gulu-gulo ng mundo. Saka parang... gusto ko lang din gawin 'yung gusto mo. Gusto ko na lang din tumira sa beach. Gusto ko na lang ding magtravel. Gusto ko na lang din sumaya. Pero gusto ko ring magtrabaho, so kailangan mong gawan ng paraan iyon," sabi ko at natawa siya.

"Of course," sagot niya. Pero mabilis na napaawang iyong labi niya. "But... the kid."

Inabot ko iyong kamay niya at hinawakan nang mahigpit. "Hindi ko rin alam... pero kung anuman ang mapagdesisyunan mo, iyon ang gagawin natin, okay?" sabi ko sa kanya at pagod na nginitian niya ako.

* * *

Ilang araw pa ang lumipas na wala pa ring balita sa kung nasaan talaga iyong van. Laging magkakasama sina Vito at Nikolai para pag-usapan kung paano ang mangyayari. Ang plano syempre magsasampa ng kaso laban sa mga Villamontes dahil sa nangyari na ambush... but that would take a lot of time. Ganyan naman kasi talaga—akala ng ibang tao, simple lang ang paghahabla. Hindi nila alam na ang daming kaso na inaabot ng taon... kasi maraming pera pangdelay iyong mga mayayaman. Hanggang sa maubos na lang iyong pera nung biktima, wala pang hustisya na nakakamit.

Pero kay Tali?

Sigurado ako na hindi siya titigil hanggang hindi sila nagbabayad sa ginawa nila. Dapat lang. Tangina nila—ilang pamilya iyong tinanggalan nila ng tatay, anak, asawa! Pati sila Vito na sobrang na-traumatize sa ginawa nila.

"I trust Tali," sabi ni Vito. "She'll win the case."

"I know," tahimik na sagot ni Nikolai.

Naka-tingin lang ako sa kanilang dalawa habang nag-uusap. As usual, wala si Sancho. Nag-aalala ako sa isang 'yon. Hindi maka-usap nang maayos.

"But we also know that they'll drag this case for as long as they can."

"I know," muling sagot ni Nikolai.

"And I doubt if they'll pay the reparations."

"They won't."

Tumango si Vito. "So, I'll pay."

"I'll help."

"No," sabi ni Vito. "This is my fault—"

"This is all our fault," mabilis na sagot ni Nikolai. "We're the ones who hired them, so it's all our fault."

Napa-hilamos ng kamay sa mukha si Vito. Gusto ko na lang silang yakaping dalawa dahil parang pagud na pagod na sila at gusto na lang nilang matapos lahat.

"How's Assia?" tanong ni Nikolai.

"Her dad said she's—" Napa-hinto siya. "She's not okay."

Tipid na tumango si Nikolai. "I still have some money left in my trust fund," simpleng sabi ni Nikolai. "Can we arrange for the kids to have scholarships? And I don't know... help them start business? Just to make sure that they'll be well taken cared of."

Tumango si Vito. "Yes, I already talked to the lawyer about setting up a trust for each of them."

Nagpatuloy pa sila sa pag-uusap sa kung paano iyong mangyayari sa naiwan na pamilya. Nandun lang ako sa isang gilid at tinatapos iyong mga pending turn over ko sa trabaho. Nagpasa na ako ng one month notice sa kanila. Desidido na ako na pagnaayos na iyong dito, aalis kami ni Nikolai. Dadalhin ko siya sa beach. Kailangan niyang maka-hinga.

Nang maka-alis si Vito, agad na lumapit sa akin si Nikolai.

"I'm sorry for dragging you into this."

Kumunot ang noo ko. "Baliw."

"You should be focusing on your career."

"Hindi naman tatakbo iyong trabaho," sagot ko sa kanya. "Hindi naman nauubos ang mga tao na gagawa ng krimen, iyong mga gustong magdemanda. So, 'wag mo akong isipin, okay? Okay lang ako."

Nagbuntung-hininga siya.

Isinara ko iyong laptop at saka niyakap siya nang mahigpit.

"I love you," bulong ko sa kanya.

Niyakap niya rin ako. "I love you," sagot niya.

"After nito, dadalhin kita sa beach."

"Really?"

"Naka-hanap na ako," sabi ko.

"Where?"

"Sa Patar sa Bolinao," sagot ko. "Halos West Philippine Sea na raw 'yun. Ayaw mo nun? Halos paalis na tayo ng Pilipinas?"

Natawa siya. "White sand?"

"Yes. And clear water."

"Are we going to be alone?"

"May nakita akong private property na beach front, so yes, tayong dalawa lang."

Hinigpitan niya iyong yakap sa akin.

"Can't wait."

"I love you," sagot ko tapos ay nagvibrate na naman iyong cellphone niya. "Hindi mo pa rin kinakausap?"

"What for?"

Hindi ako sumagot. Simula kasi nung nangyari iyong sa van, araw-araw na tumatawag iyong nanay niya. Nagtry din pumunta rito, pero hindi siya nilabas ni Nikolai. Seryoso talaga siya nung sinabi niya na hanggang hindi umaamin iyong nanay niya sa lahat ng kasalanan na ginawa niya, hindi niya kakausapin.

After ng lahat ng nangyari, the last thing Nikolai would want was to be with his mom. She'll be a constant reminder of everything Nikolai wanted to forget.

"Okay," sabi ko. "Ano'ng gusto mong kainin?"

"You."

"Gago," sagot ko at natawa siya. Nakaka-miss iyong tawa niya. Puro kunot-noo lang ang nakikita ko lately. "Ano'ng pagkain kasi?"

"The one between your legs."

"Ang horny naman."

Humalakhak siya tapos ay hinila ako patayo. "It's been a while," sabi niya habang hina-hatak ako papunta sa kwarto. "Come on, I know you missed it, too."

Umirap ako. "Gago, feeling mo ang easy ko?"

"Never," mabilis na sagot niya. "But... please?" parang bata na sabi niya. Natawa ako.

"Isa pa nga."

Umirap siya. "Please? Please ride my dick?"

"Pag-iisipan ko."

Tinaasan niya ako ng kilay. "You don't want sex? You don't miss my dick? Really now, Jerusha Leigh?"

Umirap akong muli. "Gago ka talaga," sabi ko bago ko siya hinatak papunta sa kwarto.

* * *

Tahimik akong nagta-trabaho nang may magdoorbell. Agad na kumunot ang noo ko dahil may susi naman si Nikolai. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na iyong nanay niya iyong nandoon. Hindi ko alam kung papapasukin ko ba siya kasi ang bilin ni Nikolai, 'wag akong magpapapasok nang hindi ko kakilala! Pero hindi naman niya siguro ako papatayin?

Leche.

Bahala na nga.

Nagtext muna ako kay Shanelle na nandito iyong nanay ni Nikolai para kung mawala man ako bigla, may clue na sila.

"Wala po si Nikolai rito," bungad ko nang buksan ko ang pinto.

"I know." Napa-kurap ako. "I'm here to talk to you."

Hindi ako nagsalita kasi wala naman akong sasabihin sa kanya. Ano'ng sasabihin ko? Thank you dahil sa underground business mo kaya ako nabuo? Kung hindi dahil sa krimen mo, wala ako sa mundo ngayon?

"I know you can convince my son to talk to me."

Napaawang ang labi ko. "Seryoso po ba kayo?"

"He's my son."

"Matanda na 'yung anak niyo, Ma'am. May sariling desisyon 'yun. So, kung feeling niyo kaya ko siyang kumbinsihin para kausapin kayo? Baka hindi mo talaga siya kilala."

Nakita ko iyong galit at pagka-bigla sa mga mata niya. Ito ba talaga iyong siya? Bakit hindi ko 'to nakita dati? Sabagay... kung si Nikolai nga na anak niya, hindi alam, e... Ako pa kaya?

"Kung gusto niyong kausapin kayo, alam niyo naman kung ano iyong gusto niyang gawin niyo."

"And you think it's that easy?"

Umiling ako. "Hindi naman ako bata—alam ko naman na kumplikado... pero pinasok niyo 'yan, e. Desisyon mo... at desisyon din ng anak mo na ayaw niyang madamay sa ginagawa mo."

"Aren't you a fucking hypocrite? Everything you're enjoying, that's from everything I worked hard for."

"Ikaw? Ikaw ba iyong kinuhanan ng internal organ? Ikaw ba iyong binenta para sa isang gabi sa mga mayayaman? Hindi naman po, 'di ba? So, bakit ako magkaka-utang na loob sa 'yo?"

Hinawakan ko iyong mga kamay ko para mapigilan ang panginginig. Kahit nasa harapan ko lang siya ay sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko.

"Alam ko po na kahit... ganyan ka, mahal mo iyong anak mo. Pero pasensya na po kasi ilang beses ko na ring tinanong si Nikolai... At sa palagay ko po, kalimutan niyo na lang na may anak kayo."

Napaawang iyong labi niya.

"Sana masaya po kayo—na parehong asawa at anak niyo, ayaw sa inyo."

Tumayo ako at pumunta sa pinto at binuksan iyon. "Malapit na pong umuwi si Nikolai. Baka mag-abot pa kayo," sabi ko. Panay ang paghinga ko nang malalim habang hinihintay ang susunod niyang gagawin. Halos mapa-upo ako nang maglakad siya palapit sa akin. Halos mahigit ko ang hininga ko nang huminto siya sa tapat ko.

"Tell him to answer my call," sabi niya bago siya tuluyang umalis.

* * *

Naabutan ako ni Nikolai na naka-upo sa sahig. Hindi ako maka-tayo dahil nanginginig pa rin ang mga tuhod ko. Grabe iyong nanay niya!

"Hey," mabilis na sabi niya at pinuntahan ako. "Why are you on the floor?"

Ang lalim ng paghinga ko. "Ganon ba iyong life and death?"

Kumunot ang noo niya. "What?"

Umiling ako. Akala ko talaga mamamatay na ako kanina. Sa dami ng nangyari sa buhay ko, ang daming beses na kinabahan ako... pero iba iyong kanina... na nasa iisang kwarto lang kami ng nanay niya... pakiramdam ko talaga ay isang maling salita ko lang ay magiging katapusan ko na... pero hindi ko rin mapigilan iyong dila ko na sabihin iyong mga salita na iyon.

Kasi dapat malaman niya.

Na hanggang hindi niya tinitigil iyon, wala—sira na iyong relasyon niya sa anak niya. Sigurado ako na kahit ako, walang magagawa para ayusin pa iyon.

"Nikolai."

"Yes?"

"Punta na tayo sa kapatid ko."

Kumunot ang noo niya. "What? Why are you talking like this, Jersey? Are you okay?"

"Maigsi lang pala talaga ang buhay. Tara," sabi ko habang hinawakan iyong kamay niya. "Bahala siya kung ayaw niya sa akin—kapatid pa rin niya ako."

**

This story is chapters ahead on Patreon (patreon.com/beeyotch). 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top